Chereads / Tadhana [ Gaea and Aries ] / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

"DESPERATE to know the truth without knowing you're turning into WICKED."

Natanong mo na ba ang sarili mo kung may mga bagay kang nakakalimutan at kahit anong pilit mong alala roon ay hindi mo pa rin maalala?

Naranasan mo na bang maalala ang isang bagay dahil may isang bagay na nakapagpaalalaa sayo noon?

Tinanong mo na ba ang sarili mo kung naaayon ba ang tadhana sa mga kagustuhan mo? Sa mga dapat mangyari na naaayon sa gusto mo?

Matapos ang insidenteng niyakap ko si Gaea, hindi ko na siya muling nakita sa room namin, pakiwari ko ay lumipat na ito ng ibang room para maiwasan ako.

Gusto kong habulin ito at pigilan sa kung anumang iniisip niyang gagawin pero ano nga ba ako? Ano nga bang posisyon ko sa buhay niya para makialam sa bawat desisyon niya?

Wala.

Ako lang naman ito, yung lalaking laging nagpapaalala sa kaniya ng sakit na kahit anong gawing pag-alala sa nakaraan ay hindi ko magawa.

"Aries!" Rinig komg tawag ni Tyra mula sa likod.

Agad akong lumingon sa kaniya habang nakakunot-noo. Anomg kailangan kaya nanaman nito.

"May chika ako sayo!"

"Hmn."

"Si Gaea nasa room na namin, kakalipat lang kahapon."

"Alam ko." Walang emosyon kong sagot.

Umiling ito sa sinabi ko, "Napakarami na talagang nagbago talaga sayo... Dati hulog na hulog ka sa kaniya, ngayon hindi mo na siya maalala."

Hindi ko naintindihan nang maayos ang huling binulong nito kaya naman bago siya makaalis ay agad ko itong hinila paharap sa akin.

"May sinabi ka Tyra, ano iyon?"

Umiwas ito ng tingin sa akin at pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Dati akong hulog na hulog sa kaniya?

"Teka lang Aries. Nasasaktan ak—"

"Anong sabi mo kanina?" nakatiim-bagang tanong ko.

Kailangan kong malaman iyon! Baka masagot niyon ang mga katanungan ko.

"Aray! Nasasaktan na ako Aries! Bitawan mo nga ako!"

"Aries!" Agap ni Melio saka mabilis na inalis ang pagkakawak ko kay Tyra.

"Gago ka ba? Babae sinasaktan mo pre tapos kaibigan mo pa!" Tinulak ako nito ng malakas saka mabilis na hinapit ang kwelyo ko, inaambahan ng suntok.

Tinitigan ko lang ang mga mata nito, nagpupuyos sa galit ang mga iyon.

May gusto ba siya kay Tyra?

"Kung gusto mong malaman ang nakaraan mo, huwag kang mananakit ng ibang tao." Agad akong binitawan nito saka inalalayan si Tyra.

Umiwas na sa akin ang buong barkada dahil siguro nalaman nila ang ginawa kong pagpilit kay Tyra.

Hinayaan ko na lang silang kumalma at maging ang sarili– sa mga katanungang mas lalong nadagdagan dahil sa mga nalaman ko.

Maulan ngayon dahil buwan ng setyembre, maraming estudyante ang na-stuck sa kani-kanilang room sa kadahilanang wala silang payong na dala o kahit man lang raincoat, gaya ko.

May service naman ako pero napagdesisyonan kong manatili muna rito ng ilang mga sandali para magmun-muni.

"Sinaktan mo raw si Tyra?"

Pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko. Napatingala ako sa taong nagsalita roon. Hindi mahagilap ang sasabihin dahil ito ang unang beses na nilapitan niya ulit ako. Muli. Matapos nang eksenang iyon.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya, "Hindi ko naman sinasadya."

Naramdaman kong tumabi ito sa akin, ngayon tulad ko ay nanonood na ito sa mga estudyante mula sa baba na sinusuong ang ulan paalis sa building.

"Bakit mo ginawa iyon?"

Hindi ko siya sinagot saka tumalikod, handa nang umalis at iwan siya roon.

"Akala ko ba iniiwasan mo na ako? Bakit lumalapit ka ngayon?" puno ng sarkasmong ani ko.

"Pinapakalma ko lang ang sarili ko, Aries. Hindi tulad mo na ang tanging kayang gawin lagi ay manakit at takbuhan ang problema."

Umiling na lang ako sa sinabi nito. Hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Kalmahin mo ang sarili mo, Aries.

"You should calm yourself more. Huwag mo na akong lapitan pa, Gaea."

Tila naghahamon ang boses nitong sumagot, "What if I don't, anong gagawin mo?"

"Wala. Papanoorin lang kita kung paano ka masaktan hanggang sa sumuko ka na," ani ko.

Nakapamulsa akong umalis doon, iniwan siyang nakatulala. Muli kong tinitigan ang pwesto nito, kumislap ang mga luhang lumadas sa pisngi nito.

Biglang kumirot ang puso ko sa nasaksihan pero wala akong ibang kayang gawin kundi panoorin siya habang patuloy na nasasaktan.

I'm sorry, mas gugustuhin kong masaktan ka sa nalalaman mo ngayon kaysa maging masaya ka sa purong kasinungalingan.