Chereads / 99.9% Into You / Chapter 2 - Episode 2 - The EQUALS Partylist

Chapter 2 - Episode 2 - The EQUALS Partylist

Narrator's POV

Sa faculty room 3, busy ang mga professors sa iba't-ibang mga bagay. May mga nagamit ng laptop, nagchecheck ng paperworks, at meron ring mga nakain sa sarili nilang mga cubicle. Sa bandang gitna ng faculty room ay nakaupo ang isang fresh-graduate na binata. Mukha itong problemado sa pagsagot ng kanyang personal records sa laptop.

Sir Walker's POV

Haaays. Pangalawang buwan ko na to dito sa Hawkridge pero di ko pa rin maayos records ko. Bakit ba kasi nagloloko palagi website nila? Pero focus lang Walker. Kaya mo to. Marami ka pang aasikasuhin ngayong araw. Baka madagdagan lang diskriminasyon nila sayo dahil ikaw ang pinakabata dito... pero bakit ba sila ganun? Dahil lang first year of teaching ko, kailangan bang sobrang baba na ng tingin ng ibang professors sakin?

Napatingin ako sa professors na nandito sa loob ng faculty.

Ayun. Si Ms. Rivera. Laging nagpapatimpla ng kape. Dinaig ko pa barista.

Sa kabila naman, si Mr. Cruz. Laging nagaabot sakin ng mga papeles na gawa ng mga estudyante niya dahil matanda na raw siya at makakalimutin. Para sakin malaglag ang responsibilidad at kung sakali, yung sisi pag nawala.

At pag lumingon naman ako sa kanan, oh... si Sir QT... grabe.

First time na may nagpapa-tibok ng puso ko. Bukod sa lakas ng sex-appeal niya, siya rin ang pinakamabait sakin dito sa faculty room. Mukha na siyang tatay at parang nasa 30+ years old na. Pero ang ganda ng katawan niya. Kasal na kaya siya? Hays. Mismo ngang meaning ng QT na nickname niya di ko alam e... WOAH. BIGLA SIYANG NAPATINGIN.

BUMALIK AGAD AKO SA PAGGAMIT NG LAPTOP. NAPANSIN NIYA KAYA?!

Kalma lang Walker... wag mo nalang siya tignan pabalik. Baka isipin niya lang rin naman na natulala ka lang o kung ano. Wag ka mag overthink... pero pwede naman siguro last na silip? Icheck mo lang ng isang beses... isang beses lang naman... last na...

Pagkatingin ko ulit sa cubicle niya ay wala na siya. San kaya siya nagpunta?

"Sir Walker."

BATI NIYA SA LIKOD KO. GRABE. NAKAKAGULAT.

"Inaasikaso mo pa rin online records mo?" Tanong niya sabay yuko para makita pa ng mas malinaw ang ginagawa ko sa laptop.

"Ah! Ah... oo sir haha..."

"Haha. Ganyan din ako nung first year of teaching ko dito. Paulit-ulit kong ininput ang personal data. Ang gandang school ng Hawkridge pero palaging sira ang system."

Bigla siyang nag lean-in sa laptop ko at sobrang magkadikit na kami. Sinimulan niyang gamitin ang laptop ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Uusog ba ako palayo?!

"Sir, diba kayo ang adviser ng Scrub and Shine Fine Club?" Tanong niya sakin.

"Yes po sir."

"Pwede humingi ng favor?"

!!! SER WALKER !!!

Napatingin ang mga professor sa sumigaw na babae sa bandang entrance ng faculty room. Hays. Of course. Si Kaia lang naman ang nasigaw sa faculty. Pumunta papalapit ang natatanging tatlong members ng Scrub and Shine Fine Club. Ang club advisory ko.

"Nandiyan na pala ang mga alaga niyo sir. Mamaya ko nalang sabihin." Sabi ni Sir QT sabay ngiti.

Bumalik na sa cubicle niya si Sir. Gagaling talaga manira ng moment.

"Sir ayaw maniwala ni Kaia na sa function room siya ngayon naka-assign." Sabi ni Gan sakin.

"Sa function room ka naka-assign ngayon Kaia." Sabi ko.

