Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 16 - The Eggplant Metaphor

Chapter 16 - The Eggplant Metaphor

Ang bilis lang ng panahon at Martes na naman. Dahil sa nangyaring issue regarding sa university namin ay may pumalit na kay Miss Liesel as our P.E. teacher. Ang nakakatawang isipin ay pinipilit ng eskwelahan namin na kalimutan na namin ang nangyari rati at isa-isip na lang ang studies namin instead of the past. Kahit ano'ng pagpipilit at pagtatago ng faculty sa issue regarding sa kaso laban kay Venus ay hinding hindi pa rin n'n'on malilimutan ng mga biktima niya na kabilang na ako.

Ngayon ay nakaupo lang kaming dalawa ni Lee habang nakikinig sa lesson ni Miss Leyretana. She was talking about contemporary Filipino poets and their works. Si Lee, bilang alam na ata ang lesson ngayon, ay nakasandal lang sa balikat ko habang nakatingin sa babae sa harap naming dalawa.

"Tignan mo siya ng maigi, Grey," bulong niya sa akin bago kami sabay na nagsitawanan kasi nakita kong dinu-doodle niya ang caricature na mukha ng teacher namin sa kanyang notebook.

"What's that?" mataray na tanong ni Miss Leyretana sa amin. We shook our heads in unison and told her that it was nothing.

Nag-iiba ang timpla ng mood ng teacher namin kaya siya nagpa-surprise quiz. Dinig na dinig pa naming dalawa ni Lee na nagrereklamo ang classmates namin dahil doon. Good thing that I have a smart boyfriend beside me during the quiz kasi pinakopya niya ako ng lahat ng kanyang mga sagot, at mas natuwa ako nang makita kong perfect ang score naming dalawa.

"Iba ka talaga," bulong ko kay Lee bago ko ipinasa ang papel ko sa kanya. He just smiled and confidently told me that Miss Leyretana's quizzes are always on our study book's footnotes.

Nang kinuha na ni Miss Leyretana ang lahat ng mga papel ay inanunsyo na niya sa klase namin ang aming project para sa prelim. "I do not want to sugarcoat anything here. The recent controversy that is affiliated to our university made us, the faculty members and the students of Liesel U, the targets of shameless jokes and unnecessary hate from the people. Gusto kong malaman ninyong lahat na malalampasan natin ang issue na ito, pero sa ngayon na laman pa rin tayo ng mga headline ay nais kong i-divert natin ang ating mga atensyon sa mga bagay kung saan tayo masaya. Kung ang Liesel University ay lugar na kung saan marami sa atin ang nakaranas ng sakit, lungkot, at pagkadismaya, nais kong gumawa kayo ng essay regarding sa mga lugar na maituturing ni yong peaceful. Kayo na ang bahala kung anu-ano ang mga lugar na iyon, but it is important for you to present them in front of our class before our preliminary examination. Kailangan din na may photos ng locations na pinili ninyo kasi hindi naman lahat sa inyo ay imaginative," ika niya bago siya nag-smirk.

"Bitch," narinig kong sabi ng babae sa harap namin; the same girl who doodled a caricature of her face on her notebook. "Kung kailan two weeks na lang ang prelim exam, tsaka pa magpapa-project ang gurang na ito," dagdag pa niyang pagrereklamo. Mabuti na lang at hindi narinig ng guro namin ang sinabi niya kasi baka magpa-surprise quiz na naman siya kung nangyari iyon.

Miss Leyretana asked us to group ourselves into two, at kahit na maraming mga babae ang gustong maka-partner si Lee ay inunahan niya na kaagad sila when he grabbed me on my waist. "Hi, partner," nakangisi niya pang tawag sa akin.

"Hi, partner," sagot ko naman habang tinitignan siya. When I looked away, I saw Miss Leyretana smiling at us bago siya umupo.

