Chapter 2 - 01

☀︎︎☀︎︎𝙆𝙚𝙫𝙨 𝙋𝙤𝙫☀︎︎☀︎︎

𝑨𝒍𝒂𝒓𝒎 𝒄𝒍𝒐𝒄𝒌𝒔 𝒓𝒊𝒏𝒈𝒔....

Agad kong pinatay ang alarm gamit ang kamay ko nang hindi manlang dumidilat. Nakadapa akong natulog kaya pagbukas ng mga mata ko ay agad ko din napansin 'yung oras.

November 11, 2016

6:01am  Tuesday

Tumihaya muna ko mula sa pagkakadapa. Today is the day na new experience, new friends, new teachers and specially new memories because today is my First day in my new school here again in Manila.

Tumagal naman ako sa Cavite ng 3 years kaya lang nalipat si mama na mag work dito sa Manila. Sa takot kong maiwan sa Cavite mas pinili ko nalang mag transfer here in Manila at makasama si mama kahit na Last Semester nalang ang kailangan tapusin.

Kagabi lang din kami nakauwi at dinaanan si Aling Mel para kunin ang uniform. Sa sobrang pagod ko kagabi ay dumaretso na agad akong kwarto. Hindi naman madumi yung kwarto pinapalinis naman namin yung bahay every Month. Kaya ayun mabilis din akong nakatulog

Mga ilang minuto ko muna inaliw ang sarili ko sa pagiisip 'saka ko tuluyan inunat ang mga kamay at paa ko kasabay ng paghikab ng aking bibig. Goodmorning.....

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at patungo na sa banyo ng mapukaw ang tingin ko sa kwintas na nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko. Hindi naman  'ganon kataas yung lamesa kaya napansin ko kaagad.

Napatitig muna ako ng ilang segundo bago ko puntahan ang kwintas. Hinawakan ko yung kwintas at kinuha ito. Kwintas ito na binili ko past 3 years ago.

May logo sya na Wolf kase it symbolizes strength. Kung ikukumpara sa ugali ko yung logo ay may pagkasimilar. Indipendent, strong-willed and often misunderstood. Kakaunti lang din ang nakakaintindi sa akin. Kakaunti lang din ang nagmamahal at rumerespeto 'sakin. I often find myself as a loner pero pag may nagapproach sa akin ay agad din naman ako tumutugon. —I hope sa bago kong school ay may magapproach sakin like Mika. Bestfriend ko nung Junior High.

Iniwanan ko kase 'toh dito nung araw na pumunta na kami papuntang Cavite. Buti nandito pa 'toh. Silver kase kaya hindi kalawangin pinagipunan ko din para lang mabili ko 'to.

𝑫𝒐𝒐𝒓 𝑲𝒏𝒐𝒄𝒌𝒔....

"Anak, kanina pa nakahain ang pagkain sa baba. Bumangon kana jan at baka malate ka pa sa bago mong school!" sigaw ni mama habang nasa labas ng pinto.

"Opo ma, maliligo lang po ako 'saka magsipilyo then baba narin po ako agad." Sabi ko naman kay mama.

Inilagay ko na agad ang kwintas sa bag ko at pumunta 'nakong banyo upang maligo at mag sipilyo.

Pagkatapos ko maligo ay inilagay ko na ang towel sa waist ko. Kinuha ko nadin ang salamin ko. Nasa 450 na yung grado ng mata ko both eyes kaya nagsasalamin ako. Natuon muli ang atensyon ko sa Uniform na nakasukbit sa bintana.

Infairness maganda yung uniform. Mukhang pang mayaman. White polo, black ribbon, red and black long-sleeved coat and patterned black pants. —Pwede!.

Sinuot ko na ang Uniform at tinignan ang sarili sa salamin.—Bakit hindi bagay sakin yung uniform? Siguro dahil umitim ako. Masyado kase akong nababad sa Cavite eh.