"WALA NAMANG KALAT DUN E SIR. Pahirapan punuin yung trashbag." Sagot ni Kaia.

"Kahit ako nalang sa function room Kaia! Sa location nalang kita." Sabi ni Colette na halatang nag-aalala dahil naiipit kina Gan at Kaia.

"Mas ayaw ko sa school entrance." Sagot sa kanya ni Kaia. "Sa quad nalang ako. Baka di rin naman kaya ni Gan mga varsity dun."

Hays.

"Gan, bilang president, ipaubaya mo na ang quad." Sabi ko.

"SIR-" Di natapos si Gan dahil nagsalita na agad si Kaia.

"SALAMAT SIR!"

Nakita kong umalis na ng faculty room si Sir QT. Start na ata ng first subjects.

"Pumasok na kayo." Sabi ko sa tatlo. "Wag niyo kalimutan yung club auditions pagkatapos ng clean-up niyo ha."

"Sir wala namang mag-aaudition." Sabi ni Kaia.

"Meron yan. O siya, alis na!"

Umalis na ang tatlo ng faculty room. Bumalik na ako ng tingin sa laptop ko para magpatuloy at- NAKAKAINIS NA TONG SYSTEM AH. NADELETE NANAMAN ANG RECORDS KO. Pero walang madudulot na mabuti ang inis mo Walker. Kaya i-input nalang ulit ang lahat. Kalma lang.

"Professors, attention muna."

Napatingin ulit ako sa entrance at nakita ang guidance counselor na nakatayo.

"May ia-announce lang ako." Sabi nito.

Nakatingin na ang lahat ng mga natitirang professor sa loob ng faculty room sa kanya. Tumigil ang lahat sa pagtratrabaho.

"As you may already know, nag-enroll dito sa university si Leaf Bastilleros. Isang professional model at social media influencer. Pinagkaguluhan siya kanina ng ibang estudyante."

Hmm. Diba itong guidance counselor ang naiissue sa university na masiyadong malapit sa mga babaeng estudyante?

"Kung maaari, pakisabihan nalang ang mga madadaanan niyong klase na kailangan respetuhin ng lahat ang privacy ng bawat isa. Wala na rin sana ritong magpapakalat ng class schedule and information ni Leaf Bastilleros. That's all. Thank you." Sabay alis nito ng faculty room.

Balik nalang ako sa pag-i-input ng information ko sa online system ng school- AT NADELETE NANAMAN LAHAT ARGHJWMNSJDJWJXJJDJSMX

———

Narrator's POV

Nasa klase si Kaia at katabi niya si Colette. Tinuturuan sila ng subject na Agriculture. Nakikinig at nag-ta-take down notes si Colette habang si Kaia ay mukhang makakatulog na.

Kaia's POV

Pwush. Ang boooorrrrriiiing. Gusto ko na matulog... pero bawal... cr na nga muna ako at tatalon-talon ako dun para magising...

Tinaas ko ang kamay ko.

"Yes, Ms. Valencia?" Tanong ng teacher.

"Ma'am, cr lang po."

Nag-nod lang ang prof at tumayo na ako para umalis.

"Kaia!" Sigaw ng isa kong kaklase sa likod.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Tao ka, hindi cr haha..." Sabi niya.

Tangina? Grade 1 tayo ate?

Mga katabi niya lang ang tumawa. Sinagot ko nalang.

"At mukha kang inidoro pero may sinabi ba ko?" Sagot ko na kinainis nila.

"MA'AM!" Agad na sigaw ni Colette. "Cr din po ako pagkatapos ni Kaia hehe..."

Naka-focus na sa kanya ang klase.

"Pwede po pala paexplain ulit nung last slide?" Tanong niya pa.

Lagi naman ganyan si Colette. Taga-salo ko.

Naglakad na ako paalis.

Habang nadaan sa hallway ay may naririnig akong naglalakad sa bandang likod ko. Di ko sure. Pagkatalikod ko ay nakita ko sa malayo ang isang matangkad na lalaking naka-cap at jacket ng uniform namin ni Gan sa convenience store. Sino yun? Baka ka-trabaho namin.

Puntahan ko nga.

