Shaun's POV
Nag-aagahan kami ngayon ng aking pamilya nang may marinig akong sigawan sa labas.
"Lumayas na kayo sa lugar na 'to kung ayaw niyong mamatay!" rinig ko ang kaylakas na boses ng lalaki mula sa labas ng aming bahay.
"Ano iyon?" Kumunot ang noo ko at tiningnan sina Inay at Itay.
Seryoso rin silang nakatingin sa akin at binaling agad ang tingin sa aming siradong pinto.
Parang nag-e-echo sa bawat sulok ng aming kusina, ang paghampas ng dalawang palad ko sa aming kahoy na lamesa. Agad akong tumayo at itinulak ng magkabilang binti ko paatras ang aking upuan.
"Saan ka pupunta, Shaun?" tanong ni Inay.
Hindi ko sila pinansin. Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa pinto namin.
"Shaun!" mautoridad na sambit ni Itay.
Nang tumapat ako sa pinto ay hinawakan ko ang hawakan ng pinto sa kanang palad ko at pinihit ito pakanan tsaka hinila papasok sa aming bahay. Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko palabas sa harap ng aming bahay.
"Shaun, bumalik ka sa loob!" malabruskong boses ni Itay.
Napadako ang tingin ko sa pinakatarangkahan ng aming lugar.
Natanaw ko ang libo-libong mga kawal na nakasakay sa may puti, itim at kulay kape na kabayo. Sa kanang tagiliran nila ay may nakasabit na espada.
"Shaun! Bumalik ka sa loob!" rinig ko ang malakas na boses ni Itay sa loob ng aming bahay.
Narinig ko ang mga papalapit na yapak sa kinatatayuan ko mula sa loob ng aming bahay. Alam kong sina Inay at Itay iyon at alam kong pababalikin ako sa loob.
Gusto kong makita ang nangyayari. Nakatingin pa rin ako sa komusyon na nangyayari sa tarangkahan ng aming nayon.
"Umalis na kayo sa teritoryo namin kung ayaw niyong lahat kayo ay mamamatay! Binabalaan ko kayo!" rinig na rinig ang malakas at baritonong boses ni Elder James Javier mula rito.
"Ano ang nangyayari, bakit kayraming mga kawal sa aming lugar?" nakakunot noo kong tanong sa aking sarili.
Sampung metro ang layo ni Elder James sa mga adventurer na nasa tarangkahan. Tatlumpung metro naman ang layo ng aming bahay sa tarangkahan ng aming lugar.
Pabilog kasi ang kabahayan sa aming nayon, at may malawak na espasyo sa gitna. Kaya makikita talaga lahat ng mga kapitbahay namin kung may paparating na adventurer.
Adventurer ang tawag sa mga tao sa aming planeta.
"Anong sadya nila? At parang galit ang boses ni Elder James," nakakunot kong sambit.
Si Elder James Javier ay ang aming lider dito sa Igro. Hindi talaga siya taga rito sa amin, pero dahil naging mabuti siyang ehemplo ay ginawa siyang lider ng aming lugar.
Dahil din sa kaniyang katatagan, pagiging matulungin, determinasyon, busilak ang puso, at higit sa lahat ay magaling sa pamumuno, kaya napagpasyahan ng mga elder na gawin siyang pinuno sa Igro.
Nasa edad 40 na siya. Postura pa lang niya ay matatawag na talagang isang pinuno.
May itim na buhok na gupit militar, itim na kilay, itim na mga mata, matangos na ilong, makikita rin ang bigote sa baba niya, may matikas na katawan, may taas na anim na talampakan, at ang tindig niya ay nagpapahiwatig talaga ng autoridad.
May labing dalawa kaming elder dito sa Igro, at isa siya ro'n. Si Elder James ay dating kapitan sa kastilyo ng Star Castle. Ito ang tawag sa kastilyo na makikita sa Kropek.
Ang Kropek, ang lugar kung saan matatagpuan ang kapitolyo, at ang Star Castle.
