Chereads / Space-Time Manipulation Box / Chapter 4 - Moving on

Chapter 4 - Moving on

Shaun's POV

Itinulak ko ang bintanang salamin ng aking kuwarto gamit ang aking magkabilang kamay. Nang mabuksan ang bintana ay bumungad sa akin ang napakasikat na araw.

"Ang init." Tumatama ang liwanag sa aking mukha at balat.

Alam kong napaka-aga pa pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng init mula sa araw. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang mga Bordues na bisi sa kanilang ginagawa.

May nagpapanday ng mga bahay, nagsisibak ng mga kahoy, nagpapalamuti sa kanilang bahay gamit ang kanilang elemento, mga nagpapaganda sa paligid, mga batang naglalaro at meron din namang tumutulong sa gawain.

"Ang sipag nila ah," napangiti ako habang tinatanaw sila.

Nahagilap ng mga mata ko ang isang ginang na may taglay ng pangkalikasan na elemento, abala siya sa pagpapaganda ng kanyang tahanan.

Meron naman nagpapalamuti gamit ang kanilang elementong tubig. Sa labas ng tahanan nila ay may mga tubig na parang isang paunten.

May mga bahay na gawa sa purong bato, purong kahoy at meron ding pinagsama ang dalawa.

May lalaking matanda na tila eksperto sa pagpapalamuti. Makikita sa bahay niya ang kaygandang mga pakurbang disenyo.

Sa gitna ng pinto ay may inukit na halamang rosas. Sa bawat sulok ng pinto ay may mga patulis na bato, at may kasamang pakurbang mga linya.

Gayon din ang dingding, may mga inukit na halaman, dahon at pakurbang linya.

"Ang galing!"

May lumabas na isang ginang sa pinto ng bahay ng matanda. Itinaas niya ang kaniyang magkabilang kamay kasabay nang pagtubo ng mga ugat at dumikit sa dingding. Makikita rin ang mga makukulay na halaman at dahon na nagsisitubuan galing sa ugat.

"Ang ganda!"

Nang mapatingala ako sa itaas ng puno na hindi pinutol ay meron ding mga adventurer na gumagawa ng kanilang bahay roon.

"Anong trip nila?" nakakunot noo kong sabi.

Maraming nakatayo na kabahayan sa paligid at naging pabilog ang dating nito. Katulad lang din sa kabahayan namin sa Igro.

Pinagitnaan naman ng mga kabahayan ang isang maluwang na espasyo na kung saan ginagawang liwasan ng mga adventurer.

May mga bangkong gawa sa lupa at kahoy. Sa pinakagitna naman ay ang isang malaking puno na pinapalamutian ng makukulay na paru-paro, mga nakabitay na ugat at sa paanan nito ay may pabilog na bermuda.

"Ang ganda! Mas maganda pa rito kaysa sa kabahayan namin sa Igro," galak at mangha kong sambit.

Lumabas ako ng bahay namin.

Hindi pa rin tapos si Itay sa aming bahay. Gawa ito sa pinagsamang bato at kahoy.

"Ang astig! Parang kastilyo lang ang dating!" sambit ko sarili naming bahay.

Kakaiba ang bahay namin dahil medyo patulis kasi ang mga bubong nito.

Napagpasyahan kong ilibang ang sarili ko kaya naglakad-lakad ako.

Hindi ko namalayan na napalayo na pala ako. Maraming nagtataasang puno sa paligid at maliliit na magic critter na hindi naman dapat katakotan.

"Ano iyon?" nakakunot noo kong sambit. May narinig akong ingay.

Hinakbang ko ang mga paa ko at sinusundan ang ingay hanggang sa natanaw ko ang rumaragasang ilog.

"Napakaaliwalas ng tubig!" manghang-mangha kong sambit.

Dali-dali aking nagtatakbo patungo roon.

Nang makarating sa ilog ay ibinabad ko ang mga paa ko sa ibabang parte. Nagtumpisaw ako at nagsimula na ring lumangoy sa malalim na parte.