Bumaba na ng stairs ang lalake at mukhang nagmamadali. Tumakbo rin ako para sundan siya. Dire-diretso siya ng takbo hangga't sa 2nd floor, wala na siya. Sobrang tahimik na ng hallway. San kaya yun nagpunta? Bahala na nga. Cr na ako dito sa 2nd floor. Andito naman na ako-

Putangina. NAGTATAGO PALA SIYA SA HARAP NG CR NG BABAE.

Nakatalikod siya at nagkukunwaring natingin sa vendo machine. E puro napkin lang nandon. Sino ba to?

Nagulat siya nang makita ako.

Hahaha. Kung sinuswerte ka nga naman oh... Leaf Bastilleros.

Narrator's POV

Binuksan ni Gan ang malaking itim sa trashbag. Napatingin siya sa isang poster na nakadikit sa hallway ng school.

Gan's POV

Ugh. I never liked the school elections anyway.

Sabi ko habang nakatingin sa poster ng EQUALS Partylist. 2:30 na at kakalinis ko lang ng stairs sa tabi ng function room kaya tumigil muna ako at nagpahinga. Sa pag-upo ko naman, napokus ang atensyon ko sa poster ng EQUALS Partylist na nakadikit sa tabi ng entrance ng function room. 1st year college palang kami kaya ang available lang na spots para samin ay Council Member. 5 Council Members lang ang makukuha. Naiinis lang ako kasi nasasayang lang yung extra credits na binibigay nito sa mga pa-popular sa school. Imbis sana mapakinabangan ng mga scholar yung extra credits, napupunta lang sa mga puro pagwapo at paganda lang ang alam. Inofferan din naman ako nung kabilang partylist kasi naisip daw nilang baka may edge pag lalake ang tatakbo dahil puro babaeng 1st year college ang may gusto. Pero natrauma na ko. Ayoko nang maulit ang nangyari nung Club Officer's Training... WHA?! SPEAKING OF. SI PAULINE PALA TONG ISANG RUNNING AS COUNCIL MEMBER.

I mean, inexpect ko naman na. Si Pauline nga pala yung tipo ng tao na gustong-gusto yung pinaguusapan siya. Sobrang toxic niya rin at manipulative. Kaya siguro di siya maiwan ng tropa niyang AYE Girls. Pinanggigigilan niya ako kasi napahiya siya noong Club Officer's Training. Pinagdebate kami since parehas kaming nag-run for president sa iisang club. Simula nun, lagi na niya ako pinaplastik at pinagtritripan. Yung tipong mabait siya sa labas pero kayang-kaya niya gumawa ng masama sa ibang tao. Proven and tested. Pero stop Gan. Gusto niya tong lagi siyang iniisip. Iba nalang problemahin mo.

Napatingin ako sa picture ng apat pa niyang kasamang running for Council Members. Baka may nakasama rin ako sa Club Officers' Training. Inisa-isa ko ang tingin.

Hmm. Nope; di ko to kilala; di ko rin yan kilala; ay putangina. Si Leaf Ballisteros?! Yung model na bumili sa store kanina?! Sure nang mananalo to. Popular e. Kung alam lang nilang mayabang-

"HOY!" Sigaw na mula sa function room.

"AY PUTANGINA MO!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Napatingin ako sa loob ng function room since bukas naman yung malaking sliding door at nakaupo sa isang gilid si Felix.

May hawak siyang pocket book at parehas kaming mukhang inis sa isa't isa. Ang dilim sa loob kaya 'di ko siya nakita. Binuksan ko ang ilaw at napatakip ng mata si Felix dahil sa sobrang liwanag.

"Tangina malapit nang magmukhang langit e, andito ka lang kuya." Sabi ni Felix habang nakapikit.

"Tangina mo rin santanas." Sagot ko.

Speaking of mga nakasama sa Club Officer's Training... Felix.

"Ang sarap ng buhay kong nagbabasa dito tas bigla ka lang diyan susulpot at tatayo ng nakayukot noo. Nakakatakot itsura mo, mukhang dikit-dikit na pwet noo mo habang nakatingin sa pader." Sigaw ulit ni Felix kasi naiinis siya at nasa bandang labas pa rin ako ng function room habang nasa loob siya. 'Di rin siya masiyadong natingin sakin kasi nagbabasa pa rin siya.

