Chereads / 99.9% Into You / Chapter 3 - Episode 3 - The Scrub and Shine Fine Club Auditions

Chapter 3 - Episode 3 - The Scrub and Shine Fine Club Auditions

Gan's POV

Sa wakas nakapunta na ako sa room 704. Medyo mukha pa ring luma ang club room namin kasi bodega o tapunan lang talaga siya tas kakasimula palang naming irenovate 'to last month which is start ng classes. Kakastart palang ng August pero sobrang busy na namin dahil sa club na to.

Nakabukas lang ang pinto kaya nakita ko na sa loob si Colette. Naka-upo siya sa isang arm chair sa bandang likod at nakataas ang paa sa baba ng window. Nagbabasa siya ng pocket book at nagpapaaraw habang malapit ko na makita ang buong hita niya. Classic Colette. Laging masiyadong inosente para sa mga bagay-bagay.

"Sorry late ako." Sabi ko sa kanya habang hinihingal.

Tahimik na nagulat si Colette at bigla niyang nasara ang binabasa niyang pocket book. Napatingin siya sa'kin.

"Nagulat ako." Sabi niya sa'kin sa malumanay na paraan.

Dumiretso pasok na ako at sinimulang ayusin ang punong trash bag na dala niya para magkatabi ang trash bag namin sa likod. Habang nakilos ako, pinagsabihan ko siya.

"Uy ayusin mo paa mo, pa'no kung may ibang makapasok."

Agad siyang tumayo at inayos ang upo niya. "Naka-shorts naman ako sa loob... oo nga pala, inayos ko na yung mga upuan, tinabi ko yung iba at nag-iwan lang ako ng tatlo sa gitna para sa auditions. Nakita mo ba si Kaia?" Sabi niya.

Napatingin ako sa tatlong arm chair na nakalagay sa gitna at nagsimulang pumunta sa likod para buksan ang bag ko. Nagpatuloy ako makipagusap kay Colette habang nakilos.

"Hindi e, diba kayo ang magkasama kanina? Baka 'di pa siya tapos sa trash bag?"

"Yun pa? E siya naman lagi unang nakakapuno ng trash bag sa'ting tatlo. Tsaka sa quad siya nakaassign ahh. Andaming nalalaglag na dahon dun. Kaso baka may practice yung varsity sa quad? Hala diba nasa basketball team yung binugbog niya noon?! 'Di kaya pinagtripan nanaman siya? Baka nanapak na yun at pinadiretso siya sa office! Tingin mo okay lang siya?! Kung puntahan ko na kaya siya?!"

"Huh? Walang masamang mangyayari dun. Tsaka kung nakipagbugbugan man yun sa mga varsity, wala nang makakalakad sa mga yun para makapagsumbong pa sa office. Mas malakas pa yun sa coach kaya wag ka na magalala."

Pansin ko pa rin ang lungkot ni Colette.

"Uy! 'Di ka ba excited para sa auditions? Umupo ka muna't baka magka-himala at may pumasok." Sabi ko para mapunta sa iba ang atensyon ni Colette.

Umupo si Colette sa right side at napansin kong nabawasan ang tamlay sa mga mata niya.

"Kaso di ko pa rin alam kung anong pwedeng ipagawa sa auditions e..." Sabi ko para maexcite siya. Umupo na ako sa gitna.

"Ah! May naisip na ako kanina!" Biglang sabi ni Colette ng may ngiti. "Kung tanungin kaya natin sila na kung magiging isang bagay sila na panglinis, ano sila at bakit? May nabasa rin ako kanina sa pocketbook ko na nagpaalalang therapeutic nga rin ang paglilinis. Tingin ko naman gugustuhin nilang sumali sa club dahil imbis na magaral o magluto sa club time, edi maglinis nalang para relaxing-" bago pa matapos magsalita si Colette ay nagsalita na agad ako.

"Teka, parang parehas pala kayo ng pocketbook na binabasa ni Felix? Tungkol saan yun?"

"Huh? Pa'no nangyari yun? Luma naman na yung binabasa ko."

