Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 23 - Supercut

Chapter 23 - Supercut

Who would have thought that I would open my heart to someone like Griffin?

After a week of getting to know him, parang unti-unting naging mas malapit ang loob ko sa kanya. With our late night conversations about almost everything and fun, unpretentious dates as well, nalalaman kong maigi na mabuti naman siyang tao at mukhang totoo ang intensyon niya sa akin.

Griffin also helped me to forget my ex-boyfriend. This way, ginagawa ko ang trabaho ko without thinking na nagpapa-martir ako sa kanya.

Speaking of which, sa isang linggo naming trabaho, ang dami na naming nagawang tatlo sa kasal nina Heather at Lee. Nakapag-process na kami regarding sa wedding venue na ginusto ni Lee, nakapag-book ng wedding date sa kanila na sobrang hassle kasi nga ay rushed, at ngayon ay andito na nga kami ni Kendra sa bridal shop na gusto ni Heather para sukatan silang dalawa.

Rose gold at gray ang napiling colors ng dalawa para sa kanilang wedding motif. I didn't really dare to ask them why, pero si Kendra ay kumuro kay Heather last day kung bakit gan'on ang mga napili niyang kulay nang wala silang ma-topic, at narinig ko namang sumagot ng isa ng, "Rose gold is my favorite color. Napaka-classy kasing tignan and it suits my aesthetic. Ask Lee about the other color. May fetish ata siya sa gray."

Natahimik na lamang kami ni Kendra nang marinig namin ang sagot ni Heather.

Unang dumating si Heather dito dahil daw hinatid pa ni Lee si Junsa sa kanyang school. Habang naghihintay kaming dalawa nila Kendra sa kanya while she fits her wedding gown sa tulong ng assistant ng kaibigan niyang designer na si Lauren Alister, Heather asked Kendra na magpatugtog sa kanyang phone ng music para mawala ang kaba niya. I guess it is part of being excited na kinakabahan kasi most of the brides that we encountered tell us the same damn thing.

"Ano'ng klaseng songs, girl?" pagtatanong ni Kendra.

"Indie songs sana. Pwede rin 'yong mga kanta ni Lauv at ng LANY," she answered.

"Uy, pareho kayo ng taste sa music, ah," mapang-asar na bulong ni Kendra sa akin bago siya tumawa. Nang pinatugtog ni Kendra ang Pink Skies ng LANY.

"Oh my gosh," Heather exclaimed. "Favorite namin iyan ni Lee. Believe it or not, we actually met each other sa Manila Bay when we watched the sunset. Bihira lang ito sa akin, but I was the one who started the conversation. I told him that I love looking at the pink skies, though naghanap lang talaga ako ng topic na pag-uusapan because he was crying as he was looking at the sundown."

Kendra nudged me, pero hindi na lang ako kumibo. I just listened to Heather as she told us their story. "Tapos hindi pa rin siya nagsasalita. Umiiyak pa rin siya. Then I told him that sunsets are the proof that merong tinatawag na reset, so baka pwede niya naman iyong i-apply sa buhay niya so that he could reset his emotions kasi malungkot nga siya. Doon tinitigan niya na lang ako and then biglang nag-shift ang emotion niya from being sad to being composed. The rest is history," pagpapatuloy ni Heather.

I knew exactly why Lee's mood shifted, and I knew exactly kung bakit siya malungkot, but I could not tell her nor Kendra about it. Naramdaman kong uminit ang dalawa kong tenga dahil sa kinwento ni Heather sa amin, pero hindi ko pinahalata sa kanila na affected ako roon.

"What's past is past," bulong ko sa aking sarili. Kwento na ni Heather iyon at wala na akong concern patungkol pa sa istorya nila.

Pagkatapos ng ilang pang mga minuto ay pinakita na niya sa amin ang sinukat niyang wedding gown. She looked pristine kahit na 'di naka-ayos ang kanyang buhok, and we could tell from her smile that she's blissful and thrilled to wear that wedding gown on the day of her wedding.

I complimented her for it at mas lalo siyang natuwa.

"Sana nga ay mag-fast forward ang oras at August 20 na," she said. "I couldn't wait to be called Mrs. Heather Lee."

"Wait," naka-kunot noong tanong ni Kendra sa akin. "Last name ni Lee ang Lee?"

"Ang gulo mo namang kausap, Kendra," I grimaced. "Pero oo, last name niya ang Lee."

Nang ibinalik namin ang aming atensyon kay Heather ay nakangisi na lamang siya na may pagtatanong sa kanyang gawi, pero ibinaling niya na lamang ang aming atensyon sa ibang bagay ng tanungin niya si Lauren kung pwede raw bang ipadala na lang muna sa tattoo parlor ni Lee ang kanyang suit and pants at pati na rin kay Junsa during lunch time.

"By the way, Kendra and Greyson, wala muna ako rito sa Pilipinas for a week kasi may work ako sa Milan. Si Lee na ang bahala sa inyo about sa ibang mga gagawin, okay?"

In-assure naman namin siya na magtutulungan kami ng kanyang groom sa ibang plans about sa wedding nila.

Noong lunch time ay pumunta kaming dalawa ni Kendra sa tattoo parlor ni Lee. Dahil hindi ko dinala ang sasakyan ko ay nagpahatid na lamang kaming dalawa ni Kendra sa isang driver ni Heather doon.

Kendra was as surprised as I did when we saw the name of his tattoo parlor.

