Andito na ako sa restaurant kung saan kami magkikita ng Mommy ni Kian. Patio Enrico ang pangalan. Honestly. Ayoko sanang pumunta rito. Kung wala lang ang mga paalala ng bakla. Balak ko talagang di na sumipot pa. Natatakot ako. Pero syempre. Kapag ginawa ko yun. Mas lalong disappointment ang mararamdaman ng Mommy nya sakin. Di dapat ganun.
"Can I have your order Ma'am?." tanong ng serbidora. Sinabi kong saka nalang pag dumating na yung kasama ko. Tubig lang muna ang hiningi ko.
After a minute of ten. Dumating na nga sya. Suot ang kulay puting short sleeve na pinarisan nya ng kapeng A-line skirt na lagpas hanggang tuhod. Titignan ko pa sana ang suot nyang sapatos ng eksaktong huminto na ito sa harapan ko.
"I heard about the engagement?. I'm against about it." di pa man sya nagiging kumportable sa upuan nya. Nagsabi na ito ng nararamdaman nya. It's not bad tho, pero sana kahit pinalipas nya din muna ang segundo bago ang lahat. But for her. It's a no!. I didn't tell that she doesn't have to be rude like that. Kasi kahit anong sama ang ipakita nya. I won't give up on us. Kian did his best para sa amin. Kaya dapat ako rin.
"Ano pong gusto nyo?. Here Madam.." I offered the menu on her pagkatapos nyang magsalita. And I felt her brows arched. Feeling ko tuloy. Naging double meaning yung sinabi ko kahit ang punto ko ay hinde. Sandaling nagsalubong ang kilay nya. Tahimik lang din akong napalunok. I have to endure this. Kahit alam kong butas ng karayom ang pagdadaanan ko.
"No. You take our order.." maldita nyang sabi. Nanginig ang panga ko ng wala sa oras. Sa kawalan ng maisip. Fruit shake nalang ang inorder ko. Strawberry flavor. Sana magustuhan nya.
"Mahal ko po ang anak nyo." I am here to say what I want. To tell her why I accepted the challenge of being engaged to his son. Not just to impress her and to be accepted. Of course. Bonus na siguro para sakin ang tanggapin nya ako kahit anong antas ko sa buhay.
"Kahit ano pang sabihin mo hija. Magkaiba ang mundo nyo. Hindi ko matatanggap na katulad mo lang ang bagsak ng anak ko."
That words is like a dagger that hits the deepest core of me, for me to hurt like this. Ang sakit pakinggan! Para bang, hindi ko na kayang tumanggap pa ng panibagong sakit na salita mula sa kanya. Subalit sa kabila ng lahat. Pinili ko paring ngitian sya't magpakita ng respeto sa sinasabi nya.
"Papatunayan ko pong karapat-dapat po ako para sa anak nyo.." di ko alam kung ako pa ba ang nagsasalita rito o ang taong nasa likod ko na. Ang anino ko. Umiiyak na kasi ang loob ko. Pinipilit ko lang wag umiyak sa harapan nya para wag nyang isipin na madali akong bumigay sa mga salita lang.
Humalakhak sya ng mahina saka sumimsim sa shake. Gumalaw ang kanyang ulo na para bang nagustuhan ang natikman. "I like your confidence huh.." inayos nito ang dalang bag saka dahang dahan tumayo. "Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo." dagdag pa nya. Nagulat ang kaibuturan ko. Still. Not telling her that I did scared of her warning. "Because dear. You will never be the right one for him. Never." ngumiti sya ng napakalaki saka na sya tumalikod upang maglakad paalis.
Sumama ang buong atensyon ko sa dinaanan nya kanina. Kahit wala na ang bulto nya. Andun pa rin ang bakas ng ginawa nya. Bawat hakbang nya palabas ay bawat pagtaga nya rin para maging pino ang baon kong puso. Sinabi ko sa sarili kong hindi ako iiyak pagkatapos ng aming tagpo subalit kingina! Pati na ang luha ko, hindi na nagdalawang-isip pa. Bumuhos nalang ito basta.
I cried a river kahit nagmumukha na akong baliw rito. I've texted Winly to tell him kung anong nangyari. She's still against us. Yan ang laman ng mensahe ko.
After that. Kian keeps on calling me na. Siguro. Tinawagan na sya ni Winly at sinabi ang lahat sa kanya.
Sa labas ng restaurant ako natagpuan ni Kian. Umiiyak. Hindi sya nagsalita ng makita ako. Pinunasan nya lang ang sunod sunod na mga luhang bumabagsak. "Sinabi ko naman sayong, wag kang pumunta mag-isa.." anya saka ako marahang niyakap. "Ano man ang sinabi nya. I'll choose you no matter what.." ito ang dahilan kung bakit mas lalong naging malakas ang pag-iyak ko. Nakakahiya sa mga dumadaan pero wala akong pakialam.
Inabot na kami ng ambon at buhos ng ulan. Hinila ni Kian ang kamay ko patakbo patungo sa lilim. Hanggang sa marating namin ang pula nynag sports car. Nakisama rin ang panahon.
"Gutom ka na?. Saan mo gustong kumain?." he ask habang kasalukuyan naming pinupunasan ang sarili.
"Kahit saan. Wag lang dito." my voice almost broke down again.
Gumalaw sya para makalapit sakin. Little did I know. Hinawakan nya ang batok ko upang mailapit sa kanya ang ulo ko. For him to give me a one gentle kiss. "Mahal kita, Karen." napapikit ako sa lambing ng boses nya.
Isang ngiti lang ang kumawala sakin dahil nauna na naman ang luha sa pisngi ko. Shems! Ano ba Karen!? Wala ka bang balak magsalita?. Baka mapipi ka bigla?. Paano ba magsalita kahit na nanginginig ang dila at labi mo?. Mahirap diba?. Para kang ewan.
Wala na naman syang ibang ginawa kundi pawiin ang luhang dumaan saking mukha. Ngunit hindi na kamay nya ang nag-alis kundi ang labi nya. Napapapiksi ako sa tuwing dumadampi ang labi nya sa kahit na anong parte ng mukha ko na nabakasan ng mainit na luha. Whoa!
"I won't stop until you stop crying.." napaatras na tuloy ako. Tumawa sya. "Halik lang naman gagawin ko. Bakit ka natatakot?. hahaha.."
Umikot ang mugto kong mata sa kawalan. "Magdrive ka nalang kaya. Gutom na ako." reklamo ko.
"As you wish my love.." isa pang halik ang binigay nya sa pisngi ko bago nya pinaandar ang kanyang sasakyan.
Kaya nga. Gustuhin ko mang magalit sa Mommy nya, wala akong karapatan dahil sa anak nyang nagpupuno ng kakulangan nya. Kian is beyond every girls expectations. Kaya siguro ganun nalang kadesidido si Andrea na makuha ang atensyon nito. But sorry for her. He's mine. No matter what.