"Ako pa talaga nagmukhang pwet sa'ting dalawa, hayop ka. At tsaka ba't ka ba kasi nandito habang club hour, wala ba kayong practice?"

"Di ko nga alam e. First time na nag-cancel."

Napangiti ako dahil sa nakita kong opportunity. Pero bago pa ako makapagsalita, nalaman na ni Felix ang sasabihin ko.

"Di ako sasali sa club mo, mag-linis ka diyan ng mag-isa."

Bigla ko pinalitan ang ngiti ko ng inis at kinuha ang trash bag ko sa tabi ng pintuan ng function room. Kailangan ko pang punuin ang wala pa sa kalahating-punong trash bag na hawak ko kasi sa club naming 'Scrub and Shine Fine Club', ang monday club hour ay para sa overall school clean-up. Nakakahiya naman kung ako pang president ng club ang hindi makakasunod sa club activity rules. Bakit naman ba kasi napunta pa sa'kin ang Rizal Building T.T Langhiya talaga ni Kaia. Wala naman dito halos nadaan dahil puro facilities lang andito at tuwing monday, walang nagamit ng facilities dahil may club hour. Hinila ko paalis ang trash bag para di ko na makita ang kupal na si Felix at nadaanan ko ulit ang poster ng EQUALS Partylist. Hala. Uminit na ulo ko dahil kina Pauline at Felix...

Magfofocus na nga lang ako sa pagpupuno nitong trash bag. Habang naglalakad ay napatingin ulit ako sa poster ng EQUALS Partylist. Napansin kong sa bawat hallway per floor ay may atleast 20 posters nila. Omg. Ang talino ko talaga. Kukuha ako ng 15 per floor dito sa Rizal Building at since wala rin halos nadaan ngayon dito, walang kailangan makaalam hehe :))

Tumatakbo ako ng may ngiti sa bawat floor habang pinupuntahan ang mga nakadikit na poster.

Boom! After 4 floors, napuno ko na trash bag ko. Mas madali pala kaysa sa inexpect ko kasi matigas na papel gamit nila so pag crinumple, malaki. Chineck ko ang oras at saktong malapit palang mag 3PM. Pinasan ko ang trash bag at dumiretso sa Bonifacio Building kasi andun yung club room namin. Grabe, habang papunta 'ko, 'di ko alam kung ano mararamdaman kasi saktong 3PM, mag-oopen ang lahat ng clubs for auditions at mostly sa mga nakasama kong officers ng ibang club, puro last year na nung college students. Except saming Scrub and Shine Fine Club at House Duties Deputies kasi kakadagdag lang ng mga club namin. Ang president naman ng House Duties Deputies ay si Pauline; kung samin puro linis at tulong sa technical team, sila naman ay pagluluto, pagtatahi, etc. Putangina sasagwa ng club names e. Baduy talaga ng teachers dito.

Nasabi kong 'di ko alam ang mararamdaman ko kasi alam ko namang wala rin mag a-audition sa club namin. Jusko, sa pangalan palang na 'Scrub and Shine Club', lalayuan na agad ng lahat kasi sino ba naman ang gustong mag-linis ng school?! Pero di naman lang kami puro linis. Natulong din kami sa pagaayos ng mga nasisirang gamit sa school at pagrerenovate ng mga rooms na marami nang pinagdaanan kaya hindi na ginagamit. Malaki rin kasi ang school namin. Total of 8 buildings na umaabot sa 8 floors per building. Okay naman ang itsura ng school kasi lumang design. No choice naman na rin ako dito kasi ito may pinakamagandang scholarship offer mula sa mga napasa ko.

Dito ko nakilala mga pinaka naging bestfriends ko tulad nina Colette at Kaia. Nakilala ko sila sa Club Officers' Training na nangyari nung summer. Pinagtipon-tipon nila ang mga bagong scholars doon at nirequire na maging officer sa mga bago at lumang club para sa extra credits. Naalala ko pa kung pano kami nagkakilala.