Kung ipagkukumpara mo ang itsura ko dati kaysa sa itsura ko ngayon. Mas may itsura ako noon. Maputi, may pagkapula ang labi, may pagkataba din, matangos ang ilong, hindi kasingkitan at mahahaba ang pilik mata. Kaya madami din nagkagusto sa akin 'non. Pero ngayon 'ganon padin naman kaya lang umitim ako. Hindi naman yung itim na itim. Moreno kung baga. Dagdag mo pa yung makapal na Salamin ko.

Mga Ilang minuto ko muna tinignan ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi pa ako nakakababa ng hagdan nalanghap ko na agad kung ano ang ulam namin. —as usual pambansang ulam namin. Fish~

"Oh, anak kumain kana dito." Bungad ni mama nung makita ako sa hagdan. Naglakad naman ako patungo sa kainan.

"Ang sarap ng ulam natin ma ah. Bagong-bago" nakangiti kong sabi kay mama 'saka umupo sa upuan.

"Yan muna sa ngayon anak, 'di pako sumesweldo eh" natawang sabi ni mama.

"Don't worry ma, kahit toyo lang yan kakainin ko yan" sabi ko kay mama sabay kuha ng plato at sumandok ng kanin. 

"Ay ma, nagtext naba 'sayo si Nairo?" Pagtatanong ko mama habang kumakain.

Tinanong ko sya kase College sya ng Radleigh University na pinagtransferan ko pero same age lang kami maaga lang sya nag-aral.

"Yes, sabi nya you can call him kapag may kailangan ka daw" sabi sakin ni mama sabay abot ng Cellphone nya.

Inabot ko naman at kinopya ko yung number ni Nairo sa Cellphone ko. Napansin ko yung oras —7:35am?!!

"Haaaaaaa??!!!" Nagulat si mama nang sumigaw ako.

"Ba-bakit anak?" pag-aalalang sabi ng mama ko.

"I have to go na ma!" Sabi ko sa kanya at aalis na sana.

"Here's your 1 week allowance anak. Maging matino ka sa bago mong school ah" inabot ko ang pera ibinigay nya sa akin.

"Opo ma, alis napo ako. Bye muah!" Agad ako umalis 'nahalikan ko sya sa pisngi.

Nagmamadali ako makasakay ng Jeep.

Napatingin ulit ako sa oras. —7:43?!!! Patay nako 'neto!

Buti nalang at may nakita akong Jeep. Agad akong sumakay at nagbayad sa Driver. Napatingin ako sa mga taong nasa loob —bakit nakatingin sila sa akin? 'Ganun naba talaga ako kapanget?

Sinuot ko nalang ang Face mask ko at itinago ang mukha ko baka kung ano pa gawin sakin nitong mga tao dito.

Hindi ko na pinansin dahil kinakabahan 'nako. Hindi naman ganoon kataas yung self confidence ko sa sarili ko. Agad din naman akong napatingin sa labas.—ahhhhh bakit ang traffic?!!

Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat nako ng Radleigh University.

Tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko —8:05?!!! At mukhang may mapapatay na agad sa new school ko.

Agad akong bumaba at nagmamadaling tumakbo papuntang school.

𝘽𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙋𝙋𝙋!!!! 𝘽𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙀𝙋𝙋𝙋!!!

Sa sobrang gulat ko ay napaupo ako at napatakip sa tenga. Kinabahan ako ng sobra at 'ganon na lamang ang paghabol ko sa hininga ko.

Aaaaahhh!!! First day ko muntikan pa ako masagasaan.

"Woyyy!!! Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo" hindi ko kaagad nagawang tumingin dahil sa kaba.

Pero pinilit ko tumayo at tignan kung sino yung muntikan na makabangga 'sakin. —Naka uniform ng Radleigh kaya alam kong student 'to dito. Maangas yung datingan. Hindi ko makilala kase naka full gear siya. Tanging ibig niya lang yung nakikita ko.

"Woyyyy!! Ano tatayo ka lang talaga jan? wala man lang sorry? " Sabi nung lalaking nakahelmet.

Bigla ko naalala na late nako!! So nilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang oras 8:11am—iyak!

"So-sorry but i have to go" sabi ko sa kanya at agad akong tumakbo papasok ng school.

"WOOOOOYYYYYY!!!" rinig kong sabi nya pero hindi ko na pinansin at tuluyan ng pumasok ng school.