Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 19 - Daylight

Chapter 19 - Daylight

Greyson's Point of View

Lee was acting kind of strange after he received a call from someone. I tried to ask him kung sino ang nakausap niya sa cell phone pero wala siyang sinagot. Nakatulala lang siya sa kawalan na parang mangiyak-ngiyak siya. Even though I was also bothered because of his switch of behavior, hindi ko na lang siya kinulit pa tungkol doon kasi hindi ko naman maku-control si Lee if he's really a private kind of a person.

Nawalan na ako ng gana na maglaro pa kaya tinanong ko na lamang siya kung pwede bang pumunta na lang kami ng aming room para makapagpahinga na kaming dalawa.

"Pwede bang mauna ka na lang muna? Give me ten minutes. Susunod ako sa'yo."

I just nodded and faked a smile before I caressed his head and went upstairs.

Mahigit sampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya dumarating dito sa kwarto namin. I went to the balcony to check him, and right there on the poolside where I left him, I saw Lee while he was conversing with someone on the phone again. This time, parang galit na galit siya sa kanyang kinakausap.

"What's wrong with this guy?" I asked myself. I then realized that Lee was a much more complex person that what I perceived him as. He won't tell me his problems, at kapag pipilitin ko siyang magsabi ng mga iyon ay nauuwi lang talaga sa away ang lahat.

Nang tinignan ko ulit siya mula sa balcony na kinauupuan ko ay napagtanto kong umiiyak na siya. Kahit na ako na walang alam sa nangyayari ay nalulungkot din para sa kanya. Gusto ko siyang i-comfort, pero hindi ko alam kung paano kasi hindi ko gamay ang takbo ng kanyang pag-iisip.

I just sighed heavily because of this frustration that I was having with him.

Ilang mga minuto pa ang lumipas ay pumasok na si Lee ng kwarto namin. He was smiling like nothing happened a while ago. "Bakit parang malungkot ka?" he asked me.

Isang pilit nga pagngiti ang pinakita ko sa kanya bago ako sumagot ng, "Wala ito, ano ka ba? Ikaw, bakit parang malungkot ka?"

I wanted him to be honest with me, but I was not surprised when he told me a white lie as his response. "Bakit naman ako malulungkot, e, nasa St. Tropez tayo ngayon."

I laughed with him after he said that but he didn't know that I was vanishing inside. "So, sino pala ang tumawag sa iyo kanina sa baba?"

He caressed my head and told me that it was his friend from Korea. "He told me that his house was robbed," he said, but I knew that he was lying again. "Don't worry, okay naman sila ng pamilya niya," dagdag niya pang sabi.

"As if that friend of yours and his family really exist," I whispered to myself.

"Can we sleep now para naman maaga tayo bukas? I-charge na nating ang ating phones para marami tayong makuhang photos, love," he asked me.

Parang nawala ang exasperation ko sa kanya when he called me love. This was the first time that he called me something other than my name or my nickname – or babo, whatever that word is.

Kinabukasan ay nilibot namin ang buong island ng Balesin. Natatawa nga si Lee kapag lumilipat kami ng locations kasi parang round trip ticket daw ng buong mundo ang binook ko dahil hango sa iba't ibang mga bansa ang design at culture ng mga ito.

Doon kami sa Bali unang pumunta. As usual, it was one of the most relaxing places here in Balesin. Ang sasarap pa ng food na sini-serve nila sa The Warug. Even Lee could not resist their dishes at napa-dalawang serve pa siya ng nasi goreng.

The next destination that we visited was the beautiful Phuket. Kahit hanggang ngayon ay namanangha pa rin ako sa exterior ng villas dito: From the blade-like roof projections to the hallmarks that replicate the Thai culture, lahat ang gagandang tignan.

"Bakit ako itong kinukunan mo ng photos?" natatawa kong tanong kay Lee. "Mukha ba akong tourist attraction sa iyo?"

"Masanay ka na," he casually replied. "Ikaw kasi ang pinakamagandang view para sa akin."

Inirapan ko lang siya dahil ang corny niya minsan, pero sa totoo lang natutuwa ako kasi parang masaya na siya ulit hindi kagaya kagabi na sobrang lungkot niya.

Bago pa man kami pumunta sa next destination namin ay nag-aya na naman si Lee na i-try namin ang specialty ng Thailand. He ordered a bowl of pad Thai and enjoyed it.

"Lee, bakit hindi kita nakitang kumakain ng Korean food sa dorm natin?" I asked him out of nowhere.

Natawa siya sa tanong ko bago siya nagsalita ulit. "Doon kami nina Cobi kumakain ng Korean dishes kasi paborito niya iyon. Ikaw kasi, e."

"Ano'ng ako kasi?" naka-kunot noo kong tanong sa kanya.

"Medyo mapili ka kasi sa pagkain," he responded before he winked at me.