GAN'S MEMORY FLASHBACK - CLUB OFFICERS' TRAINING

Gan's POV

Nagtipon-tipon ang mga bagong scholars ng Hawkridge University sa main covered gymnasium nito at sa tanghaling tapat, malapit nang magsimula ang Club Officers' Training. Nakalagay sa baba ng stage ang malaking table na maraming papel kung saan nakalagay ang listahan ng mga bago at lumang clubs.

Habang ang lahat ay nakaupo sa side ng covered gym, ako ay nakatayo at natingin sa listahan ng mga clubs.

Hmm. Ano kaya pipiliin ko? Kung gusto ko magkaron ng maraming extra credits, dapat mas mataas ang posisyon na makukuha ko. Siguro president! Pero kaya ko ba yun? May trabaho pa nga pala ako. Pero kaya yan! Ay. Ang lakas ng loob kong magpresident e di pa nga ako sure kung may slot pa for president sa mga club. Lalo na't first year palang ako. Let's see. Hmmm. Puno na sa computer club, pati library club, tsaka theater club, music club, at math club, biology club, so in short puno na ng higher year students yung mga lumang club. Hays. Pano naman sa mga bagong clubs? What? Bat ang we-weird ng club names ng mga bagong club. House Duties Deputies at Scrub and Shine Fine Club? Wala pang pangalan dito sa Scrub and Shine Fine Club pero di ko naman alam kung anong gagawin dun. Magaling naman ako sa mga gawaing bahay kaya siguro try ko mag run for president sa House Duties Deputies! Sino kaya tong makakalaban ko? Pauline Duday? HAHAHAHAHA Ang sagwa ng last name ha.

Sinulat ko na ang pangalan ko sa second and last slot for presidency ng House Duties Deputies. Pagkatapos ay umupo na ako sa tabi ng covered gym at naghintay sa pagsisimula ng program. After 20 minutes ay may umakyat nang lalakeng teacher sa stage na may hawak na mic. Tinapik muna nito ang mic ng dalawang beses para malaman kung ito'y nagana at sa paggawa nito ng ingay, nanahimik na ang nasa hight 100 na taong nasa covered gym.

"Magandang tanghali Hawkridge scholars. I'm a new professor here, you can call me Sir Walker, and I would like to welcome all of you to the university." Pagbati ng mahinhin na teacher habang nakangiti. "We will now begin our yearly Club Officers' Training which is exclusively for scholars in hopes to fill-in certain club positions in new and old university clubs. Firstly, we'll review the club papers you've all filled-up and then we'll start with the opening remarks from our honorable dean then it will be followed-up with the debate of the candidates for each club. Thank you and once again, welcome."

Bumaba na ng stage ang teacher at nakipagusap sa mga estudyanteng nagmamanage rin ng event.

HA? ANONG DEBATE? AKALA KO VOTING LANG YUN TAS HULAAN NA KUNG SINO IPAPANALO SINCE DI PA NAMAN KAMI MAGKAKAKILALA. ANO BA YAN.

"Pssst." Bulong ng isang tao sa tabi ko.

Tumingin ako sa pinanggalingan which is sa kaliwang side at saktong sa tabi ko ay may babaeng nakaupo at nakangiti sakin.

"Anong sinalihan mo kuya?" Sabi niya sakin.

Mukha siyang mabait kasi besides sa nakangiti ay light rin ang boses niya. Mukha akong kinakabahan kasi hindi naman ako sanay o komportable makipagusap sa mga taong di ko kilala kahit sa convenience store ako nagtratrabaho.

"Uhmm, triny ko lang sa House Duties Deputies." Sagot ko ng mahinhin sa kanya.

"Ahhh. Kami sa Scrub and Shine Fine Club."

"Tungkol saan pala yung club na yun?"

"Di ko rin alam e. Hehe." Sagot niya sakin. "Ano pala pangalan mo kuya?"

"Gan. Ikaw?"

"Colette!" Sabi niya ng habang nakangiti. "Nice to meet you!"

Nginitian ko lang ulit siya at tumingin na ako sa kanang side para di maging awkward at humaba pa ang usapan. Gusto ko nalang to matapos T.T

"Gusto ko nalang to matapos huhu." Biglang sabi ni Colette.

Napatingin ulit ako sa kanya kasi baka gusto niya lang talaga ng makakausap.

