Narrator's POV
!!! TAMTAM !!!
Pagalit na sigaw ni Gan sa isang batang galit rin at may hawak na lollipop sa loob ng convenience store. Madungis ang batang naka-bonnet at napakaruming damit. Sila lang ang nasa loob.
"Bitawan mo yang Chupa Chups." Seryosong utos ni Gan.
"Ah. Yaw." Sabi ng Tamtam.
"Edi kukunin ko nalang."
"Ok." Pabalang na sagot ng bata.
Biglang tumakbo papasok ng aisle 3 si Tamtam kung saan nakalagay ang mga hygiene products ng convenience store. Pagkakita sa kanya ni Gan ay huminga ito ng malalim, tinuck-out ang polo uniform ng store, itinaas ang brown slacks, at inayos ang sumbrerong may logo pa ng convenience store. Tumakbo rin papunta ng aisle 3 si Gan pero wala na si Tamtam. Biglang tumalikod si Gan at nakita niyang nakatayo sa pinanggalingan niya ang bata.
"BLEH!" Pagtapos ay tumakbo ulit si Tamtam. "Sabi mo bibigyan mo ulit ako ng lollipop!"
Naghahabulan na sila sa loob ng store.
"Kakabigay ko lang sayo kanina bago ako magtrabaho ah!" Sigaw pabalik ni Gan.
"Nakalimutan ko na e!"
"Seryoso ako Tamtam! ibibigay mo yan o yan na ang huling lollipop na mahahawakan mo."
Patuloy lang silang nagtatakbuhan nang biglang narinig ni Gan ang pag-bukas ng sliding door. Hindi niya ito masiyado inintindi dahil hindi niya pa rin mahuli si Tamtam. Biglang tumakbo ang bata sa bandang entrance at agad namang nahawakan ni Gan ang likod ng sando nito. Hinila ito ni Gan papalapit sa kanya. Kinarga niya si Tamtam na parang baby at nginitian habang ang bata'y mukhang inis. Habang nakatingin ang dalawa sa isa't isa ay biglang napatingin sa harap si Gan kung saan may matangkad na lalaking nakatayo. Napabukas ng bunganga si Gan sa gulat at biglang binaba ang bata. Agad niya nalang sinubo sa bunganga ng bata ang lollipop at umayos siya ng tayo.
"ARAY! MAY WRAPPER PA E-" Sigaw ni Tamtam sa tabi habang sobrang inis.
Sinubsob pa ni Gan ang lollipop para manahimik ang bata. Tumakbo si Tamtam habang galit sa likod at ilalim ng counter kung saan binuksan niya ng maayos ang lollipop. Namumula ang pisngi ni Gan dahil sa hiya sa customer at natawa ang lalake dahil sa nakita.
"Ang cute niyo." Sabi nito kay Gan habang nakangiti.
Nginitian lang rin siya ni Gan bago tumakbo papunta sa likod ng counter ng cashier.
"Good morning po!" Greet ni Gan sa kanya.
Nagpatuloy na ang lalake at kumuha ng baso para punuin ito ng mainit na kape. Habang nakatayo si Gan sa likod ng counter ay inoobserbahan niya ang lalake.
Gan's POV
Hmm. Parang nakita ko na to? Kaso di ko maalala kung saan. Matangkad, gwapo, makinis, maganda damit, parang model? Siguro nakita ko na siya sa commercial...
Habang nakatingin sa kanya na nakuha ng kape sa brewing machine ay napansin ko ang beauty facial mask poster na nakadisplay sa tabi niya.
WHA?! Si Leaf Ballisteros ata to?! Yung nakasama ni Huevo Fondi sa commercial nung facial mask!
Leaf's POV
Nakakainis naman, ang bagal naman ng agos nitong kape. Nakakatakot na cashier e, ansama ng tingin sakin. Pero cute pa rin... tingin ko? Kaso ang weird. Wag ko na nga lang tignan. Nakakatakot na pala... gising ba to?
Narrator's POV
Lumapit na si Leaf sa cashier at nilapag ang kape sa counter. Habang kinukuha niya ang wallet ay nginingitian siya ni Gan.
"Ito lang po sir?" Tanong ni Gan pagka-scan ng cup.
"Magloload rin pala ako."
"Sige po sir! Kaso sira po yung loading machine namin. I-mamanual ko nalang po dito sa system."
"Ok. 1 thousand na load." Sabay lapag ni Leaf ng phone niya sa counter.
Kinuha ni Gan ang phone na dinidisplay ang contact information ni Leaf. Pagtapos niya i-input ay binalik niya na agad ang phone.
"Sir 1,055 pesos po."
Nag-lapag sa counter si Leaf ng 1,100 pesos.
Kumuha ng takip para sa kape si Gan sa ilalim ng counter pero nagsimula nang maglakad paalis si Leaf habang hawak ang kape.
