Chereads / Reunited Strangers [BxB] / Chapter 1 - Prologue

Reunited Strangers [BxB]

🇵🇭kekeron
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Goodluck my boy" Nakaramdam naman ako ng tuwa ng tapikin ako ni mika sa likod.—Wow supportive best friend!!!

"Tawagan mo ko kevs pagtapos mo ah. Bilisan mo lang ayoko magutom tyan ko 'saka 1 hour lang yung break kaya alam mo na" sabi sakin Mika sabay kindat ng isang mata nya sa akin. "Sige na, sige na. Bibilisan ko na Mika, pag nabigay ko na itong regalo at makapagconfess nako tawagin kita agad." Sabi ko ng seryoso na biglang ngumiti.

"Goodluck baby boy!!" Sigaw ni Mika na naging dahilan ng pagtingin sa amin ng mga kaklase namin.

"Yieeeeeeeee" sabi ng mga kaklase namin na maiingay. Yung iba naman kase walang pakialam, yung iba naman nakikisabay lang at yung iba ay talagang napakaingay. "Shhhh ano ba? nasa room tayo" pinagdilatan ko ng mata si Mika habang nakalagay ang isang daliri sa labi ko.

Alam kong naintindihan nya kaya napatingin sya sa mga maiingay naming kaklase. "Don't worry guys, it's not for me. It's for his guy" Sabi nya sa mga kaklase namin sabay turo sa regalong hawak ko. —Eeehhh? Mika! anong ginagawa mo?!

"Kay Mr. Genius ng school?" tanong ng kaklase naming bakla kay Mika. "Exactly!" Sabi ni Mika kasabay ng biglaang pagturo sa kanya. "Nako teh! Marami nagbibigay ng Regalo kay Mr. De Chavez do you think he will remember you?" Napahinga ako ng malalim at hindi ko na sila pinansin baka mas lalo pang humaba.

"Inggit ka lang teh!" Pangaasar ni Mika sa bakla naming kaklase. "Tse!" Sabi nung bakla sabay baling ulit sa ginagawa nya. Nagsibalik narin sa kani kanilang ginagawa yung mga kaklase namin 'nung wala nang nagsasalita sa amin.

Napahawak nalang ako sa noo ko at umalis na. Hinayaan nadin ako ni Mika na makaalis dahil nagugutom na sya kaya need ko na bilisan ang gagawin ko. Kinakabahan ako but i need to do this. Hindi ko ito gagawin kung alam kong wala akong pag-asa. I know he like's me too. Then i'll do my best to make this work.

Nasa Hallway na ako. Habang dahan dahan ako naglalakad ay dahan dahan ding lumalakas ang kaba sa dibdib ko. We're on the same floor lang naman eh kaya dahan dahan ako naglakad patungo 'dun. Sa Room 8/13 sya and nasa Room 2/13 lang naman room ko kaya konting lakad lang 'nandun nako.

Malapit nako sa Room nila when i hear someone's talking in the room.

Alam kong boses ni Tyron iyon kaya napahinto muna ako sa likod ng pinto. Napangiti ako sa kinatatayuan ko—i want to surprise him.

"Are you gay bro?" Rinig kong sabi ng isa nyang kasama sa room. Napatago nalang ako sa likod ng pinto habang nakikinig sa usapan nila. "No!! i'm not bro" naramdaman ko yung galit sa pagbitaw ng salita ni Tyron.

Sinilip ko ng kaunti yung ulo ko para tignan sila mula sa labas. Nakita ko Si Tyron na nakaupong nakatapat pintuan at yung dalawa nya namang kasama ay nakatalikod. "How about that boy? yung lapit ng lapit sayo?" Nagulat ako ng tanungin ng isang kaibigan ni Tyron 'yon —i know it's me

"Kaya nga bro? Napapansin 'din kita na nakatingin sa lalaking yun. Like you want to eat him bro. You're also being good to him compare to others" sabi naman ng isa pa.

"Mga bro, i already said it. I-do-like girls. I don't like guys!" Medyo inis na sabi ni Tyron. "Being good to him? Mabait ako sa lahat specially sa fans ko dito. Kaya pwede ba tigil tigilan nyo na kakatanong saakin nyan" Inis na sabi nya.

Para akong binagsakan ng isang malaking bato sa dibdib. —i dont want to hear this anymore

"But bro, pinaasa mo yung tao. I think he's already in loved with you" nakita ko kung paano mainis si Tyron sa sinabi ng kaibigan nyang iyon. "Then that's his problem bro. He like's me but i don't like him" Inis na sabi ni Tyron sa dalawa.

Tumulo ang luha ko ng marinig ko yung salitang 'yon. So all of the sudden ako lang pala 'tong umaasang magkakaroon kami ng something. Umaasang gusto rin nya ko. Tanga ko para hindi mapansin na hindi nya pala ako gusto. So he's just being good to me kase he think's that i am his fan? What a freak.

"May kailangan po kayo?"

Agad napukaw ang pansin ko sa babaeng biglang nagsalita.

"Nothing." Sabay punas ng luha ko at agad ding umalis sa kinatatayuan ko.