Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 72 - Chapter 72: Happy

Chapter 72 - Chapter 72: Happy

Umalis ang Mommy ni Kian matapos naming kumain. She even gave me a peck of a kiss on my cheeks by her cheeks. And then she left. Natulala ako kasi akala ko kung ano nang gagawin nya kanina. Iyon lang pala. Niyakap nya rin ng ilang sandali ang anak bago kumpyansang naglakad paalis.

"Whoa!.." pinaypayan ko ang sarili dala ng kaba. May aircon naman sa loob ng resto kaso kulang ito para sakin ngayon. Kung pwede nga lang magteleport sa Alaska, ginawa ko na kanina pa. Kaso, imposible!.

"Are you okay?." Tumagilid si Kian sakin at hinawakan ang kaliwa kong balikat.

"I'm not but getting there.." sobra pa kasi ang kaba ko kahit na wala na yung Mommy nya. Ano kaya yung promise ni Kian sa kanya?. Posible bang ako iyon?. Hinde! Masyado ka namang assuming Karen! Sa'yo lang ba umiikot mundo nung tao?. Isip ka hija!.

He let me feel comfortable first bago nagpasyang magsalita muli. Alam nya kasing di nya ako makakausap ng maayos kapag ganitong kinakabahan ako ng sobra. "You feel better now?." anya. Tinanguan ko sya't hinarap. There's something in his eyes na kumikinang. Wait! Is he crying?.

"Teka." tinuro ko ang mukha nya. Syempre nagtaka ito bigla. "Umiiyak ka ba?." agad syang umiwas sakin at pinunasan ang kanyang mga mata. "Hoy! Umiiyak ka nga!. Bakit ha?. May masakit ba sa'yo?. Gutom ka pa ba?. Uwi nalang tayo sa bahay.. Mas masarap ulam dun.." dire-diretso kong sambit. Nagulat nalang ako ng hilahin nito ang upuan ko. Niyakap nya ako ng mahigpit. Saka sya tahimik na umiyak sa balikat ko.

Teka! Anong dahilan bat sya umiiyak?. May nasabi ba akong mali sa Mommy nya?. Wala ba syang pera na pambayad sa kinain namin kanina?. O di kaya'y, baka natatae na sya tapos takot pumunta ng restroom dahil may mga lalaking tamaby duon?. Hay... kung saan saan na napupunta ang isip ko sa kinikilos nito.

"Ano ba?. Sabihin mo nga sakin bat ka umiiyak ng ganyan?. Tinatakot mo naman ako eh.."

"I'm just happy, Kaka.."

"Ano!?." napatingin sakin ang ibang customers na malapit sa table namin. Kumalas sya ng yakap sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Tears of joy?. Bakla talaga!.." biro ko sa kanya. Nawala ang pagitan sa kanyang mga kilay. Halatadong nainis ito bigla.

"What did you say?." humalukipkip ako't tinaasan sya kunwari ng kilay. Lumapit pa ako ng bahagya sa mukha nya. Sinadya ko iyon. Saka bumulong sa gilid nya. Mismong tainga nya.

"Ang sabi ko, bak-la ka!.." may diin ang bawat bigkas ko rito.

In just a span of time. Magkadikit na mga labi namin. He kiss me without telling me. Kasi. You triggered her girl!. I know! I know!.

He even teased with a kiss hanggang sa hinahabol ko na ang labi nya. Nauwi kami sa katatawanan ng lumabas kami ng resto. Nakakahiya kasi yung ginawa namin. Pinagkaguluhan kami ng mga tao sa loob at kinuhanan ng video at larawan. Ang sabi'y, "Sana all!.."

Nagdesisyon kami na gugulin ang araw na ito na kami lang. Pumunta kaming amusement park at duon tumambay hanggang sa napagod. Tapos sa isang photo shop din kami dumaan para magpakuha ng larawan. Haggard kami pareho pero dahil pareho kaming gwapo at maganda. Sshhh!.. Charing lang! Wag ng kumontra pa!. Kwento ko to!. Pagbigyan nyo na ako.