"Huuu! Para namang may yelo rito!" pabuga kong sabi. Mas maginaw pa rito kaysa sa talon.

Lumalangoy ako hanggang sa nasanay ang katawan ko sa lamig.

"Ang sarap ng tubig at napakasariwa pa."

Sumisid ako pailalim sa ilog hanggang sa limang talampakan na ang lalim nito. Ibinuka ko ang aking mga mata at tinanaw ang ilalim ng ilog.

Napakunot noo ako nang may mahagip akong kumikinang na bagay sa ilalim. Hindi ko alam kung anong bagay ito dahil malabo, tanging ang kumikinang na liwanag lang ang klaro sa paningin ko.

Dahil sa kuryosidad ko ay mas sumisid ako pailalim hanggang ito ay nasa sampung talampakan na.

Nang makalapit sa kumikinang na ilaw ay ipinukos ko ang aking paningin doon. Nang ipokus ko ang mata ko ro'n ay nakita ko ang isang maliit na kulay asul na lumang kahon na hugis baul.

"Ano iyan?" kunot noo kong sambit.

Kinuha ko ito sa kanang kamay ko at agad na bumalik paitaas.

Nang makaahon sa tubig ay pumunta ako sa may malaking bato, malapit sa ilog. Nilagay ko ang pang-upo ko sa bato at tiningnan ang nakuha kong bagay.

Napakunot noo ako habang sinusuri ang baul. Maliit lang ito. Halos masakop ito ng kanan kong palad.

May mga batong kumikinang sa labas nito na hindi ko alam kung ano ang tawag. Nakadikit ito sa kabuuan ng kahon. Iba't iba ang kulay nito, may pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo at lilang mga bato.

"Ano kaya 'to?" Gamit ang kaliwa kong kamay ay hinawakan ko ang parang pangbukas nito.

"Ang tigas," sambit ko habang patuloy pa rin sa pagbukas.

"Aahhh!" pabuga kong sambit.

Kalaunan ay huminto rin ako sa paghila sa pangbukas nito.

Ibinuka ko ang kaliwang palad ko at lumabas ang isang nagniningning na puting magic circle. Tinapat ko ito sa kahon. Makikita ang manipis na puting enerhiyang naglalabasan dito.

"Aaahh!" ang tigas pa rin.

"Bakit ayaw mong mabuksan!?" inis na sambit ko habang tinitigan ang kahon.

"Napupuno na ako sa 'yo ah... Ito ang nararapat sa 'yo!" Hinagis ko ito sa puno na limang metrong layo sa akin.

Nakita kong tumama ito sa katawan ng puno at nahulog paibaba sa damuhan.

Napakunot noo ako at napa-isip. "Hmmm." Gamit ang kanang palad ko ay napahawak ako sa baba ko at hinihimas ito.

"Sayang naman baka mapag-gagamitan ko pa ito sa ibang bagay." Naglakad ako at tinungo ang direksyon kung saan ko tinapon ang kahon.

Nang makarating sa hinagisan ko ng kahon ay yumuko ako at pinulot ang kahon sa aking kanang kamay. Sabay ibinulsa ito sa kanang bulsa ng aking pantalon.

Naglakad na ako pauwi sa aming kampo. Makikitang basang-basa ang daan dahil sa tumutulong patak ng tubig galing sa basa kong suot.

Habang naglalakad ay may nakita akong tatlong fairies na masayang nag-uusap sa unahan. Hindi nila alintana na may nakatinging adventurer na sa kanila.

"Paano sila napunta rito?" bulong kong sambit sa aking sarili.

Sa pagkakaalam ko, walang fairy rito sa Moramiris Kingdom. Ang alam ko ay sa Faerie Kingdom lang makikita ang mga ito. Mahirap makapunta doon dahil tatawirin pa ang Enchanted Forest.

Seryoso kong tiningnan ang mga fairy at napangisi. Ang mga fairy ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.

"Puwede akong makakuha ng isa sa kanila para gawing alaga ko."