"Yieee. Ang talino mo Colette, pero bulag. Mukhang pwet si Felix ah. Although sikat dahil varsity player..."

"Sira. 'Di ko gusto si Felix. Nagkataon lang na-"

!!! BOWG !!!

Narrator's POV

Biglang napatingin sina Colette at Gan sa pintuan dahil may sumipa rito na gumawa ng ingay. Kitang-kita ang isang paa na nakataas sa gitna ng doorway.

"Putangina mo Kaia, usong kumatok AT ILANG BESES KO BA SASABIHING WAG MO SIPAIN ANG PINTO?!" Sigaw ni Gan.

"Di ka pa nasanay Gan hehe..." Sabi ni Colette sakin.

"Kakatok sana ako kung hindi dalawang bag ang dala ko." Sagot ni Kaia sabay bagsak ng dalawang mabigat na trash bag.

"Lagay mo nga yan sa likod! Ang baho!" Dagdag ni Gan.

Mukhang iritado si Gan habang si Colette naman ay halata ang pag-aalala.

"Kaya ka pala matagal kasi andami mong nakuha sa quad." Sabi ni Colette.

"Ba't ba daw kailangan pa timbangin 'tong mga basura? Pwede namang picturan nalang natin yung pagkuha." Sabi ni Kaia habang tinatali ng maayos ang isa sa trash bag.

Agad na tumayo si Colette at kinuha ang isang trash bag. Sabay nila itong dinala sa likod.

Mukha nang inaantok si Gan at halos humiga na sa armchair na inuupuan niya. "Wag mo nang sipain tong pinto ahh, alam mo namang sing-rupok ni Colette 'tong binigay na room."

"Ha?" Seryosong tanong ni Colette habang pabalik sa armchair sa harap.

"Wala." Sagot ni Gan. "Inaantok na ako, wala pa kong tulog dahil sa shift, wala naman atang pupunta e."

"Meron yan." Sabi ni Colette habang paupo at binubuksan ang pocketbook na binabasa.

"Ops, asan etneb ko?" Tanong ni Kaia kay Gan.

Napatingin si Gan sa dalawang trash bag sa likod at huminga ng malalim habang kumukuha sa bulsa ng pera. "Duga e, akin dapat yung quad..."

"Ako 'to e." Asar ni Kaia bago kunin ang bente ni Gan. "Bili lang ako inumin sa baba."

"Sama ako!" Sinara na ni Colette ang pocketbook at tumayo na.

"COLETTE!" Nakakatakot na sigaw ni Kaia.

Nagulat at napatingin sina Gan at Colette sa kanya.

"Wag ka makolet, dito ka lang." Sabi ni Kaia ng seryoso at sinara na ang pinto.

Di pa rin nagalaw ang nanlalaking mata nina Gan at Colette. Tinamad ulit si Gan at payuko na sa armchair para matulog. "Nagkasummer break lang, naging timang na kayong lahat." Sabay tulog sa armchair. Tinaas na ulit ni Colette ang paa niya sa armchair at nagbasa.

Matapos ang tatlong segundo ay may biglang mahinhin na kumatok ng tatlong beses. Napaahon si Gan at parehas silang napatingin ni Colette sa pintuan.

"Kumatok, si Sir Walker yan!" Bulong ni Gan.

Biglang binaba ni Colette ang paa niya mula sa table ng armchair at triny nila ni Gang tumayo ng sobrang bilis para mag-ayos pero hindi pa nila natutuwid ang kanilang tuhod ay bigla nang bumukas ang pinto. Napaupo ulit sila pero nabitawan at napatalsik ni Colette ang pocketbook niya dahil sa pagmamadali kaya agad siyang bumaba sa floor para hanapin sa ilalim ng mga nakatabing upuan. Nagulat si Gan nang makita ang isang lalakeng maputi, may mahabang buhok, at ka-height nila.

"Good afternoon po, dito po ba auditions para sa SSC?" Magalang na tanong ng lalake. Hinahanap pa rin ni Colette ang nalaglag niyang pocketbook kaya si Gan lang ang kausap ng lalake.

