Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 15 - Soft Boi

Chapter 15 - Soft Boi

A lot of things happened since Miss Venus Liesel was exposed, and eventually, she was terminated from her family's own university. Labing-anim kaming nakuhanan ng kanya-kanyang mga statement ukol sa karanasan namin sa kanya dati.

When the police asked for my story, I did not sugarcoat anything. I clearly told them what really happened behind closed doors without adding or eradicating the incident. I asked them to hide my identity as well because I didn't want a huge issue to happen which involves my last name in it. Nang tinanong ako ng nag-iimbestiga kung bakit ayaw kong magsampa ng kaso laban kay Venus, I told him that I'd rather keep the answer to myself since I didn't want to share it.

Truthfully, I wanted to file a case against her, but I am a wuss. I always were.

I care too much about other people that I prefer keeping quiet kahit na ako ang na-agrabyado just to save my family's reputation. I also didn't want my parents to know about this because they will eventually transfer me to another school. I care about my boyfriend as well.

Days after I shared my story to the police, there were rumors circulating around our campus that there were nine people who will definitely file their cases against our P.E. teacher. One victim, according to the hearsays, even have a video as a testament of what had happened between him and Venus before. Nang marinig ko iyon ay natuwa ako dahil makakakuha na rin ng hustisya ang mga naging biktima niya sa wakas.

Nang weekend ay tinanong ko si Lee kung kumusta na si Cobi dahil sa nangyari sa campus. Ngumiti naman siya at sinabi sa akin sa isa si Cobi sa mga magsampa ng kaso laban kay Venus. "Alam mo ba na halatang masaya ang kaibigan ko lately?" dagdag pa niyang tanong pagkatapos ng binalita niya.

"Bakit? Hindi ba siya masaya dati?" tanong ko rin sa kanya while raising one of my eyebrows.

He quickly grimaced and told me that he can sense if a person is genuinely happy or not. "In Cobi's case, literal na masaya siya ngayon. Tell your best friend that he's probably the reason for that," he added before he sat beside me.

"Naku. Baka in-assume mo lang na si Mathias ang rason kung bakit nangyayari iyan sa kaibigan mo."

Lee held my hand and looked at me as he arched his lips. "Perhaps you don't believe in the power of love. Saan na si Greyson na umiyak sa harap ko habang nagko-confess ng kanyang feelings sa akin?" he said, then he started to laugh like a mad racoon.

"Gago ka talaga," sagot ko naman sa kanya bago ako dumistansya ng kaunti. Umusog kaagad siya papunta sa akin at tsaka siya umusal ng, "Kung gago ako, eh, 'di gago ka rin kasi minahal mo ako."

Kinatawa ko na lang ang sinabi niya kasi totoo naman talaga.

*****

Mathias knocked on my door around afternoon kasi gusto niya raw na samahan ko sila ni Vaughn sa pupuntahan nila. Nang tinanong ko ang kaibigan ko kung para sa ano ba ang pupuntahan namin ay hindi siya sumagot kaagad. Awhile after, he pointed out Lee using his mouth at tinanong niya ako kung okay lang ba sa partner ko na samahan namin si Vaughn. Pinapunta ko na lang si Lee sa harap ni Mathias at tinanong siya mismo kung papayag siya na umalis muna ako sandali.

"Oo naman," nakangising sagot ni Lee sa amin. "I-text mo na lang ako kung nasaan ka mamaya kasi susunduin kita," dagdag niyang sabi bago ko naramdaman ang pag-pitik ni Mathias sa bewang ko.

I just nodded before I changed my clothes and Mathias and I left the dormitory rightafter. Naisipan namin na maglakad na lang papunta sa coffee shop kung saan naghihintay si Vaughn sa amin kasi ang dami nami pa naming pag-uusapan.