"Keep the change, pasama na rin diyan candy nung bata." Sabi nito bago lumabas.
Kinuha nalang ni Gan ang pera at nilagay sa kaha. Lumabas ulit si Tamtam mula sa ilalim ng counter habang hawak ang lollipop. Tinignan siya ni Gan at parehas na silang mukhang inis.
"Parang ang yabang nun no?" Sabi ni Gan kay Tamtam.
"Swak lang."
"O baka nagmukha akong masama kasi nagkukulitan tayo?"
"Masama ka naman talaga." Sagot ni Tamtam sabay punta sa glass door para umalis. "Tsaka inis ka naman palagi sa mga taong trip mo."
"Meh. Di ko masiyado trip yun. Aalis ka na?"
"Oo." Biglang tinaas ni Tamtam ang kaliwang kamay na may hawak na 100 peso bill habang nakatalikod paalis ng pintuan. "Byeee-" Asar niya kay Gan.
Nagulat si Gan at napatingin sa nakabukas na kaha. "Huling libre ko na yan sayo ngayong linggo ah!" Sigaw niya hangga't sa magsara na ang glass door.
Nanahimik na ulit ang conveniece store. Napaupo nalang si Gan at nanatili sa likod ng counter, naghihintay ng customer na papasok. Di niya napansing hawak niya pa ang takip sana ng kape.
Gan's POV
Hala. Ano ba yan. Paborito ko pa naman yung paglalagay ng takip...
Grabe, wala nanaman akong tulog. Anong oras na ba?
Napatingin ako sa monitor dito sa counter.
Yun! Malapit na pala mag 8am, matatapos na shift ko. Pero... di ko.. na.. ata.. kaya-
Narrator's POV
Biglang bumagsak ang mukha ni Gan sa counter at humilik ng malakas. Wala pang limang segundo ay-
!!! BOWG !!!
Agad na napabangon si Gan dahil sa lakas ng tunog. Napatingin siya sa glass door kung saan pumasok ang isang babaeng naka-backpack at civillian.
"LANGHIYA KAIA, SABI NANG WAG MO SIPAIN PINTO E." Galit na sigaw ni Gan.
"Ano naman? Ako naman naglilinis niyan e." Sabi ni Kaia habang dire-diretso sa stock room na nasa bandang likod ng convenience store.
"Kala ko di ka papasok ngayon."
"Naiwan ko lang ID ko sa stock room." Sagot ni Kaia hangga't sa nakapasok na siya rito. "Nakita ko si Kikay sa tapat ng univ, nakabihis na. Papasok na yun. Sabay na tayo?" Sigaw nito para marinig siya ni Gan.
"Sige, bihis na ko pagpasok ni Kikay."
Tumatakbo na sina Gan at Kaia papasok. Parehas silang naka-backpack at mukhang nagmamadali.
"Anong oras na?!" Sigaw ni Kaia na nauuna kay Gan habang natakbo.
"Last 15 minutes!"
"Tanga to, sabi ko anong oras na tas sasabihin mong 15 minutes."
"10:45 na!" Sabi ng babaeng boses na nasa likod nila.
Napatingin sina Gan at Kaia sa likod nila pero ang katawan nila ay natakbo pa rin papaharap. Nakita nila ang babaeng may dalang milktea at naka-backpack rin. Sinasabayan sila nito sa pagtakbo.
"Uy Colette! Bat late ka rin?" Sabi ni Gan na nasa harap ni Colette.
"Mahaba pila sa milktea e." Sagot ni Colette sa kanya.
"Baka sumakit nanaman tiyan mo diyan ah." Sabi ni Kaia.
"Sacrifices must be done!" Sigaw ni Colette habang nakapikit ang mga mata.
Magkakasamang pumasok sa gate ng Hawkridge University ang tatlo.
"Anong oras na?!" Tanong ni Kaia.
"10:55." Sagot ni Colette.
"Buti naabutan natin shift ni Manang Sabel. Pero asan siya?" Sabi ni Gan.
Maraming tao at tumigil na sila sa paglalakad nang makita ang isang matandang babae na nagwawalis habang naka-utility staff uniform.
"Manang Sabel!" Masayang sigaw ni Gan.
Nilapitan ng tatlo ang matanda.
"O, maaga kayo ngayon ah." Sabi ni Manang Sabel.
Nag-mano isa-isa ang tatlo.
"Inaayos niyo pa rin ang room niyo?"
"Opo, mag-iisang buwan na po pero di pa nagmumukhang club room e hahaha." Sagot ni Gan. "Yung mga trashbag po pala para sa school cleanup namin mamaya?"
"Naku, oo nga pala. Pwede bang kunin niyo nalang sa utility room sa Bonifacio? Ito yung susi." Sabay kuha ni Manang Sabel ng mga susi sa bulsa niya.