"Ay oo, SSFC."

"SSFC?" Tanong ng lalake.

"Scrub and Shine Fine Club." Sagot ni Gan habang nakangiti.

Nagulat ang lalake at agad na hinawakan ang door knob. "Ay mali po pala ako ng napuntahan, akala ko po Supreme Student Council."

Bago pa makasagot si Gan ay agad nang binuksan ng lalake ang pinto para lumabas pero napatigil siya ng makita ang isang babaeng seryoso sa harap niya. Papasok si Kaia ng room.

"Mag-aaudition ka?" Tanong ni Kaia at bigla siyang naglakad papasok kaya takot na naglakad patalikod ang lalake papasok ng room.

Nahanap na ni Colette ang pocketbook at bumalik na sa upuan.

"Ay hindi po," Sinusundan niya ng tingin si Kaia na paupo katabi sina Gan at Colette. "Kasi-" at bago pa matapos ang nanginginig na pagsagot ng lalake ay agad siyang napalingon kay Colette na kasalukuyang nakangiti pabalik sa kanya.

Hinihintay ni Gan ang pagpatuloy ng sagot ng lalake at sa pag-upo ni Kaia ay napansin niyang nakatingin ng gulat ang lalake kay Colette.

"Oy boss." Matigas na sabi ni Kaia na nagpagising sa lalake.

Bumalik ang kaba ng lalake.

Napansin ni Gan na kinakabahan ang lalake dahil kay Kaia kaya kinausap niya si Kaia na rinig naman nina Colette at ng lalake.

"Hindi siya mag-aaudition. Akala niya kasi SSC to-" Bago pa matapos si Gan ay nagsalita na ang lalake.

"Dito na po ako mag-aaudition."

Napatingin si Gan sa kanya at nginitian ng lalake ang tatlo.

"Anong pangalan mo?" Masayang tanong ni Colette.

"Kace po."

"Ohhh. Wag mo na kami i-po, pare-parehas lang naman tayong 1st year college. Ako si Colette. Ito naman si Gan at si Kaia. Wait, wala pala akong papel, susulat ko pangalan mo para makapagstart na." Biglang tumayo si Colette at pinuntahan ang bag niya sa likod.

"Bat mo gustong sumali dito?" Seryosong tanong ni Kaia.

Napatingin si Kace kay Colette na kasalukuyang naghahanap sa bag ng papel at nagiisip ng isasagot.

"Uhmm..."

Kace's POV

Hala anong sasabihin ko? Na ang cute kasi ng isang member?

"Uy. Alam mo ba ginagawa namin dito sa club?" Tanong ni Kaia.

Di ko alam. Nakakatakot naman 'tong Kaia. Parang ang tapang magsalita...

"Tumutulong kami sa utility at technical staff ng school. Nagaassist kami tuwing may events o regular clean-ups para di na masiyado mahirapan yung mga magaasikaso."

Hala buti mabait 'tong Gan. Nangsasalo. Wait, tumutulong sa mga utility staff? Sa mga janitor? Maglilinis lang ako dito sa club na 'to?!

"Sa mga janitor po?" Tanong ko.

"Yup."

Ahhh. Sabagay. Wait, pabalik na si Colette sa upuan niya.

"Gusto mo pa rin ba sumali?" Tanong ni Gan sakin. Siguro dahil mukha na akong di sigurado.

Tinignan ko si Colette bago sumagot. Grabe, sa bahay nga di ako naglilinis, sa school pa kaya at every other day pa 'tong club hours. Makikita ko naman si Colette sa school kahit di ako sumali kaya siguro, wag na.

"Siguro po babalik nalang ako mamaya-" Bago pa ako matapos ay tinaas ni Colette ang papel kung saan nakasulat ang first name ko.

"Tama ba spelling ko?" Tanong niya.

KACE ang nakasulat.

"Opo. Sasali na po ako. Wait lang po, magc-cr lang po ako."