Sampung metro ang layo ko sa kanila at hindi pa rin nila ako napapansin.

Lumutang ako sa ere na hindi lampas sa aking tuhod at dahan-dahan na dumako sa kanilang gawi. Sinisigurado kong hindi ako makakagawa ng ingay.

"Pagkakataon ko ng magkaroon ng isang mahiwagang alaga."

Ng tatlong metro na ang pagitan ko sa kanila ay biglang napalingon ang fairy na malapit sa aking direksyon. May suot siyang maningning na bestidong asul.

Kita sa mukha niya ang gulat at takot habang bisi naman na nakikipag-usap ang kasama niya. Ibubuka na sana niya ang bibig niya nang mabilis akong lumipad patungo sa kaniyang puwesto.

"Huli ka!" Mabilis kong inimbay ang aking kaliwang palad at makikita ang isang puting enerhiyang nagsasayaw hanggang sa nabuo ang isang kulungan na gawa sa hangin. Mabilis kong ipinasok ang fairy sa loob ng kulungan.

"Si Chloe!" matinis na sambit ng fairy na may nagniningning na dilaw na buhok, mata, bestido at pakpak. Makikita ring nahuhulog ang parang mga nagniningning na mumunting abo nito sa ibaba galing sa kaniya.

Sa kaliwang palad ko naman, makikita ang nagpupumilit na fairy na makalabas sa ginawa kong kulungan.

"Waaaahhh! Pakawalan mo ako rito!" nakakabinging matinis na sambit ng fairy.

Hinahampas-hampas niya ang kaniyang magkabilang kamao sa kulungan. Huminto siya sa paghampas at makikita ring may mga mahikang nabubuo sa loob ng kulungan.

"Ibigay mo sa amin si Chloe!" matinis na sambit ng isang kasama nilang fairy.

Nagsalubong ang kilay niya at nakakuyom ang mga kamao sa magkabilang gilid ng katawan niya.

Ang kanina dilaw. Ngayon, pula naman. Hindi kaya nakabatay ang kanilang taglay na kapangyarihan sa kung anong kulay ang makikita sa kanila?

"Hahaha! Sa akin na itong kaibigan niyo!" pang aasar ko at nilabas ko pa dila ko.

"Hindi kami papayag!" matinis na sambit ng dalawa.

Inimbay nila ang kanilang kanang kamay at may lumabas na dilaw at pulang mahika na papatungo sa 'kin.

Bago pa ito dumako sa akin ay mabilis akong nagtatakbo palayo. Gamit ang aking elementong hangin at abilidad na Super Speed ay napabilis ang aking kilos. Mabilis akong nagtatalon at tumatakbo sa damuhan.

Matapos ang limang minuto ay lumingon ako sa likod. Walang bakas ng dalawang fairy.

Huminto ako sa tapat ng isang malaking puno. Hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ko ang kulungan.

Ibinuka ko ang aking kanang palad at umilaw ito ng kulay puti. Lumabas ang kumikinang na puting magic circle. At sa gitna nito ay may isang kumikislap na puting kristal na napapalibutan ng makapal na puting enerhiya.

Makikitang kumawala ang puting enerhiya mula sa kristal patungo sa fairy at bigla siyang hinigop.

"Hehehe! May alaga na ako!" hagikhik ko.

Ang kulay ng kristal ay nakabatay sa kung anong elementong taglay ng isang adventurer.

Pula- kapag may elementong apoy ang isang adventurer. Kaya niyang makalikha ng mga kung anu-anong hugis ng apoy pero ang kalidad ay nakabatay sa antas niya. Mas mataas ang antas, mas mataas ang kalidad at kayang gawin niya sa kanyang elemento.

Asul- adventurer na may elementong tubig.

Berde- adventurer na may elementong kalikasan.

Dilaw- adventurer na may elementong lupa.

Puti- adventurer na may elementong hangin tulad ko.

May tinatawag din na abilities at skills.

Ang abilities ay nagagawa ng isang adventurer sa hindi paggamit ng kaniyang elemento.