Inabot niya ito kay Gan.
"Salamat po!" Sabi ni Gan sabay harap kina Colette at Kaia. "Tara?"
"Gan, gano ba kabigat yung tatlong trashbag?" Inis na tanong ni Kaia.
Napatingin nalang si Gan kay Colette.
"Bibili sana kami ice cream hehe..." Sabi ni Colette habang nakangiti.
"Hihintayin ka namin dito." Sunod ni Kaia.
Huminga ng malalim si Gan bago tumakbo papunta sa Bonifacio building.
"Bibili na ako." Sabi ni Colette kay Kaia bago umalis.
Lumabas ulit ng gate si Colette at tumawid. Saktong tapat ng university ang maliit na ice cream shop.
"Good morning kuya Sam!" Bati nito sa matandang lalakeng nagbebenta.
"Magandang umaga Colette!"
"Yung usual po, tig-isang strawberry at chocolate popsicle."
"Coming right up!"
Habang naghihintay si Colette ay napatingin siya sa sidewalk na puno ng mga estudyanteng papasok. Natuon ang atensyon niya sa pinakamatangkad na naglalakad.
Colette's POV
OMG. LEAF?! YUNG NAKASAMA NI HUEVO SA ISANG COMMERCIAL?! YUNG MODEL BA TO NA NA-RUMOR NA KASALI SA WORLDWIDE TOP TEENAGE MODEL TOURNAMENT 2020, SI LEAF BASTILLEROS?! MAGPAPAPICTURE AKO! HEHE NAIIMAGINE KO NA PAGSESELOS NI GAN!
TUMAKBO AKO PAPALAPIT SA KANYA.
"Hi! Ikaw si Leaf Bastilleros diba?" Tanong ko.
Nagulat siya at mukhang mahiyain... CUTIE
"...yes."
"Pwede magpapicture?!"
<3 WAAAHHH <3
Narrator's POV
Hindi napapansin nila Colette at Leaf na pinagtitinginan na sila ng ilang estudyante sa likod na naguusap-usap.
Kaia's POV
Ang tagal naman ni Colette. Nasa tapat lang yung bilihan ahh- ay.
Biglang dumaan ang guidance counselor.
Ang saya-saya nanaman niyang papasok kasi pinagkakaguluhan siya ng mga babae. Ang weird tignan. Mukha na siyang tatay nung mga babaeng estudyante tapos sobrang close niya...
Ayun! Andiyan na si Colette.
!!! WAAAHHH !!!
Puta biglang nagsigawan mga babaeng kasama nung guidance counselor? Biglang hinahabol yung isang matangkad na lalake? Artista ba? WAH?! BAT HINAHABOL RIN NI COLETTE?! AT BAKIT WALA SIYANG HAWAK NA ICE CREAM?!
Napatakbo na rin ako para sundan si Colette.
"BAT MO HINAHABOL?!"
Kasabay naming natakbo ang isang batalyon ng mga babae.
"SI LEAF BASTILLEROS YUN KAIA!"
"SINO?!"
"MODEL, INFLUENCER, ENTREPRENEUR, MY FUTURE"
"HA?!"
"BASTA, MAMAYA KO NALANG IKE-KWENTO. KASALANAN KO KASI KUNG BAKIT SIYA NAKILALA. NAGPAPICTURE AKO AT DI KO MAN LANG NAISIP NA BAKA PAGKAGULUHAN SIYA."
Mahahabol sana namin ni Colette yung model kaso masiyadong maraming babae at baka marami kaming masanggi. Malapit na kaming pumasok ng Bonifacio building, kung saan kumukuha ng mga trash bag si Gan sa loob utility room.
Gan's POV
Isusunod ko na nga sa next club activity tong pag-oorganize ng utility room. Baka kung ano na namamahay sa loob ng bundok-bundok na mga gamit. Nilagay ko na ang mga trashbag sa bag ko at lalabas na rito sa utility room nang-
!!! WAAAAHHHH !!!
HUH? BAT ANDAMING NASIGAW SA LABAS? Buksan ko nga pinto. Tignan ko lang kung anong nangyayari sa labas- HA-
Biglang pumasok si Leaf Bastilleros na sobrang hinihingal. Urgh ang cute. PERO WAG MO IPAPAHALATA GAN.
"Anong nangyayari?" Tanong ko.
Ilang segundo na at di pa rin siya nasagot. Pagod na pagod sa pagtakbo. Buksan ko na nga pinto para makita ko nangyayari sa labas-
Bigla niya hinawakan ang braso kong inaabot ang door knob.
"Wag." Sabi niya habang nakayuko at hinihingal. "...patago lang muna dito."
Agad kong hinila paalis ang kamay kong hawak niya kasi ang awkward.