*****

Nang naglakad-lakad kami ni Lee sa school grounds nang vacant namin ay naisipan kong i-share sa kanya ang naisip kong ideya sa project namin sa Fil Lit. "What if puntahan natin ang mga lugar noong mga panahong wala pa tayong pinoproblema? Iyong mga lugar kung saan hindi natin iniintindi ang ibang mga tao at malaya tayong nakikipaglaro sa mga kaibigan natin," I told him, then I saw his facial expression swiftly change from being indifferent to being sour.

"Are we going to travel to Kangnam for this project?" he asked. Natahimik ako ng saglit before I told him the last-minute second option that I invented just to cover up my butt from humiliation.

"What if we go to Balesin Island in Polilion, Quezon? It has the most pristine white sand in Luzon!" I exclaimed.

"Hindi ba private iyong island na iyon? May membership lang ang pwedeng maka-stay roon," sagot niya naman.

I beamed as I whispered to his ear, "Then you are lucky enough to have a boyfriend na may membership doon."

*****

Dahil sa gusto kong sabay kaming umuwi ni Lee so that we can plan ahead our vacation in Balesin Island ay hinintay kong matapos ang klase niya sa kanyang last subject for today. I was planning to surprise him as I hid under the kalachuchi tree na malapit sa kanyang classroom. Turns out, I was the one who was surprised when I saw him with another girl.

She was holding a small box as they were talking, and Lee did not even hesitate to accept her gift to him. Biglang uminit ang batok ko dahil sa mga nakita ko, pero hindi ako pumunta kaagad sa kanila; nakatingin lang ako sa kanila habang sila ay sweet na nakikipagkwentuhan. What irked me more is the fact that he was very happy as they were talking. Doon ko napagtanto kung ano talaga ang halaga ko sa buhay niya: Isa niya akong boyfriend, at bilang isang lalaki na katulad niya, wala akong maipapanalo sa babaeng kausap niya ngayon.

Dahil sa pagkainis at dahil na rin sa kinakagat na ako ng mga lamok dito sa tinataguan ko ay naisipan kong pumunta sa kanila. Umakto ako na nauubo ako para mapansin ako ni Lee, pero nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa babaeng iyon.

I coughed again and he eventually noticed me standing in front of them. The girl that he was with stared at me downwards while she was cringing - bagay na mas lalo kong kinainis. Pagkatingin ko ulit kay Lee ay napansin kong namumutla ang kanyang hitsura.

I bitterly smiled at them. "Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?"

As I had noticed, Lee wanted to utter a word, pero walang lumalabas sa kanyang bibig. "What's that?" I asked him once again before I pointed the small box in his hand with my lips.

Iyong babaeng kasama niya ay nagpaalam na umalis, pero bago pa man makasagot si Lee ay humarurot na siyang tumakbo. Nang maiwan kaming dalawa sa building ay nagtitigan lang kaming dalawa.

"Am I talking to the wind, Sang Woo Lee? Bakit wala kang maisagot?" tanong ko ulit sa kanya bago ko siya nakitang lumuhod sa harap ko.

"Please accept my apology if I didn't tell this to you beforehand," he said.

"So tama ang hinala ko. Kayo rin."

Biglang kumunot ang kanyang noo sa kanyang narinig. "She is just a friend."

I agressively touched my forehead dahil sa frustration na napi-feel ko. "A friend?! Baka naman girlfriend. Friend din ba ang sinabi mo sa kanya tungkol sa akin?" dire-diretso kong pagtatanong.

Tumayo na lamang siya at kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung gaano siya kagalit. "Ano ang pinagsasasabi mo, Grey? Kaibagan ko lang si Cyd, ano ba?!"

I bitterly laughed at him. "Oh, come on! Bakit ang sweet sweet ninyong dalawa habang wala ako? At bakit may binigay pa siya sa'yong ganyan kung magkaibigan lang talaga kayo?"

"This," he said, "is not what you think it is."

"Then what's that? And what's her name again? Cyd as in Cydney?"