"Whatever. Finish your pad Thai at pupunta na tayo ng Mykonos. May dala kang extra clothes diyan? I want to go swimming," I said.

"Of course. Ako pa ba?"

Yabang.

*****

Dito lang kami buong maghapon ni Lee sa Mykonos. This is probably my favorite place here in Balesin because of how pristine it looks like – from the royal blue and white architecture to the artistic structure of the whole place, sobrang ganda talaga rito that even Lee was mesmerized by this part of the island.

"Lee, punta na tayo ng Poseidon para naman makapag-swimming na tayo," ika ko sa kanya habang siya naman ay kumukuha pa rin ng mga litrato. Nang makapunta na kami sa pool ay sinalubong kami ng dalawang mga babae na panay ang tingin sa amin nang masama.

"Problema nila?" bulong ni Lee sa akin bago niya nilapag ang aming mga twelya sa poolside at tsaka siya tumawa.

Habang nasa pool na kami't naliligo ay nakatingin pa rin silang dalawa sa amin. Para silang nandidiri dahil sa closeness namin ni Lee, at hindi pa sila subtle pagdating doon dahil kapag tinitignan ko sila ay panay grimace sila sa amin.

"Hayaan mon a," wika ni Lee habang inaayos niya ang buhok ko. I rolled my eyes and told him that I was getting uncomfortable because of those women.

"Let us get even then," he said, and right before I even responded to him, he fervently kissed my lips. Ang sarap sa feeling na nagu-overpower ang alab ng kanyang katawan sa malamig na tubig kaya hindi ko matiis na hawakan ang kanyang ulo habang siya naman ay idinidiin pa rin ang kanyang mga labi sa akin hanggang sa makarating na ito sa aking leeg.

Before we even noticed it, nakaluwas na ng pool ang dalawa naming kasama rito as they were cursing to the wind. Natawa na lamang kami ni Lee dahil sa nangyari. "See? Nakabawi rin tayo sa kanila," he proudly said.

Kinagabihan ay bumalik na kami ng aming villa para magpahinga dahil maaga pa ang flight namin bukas. I asked Lee if nag-enjoy naman ba siya sa bakasyon namin dito. He didn't respond at first. Parang ang lalim ng iniisip niya habang nakatingin siya sa kawalan.

"Hoy, tinatanong kita kung nag-enjoy ka naman ba rito," I nudged. "Sa kakatulala mo, baka matuluyan ka na niyan," dagdag kong sabi sa kanya bago ako tumawa. Bumalik naman siya sa kanyang huwisyo at tsaka siya sumagot ng, "Oo naman. Palagi naman akong nagi-enjoy kapag kasama kita."

"Even when we are fighting?"

"Yes, even when you are snarky like right now," he answered. Kinonyat ko na lang siya dahil doon at tsaka kami sabay na tumawa.

"Sana totoo ang time loop, ano? 'Yong hindi lumilipas ang oras; bumabalik lang ito kung ano ito ngayon. Hindi naman sa pagiging selfish, pero sana wala nang bukas. Sana ganito lang tayo palagi. Sana masaya lang tayo," nakangisi niyang sabi sa akin.

He kissed my forehead and he stood up from where we were sitting. "Matulog na tayo, love. Maaga pa tayo bukas."

Sumunod naman ako sa kanya at isinara na ang pinto sa balcony.

Nang nakahiga na kaming dalawa ay niyakap ako ni Lee ng mahigpit. "Greyson?"

"What?" I nonchalantly answered.

"I love you."

I smiled. "I love you too."

Right there I felt that he was the right person to spend my whole life with. There is something about Lee that I did not and will probably not see in other people.

Nakangiti lang ako habang hinahawakan ang kanyang nakayakap na kamay sa aking katawan.

****

I woke up the next morning without Lee. At first, inakala kong kumain lang siya ng breakfast sa baba, pero nang napansin kong wala na ang kanyang bag ay doon na ako nabahala.

I searched for him – heck, I even asked the staff if they saw a tall Korean guy around the area, but they told me that they did not see him on the villa. Doon ay tumulo na ang luha ko.

Pagkarating ko sa aming room ay nakita kong nandoon ang cell phone niya na nakapatong sa isang folded na papel. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ko ang handwritten note ni Lee sa akin.

Greyson,

Thank you.

Thank you for changing me.

Thank you for being the best person whom I can confide with.

Thank you for showing me what love truly means.

And thank you for showing me my true worth as well.

You are the best thing that has ever happened to me . . . and I don't deserve you.

I am just a wuss. A coward. Someone who doesn't deserve an ounce of your affection.

I am not the perfect person whom you pertain me as.

You were in love with the idea of falling in love with me and not because you were really in love with me. I hope that makes sense to you.

I also hope that you can find the perfect person for you . . . because I am certainly not him.

Lee

PS: Please don't search for me.