Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 86 - Chapter 86: Deal

Chapter 86 - Chapter 86: Deal

Kinaumagahan. Bumalik muli akong presinto. Nagprisinta si Aron na samahan ako subalit matindi ko syang tinanggihan. Ano sya? Aabsent sya para lang samahan ako?. No! Baka pati ako pa ay sisihin ng pamilya nya kapag nagkataong bumagsak sya. Ang pamilya namin kasi ay may gap. Patlang na hindi ko alam kung anong pwedeng ilagay duon. Kaya kahit gustuhin ko mang magpatulong lalo na sa pamilya ni Aron. Hindi ko pa kaya. Siguro kung sila ang lalapit para magbigay ng tulong. Ayun. Walang tanggi ako dun. Subalit ako?. Don't ask. Hinde o wala ang isasagot ko lang.

"Pa?." alas otso palang ng umaga. Nagtungo na ako sa kanya. Si Mama ay paos ang boses nya nung sinubukan nya akong pigilan. Di ko sya maintindihan minsan. Ang sabi nya. Ayaw nya kaming idamay pagdating sa mga ganitong problema subalit sinong hindi madadamay kung magulang namin sila?. Kahit saang anggulo. Damay at damay pa rin kami.

"Anak.. bakit ka pa nagtungo rito?. Wala ka bang pasok ha?." puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Kusang nadurog ang puso ko sa tanawing, bakas sa kanya ang pagkabalisa.

"Gusto kitang samahan dito Papa.."

Mariin syang pumikit na para bang mali ang gagawin ko. Saka dahan dahan syang dumilat at bumulong sakin ng, "Walang mangyayari sa buhay mo anak kung ako lagi ang iniisip mo."

"Pero Papa?." ikaw ang isa sa dalawa kong pakpak. Paano ako lilipad kung isa sa pakpak ko ay pilay?. Di ko nalang to sinambit sapagkat alam ko sa sarili ko na gaya ko. Yung prinsipyo kong sila rin ang priority ko. Alam ko rin na. Kami rin ang priority nya. Nila ni Mama.

Bahagya syang lumayo sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ang pakiramdam na, ang lapit lapit nya subalit hindi ko sya maabot. "Iwan mo na ako dito. Pumasok ka na."

My heart aches knowing that he's hurting but trying not to act on it. He's hurt but looks like not. At iyon ang isa sa pinag-alala ko. Na baka may maisipan syang gawin. Suicidal?. Wag naman sana. That's not my Papa's minded. Hindi sya napabiling sa Rango ng mga Special Action Unit sa Academy ng basta nalang. I know he can pass this through. Na lalaban sya't hindi susukuan ang buhay.

"Paano ka naman po?. Hindi ko kayang pumasok hanggat hindi ka nakalabas dito.."

"Wala kang ibang pagpipilian Karen kundi ang magpatuloy sa buhay kahit ako ay naririto." I heard the anger in his crack voice nang ito ay muling humarap sakin. Hinawakan ng magkabila nyang mga kamay ang bakal na rehas saka lumapit pa sakin. I walk closer too. Para magkarinigan kami, na kami lang. Lumunok sya. Lunok na mukhang iyon Yung mga salitang hindi nya kayang sabihin sakin. He's like hesitating or scared. Of what?. Ang tanong ko ngayon. Saan?. Kanino sya takot?.

"Pero Papa?." pilit ko pa rin. Umiling sya ng sobra. Hindi na talaga nagugustuhan ang pagiging makulit ko.

"Okay ganito nalang.." bumuntong hininga muna sya ng sobrang haba bago sinabi ang gusto nyang iparating sakin. "Tutal. Ayaw mo namang makinig kay Papa diba?."

"Papa, hindi iyon ang—.." he cut me off. Napipi nalang ako. Walang magawa sapagkat magulang ko pa rin sya. I need to show respect towards him kahit na tama ako. Tama nga ba ako?. Tama bang ipagpilitan ang gusto Karen?. Siguro sa'yo oo. Sa Papa mo ba?. You two have different perspective in life. Ang tama lang ay resputuhin mo ang kung anumang desisyon na gagawin nya. Mula duon. He'll know how he raised you. So, trust him too. Stop questioning first. Sa ngayon. Hear it. Listen.

"I will seek help to Kian.."

Kahit nakaambang ang 'Bakit po?.' at 'Para saan?.' sa dulo ng dila ko. Matindi ko pa ring pinigilan ang sarili na wag iyon sabihin sakanya. Baka kasi matuluyan na syang mawalan ng tiwala sakin at hindi na kausapin tuwing napaparito ako. I don't want it that to happen. "Whether you like it or not. I'll accept his offer."

Tumango nalang ako. Wala e. This is his decision. Pinal na iyon. Who am I to question him diba?. Anak lang ako.

"And I don't want you to be here until it's process..at ayoko ring pumupunta ka dito ng walang kasama Karen.. this is for your safety.." dito ko na di napigilan pa ang sarili.

"Papa. Gusto kong tumulong. Tulungan ka.." kulang nalang magmakaawa pa ako just for him to accept my offer too, to help him.

"Kung, kaya mo rin lang na samahan si Kian sa pagproseso. I'll let you.."

"Ok fine. I'll do it." without any hesitation. I'd made a decision.

He looks at me like he's thinking if I'm not serious. Nah?. I'm fucking serious here. "So that's a deal?." he asked. Tumango lang din ako. Mabilis pa sa agos ng tubig sa batis.

"Kian, I trust you son.." nangapa ako sa kung nasaan ang tinutukoy nya. Saka ko lang nalaman na nasa likod ko lang pala sya ng duon ituon ni Papa ang paningin nya.

"No problem po Tito.." yung malaking boses nya. Nanatili sa pandinig ko hanggang pagpasok ko ng school. I thought. Sasamahan ko sya sa Mommy nya to take an action para makalaya na si Papa. But it was just my thought. Dahil ang sabi nya. Hiling din mismo ni Papa sa kanya na ihatid ako sa school at kung maaari. Sunduin after just to make sure na nasa school ako the whole day. If you're asking if he's in school too?. Yeah. But home school. Kaya sabay pa rin kami ng lessons.

"You made a deal Karen. So better make it." nasa loob kami ng sasakyan nya ng bigla nya itong ipaalala. Yeah. Di ko naman iyon nakalimutan. But why is he talking about this, abruptly?. "We're heading to our house" anunsyo nya.

"Anong gagawin natin dun?. Kian. Takot ako sa Mommy mo.." pagpapakatotoo ko. He bowed down to hide his laugh.

"I'll let them know that we're now officially engaged.."

"What!???.." ilang ulit ko pang narinig sa pandinig ko ang tanong nya bago sya sinigawan. Ginilid nya ang sasakyan nya't humarap sakin ng walang kurap. Walang bahid ng kaba at pag-alinlangan.

"This is the only way para tumigil na si Mommy. Dad already knew about this. And he agreed to it."

"What?."

"Don't worry anymore about Tito. Sa oras na ito. Nakalaya na sya. Just accept my engagement ring and hold my hand papunta kay Mommy."

Kingwa!. Wala na bang ibang paraan?. Solusyon ba ito o bagong problema?.

Hayst!... Basta.. BAHALA NA!.

"This time Karen. Just trust me."

Sa oras ding ito. Hindi na isip ang pinairal ko. Puso. And her decision is to accept the ring. Right here. Right now. It's like a gamble. Deal or no deal?. My answer is, DEAL!.