"Jaden texted me. Pasyal daw tayo bukas.."

"Sige ba. Saan?."

"Hindi nya pa daw alam e.." iling nya habang sa selpon nya nakatingin.

"Nag-aya tas di alam kung saan pupunta. Tanungin mo nga kung sinong mga kasama?." iritable kong sabi. Nawala sa hawak nyang bagay ang kanyang atensyon at napunta iyon sakin. He mouthed a word like, relax baby. Umikot tuloy ang mata ko.

Baka gusto lang makadate si Bamby nang wala ang mga bantay tas gagamitin pa kami. Lokong boy Jaden!.

"Ang tropa daw?."

"With Bamby?." umarko ang labi ko nang sabihin ito. Malamang, sasama iyon kung papayagan sya ng mga kuya nya. Kawawang lover boy. Kailangan pa ng tulong ng tropa para lang makasama ang lab of her lyp. Hay.. masasabi kong, mas swerte pa pala ako kumpara kay Bamby. Suportado kasi ng pamilya ko ang relasyon ko kay Kian. Nga lang, hindi nung parents nya. Pero atleast. Okay lang kila Para at Mama. Basta raw, wag masyadong magmadali sa lahat ng bagay. Take time daw. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Mag-aral muna bago ang lahat. Pero si Bamby. Bawal syang ligawan ng kahit na sino. Bawal lapitan kapag walang kailangan. Bawal puntahan sa bahay kapag hindi inimbitaban. Syempre. Ito'y para sa mga kabarkada ng mga Kuya nya. Ibig sabihin, mga boys. Not us, girls at kay Winly na kaibigan nya. Ganun kahigpit sila sa kanya lalo na si Lance. Kung ako siguro yun. Baka magwala na ako. Buti nalang kinakaya ni Bamby. Pero siguro may hangganan din naman ang lahat. Gaya nalang itong Jaden. Kita mo nga naman. Sya lang ang may lakas ng loob na umakyat ng ligaw dito. Tuloy, nabangasan ang mukha at marami pang napagdaanan bago pinayagan. Hay... buhay pumapag-ibig nga naman! Maraming kailangan pagdaanan bago sumaya kapiling ng taong mahal.

Kinumpirma ni Kian na kasama nga si Bamby. Hindi raw sasama si Kuya Mark pero si Lance. Malamang present yan. Andyan ang Bamby eh.

Hinatid ako ni Kian pauwi. Maaga kasi ang alis namin patungong Mindoro. Yes po. Doon napili ng lahat na gumala.

"Ilang araw ba tayo dun?." tanong ko rito kay Bamby na nasa kabilang linya. Kasalukuyan akong nag-eempake.

"Two days and there nights.."

"Whao!. Seryoso?. Paano ang tirahan natin don?. Mga pagkain natin?."

"Kami na ang bahala.."

Iba talaga!. Astig talaga kapag umaapaw ang bulsa ng pera!. Libre kaming lahat na tropa! Kahit saan pa.

"Talaga?!." hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Yeah. Basta dala ka nalang ng pocket money mo para kung may gusto kang bilhin ganun.." kulang nalang magtatalon ako sa saya. Tinapos ko ang usapan namin at si Kian naman ang kusap ko. Sinabi nya rin sakin ang tungkol sa trip na to.

"Yes. Libre nila." yung Daddy raw nila ang nagsponsor sa lahat. Masyadong spoiled brat ang magkakapatid.

Ilang minuto. May bumusina na sa labas. Nagpaalam ako kay Mama. Mabuti nalang at pumayag ito. Inabutan nya rin ako ng extrang pera na baon ko. Iba ang bitbit kong sariling pera.

Ang saya nito!.

Kasama ko na si Kian!.

Buo pa ang tropa!.

"Bongga!!.." sinabayan ko si Winly nito matapos umandar ang sasakyan nila Bamby na maghahatid samin patungong port ng Batangas.

Sigurado akong, magiging masaya ito!.