"The Greyhound Tattoo. Interesting," pilosopong sambit ni Kendra habang naka-cross ang kanyang mga braso. "Saan kaya nanggaling ang pangalang iyan?"

"Co-incidence lang siguro," naiinis kong mungkahi naman sa kanya. "Baka mahilig siya sa aso kaya greyhound. Ikaw naman," pagdadagdag ko pa.

"Mahilig sa doggie pala itong si Lee – at Grey –"

Tinignan ko siya ng masakit para tumigil na siya at baka marinig pa kami ng driver ni Heather.

"Patapusin mo kasi ako," wika naman ni Kendra. "Mahilig pala sa dogs itong si Lee at greyhound ang favorite breed niya. Okay na?"

"Bahala ka sa buhay mo." Nauna na akong pumunta sa loob dahil nakakapikon na itong si Kendra sa kanyang mga pangungutya, at nang buksan ko ang pinto ng parlor ni Lee ay nakita ko kung gaano siya nagulat sa akin at tsaka siya lumapit para magbigay ng yakap pero umiwas ako.

"Shake hands?" he insisted.

"Sure," nakangisi ko namang sagot bago kami nag-shake hands. 'Di na namin napansin na si Kendra ay nasa likod ko lang pala hanggang sa umubo siya. Lee hugged Kendra at ang isa naman ay nag-make face sa akin habang yakap-yakap si Lee.

"Dinala naming ni Kendra ang suit at tsaka pants mo para tignan kung fit sa'yo, tapos dinala na rin namin ang dress ni Junsa rito," I said. Ngumiti si Lee as he nodded.

"By the way, kumain na kayo? Bibili lang ako ng lunch natin sa labas, is that okay to you?" he asked us.

"Hindi pa nga, e. Nagki-crave nga ako ng Korean ngayon," sambit ni Kendra. Nang kinurot ko naman siya ay tsaka niya tinama ang kanyang sinabi. "Korean food, ano ba naman kayo?"

Tumawa na lang kaming dalawa ni Lee bago niya tinawag si Junsa at tsaka siya umalis.

"Hi," masaya kong bati sa anak ni Lee. Kuhang-kuha talaga ni Junsa ang features ng kanyang ama from their eyes down to their lips.

"Hi," nakangiti niya namang sagot. Surprisingly, nakakapag-salita rin ng Tagalog pala itong si Junsa nang nag-kwento siya sa amin about sa favorite TV show niya habang binibihisan siya ni Kendra. Nang napaghalata niyang 'di kami nakikinig sa kanyang kinikwento ay iniba niya ang topic.

"Daddy told me na hindi raw ako pwedeng makipag-usap sa strangers, but since you know each other, I thought na pwede naman akong mag-tell ng stories sa inyo, right?"

We nodded our heads as a response to her question. "But the thing is, kanina pa ako nagsasalita, but I don't know what to call you. May I know your name, Tita?" she asked Kendra.

"Kendra, ang babaeng may pananampalataya," mapagbirong sagot ni Kendra sa kanya bago siya tumawa.

"Ang haba naman. Can I just call you Kendra?"

Mas lalo siyang tumawa sa sinagot ng bata. "Of course. Kendra na lang."

Tumingin naman si Junsa sa akin at tsaka niya ako tinanong kung ano ang pangalan ko.

"Greyson. Grey for short," I answered. Nagulat naman si Junsa pagkarinig niya ng pangalan ko at tsaka siya sumagot ng, "Dad used to tell me this person whose name is also Grey."

I looked at Kendra as we listened to her. "Ano raw ang sabi niya about sa kaibigan niyang si Grey, baby?" pagtatanong ni Kendra. Nag-shift ang mood ko from being curios as I almost laughed to Kendra's desperate attempt to baby talk Junsa.

"Well, dad used to have a special friend named Grey. They used to be so close daw at 'yon 'yong happiest days ng buhay niya – but the thing is that he never saw him after he went back to Korea. Don't tell this to Tita Heather, a," she said.

Namanhid ako sa sinabi ng bata. Unti-unting tumigil ang mundo ko at para bang nanikip ang dibdib ko.

Kung 'yon ang happiest days ng buhay niya, bakit hindi siya bumalik pa?

"Kendra, can you please tell Lee na may pupuntahan lang ako?"

Nahalata siguro ni Kendra na hindi mabuti ang pakiramdam ko kaya 'di na siya nagtanong pa. I dialed Griffin's number and asked him to fetch me sa pinakamalapit na landmark dito para makapag-lunch kaming dalawa bilang malapit lang naman ang kanyang bahay rito.

Naku-konsensya ako sa sarili ko na ginagawa kong escape itong si Griffin dahil kay Lee, but I have no other option. I need to distract myself from him.

Around fifteen minutes ay dumating na rin si Griffin sa tapat ng paaralan kung saan ako naghihintay sa kanya. Pagkababa niya ng sasakyan ay niyakap ko kaagad siya ng mahigpit at tsaka ako umiyak.

"Hey, what happened?" concerned niyang pagtatanong.

"Nothing. Na-overwhelm lang ako sa work ko," I answered.

"Don't stress yourself out sa work mo. Trabaho lang iyan. Shall we go now?" he asked. Nagulat na lamang ako nang hinalikan niya ako sa noo as he caressed my hair, but I smiled anyway. At least dahil sa ginawa niya ay naging panatag ako.

"Of course," ika ko bago niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

As Griffin started the engine, I looked at the other side of the street only to see Lee – holding a huge box of pizza – crying as he looked at us.