Chapter 3 - 02

Nasa loob na ako ng Radleigh University. —Ang laki naman pala ng school 'nato pero wala nakong time upang maglibot

"Kuya saan po dito yung building ng SE?" tanong ko sa kuyang guard na nag lilibot sa baba.

"Left building, 3rd floor" sabi ni kuya habang nakaturo sa building na pupuntahan ko.

"Okay kuya salamat po" ngumiti ako at umalis na.

I'm on the 3rd floor na. Tinignan ko ang mga sections. Habang naglalakad ay tinaggal ko na ang facemask ko kase nakaramdam ako ng init.

1208...1207...1206.....1205

𝘽𝙇𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝘼𝙂𝙂𝙂𝙂𝙂!!!!

Natumba ako at agad napahawak sa noo ko dahil sa sobrang sakit. Dagdag mo pang may salamin ako tas tumama sa mga mata ko. —Aaahhh! ano ba naman. Ang sakit na ng ulo ko. Pangalawa 'nato ah.

"Oh, anong ginagawa mo jan?!" napalingon agad ako habang nakahawak sa noo ko. Nakita ko pa syang natatawa.

Matangkad sa akin ng kaunti. Moreno siya. Medyo makisig din ang katawan. Matangos ang ilong, bagsak at pinong buhok. Kapansin pansin din yung Jawline niya. May itsura sya kaya lang hindi ko gusto yung ugali.

Sya ang nasa tapat ng pintong pinag untugan ko kaya alam kong siya yung nagbukas ng pinto.

"Hinahanap ko po kase yung section ko. Kaya lang po may nagbukas kase ng pinto eh" sarkastiko kong sinabi. Mahina lang pero may diin.

"Oopss, sorry my hands are too clumsy" sabi niya habang sumandal sa may pintuan.

Eeeehhhh??! ano meron? 'bat nagagawa mo pa mang-asar?

"Oh my God! Is he a new student?"

"Ang dugyot nya tignan haha" Rinig kong sabi ng mga babaeng nagbubulungan sa gilid ko.

Napansin kong dumadami ang taong nakatingin sa amin kaya tumayo nako sa pinagbagsakan ko.

"Sorry po kung nasaktan ko yung kamay nyo" Sarkastiko kong sinabi sabay napahawak sa noo ko.

"Okay" sabi nya saka sya ngumiti.

Nginitian ko din sya 'saka umalis. Habang lumalakad ako paalis ay tinitignan padin ako ng mga tao.

—ano bang meron sakin?!

Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap ng room ko.

1204.....1203....1202.....1201 that's it here's my room

Sumilip ako sa bintana upang tignan ang loob ng Room. — Hala ka! May teacher na papasok pa kaya ako?

Labis na yung kaba ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan na din ako. Tinignan ko rin ang mga estudyante sa loob —they're all weird.

Naglalaro sa isipan ko kung papasok ba ako or hindi. Inisip ko ang sinabi ko kay mama na kailangan ko maging maayos sa New School ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan yung Pintuan. Binalutan ako ng kaba nang tignan ako ng mga estudyante sa loob. Lalo na't nakita kong seryoso ang tingin sa akin ng Teacher.

"M-ma'am i'm sorry i'm late, may i come in ma'am" sabi ko habang nakabukas ang pintuan.

"Come in" seryosong sabi ng teacher namin. Mas maliit sa akin. Hindi 'ganon katangos yung ilong at may salamin din. She looks very strict, nakatali pa yung buhok at naka red lipstick may hawak pang stick na animo'y ipampapalo sayo kapag naglikot ka sa klase nya.

Pumasok ako at uupo na sa bandang likod. "Wait" napahinto ako ng sabihin ni ma'am yung salitang 'yon.

"Ba-bakit po ma'am" utal kong sinabi.

"You're transferee right?" tanong ni ma'am sa akin.

"Ye-yes po ma'am" sabi ko naman sa kanya. "All SE students kailangan iswipe muna yung id card sa Front door para malista ka as Present." Seryosong sabi ni ma'am. —Eeeehh?! All SE students eh itong room lang naman yung section na SE.

Nagtaka ako pero sumunod din naman ako. "Yes po ma'am" sabi ko at agad pumunta sa labas.

Eto?! Yung mukhang mailbox?.

Sinubukan kong iislide ang id ko sa guhit. Biglang may bumukas na maliit ni ilaw kulay yellow sa ibabaw ng guhit. ~ Angas haha.

"Okay na po ma'am" sabay ngiti kong sabi sa kanya. Naglakad na papunta sa likod.

"Wait" nahinto nanaman ako sa paglalakad. —Eeeehhhh?

"Ba-bakit po?" Takang tanong ko sa kanya. "Introduce yourself" seryosong sinabi ni ma'am.