Hindi ko alam kung anong dahilan nilang mag-asawa kung bakit napunta sila sa aming lugar. Basta't ang alam ko lang ay isang dekada na silang naninirahan sa lugar namin. Isang buwan bago ako masilang ay nandito na sila.
"Hahaha! Isang dekada ka ng tumiwalag sa hari. Hindi ka na ang dating 1st Captain ng aming hukbo, kaya wala ka ng karapatan na utusan kami. Hindi na rin kami natatakot sa 'yo. Dahil ang bago naming 1st Captain ay mas matapang, at mas malakas kaysa sa 'yo. Kung gusto niyo pang mabuhay ay umalis na kayo rito. Utos ito ng hari kaya dapat niyo itong sundin!" rinig na rinig ang boses ng kawal na nasa unahan ng kanilang grupo.
Nakasakay siya sa puting kabayo. May suot siyang kulay pula na armor, may balabal na kulay asul, at may hawak na double-bladed weapon sa kanyang kanang kamay.
"Alam mo naman siguro kung ano ang kaya kong gawin hindi ba? Kung gusto niyong hindi dadanak ang dugo ng mga kasama mo rito ay umalis na kayo!" matigas na pagkakasabi ni Elder James.
Mababakas sa leeg niya ang mga ugat. Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nakakuyom ang mga kamao.
"Wala na kaming pagpipilian kaya dapat na kayong mamatay." Itinaas ng kawal ang kanyang double-bladed weapon, "Patayin ang lahat!" rinig na rinig ang boses niya at sinugod si Elder James habang sakay-sakay sa kaniyang puting kabayo.
"Bakit kami nilulusob ng mga kawal!?" tarantang tanong ko sa sarili.
Nakadama ako ng kaba. Gamit ang kanang kamay ni Elder James ay mabilis niyang binunot ang espada na nasa kaliwang bewang niya. Mabilis din siyang sumugod sa kawal na kausap niya kanina.
"Pumasok ka sa loob!?" tarantang sambit ni Inay.
"Teka lang."
Nakita kong lumusob na rin ang mga kasamahan ng kawal. Nakita kong nakikipaglaban na rin ang mga Bordues. Bordues ang tawag sa aming mga angkan.
"Shaun, hindi ba't sinabi ko sa 'yo na pumasok ka sa loob ng bahay!?" ngumiwi ako sa nakakabinging boses ni Itay.
Nasa harapan lang niya kaya ako. Nakaharap siya sa akin kaya nahaharangan ng malaking katawan niya ang paningin ko. Si Inay naman ay nandito sa kanang banda ko.
"Ano bang nangyayari?"
"Huwag ka ng magtanong. Basta't pumasok ka na lang sa loob," sambit ni Inay.
"Narinig mo ba kami ng Inay mo!?"
"Mamaya na. Gusto kong makita ang nangyayari," pilit ko at dahil na rin sa aking pagiging osyoso.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Shaun," iling-iling na sambit ni Itay.
Isa ring tanyag na kawal si Itay sa kanyang kapanahonan noon. Dati siyang kawal sa Star Castle, simula't nag-asawa siya kay Inay ay nilisan niya ang buhay ro'n at dito nanirahan sa Igro, dahil nga taga rito si Inay.
Siya si 1st Lieutenant Rodolfo Valdez. May edad na 30, may taas na anim na talampakan, may pilak na buhok na pang militar ang gupit, pilak na kilay, berdeng mga mata, matangos ang ilong, makikita rin ang misay niya sa ibabang ilong, at napakatikas ng katawan.
Isa ring elder si Itay dito sa aming lugar. Siya ang pinakabatang elder dito. Ewan ko ba, basta galing siguro ang adventurer sa kastilyo ay gagawin agad na elder.
May kawal na papalusob sa aming gawi. Nakataas ang dalawang kamay niya habang hawak ang kaniyang espada.
"Itay sa likod mo!" Turo ko sa papalapit na kawal.
