Chapter 3 - Romba

Shaun's POV

"Saan naman ang lugar na sinasabi mo, Elder James?" tanong ni Elder Jona.

"Sa Romba, mas malayo ito sa Kropek, at mahihirapan ang mga kawal na masundan tayo ro'n," tugon ni Elder James.

"Kahibangan ang sinasabi mo Elder James! Bakit mo ipapahamak ang ating angkan? Ang sinasabi mong lugar ay kung saan matatagpuan ang Mythical Forest. Alam nating delikado ito dahil sa kayraming mga malalakas na magic critter na nakatira ro'n!" tumaas na rin ang boses ni Elder Alejandro.

Magic critter ang tawag sa mga hayop sa aming mundo. Kakaiba sila, dahil meron din silang taglay na kapangyarihan gaya namin.

Makikitang tumatangong sumang-ayon ang iba sa sinabi ni Elder Alejandro.

"Mas mabuting humanap tayo ng ibang lugar kung saan mas ligtas tayo," sabi ng ibang elder.

"Huwag kayong mag-alala. Alam ko kung saang parte ng Romba mas ligtas tayo, at hindi tayo magagambala ng mga magic critter," aniya ni Elder James.

"Sige, pumapayag na kami sa suhestyon mo," aniya ni Elder Jona.

Siya ang pangalawang Elder dito sa Igro.

Tumango naman ang ibang elder. Ang iba, lalo na si Elder Alejandro ay umiiling. Pero dahil sa mas marami ang pumayag ay wala na silang nagawa.

"Mga kapwa ko bordues! Alam kong masakit ang nangyari sa ating angkan, at lalong-lalo na ang lisanin ang ating lugar kung saan tayo namulat sa lugar na ito. Pero gusto ko lang na maging ligtas ang bawat isa sa atin, kaya pupunta tayo sa Romba. May alam akong lugar doon na ligtas tayo, at pwede nating pansamantalang maging kampo. Kuhanin niyo ang mga mahahalagang bagay sa inyong bahay, at lilisanin natin ang Igro!" rinig na rinig sa buong kabahayan ang boses ni Elder James.

Tumango ang lahat at nagsimulang pumasok sa kanilang bahay. Sa tantiya ko ay nasa 500 na lang kami kabilang na ro'n ang mga bata.

Matapos mag-empake ay nagsimula na kaming maglakbay. Naglalakad kaming lumisan sa Igro. Hindi rin kasi maaaring magtatakbo kami dahil may maiiwan. Tsaka madami kaming dala.

Ang isa rin sa dahilan ay para makabisado namin ang daan, at ang paligid habang binabaybay namin ito.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang tanawin.

May mga nagtataasang puno, mga ibong nag-iingay at lumilipad sa itaas ng mga puno, mga makukulay na halaman, at meron din akong mga nakikitang magic critter na hindi naman dapat katakotan.

Walong oras na kaming naglalakad dahil wala naman kaming pwedeng masakyan.

Sa pamilya namin ay ako ang tagadala ng mga gamit dahil unang-una, elementong hangin ang kapangyarihan ko. Pwede kong gamitin ang hangin, nang hindi binubuhat ang mga gamit namin.

Makikita sa kaliwang banda ko ang mga nakalutang na bagahe na ako ang may kagagawan. Sa kanang gilid ko naman ay si Eathon, na nakahawak sa laylayan ng pang-itaas na suot ko.

Siya ang batang sinagip ko. Cute rin naman siya kagaya ko.

May buhok na kulay puti, berdeng mga mata, matataas ang pilik mata, puting kilay. Hindi gano'n ka tangos ang ilong niya. Pero, cute rin naman tingnan. May mapupulang mga labi, medyo malaman ang pisngi na kaysarap pisilin, at may taas na tatlong talampakan. Medyo mataas lang ako ng kunti kaysa sa kaniya.

"Huwag mo masyadong higpitan." Lumalalaylay na ang pang-itaas kong suot dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.

Yumuko siya at naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa suot ko.

"Huwag kang mahiya." Nakayuko pa rin siya.

"Sige na nga higpitan mo na ang paghawak diyan." Naramdaman kong unti-unti na namang lumaylay ang pang-itaas ko.

"Hay," buntong hininga ko.

Sa likod namin, sina Inay at Itay.

"Kapagod!" Napayukod ako at napabuntong hininga.

Hindi lang ba kami pagpapahingahin ni Elder James? Aba't may bata rito! Nangangalay na ang aking tuhod at sumasakit na rin ang aking paa. Hindi na rin maipinta ang mukha ko sa pagkainis.