"Yes po ma'am" nasabi ko nalang

Pumunta ako sa gitnang harap at napatingin sa mga kaklase ko. Dito ko mas napansin na kaunti lang pala talaga ang nasa loob ng room. Kung bibilangin hindi tataas ng 20.

Sa kaliwa puro Boys na akala mo mga gangster. Mga mukang maingay din. Sa kanan naman mga babae puro mga naka make up pero okay naman. May isa lang ako napansin na sobrang kapal ng make up. Sa Gitna? —kung sa kaliwa mga boys, sa kanan mga girls for sure sa gitna mga LGBT

Natawa ako sa sarili kong iniisip.

Pinansin ko din yung nasa harap ang seseryoso ng mukha. Mga mukhang matatalino. —Bagay nga sa harap. Sa likod naman? kaunti lang ang tao? Weird

"Mister, when are you going to start?" Pagtatakang tanong ni ma'am sa akin.

Agad namang nagtawanan ang buong klase kaya nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko.

"Go-good morning Everyone, my name is Ke-ke—"

"Ano daw Keke?" nagulat ako ng may magsalita. Yung lalaki sa kaliwa na may hawak na bola. Nagtawanan nanaman sa Klase.

'Ba't ang lalakas ng trip ng mga tao dito?

"Kevs Axious po" sabi ko habang sineryosohan sila ng tingin.

"Keke is much better than your name" natatawang sabi nya.

"If that makes you happy then fine you can call me that name" Sarkastiko kong sagot sa lalaki. —Ahhhh kevs magdahan dahan ka nga sa sinasabi mo. Tandaan mo you're a transferee.

"OooooOoOOhHHHHH" Sigaw ng mga lalaki sa kaliwa. Nakita kong sumama ang tingin sa akin ng lalaki.

"Stop it!" Suway ni ma'am sa mga lalaki.

"Continue" sabi sakin ni ma'am kaya pinagpatuloy ko na ang aking sasabihin.

"Galing ako sa Doñasol University sa Cavite. I moved here kase my mom is working here. Kaya mas pinili ko dito dahil mas gusto ko kasama yung mom ko" masayang sabi ko.

"Aaahhhh mama's boy naman pala" sabi ulit ng lalaki.

Muling nagtawanan yung mga estudyante pero at this time mahina lang.

"Okay, you may sit now" nakakaginhawa ng pakiramdam ng sabihin ni ma'am 'yon. Agad ako umalis sa kinatatayuan ko at umupo ako sa likudan. Sa gitna ng nakasalamin at —natutulog?

Pagkaupo ko ay nagtawanan ulit ang mga estudyante dito.

Hindi na normal mga tao dito. Bigla-bigla nalang tumatawa.

"Hello!" Nakangiting sabi sakin ng lalaking nasa kana ko.

Nakasalamin din sya. Matangos ang ilong, Maputi, at may katabaan din naman mas mataba siya sa akin. Pero naghahalo sa kanya yung feeling ko na mabait at matapang.

Natauhan ako nung nakita ko parin syang nakatingin sa akin.

"Hi" Sabi ko ng medyo nahihiya din.

"Ako nga pala si Krist Evans." sabi nya sabay abot ng Kamay nya. Nagpapahiwatig ng 'Shake Hands'

"Oh? Ako si-"

"I already know who you are. Nice to meet you keke" Pangaasar nya pero mukang nag bibiro. "Eeeeehhh?" Nanlukot ang mukha ko 'nung sinabi nya 'yon.

"Chill, i'm just joking kevs" tumawa sya ng mahina.

"Okay lang. Pangalan lang yun. Wala akong pake kung ano man itawag saken." Sabi ko.

"Okay lang? pero parang nagalit ka kanina HAHAHA" pangaasar ulit nya

"hmmmm" tumango nalang ako. "Fine, then i'll call you Keke" sabi nya na medyo seryoso.

"Pwede ako magtanong?" mahinang na pakiusap ko. Tumungo sya kaya alam kong pumapayag sya.

"Bakit nagtatawanan yung mga kaklase natin nung umupo ako dito?" tanong ko. "Haha yung mga nasa likod kinoconsider nila as Losers" sabi nya.

"ahm? So kinoconsider ka nila as losers?" tanong ko. "Hmmm. I think so, Nagtitimpi lang ako kase ayoko ng gulo 'saka hindi naman nila ako kilala." Sabi naman nya.

"I don't think we are losers, mas mga mukha panga silang losers sa ginagawa nila eh " Sabi ko na medyo natatawa.

Ngumiti sya at sumignal na magsisimula na ang teacher naming magturo.

Natuwa ako that time kase may nag approach sa akin.