Puwedeng makagamit ang adventurer ng skills gamit ang elemento niya pero maaari ring hindi. Ang skills ay maaaring matutunan habang ang abilities ay likas na.

May tinatawag naman tayong magic critter. Sila ang mga hayop dito sa Kontinenteng Enchantee, kagaya nalang ng nakuha kong fairy, isa siyang kakaibang magic critter.

Sa katunayan, pwedeng maging protektor ang magic critter lalong-lalo na kapag malakas na sila.

Kapag napasok ng adventurer ang magic critter sa loob ng kristal ay kusang magkakaroon ng blood contract. Ito ang proseso sa pag-angkin ng isang magic critter.

Magandang magkaroon ng isang alaga ang isang adventurer dahil maaaring mas palalakasin pa nito ang taglay na kapangyarihan ng kristal.

Kung ano ang kapangyarihan ng magic critter ay maaaring magamit din ng amo niya. Nakabatay ito sa kung gaano na ka lalim ang ugnayan ng dalawa.

Isa lang din ang maaaring maging alaga ng adventurer. Hindi na tatanggapin ng kristal kapag dalawa na ang papasok dito.

Nagsimula na akong maglakad at umuwi.

Nang marating ko ang kampo namin ay dumiretso na ako sa bahay namin. Malayo pa man ako ay tanaw ko na ang nakapamewang kong Inay na nakataas ang dalawang kilay habang nakatingin sa akin.

Nang malapit na ako sa kaniya ay siyang pagtaray niya, "At saan ka naman galing bata ka? Bakit basa ka!?" marami ring napalingon sa gawi namin dahil sa lakas ng boses ni Inay.

"Naligo kasi ako sa ilog para you know na Inay para gwumapo. Hahaha!" Nagtaas-baba ang balikat ko.

"Ikaw talagang bata ka!" Lumapit siya sa akin sabay kurot sa aking tagiliran.

"Inay naman, para naman akong bata niyan!" pagmamaktol ko.

"Eh, ano ka ba, teenager? Eh, sampung taong gulang ka palang ah!" malakas na sambit ni Inay.

"Inay naman, ano ba kayo, nakakahiya sa mga tao oh." Sabay turo sa mga tumitingin sa amin. "Pinagtitinginan na nila tayo."

"Hehehehe, ang cute ni Shaun noh?" teenager girl 1.

"Oo, pero sayang ang bata pa niya pero okay na rin. Hahaha!" teenager girl 2.

"Hoy! Mga pedophile huwag nga kayong maglandian diyan hindi naman cute ang inyong nilalandi!" matinis at batang boses na sambit ng batang babae. Sabay lagay ng kaniyang kanang kamay sa kanang bewang niya.

'Hahaha! Ang cute niya,' sa isip ko.

"Magbihis kana ro'n!" bulyaw ni Inay at kumitid ang mga matang nakatingin sa akin.

Pumasok ako sa loob at nagmadaling magbihis.

Pagkatapos magbihis ay lumabas ako sa bahay, dala-dala ang ngiti. Bumungad sa akin ang mga adventurer na hindi pa rin tapos sa kanilang ginagawa.

"Yahhh!" Mga adventurer na nagpapasan ng mga kahoy.

"Para sa bagong buhay!" malakas na sambit ng lalaking nagsisibak ng kahoy.

"Laban lang!" pag-che-cheer naman ng isang lalaki.

"Anak, maayos ba?" Tanong ni Itay, sabay tanaw sa paligid.

"Itay, bakit ang ganda naman ata. Eh, hindi naman ganito ang mga bahay natin noon sa Igro ah!" sabi ko.

"Kasi nga Anak, dapat bagong buhay na tayo. Syempre, dapat mag move on na tayo para mas mapadali ang ating asenso. Hahaha!" tawang tugon ni Itay.

Eh, hindi naman nakakatuwa, siguro masaya lang siya.

Hayst, bakit ang dali nilang maka-move on. Paano ba mag move on?