"Gusto ko ng magpahinga!" malakas na sambit ko na ako lang ang nakakarinig at ang iilan sa mga malapit sa akin. Hindi kabilang do'n ang mga elder. Bukod sa aking Itay.

Nang lumingon ako kay Eathon ay nagtutubig na ang mga mata niya.

Yumuko ako ng bahagya at sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya. "Pagod ka na ba?" malumanay kong sabi sa kaniya. Nahihiyang tumango naman siya.

Ang tanga ko! Ngayon ko lang naisip na pwede ko rin pa lang gamitin ang aking elementong hangin para magpalutang na lang. Nanigas ang panga ko dahil sa kabobohan ko.

Itinuwid ko ang aking likod.

"Hawakan mo kamay ko."

Tumingala siya. "Huh?"

"Hawakan mo kamay ko. Higpitan mo ang paghawak ha. Lulutang tayo."

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Sabay kaming lumutang. Ngumiti ako ng malapad.

"Hayst, ang talino ko talaga."

Nang mapagawi ang tingin ko sa mga Bordues ay gumaya rin sila sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Wala kayong pagka-orihinal. Ako na kaisip nito eh," bulong ko na ako at si Eathon lang ang nakakarinig.

Ilang oras na kaming naglalakad...

"Alam kong pagod na kayo, kaya huminto muna tayo rito at magpahinga. Bukas na tayo magpapatuloy sa paglalakbay," pag-alalang sambit ni Elder James.

Pumuwesto kami nila Inay at Itay sa isang malaking puno. Dahan-dahan kong nilapag ang aming mga bagahe at ibinaba sa lupa. Gayon din kami ni Eathon. Sumandal ako sa punuan at katabi ko siya.

"Hay sa wakas!" malakas na sambit ko.

Napalingon ang mga Bordues sa akin. Nginitian ko lang sila. Makikita rin sa mukha nila ang pagod at galak dahil makakapagpahinga na sila. Palubog na ang araw at marami na ring mga maliliit na kuliglig na nag-iingay.

Lumipas ang ilang oras at tuluyan nang natulog ang araw. Makikita na rin sa itaas ang buwan at ang mga nagniningning na mga bituin. Nagsisilbi itong ilaw sa madilim na lugar.

Ang iba ay bisi sa pagluluto habang ako ay tinitingnan lang ang kalangitan.

Bisi ako sa pagtingin sa mga nagkikislapang bituin. Buo rin ang kulay puting buwan. Parang ngumingiti ito at nagsasabing magiging maayos din ang lahat. Napangiti na lang din ako.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagnilay.

Nawa'y maging maayos ang aming paglalakbay at hindi sana kami makasagupa ng mga malalakas na magic critter.

Iminulat ko ang mga mata ko.

"Shaun, Eathon, kakain na tayo!" malakas na sambit ni Inay malapit sa pinagkumpolan ng kahoy na umaapoy sa gitna. Makikita rin ang mga Bordues na masayang kumakain na.

"Halika na Eathon." Kinuha ko ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko at kinaladkad siya roon.

Nang makarating ay nagsimula na rin kaming kumain.

"Ang sarap!" malakas at galak kong sambit bawat kagat ko. Ang sarap kasi.

Napapalingon pa ang mga Bordues kapag sinasambit ko iyon.

"Saan kaya nila 'to nakuha?" bulong kong sambit habang may kakaunting pagkain pa sa bibig ko.

"Ang ingay ng batang 'to," rinig kong bulong ng matanda malapit sa akin.

"Ang sarap talaga!" mas nilakasan ko ang boses ko nang kumagat na naman ako sa karne.

Lahat ng Bordues ay nakatingin sa akin. Tumingin ako sa matanda at kita sa mukha niya ang panggigigil.

"Shaun, huwag kang maingay kumain. Hindi naman kailangan sumigaw. Kung nasarapan ka, puwede mo iyong sabihin. Basta't alam mong hindi ka nakakadisturbo sa iba," pangaral ni Inay.

"Ang sarap eh," nakanguso kong sambit.

Bumalik na rin sila sa pagkain. Nakita kong napangisi pa ang matanda.

"Tsk!" Inirapan ko nalang siya at ipinokus ang sarili sa pagkain.

Ilang minuto rin ay tapos na kaming kumain...

Lumipas ang isang oras at nagpahinga na ang ilan sa mga Bordues. Ang iba naman ay nagmuni-muni pa. Nang tingnan ko sina Inay at Itay ay mahimbing ng natutulog, pati rin si Eathon.