Ahhh siya pala pinagkakaguluhan. Hmm... ano kaya pwede kong matulong? YUN! OO NGA GAN!
"Wait!" Sabi ko.
Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang uniform ko sa convenience store. Kinuha ko ang uniform kong jacket at sumbrero. Pagkakuha ko at harap sa kanya ay napatingin siya. Sinuot ko sa ulo niya ang sumbrero.
"Yan!" Sabi ko pagkatapos. "Gusto mo rin ba tong jacket para maiba suot mo?"
Di siya sumagot. Nakatingin lang sakin.
"Uniform pala namin yan sa convenience store kaya may brand name haha. Naka-sweater ka na nga pala kaya ibabalik ko nalang tong jacket ko sa bag."
Tumahimik na rin sa labas kaya aalis na ako.
"Uhm!" Sabi niya.
Napatigil ako. Bigla niyang tinanggal ang suot niyang olive green na sweater. Sumabay din ang suot niyang panloob na t-shirt kaya napatingin ako sa side kasi sa harap ko pa talaga bumungad abs niya e. Pagkahubad niya ng sweater ay inabot ko na ang jacket uniform ko. Sinuot niya ito ng mabilisan.
"...ano palang kapalit?" Tanong niya.
"H-huh?"
"Anong kapalit."
"...wala. Pinahiram ko lang naman haha."
Hinarap niya naman ang sweater niya na parang binibigay.
Mukha siyang mahiyain na sobrang seryoso.
"...para sure na mababalik ko sayo tong uniform mo." Sabi niya.
Hingin ko nalang ba number niya?
"Bigay mo nalang number mo?" Tanong ko.
Di siya makasagot na parang gulat. AY! NAG-MUKHA TULOY AKONG INTERESADO SA KANYA. PERO TAMA NAMAN DIBA? DI YUNG INTERESADO NA PART YUNG TAMA AH, YUNG PART NA PARA MABALIK NIYA UNIFORM KO.
Di ko pa rin kinukuha ang jacket.
!!! BAKA NANDITO SA UTILITY ROOM !!!
Sigaw ng isang babae mula sa labas. UMINGAY ULIT JUSKO PO. NAGULAT KAMI PAREHAS NI LEAF AT AGAD KO NALANG KINUHA ANG BAG KO NA NAKA-BUKAS PA AT UMALIS NG ROOM PARA HARAPIN YUNG MGA BABAE. Bigla kong sinarado ang pinto mula sa labas dahil kaharap ko na ang batalyon ng mga babae.
"Ano po yun?" Tanong ko.
"We're just going to check something." Sabi ng babae.
"Ay ako nalang po titingin sa loob. Bawal po pumasok dito, authorized personnel lang."
Di sila makasagot.
Magkunwari kaya akong ilolock ko na tong utility room para maniwala talaga sila? Hehe.
"Sige po, ilolock ko na to kung wala naman na kayong ichecheck." Sabay labas ng susi at pasok nito sa lock sa taas ng door knob.
"Baka nasa Rizal building na yun!" Sigaw ng babaeng nasa bandang likod.
"Oo nga!" Sunod ng isa pa.
Umalis na silang magkakasama. Inunlock ko na ang pinto at binubuksan ko na. Nang medyo bukas na ay nakita ko nang palabas si Leaf pero biglang-
"GAN!" Sigaw ni Kaia mula sa malayong parte ng hallway.
Magkasama sila ni Colette.
HALA FAN SI COLETTE NI LEAF. BAKA MARINIG NUNG MGA BABAE SI COLETTE PAG SUMIGAW.
AGAD KONG SINARA PABALIK ANG PINTO. NAANINAG KONG NAUNTOG ANG MUKHA NI LEAF NANG BIGLA KONG ISARA PABALIK. NARINIG KO PA YUNG PAGKAUNTOG.
SORRY T.T
"BAKIT?!" Sigaw ko pabalik kina Kaia.
Naramdaman kong binuksan at tinulak ulit ni Leaf ang pinto para umalis. Sumandal ako sa pinto para mag-mukhang sinara ko na ang room. SORRY LEAF MAKAKAALIS KA RIN.
"ABA'Y IKAW LUMAPIT SAMIN. KANINA PA KAMI NATAKBO NI COLETTE."
Tumakbo ako papalapit sa kanila.
"Nakuha mo na yung trashbag?" Tanong ni Kaia.
"Oo. Wait."
Pagkatingin ko sa backpack ko ay nakalagay na ang sweater ni Leaf sa loob. Nilagay niya siguro nung umalis ako.
"Wow! San mo nabili?!" Tanong ni Colette habang nakangiti.
Bumalik ako ng mabilisan sa utility room para kausapin si Leaf. Pero pagkabukas ko, wala nang tao.
End of Chapter 1 - The Olive Green Sweater ~