Hindi pa man kami nakalayu-layo ay nagtanong ka kaagad si Mathias kung ano ang estado ng relasyon namin ni Lee, and I confidently told him that we are now a couple. Wala siyang inimik pagkatapos n'on. Siguro naman sa ikinilos namin ni Lee nang gabing magpa-despedida party si Kuya Edward ay nahalata na niya. Then I thought about something else regarding that night.

"Matanong ko nga rin . . . What exactly is going on between you and Cobi?"

Napakamot siya ng kanyang ulo at tsaka siya ngumiwi bago siya sumagot ng napaka-broad na, "We are just friends."

"Could you be any more vague than that? What happened during your detention? Bakit naging close kayo pagkatapos n'on?"

"Ang dami mo namang mga tanong," panimula niyang sagot doon. "Pero sasagutin kita. During our detention, noong una ay para kaming mga aso at pusa na nag-aaway sa iisang room to the point na parang magsusuntukan na kami roon, then in order for us to get put from that room, we needed to team up in a long-ass essay on our perspectives regarding sa tanong na "What makes a man?" Of course, we still bickered with each other, pero nang malaman namin 'yong sarili naming mga rason kung bakit kami ganito, we suddenly understood and empathize each other. In the end, we became friends," he added.

Akmang magtatanong pa sana ako pero nagsalita ulit si Mathias. "You know what's funny? That all those times that he hated me for being myself, he never fully understood anything about me, and all those times that I was perplexed by his negative demeanor, hindi ko siya nakilala ng maigi. I think it is really important to get to know someone before judging them."

I smiled a little because of what he had said. I was happy because Mathias and Cobi are now cordial within each other and their relationship might bloom into something more meaningful than being friends.

Nang makita namin si Vaughn sa loob ng coffee shop ay napaghalata kong namumutla siya. "Ano ang problema mo at bakit parang nawalan ka ng dugo?" sarkastikong tanong ko sa kanya bago ko hinawakan ang pisngi niya.

"Hindi iyan nag-foundation, Greyson. Talagang ganyan iyang kapag nininerbyos," sagot naman ni Mathias sa gilid ko. Si Vaughn naman ay hindi pa rin nagsasalita.

"Bakit, ano ba ang meron?" I asked Mathias.

"Magpapa-test kasi siya for HIV today. Ganyan talaga iyan bago siya kukuhanan ng test, namumutla palagi. Palibhasa takot sa karayom," sagot ulit ni Mathias sa tanong ko. Pinakalma ko si Vaughn pero parang walang epekto ang lahat kasi namumutla pa rin siya habang naglalakad kaming dalawa papunta sa pagpapakuhanan niya ng HIV test.

Nang makarating na kami sa tapat ng testing center ay nagpaalam si Mathias sa amin na may emergency raw ang kaibigan niya at kailangan niya itong puntahan. I just nodded while Vaughn looked at him furiously. "Sabi na nga ba, eh," narinig kong bulong ni Vaughn nang makalayo-layo na si Mat sa amin.

"Ganyan talaga iyan kapag nagpapasama ako sa kanya. Ang alibi niya last time ay emergency rin ng kaibigan niya. That's the reason why he wanted you to accompany me here, kasi iiwan din niya ako," nagagalit niyang sabi sa akin. I comforted him rightafter hanggang sa kumalma na siya.

Vaughn held my hand as he told me the real reason on why he was nervous. "Takot ako sa karayom, pero mas takot ako sa magiging resulta ng test na ito," wika niya.

"The guy whom I had my last sex with did not use a protection during our session. Iyon ang first time na pumayag ako sa unprotected sex, and it was because I was very aroused at that time," he explained. "Hindi ko kasi siya kayang i-resist."

I bit my lower lip before I asked him if the two of them are dating. "No, he was a Grindr hookup," he quickly responded. Tumangu-tango na lamang ako as a response because I didn't want him to think that I was judging him, pagkatapos n'on ay binuksan na niya ang pintuan ng center at nagulat ako nang malaman kong ang dami palang nagpapa-test dito.