Mabuti na lang at malakas si Elder James, at nalupig niya ang mga kawal. Tumingin ako sa gawi niya. Mga nasa limang metro lang ang layo niya sa kanang gawi ko.

Napatingin ako sa kaliwang braso niya. Makikita rito ang simbolong puting kalasag at sa harapan nito ay may pulang espada. May mga pitong maliliit na bituin na nakapaikot sa mga simbolo. Nagpapahiwatig ito na nasa Seven Grandmaster Rank na siya.

Tiningnan ko rin ang kaliwang balikat ko. Meron ring simbolong Bronze Coins at may siyam na bituin na nakapaikot rito. Ibig sabihin, nasa Nine Bronze Rank pa ako. Isang star na lang ay magsi-silver Rank na ako.

Nakaramdam na rin ako ng antok. Kaya pinikit ko na ang aking mga mata at sinandal ang likod sa punuan. 

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na rin akong nakatulog dahil sa pagod...

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkabalisa. Madilim pa rin sa paligid. Lumingon-lingon ako. Pakiramdam ko ay may nagmamasid talaga sa amin. Kaya, bumangon ako at naglakad-lakad.

Isang oras na akong naglalakad hanggang sa nawala na ang pagkabalisa ko.

"Nasaan na ako?" nakakunot noo kong sambit habang lumingon-lingon sa paligid.

Pinadyak ko ang kanang paa ko sa lupa. Umilaw ang inaapakan kong lupa at lumabas ang maningning na puting magic circle.

Pinadyak ko ulit ang aking kanang paa at mula sa puting magic circle ay may kumawalang manipis na puting enerhiya at kumalat sa paligid. Isang skill gamit ang elementong hangin ang aking ginawa.

Tinatawag itong Wind Detector. Kaya kong maramdaman ang presensya sa paligid gamit ang skill na ito.

"Hay, salamat," napangiti ako nang maramdaman ang presensya ng mga kasama ko.

Hinakbang ko ang mga paa ko at sinundan ang nararamdaman kong presensya. Mabuti na lang at may ganito akong skill, kun'di ay baka naligaw na ako.

"Umaga na pala." Sambit ko habang binabagtas ang paa patungo sa aming kampo.

"Hay, sa wakas nakabalik din ako."

Nakita kong gising na rin ang karamihan. Gising na rin sina Inay at Itay. Nang tingnan ko si Eathon ay napakahimbing pa rin ng tulog.

Nakasandal siya sa katawan ng punuan, habang ang ulo naman niya ay nakabitay sa kanang gilid ng balikat niya. Nakanganga pa ng bahagya ang bibig niya at may tumutulong laway.

"Kawawa naman ang batang ito."

"Saan ka galing?" si  Inay.

"Naglalakad lang po. Maaga kasi akong nagising kaya napagpasyahan kong magliwaliw."

"Huwag mo ng gawin iyon baka maligaw ka pa."

"Ako pa! Hindi ako maliligaw," kompyansa kong sabi.

"Umiiral na naman iyang ugali mo. Basta't huwag mo na ulit gawin iyon."

Hindi ko na pinansin si Inay...

Matapos ang ilang oras ay nagsimula na kaming magtungo sa Romba. Ginamit ko na talaga ang aking elemento para hindi mapagod sa paglalakad.

Tumalikod ako. "Inay, Itay, pasensya na kayo kung hindi ko kayo mapapalutang. Baka kasi mabilis kong makonsumo ang aking mana na magdulot ng madali kong pagkapagod."

"Walang problema sa amin iyon. Nakalimutan mo na bang may elementong lupa ang iyong Itay?" si Inay.

"Ano naman ngayon kung may elementong lupa si Itay?" nakakunot noo kong sabi.

"Tingnan mo kami."

"Huh?" nakakunot noo ako habang tinitingnan sila. Wala na mang kakaiba.

"Hindi mo ba napapansin?" tanong ni Itay habang nakangisi.

Sinuri ko sila ng mabuti. Mula ulo hanggang paa. Doon ko lang nalaman na, hindi pala gumagalaw ang kanilang paa. Bumubukol ang lupang inaapakan nila at ito mismo ang gumagalaw.

"Paano..." nakawaang ang bibig ko.

"Paano mo iyan nagagawa?"

"Aba't, iniinsulto mo ba ako, Anak? Parang hindi mo kilala sarili mong Itay ah," si Itay.

"Eh, kasi..."