"Ako na bahala," si Inay.
Mabilis siyang kumilos. Gamit ang kaniyang kanang kamay ay mabilis niyang binunot ang espada sa bandang kaliwang bewang niya. Inatake niya ang papalusob na lalaki.
"Shaun, sundin mo ang utos ko!" nanigas ang panga ni Itay habang sinasambit ang mga salitang iyon.
Mabilis niyang binunot ang espada gamit ang kanang kamay niya, at tinulungan si Inay.
Itinuon ko ang pansin ko sa mga nakikipaglaban na Bordues at ng mga kawal. Madami akong nakitang bumagsak na mga kawal.
Napadako ang tingin ko sa kanang banda ko. Namilog ang mga mata ko.
Sampung metro sa kinatatayuan ko, nakita ko kung paano marahas na itinusok ng kawal, ang espadang hawak ng dalawang kamay niya, sa tiyan ng isang lalaki, na nasa 20-30 ang edad sa harap ng isang ginang at bata. Sa tantiya ko ay nasa limang taong gulang ang bata.
"Ang sama niya!" Ikinuyom ko ang mga kamao ko.
Dahan-dahan na bumagsak ang lalaki sa sementong sahig.
"Mahal!"
Lumapit ang ginang sa duguan na lalaki. Bago pa mahawakan ng ginang ang lalaki ay marahas na hinawakan ng kawal ang kanang braso niya.
"Maawa ka sa amin. Huwag mo kaming patayin!" Napaluhod at napatingala ang ginang na umiiyak na nakahawak sa balabal ng kawal.
Sa likod naman niya ay ang batang sumisigaw at niyuyugyog ang lalaking duguan.
"Ama!" magulang pala ng bata ang ginang at ang pinaslang na lalaki.
Nakita ko na lang na itinaas ng kawal ang kanang kamay niya kung saan may hawak siyang espada. Marahas niyang iwinasiwas ang espada patungo sa leeg ng ginang. Makikitang tumalsik ang ulo nito sa sahig. Nagmistulang paunten ang leeg nito dahil sa umaagos na dugo.
"Hindi maaari!" namilog ang mga mata ko.
Makikitang natalsikan din ng dugo ang mukha ng bata. Bigla siyang napalingon sa gawi ng kaniyang ina.
"Mama!"
Namilog ang mga mata niya habang makikita namang nanginginig ang murang katawan niya. Tila naging bato siya habang tinatanaw ang kahindik-hindik na nangyari sa kaniyang ina. Makikita sa mukha niya ang mga luhang nag-aagusan mula sa kaniyang mga mata.
Hinakbang ng kawal ang mga paa niya papunta sa bata. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay kung saan makikita ang duguan na espada na ginamit sa pagpatay sa Ina ng bata.
"Dapat kong sagipin ang bata."
Iwinasiwas niya ang espada papunta sa bandang itaas ng ulo ng bata.
"Dapat akong makapunta agad doon."
Mabilis kong pinadyak ang kanang paa ko at lumundag papunta sa bata. Makikitang may hangin na nabuo sa aking mga paa, na siyang nagbubuhat papunta sa harap ng bata.
"Mabuti nalang at may elementong hangin ako."
Nang tumapat ako sa harap ng bata ay mabilis kong itinaas ang dalawa kong kamay. Mula sa mga palad ko ay kumawala ang isang harang na gawa sa hangin.
"Okay, ka lang ba?" tanong ko sabay lingon sa likod ko kung saan ang bata. Wala pa rin siya sa katinuan niya.
Dumapo sa harang ko ang espada ng kawal. Maririnig ang puwersa dulot ng pagbangga ng espada sa aking harang. Makikita ring may kumikislap na butuin na nagmumula sa espada ng kawal.
"Lapastangan!" ang kawal.
"Hindi mo siya masasaktan!"
"Umalis ka diyan bata kung hindi isasabay kita sa pagpatay kasama siya!"
"Hindi mo kami masasaktan!"