"Cyd as in Lactacyd," he said. Nagulat ako noong una sa pangalan ng babae at gusto kong tumawa, pero mas lamang pa rin talaga ang galit ko sa kanya.

"Anyway, to answer your question, you can check this out by yourself," wika niya bago niya inihagis ang maliit na box sa akin at isinalo ko naman. I opened it, and I was surprised to see a necklace that has my name in it.

"I apologize for not telling you na may surprise gift ka sa akin," galit niyang sabi. "And Cyd was one of those girls like Reese here in the campus pero tumigil na rin siya. She wanted us to have a closure when she found out our relationship, so humingi siya ng pabor sa akin na kung pwede ay gawan niya ako ng necklace with my name in it, pero pangalan mo ang ipinilit kong gawin niya."

I was dumbfounded when I found out about everything. Nagshift ang pagkagalit ko sa kanya papunta sa pagkagalit ko sa aking sarili. "Sorry, Lee. Ikaw naman kasi, e," ang tanging nasabi ko sa kanya before I cried in front of him.

I was surprised when he suddenly hugged me. "Huwag ka nang umiyak. Just trust me with everything, okay? I won't cheat on you," he assured. I hugged him back and asked him to refrain himself from keeping any secrets from me.

"I can't promise you that dahil may lamat na ang pagtitiwala ko sa mga tao since my video spreaded on the Internet," he said. "Pero susubukan ko para sa'yo."

*****

Bago kami umuwi ay nag-aya muna si Lee na pumunta kami ng soccer field para tumambay at magmuni-muni. Sumama naman ako sa kanya dahil wala naman kaming gagawin sa dorm namin ngayong gabi.

Nang umupo na kami sa may goal area ng field ay sinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Tignan mo ang mga bituin sa langit," sabi niya habang nakangiti. I looked up and asked him kung ano ang meron sa stars sa kalangitan.

"Naaalala ko ang balakubak mo habang tinitignan ko sila," sagot niya naman sa akin bago siya tumawa ng malakas. "Kidding aside, wala namang deep na explanation sa sinabi ko. Nagagandahan lang talaga ako sa kanila."

I beamed. "You're right. Pwede naman nating i-appreciate ang mga bagay kahit na wala namang malalim na meaning o hindi naman natin gets kung ano ang point nila, hindi ba?"

He just nodded as a response. "Just like Korean pop. A lot of people here are fans of some songs from your country, and the best thing about it is that they didn't really care about their meaning. They just love them as they are."

Natawa si Lee. "Ngayon ikaw naman ang pa-deep sa ating dalawa. By the way, kanina habang kumakain ako ng ginisang talong sa may karinderya sa labas noong lunchtime ko ay naalala kita."

I just grimaced on what he had said. "Kadiri ka naman, Lee. Hanggang sa pagkain, talong ko pa rin ang iniisip mo? Hindi ka ba nagsasawa?"

Kinonyat niya na lamang ako at tsaka siya nagsalita ng Korean na hindi ko naman maintindihan. "Asa ka pa. Ang ibig kong sabihin ay nakikita ko ang relasyon natin sa pagluto ng talong," he said.

I continued to grimace while looking at him. "I am still baffled. Can you explain that to me?"

"Cooking an eggplant is like loving you: the situation between us is always unpredictable and not stable, but when everything goes well between us, I could not ask for anything more as I am already contented," wika niya habang nakatingin siya sa madilim na kalawakan.

"What does that even mean?" I asked him while I caress his hair.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha as he rolled his eyes. Then he told me to focus on what he was saying and not on his beautiful face.

"Ang kapal mo talaga," pabiro kong sagot sa kanya bago ko siya binatukan. Tumawa naman kami pareho dahil sa ginawa ko, then his mood slowly shifted to being serious this time. "What I mean is that the risks are great, but the possible rewards are greater. You are the greatest reward that I have right now."

I smiled and kissed his forehead because of what he said about our relationship.