"Parang may audition lang X-Factor, ano? Pero sana X ang matanggap naming resulta mamaya," nakangising sabi ni Vaughn sa akin bago siya pumunta sa front desk at kumuha ng kanyang number.

"Magpapa-test ka rin?" tanong ng lalaking volunteer na nasa front desk sa akin.

I shook my head. "Sinamahan ko lang ang kaibigan ko," I answered.

Vaughn chimed in to our conversation and told me that I should try it as well. "Ano ka ba, walang mawawala sa iyo kapag sinubukan mo iyan," he said before the guy handed him another number.

"Samahan mo ako at sasamahan din kita. What are friends for nga, hindi ba?" he told me before he tapped my back.

Tinext ko na rin si Lee na hintayin niya ako sa katapat na coffee shop in 30 minutes para pagka-alis namin dito ay didiretso na kaagad ako roon sa kanya.

Nang tinawag na ang number ni Vaughn ay sumama na ako sa kanya. Katulad kanina ay namumutla na naman siya habang kinukuhanan siya ng dugo. "Karayom lang iyan, ano ba? You're a strong gay man; you can overcome that," kako sa kanya para hindi siya matakot. Nang hindi pa rin gumana ang sinabi ko ay nagkwento na lang ako sa kanya hanggang sa tinurukan na siya ng karayom. Napatawa ako ng saglit nang napasigaw siya dahil sa magkahalong gulat at sakit na kanyang naramdaman. Inirapan niya na lamang kami ni kuya nang ipinahid na niya an cotton balls sa kanyang daliri.

"Ikaw na," masungit niyang sabi sa akin nang nagpalit kami ng kinauupuan.

"Katulad po kanina kay Sir Vaughn, I'll just prick you in the finger and the blood we extract will be used for the testing kit. Maghintay lang po kayo ng thirty minutes at ibinigay na po namin ang resulta ng test sa inyo," wika ng volunteer habang hawak-hawak ang karayom sa isa niyang kamay.

I closed my eyes, and a moment later, naramdaman ko ang kirot na dala ng pagtusok ng karayom sa daliri ko.

"Tapos na po, sir," sambit ng lalaki nang iniabot niya sa akin ang cotton ball na nilagyan ng alcohol.

We waited for thirty minutes in the exact place that we were tested, at nang iniabot na sa amin ang results ay binasa kaagad namin ni Vaughn ito.

"Negative," I told Vaughn.

He almost cried before he responded. "Negative din," nakangiti niyang sagot sa akin before we hugged each other.

Vaughn and I parted our ways after we got the results from our HIV test. Nang nakalabas na ako ng clinic ay pumunta na kaagad ako sa coffee shop kung saan naghihintay si Lee sa akin. He waved his hand as he saw me at natuwa ako dahil naka-order na siya ng pancakes at iced coffee para sa akin.

Nang tinanong niya ako kung saan ako pumunta ay nagsinungaling ako sa kanya na kailangan nina Vaughn at Mathias na magpatulong sa pagpili ng magandang isusuot sa nalalapit na birthday ni JM at napaniwala naman siya sa sinabi ko dahil hindi na siya nagtanong pa ukol dito. Ayokong sabihin kay Lee na kumuha ako ng HIV test dahil takot akong baka akalain niya na wala akong tiwala sa kanya.

Nagsinungaling din ako kay Vaughn na hindi ako natakot kanina nang kinuhanan ako ng dugo. Ayoko siyang lalong mag-panic kaya pinilit ko ang sarili kong umakto na maging matapang, pero ang totoo ay takot na takot ako.

Flyder, my brother's best friend, lost his girlfriend because of HIV. Naalala ko iyong panahong wala sa sarili si Kuya Flyder dahil sa pagpanaw ng kanyang girlfriend. Naramdaman ko ang impact ng pagkawala ni Mia sa buhay niya.

I didn't want that to happen to myself.

Moreover, I didn't want that to happen to Lee.

Thankfully, I was tested negative.