"Gusto mo palang mapatay kasama siya ha. Kung gano'n, ihanda mo na sarili mo!" Itinaas ulit niya ang kaniyang espada at aatakehin na kami ulit.
"Asa kang mapapatay mo kami!" Hindi ko siya kalebel.
"Tanggapin mo 'to!" Marahas kong itinulak sa kawal ang harang ko. At makikita namang napaatras ang dalawang paa niya at nawala sa balanse kaya napaupo siya.
"Buwesit na bata!" galit na sambit niya. Agad kong binitbit ang bata at bumalik sa puwesto ko kanina.
"Bumalik ka rito!" Malakas na sambit niya habang tumatayo. Lalapitan na sana niya kami nang makita kong may sumugod na Bordues sa kaniya kaya nilabanan niya ito.
Nakabalik na ako sa puwesto ko.
"Maayos ka na rito bata. Hindi ka na niya masasaktan." Wala pa rin siyang imik.
Nang ilingon ko ang paningin ko sa paligid. Dumanak ang duguan at nakahimlay na mga adventurer sa paligid na hindi na gumagalaw. Karamihan sa kanila ay mga kawal pero marami ring mga bordues.
May mga batang naliligo sa sarili nilang luha, nagtataas-baba ang balikat habang yinuyogyog ang duguang adventurer na nakahiga sa semento at hindi na gumagalaw.
Mga matandang nakaluhod at nakatingala sa mga kawal, magkadikit ang mga palad na nasa dibdib na parang nananalangin.
Mga babaeng sira-sira ang suot habang hinahawakan ng mga kawal ang pribadong parte ng katawan nila.
"Bakit nangyayari ito!?" Nagsalubong ang itim kong kilay at kinuyom ang mura kong mga kamao. Nanigas ang panga ko habang nagngingit-ngit ang ngipin.
"Wala akong laban sa kanila. Kung malakas lang ako ay tutulong ako sa pakikipaglaban pero sampung taong gulang palang ako. Ano ang maitutulong ko sa kanila? Magiging pabigat lang ako," sambit ko sa aking sarili.
Patuloy pa ring nanglalaban ang mga Bordues sa kawal. Nakita kong nahihirapan na rin sila. Kita sa katawan nila ang pasa, sugat, at dugong umaagos mula sa kanilang sugat at labi.
Hindi ko na kinaya ang pangyayari at naramdaman ko na lang na nagsisituluan ang mga butil ng luha sa aking pisngi.
"James, isa kang hangal kapag nalaman ng hari ang ginawa mo sa akin at sa kawal ko ay papatayin ka niya!" maririnig ang pagkasuklam ng matandang kawal kay Elder James.
Makikita sa mukha niya ang bigote sa ibabang ilong at sa ibabang labi niya patungo sa baba niya. Nakaluhod siya habang nakatingala kay Elder James at may hawak na espada sa kaliwang kamay niya.
Sinipa sa kanang paa ni Elder James ang hawak niyang espada at tumilapon ito ng sampung metro ang layo.
"Ha! Hindi ako natatakot kay Rey Sama. Sabihin mo sa kanya na pumunta siya dito at maglaban kami. Kapag nanalo ako ay hindi niyo na kami gagambalain!" Nakatutok ang espada ni Elder James sa kaliwang gilid ng leeg ng matandang kawal.
Sa tindi ng pagdikit nito sa leeg ng matanda ay may tumulong dugo.
"Hindi kita papatayin dahil walang magsasabi kay Rey Sama sa gusto kong mangyari. Masuwerte ka dahil hindi pa kita babawian ng buhay ngayon. Pero kapag nagkita tayo ulit ay hindi na ako magtitimping pugutan ang iyong ulo, mahinang 1st Captain ng Star Castle," napangiwi ang matanda.
At nang ibinaba ni Elder James ang kaniyang sandata ay mabilis nagsisitakbo ang matanda kasama ang sampung natitirang mga buhay na kawal.