"Kaya nga e ang tagal-" Bago pa ako matapos ay nagsalita ulit siya.

"-GUSTO KO NA NG MILKTEA!" Sigaw niya biglaan na nagpatingin sa mga katabi namin. Nag-aalala na tuloy ako kasi kanina lang nakangiti siya tas bigla na siyang paiyak nang maalala niya ang milktea. Di ko tuloy alam gagawin ko! Nakapikit na si Colette at mukhang malapit nang may malaglag na mga luha sa mata niya nang biglang may humampas sa batok niya kaya natauhan siya bigla.

"Pinapahiya mo rin ako tanga." Sabi ng babaeng may malalim na boses sa tabi ni Colette.

"Oy." Sabi ng babae sakin.

Napasilip ako sa tabi ni Colette kung saan nanggagaling ang boses at sumilip pabalik ang babaeng mukhang galit.

"Anong tinitingin-tingin mo jan?" Tanong niya sakin ng pagalit.

Napabalik ako sa posisyon ko at tumingin nalang ulit sa stage bigla. Nakakatakot.

"Joke lang, ako si Kaia." Sabi niya sa seryosong paraan.

Napatingin ulit ako sa kanya pabalik at ngumiti.

"Gan." Sunod ko.

"Kawawa ka naman e, mukhang senti mode ka jan." Sagot niya.

Siraulo to ah. Kala mo kung sino. Nagmukha akong seryoso at si Kaia naman ay mukhang nangaasar. Biglang kinabahan si Colette dahil pinaggigitnaan namin siya.

"Hahaha... haha.. ha... ano pala course mo Gan?" Tanong ni Colette para maiba ang topic.

"Literature." Sabi ko ng may kasamang ngiti kasi mukha namang mabait si Colette.

"Uy congrats! Mahirap daw makapasa sa lit course dito ahh. Mostly daw kinukuha nila sa mga probinsiya? Tapos nandito ka pa sa Club Officers' Training so scholar ka?!"

"Oo haha... sa probinsiya rin ako galing. Sa Iloilo."

"HALA! AKO RIN! TAGA-SAN KA DUN?!"

"Dingle."

"WOW! ANILAO AKO! MAGKALAPIT LANG TAYO! Kaso dun lang ako lumaki. Lumipat na rin kami dito ng 9 years old ako..."

"Talaga?! Ano pala course mo?"

"Agriculture! Same kami ni Kaia ng course at magkaklase na kami nung high school pa kaya sabay kami nag-apply."

"Walang nagtanong Colette." Sabat ni Kaia.

"Pagpasensyahan mo na si Kaia, ganyan talaga yan, masasanay ka rin. Kung mas naiinis siya, mas okay ka sa kanya."

Kakaiba ha. Matagal na ata silang magkaibigan.

"Hahaha. Matagal na kayong magkaibigan?" Tanong ko.

"Since 1st year high school pa!"

"Ahhh..."

"Samahan mo kami magmilktea ha." Nakangiting sabi ni Colette sakin.

Di ko sigurado pero tingin ko nararamdaman niyang wala pa akong mga kaibigan. Di ko rin maexplain pero feeling ko magiging close kami. Maski tong maangas na Kaia.

END OF GAN'S MEMORY FLASHBACK

Gan's POV

Halos lahat ng bagay alam nila sa'kin kahit hindi ako masiyadong talkative na tao. Madalas kasi imbis na sabihin ko outloud, sinasabi ko nalang sa isip ko para iwas sa lahat. Si Kaia ang vice president ng club namin habang si Colette naman ang lahat ng position afterwards HAHAHAHA tatlo lang kasi kami sa Scrub and Shine Fine Club. Kakatayo lang kasi ng Scrub and Shine Fine Club dahil sa request ng mga utility staff dahil sobrang kalat na ng university. Sa House Duties Deputies pala ako nag-apply as president at natanggap ako pero—

-Putangina parang ang tagal ko nang nataas ng stairs ah. Sino ba naman kasi nakaisip na sa 7th floor ang club room namin?! Itataas pa namin lahat ng walis, dustpan, trash bag, etc. sa 7th floor?! Jusko buti isang hagdan nalang...

End of Chapter 2 - The EQUALS Partylist ~