Di ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso takbo na ako palabas. Pagsara ng pinto ay sumandal muna ako sa tabing pader ng pintuan. Grabe. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di na sana ako sasali kaso si Colette. Alam niya kayang siya palang ang nakakatama sa spelling ng pangalan ko sa unang try?

Narrator's POV

"Hala. Mali ata spelling ko." Nag-aalalang sabi ni Colette.

"Ang weird mo naman kasi mag spell." Sabi ni Kaia.

"Nag-iisang nag-audition na nga lang, napaalis ko pa." Sabi ni Colette.

Ngumisi si Gan. "Sira, baka naihi lang talaga."

Pagkatapos ng isang minuto ay bumalik na si Kace.

"Sorry, mali ba spelling ko?" Agad na tanong ni Colette.

"Hindi po!" Napalakas ang sagot ni Kace. "Tama po." Malumanay niyang duktong.

"Sure ka ahh." Sabi ni Colette.

"Opo."

"Kabado lang talaga yan palagi si Colette." Sabi ni Gan. "Anyways, sa totoo lang, kami palang tatlo ang nasa club kaya kailangan talaga namin ng members. As long as willing ka naman tumulong at maasahan ka namin, go lang. Maasahan mo rin kami palagi na tumulong. Iniisip lang rin namin palagi na makakatulong kami sa utility staff since hindi naman sa kanila yung kalat na nililinis nila kundi atin. Sa events rin, tayo rin naman makikinabang at alam nating trabaho nila yun pero hindi rin naman ganun kalakihan ang sweldo nila."

"Sure kang gusto mo talaga sumali dito ahh." Seryosong duktong ni Kaia. "Baka isang beses ka lang namin makita tas tagu-taguan na sa suggested club hours."

"Opo, tutulong po talaga ako." Sagot ni Kace ng may kasamang ngiti.

"Ano pala last name mo?" Tanong ni Colette habang handa na magsulat.

"Yrreverra po."

Biglang nanlaki ang mata ng tatlo at pinagpawisan si Colette dahil siya ang nagsusulat. Bumulong si Kaia ng "Putsa pahirapan sa pangalan e."

Tinuro ni Colette si Kace kaya kinabahan si Kace.

"Wag ka na mag 'Po.'" Sabi ni Colette sabay ngiti.

Nginitian siya pabalik ni Kace.

"Okay, first task, ibaba mo yung apat na trash bag na nasa likod." Utos ni Kaia.

Napatingin sa kanya ang tatlo.

"Ano? Natimbang ko naman na yun kanina." Alma ni Kaia.

"Ha? Ambigat nun ahh. Tutulungan ko na siya." Sabi ni Colette.

"COLETTE!" Sigaw ni Kaia. "Wag ka makolet, diyan ka lang."

"Ayos lang. Ako na bahala." Sagot ni Kace.

"Sure ka?" Tanong ni Gan.

Tumango si Kace at agad na kinuha ang apat na trash bag.

"Lagay mo sa basurahan sa likod ng Jaena Building ah." Sabi ni Kaia.

"Anlayo nun ah." Sagot ni Gan.

"Trip ko dun e."

"At bakit?"

"Mabango dun."

"Para tong sira." Tumingin si Gan kay Kace na bitbit ang mga trash bag. "Kahit dun nalang sa Burgos Bulding."

"Masiyadong malapit. Gomez Building." Sagot ni Kaia.

"Zamora Building, last." Sabi ni Gan.

"Mabini Building, take it or leave it."

Nagkatitigan ang dalawa na parehas mukhang di susuko.

"Alam ko na." Sagot ni Kaia. "Dalhin mo sa faculty room 3, cubicle 13. Sabihin mong baguhan ka at di mo alam kung san dadalhin. Yun na pinakamalapit ha."

"Seryoso po?" Tanong ni Kace.

"Oo, sa'min naman yun magagalit, kami bahala." Sabi ni Kaia.

Umalis na si Kace ng room dala-dala ang mga trash bag. Habang pababa siya ay hindi pa rin matanggal ang ngiti sa kanyang mukha.