Makikita sa paligid ang kayraming duguan at nakahimlay na adventurer na hindi na gumagalaw.
Hawak ko ang bata sa magkabilang balikat niya habang nasa likod niya ako. Naramdaman kong nagtaas-baba ang balikat ng bata at rinig kong sumusinghot siya.
Yumuko at tumingin ako sa mukha niya sa bandang kanan niya. Makikita ang mga nagsisituluan na luha, galing sa mga mata niya.
"Tahan na bata!" pang-aalo ko sabay himas ng kaniyang magkabilang balikat.
Nang tumingala ako nakita kong papunta sina Inay at Inay sa gawi namin, na hawak ang espada nilang may bahid ng dugo.
"Patay!" Itinuwid ko ang likod ko. Sermun na naman 'to.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Shaun! Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na pumasok ka sa loob ng bahay!?" maririnig ang kaylaking boses ni Itay.
"Itay, pasensya na, nakita ko kasi ang bata na muntik ng paslangin kaya tinulungan ko," nagmamakaawa iyong mukha ko habang nakatingala kay Itay. Ramdam ko ring tumuyo na ang mga luha ko.
"Paano kung napahamak ka!?" rinig na rinig na rin ng iba ang boses ni Itay. Makikita ang mga ugat sa leeg niya at nagsalubong ang dalawang kilay.
"Mahal, huminahon ka." Si Inay sabay himas sa magkabilang balikat ni Itay.
"Itay, wala namang nangyari kaya huwag na kayong mag-alala. Maayos naman ako at hindi nasaktan. Kawawa naman ang batang ito kaya tinulungan ko," pagpapaintindi ko kay Itay habang nakasimangot.
"Kahit na! Mas mabuting sumunod ka sa kung anong sasabihin namin. Para rin naman iyon sa iyong kapakanan," pangaral ni Itay.
"Anak, intindihin mo na lang ang Itay mo," malumanay na sambit ni Inay.
Nakita kong ngumiwi ang mukha ni Itay. Nang binaling ko ang tingin kay Inay ay nakangiti siya na parang nauunawaan ang sinasambit ko.
"Mga bordues! Alam kong masakit ang nangyari sa ating angkan. Pero huwag kayong mag-alala, tatapusin ko ang laban na ito na tayo ang mananalo. Kapag dumating dito si Rey Sama, at labanan ako. Sisiguraduhin kong mananalo ako sa laban namin," rinig na rinig sa paligid ang malabruskong boses ni Elder James.
"Elder James, hindi tayo nakasisiguro na papayag ang hari na makipaglaban sa 'yo. At kung mangyari man 'yon ay hindi rin tayo siguradong mananalo ka. Mas mabuti sigurong umalis nalang tayo rito. Para mas maging ligtas ang mga Bordues at hindi na maulit ang nangyari kanina. Isipin mong para rin ito sa ikabubuti ng ating angkan," nakakunot noong sambit ni Elder Jona, "Ang hindi ko lang maintidihan, bakit tayo pinapaalis ng hari sa ating sariling lugar? Parang hindi naman ata makatuwiran iyon. Bata pa lang tayo ay rito na tayo naninirahan," dagdag na sabi niya.
"Kahit kailan talaga, napakasama ng ugali ng hari. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang nagmana sa trono. Gayong alam naman ng lahat na anak lamang siya sa labas!" mataas na boses na pagkakasambit ni Elder Alejandro.
Nagsalubong ang kilay niya habang nakakuyom ang mga kamao. Makikitang punit-punit ang suot niya at makikita ang mumunting sugat, at pasa sa kaniyang katawan. Nang ibinaling ko ang tingin sa ibang Elder ay gayon din sila.
"Pumapayag na ako sa gusto niyo. Pansamantala muna tayong lilipat ng lugar kung saan hindi tayo mahahanap ng hari. May alam akong lugar kung saan hindi tayo matutunton," sabi ni Elder James.
"Saan naman ang lugar na sinasabi mo, Elder James?" tanong ni Elder Jona.