"Oh, siya. Huwag mo na kaming pansinin. Ipokus mo na lang ang tingin mo sa harap at baka mabangga pa kayo," si Inay. Ibinalik ko ang tingin at pokus ko sa harap.

Ilang oras na rin kaming naglalakad.

"Nandito na tayo!"  maririnig ang malakas at galak na boses ni Elder James.

"Ang ganda!" sambit ko habang tinitingnan ang kapaligiran.

May malaking espasyo sa gitna. Sa paligid naman ay ang mga nagtataasang mga puno. Makikita rin ang mga makukulay na halaman. Sa itaas nito ay ang mga nagsisiliparang makukulay na paru-paro.

Nang mapagawi ako sa kaliwang banda ko, "May talon!" gigil kong sambit.

Narinig ko na lang ang mga kumalampong na bagay at tunog pagbagsak.

"Shaun!" sabay na sigaw ni Inay at Itay.

Nang lumingon ako sa pinagmulan ng ingay ay roon ko napagtantong bumagsak ang kaninang mga nakalutang na bagahe. Pati rin si Eathon na nakahiga sa lupa.

"Hehehe!" nakangisi kong sambit sabay kamot sa ulo.

"Patawad," sambit ko.

Nagsalubong naman ang kilay nila at kumitid ang mga matang nakatingin sa akin. Parang mga espada ang mata nila na tumatagos sa akin. Nakalutang pa rin ako sa ere.

"Hindi ko sinasadya," sambit ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang aking sarili sa lupa. Nakahiga pa rin si Eathon at hindi gumagalaw.

"Tumayo ka na." Sambit ko, sabay hawak sa magkabilang braso niya at tinulungan siyang ipatayo.

"Ang bigat mo!"

Nang makatayo ay binalik ko ang tingin ko sa talon. Napanguso ako dahil ang ganda talaga. 

"Halika." Kinaladkad ko ang nakangiwing si Eathon patungo roon.

Nakalukot ang mukha niya habang tumitingala sa akin. Nang ibinaling niya ang tingin sa talon ay bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ko.

"Waahhh!" Matulin siyang nagtatakbo papunta sa talon.

Nang makarating siya ay nakita kong sumisid siya agad sa tubig. Mabilis rin akong sumunod sa kanya.

"Nandiyan na ako, Eathon!"

Pagkarating ko ay sumulong agad ako sa tubig.

"Brrrrr! A-a-ng g-g-i-n-naw!" nginig kong sambit habang nanginginig ang mga labi ko at ang aking katawan. "E-e-a—" Nang tingnan ko si Eathon ay nakita ko siya sa malayo at bisi siya sa paglalangoy, tila hindi alintana ang malamig na tubig.

Napakunot noo ako. Hindi ba siya nakakaramdam ng lamig?

"Shaun, umahon na kayo!" rinig na rinig ang boses ni Itay kahit nasa malayo kami.

"Mamaya na!"

"Umahon na kayo ngayon din!"

Hindi pa nga tapos ang isang minutong pagbabad dito, tapos aanhon na kami?

"Ayaw!" Ngumuso ako habang nakatingin kay Itay.

"Umahon na kayo kung hindi..." nakita kong bumilog ang mga mata niya at nanigas ang bagang.

Kaya wala na akong nagawa at umahon.

"Eathon, tawag na tayo ni Itay!"

----

Ranking sa mga tao

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐- kapag ten star na ang lebel ng ranggo ng isang adventurer ay malapit na siyang mag level up. Kapag one star palang ay malayo pa siyang maglevel up.

(Bronze coin symbol)

Bronze rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐5-10

(Silver coin symbol)

Silver rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐10-15

(Blue Stone)

Sapphire rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐15-20

(Gold coin symbol)

Gold rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐15-20

(Pink Crystal Stone)

Crystalline rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐20-25

(Heavy-Silver Stick Metal)

Platinum rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐25-30

(Horse symbol)

Knight rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐30-35

(Army symbol)

Army rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐35-40

(Fire symbol)

Raging rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐40-45

Formidable rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐45-50

(Shield symbol)

Master rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐50-55

(Shield with sword symbol)

Grandmaster rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐55-60

(Gold Crown Symbol)

Kings rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐60-65

(White Tornado Symbol)

Tempest rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐70-80

(Scepter symbol)

Dominator rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐80-90

(Blue Book)

Supreme rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐90-100

(Black Book)

High Supreme Rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐100-120

(Red Dragon symbol)

Legend rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐120-130

(Black Dragon Symbol)

High Legend Rank

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐ 130-150