"Bili lang ako inumin sa baba, may gusto kayo?" Tanong ni Colette kina Gan at Kaia.

Parehas na ginalaw nina Gan at Kaia ang kanilang ulo para sumenyas na ayaw nila. Umalis na si Colette at naiwan nalang ang dalawa sa room.

"Ikaw ahh Kaia. Obvious pagseselos mo."

"Tanga? Mukhang tubol yung lalake."

"Sira, kay Colette kasi."

"Di ko nga gusto si Colette. Bat ba ang kulit mo?"

"Okaaay. Tutulog nalang muna ako. Pagising nalang ako pag handa ka nang tanggapin feelings mo. Haha joke." Sabi ni Gan sabay tungo sa armchair.

"Haha. Gusto mong di na gumising?"

Nanahimik na ang room at ang tanging maririnig nalang ay ang lumang aircon. Habang tulog si Gan ay mukhang malalim ang iniisip ni Kaia.

Kaia's POV

Hindi naman sana ako nasa tabi mo ngayon kung di lang para kay Colette e.

KAIA'S MEMORY FLASHBACK - CLUB OFFICERS' TRAINING

"Kaia pumalakpak ka nga! Mukhang kinakabahan si Gan oh." Sabi sakin ni Colette habang pinapanood namin si Gan sa stage na nakatayo at kaharap si Pauline Duday.

Putanginang Duday yan.

"GAAAAANNNNN! LET'S GOOOOOO!" Nakakabinging sigaw ni Colette.

Hinampas ko sa batok si Colette.

"Aray, pang ilan na yan ah." Sabi niya sakin.

"Lagi mo ko pinapahiya e. Pinagtitinginan na tayo oh. Debate to." Sagot ko sa kanya.

"Malay mo may audience impact." Malungkot na sunod ni Colette.

"Ewan ko sayo."

Napansin kong nalungkot si Colette. Sanay naman na ako sa mga asaran namin kasi since 1st year high school pa kami magkaibigan kaya paulit-ulit ko pa ring ginagawa. Siguro dahil paulit-ulit ko rin siya masusuyo at mapapangiti ulit.

"Sagot ko na extra pearls mo mamaya." Pang-suyo ko.

Nakita ko lang siya ngumiti kahit nakatalikod sakin, nakatingin kay Gan na magsisimula nang magsalita.

"For the first topic, what is more important for a leader to nurture and showcase to their members? The heart or the mind? House Duties Deputies' Presidential Candidate Number 1, Pauline Du- Du- Dudey? Or Duday? I'm sorry, I mean Pauline Duday-" Seryosong announce ni Sir Walker habang naka mic.

HAHAHHAHAHAHA anlakas na ng tawa ko.

"Shhh. Pinapahiya mo ako Kaia." Seryosong sita sakin ni Colette.

Siraulo to ah. Bumalik na ng panonood si Colette at halatang medyo natatawa rin siya.

"-will prove why it should be the mind while House Duties Deputies' Presidential Candidate Number 2, Ganen de Castro will prove why it should be the heart. We'll start with Accountancy course student Pauline Duday. Your 1 minute will start now."

"First of all, thank you for that wonderful question and I would like to greet my fellow scholars!" Sobrang arteng sabi ng Pauline Duday.

Ang taray ate, pageant?

"-I believe that a leader should follow his or her mind because it is the driving force of a man's creativity. He or she can formulate ideas that will be of greatest benefit to the members and to the betterment of the group's tasks and overall relationship. I believe that you cannot achieve greatness with just the use of your heart since you lack the proper and systematic thinking a brain can provide."

Nagpalakpakan ang audience at tuwang-tuwa si Pauline Duday habang pinapasalamatan ang audience.

"Thank you! Thank you! Yun yon! YES PO. OPO. That's it! Let's go AYE Girls!" Sinisigaw ni Pauline Duday.

Anong AYE Girls pinagsasabi nito?

Biglang may sabay-sabay na sumigaw at tumalon-talon na tatlong babaeng magkakatabi sa audience.

"AYE AYE AYE AYE" Sa bawat sigaw nila ng AYE ay sabay ang pagtalon nila. Nakataas rin ang kaliwang kamay nila. Sa panglimang AYE nila ay kumembot sila ng pababa't pakanan.

Nagtinginan kami ni Colette na mukhang gulong-gulo sa nangyayari.

"Okay, now let's hear the answer of our second presidential candidate for the House Duties Deputies Club, Ganen de Castro. Your 1 minute will start now."

"Uhmm.. naniniwala po akong ang pinakakailangan ng isang leader sa pamumuno ay ang puso dahil ito po ang ginagamit natin para makita ang katotohanan sa ating sarili at sa bawat sitwasyon. Sa mundo po natin ngayon, ang kakulangan sa mga tao ay ang kabutihan o ang simpleng paggamit ng puso. Bilang isang lider, hindi lang po tayo ang magiisip ng ikabubuti ng grupo kundi pati rin po ang mga miyembro. Dapat may kakayanan tayong intindihin sila at  maniwala rin sa kanilang kakayanan. Kung puso po ang gagamitin natin sa pagdedesisyon sa ating mga buhay, wala po tayong magiging pagsisisi dahil naging totoo tayo sa ating sarili."

Siguro puso rin ang ginagamit sakin ni Colette kasi naiintindihan niya na pang-iinis ang pagpapapansin ko. Biglang tumayo si Colette at sumigaw-sigaw at pumalakpak kasabay ang audience. Kahit pinapahiya ako nito, okay lang.

END OF KAIA'S MEMORY FLASHBACK - CLUB OFFICERS' TRAINING

Narrator's POV

Matapos ang tatlong minuto ay pumasok na ulit si Colette sa room ng may dalang grapes-flavored zesto.

"May mag-aaudition pa ba? Bagsak na tong isa dito e, inaantok na rin ako." Sabi ni Kaia.

"Meron pa yan, tiwala lang." Sagot ni Colette habang nainom ng zesto at nagbabasa ng pocketbook.

Tumahimik ulit ang room at mukhang malalim ang iniisip ni Kaia nang biglang may kumatok.

"Ambilis mo ahh." Sabi ni Kaia kahit di pa nagbubukas ang pinto dahil iniisip niyang si Kace.

Bumukas ang pinto at sumilip ang isang lalake. Kalahati lang ng mukha nito ang nakikita dahil nakatago sa pintuan. Napangiti si Kaia habang si Colette naman ay nagulat. Napatalikod siya habang sumisipsip ng zesto.

"Ito po ba yung room ng SSC?" Tanong ng lalake sabay ngiti kay Kaia.

"SSFC to." Seryosong sagot ni Kaia.

"SSFC?"

Biglang bumangon si Gan ng magulo ang buhok at hindi pa masiyadong dilat ang mga mata at humarap sa lalake.

"Scrub... and Shine... Fine Club..." Sabi ni Gan ng malumanay dahil hindi pa masiyadong gising.

Mukhang nagulat ang lalake.

"Ay, right. Scrub and Shine Fine Club." Sabi ng lalake.

Humarap ng kinakabahan si Colette at di pinapahalata ang kilig. Tumigil siya sa paginom ng zesto at tinuro niya ang gitna sa harap ng room.

"Dito nalang po yung mag-aaudition." Sabi ni Colette habang nakangiti.

Gan's POV

Tinodo ng lalake ang bukas sa pintuan para makapasok at sobrang tangkad nito. Pamilyar suot niya... maganda rin ang katawan... in short, mukhang modelo...

"Hi! Good day, I'm ... from the archi...ture de...tment."

Inaantok talaga ako... di ko siya masiyado marinig... di ko maintindihan... ahhh kaya pala pamilyar suot niya... bat naka-uniform ng convenience store tong mag-au-audition? Katabi ko si Kaia ahh. Sino ba to?

Kinusot ko ang mga mata ko at inayos ang buhok. Nakita ko na ng maayos ang mag-au-audition.

Putangina.

End of Chapter 3 - The Scrub and Shine Fine Club Auditions ~