Ang bilis ng araw, parang isang pikit mo lang lunes na naman. Kasalukuyan siyang nagdadrive papasok sa school. At excited siya dahil papasok na si Mishy, may kakulitan na ulit si Joana. Kahapon lang umuwi ang dalawa, 3 days and 2 nights nagstay ang mga ito sa condo niya, hihintayin pa sana nila si Mishy pero kahapon lang din ito nakauwi.
Madaming nangyari noong sabado at linggo. Masaya naman kahit nakakapagod. Naggala sila kung saan saan, naggym, kumain, at nagkwentuhan magdamag. Pinag-isapan pa nga nila kung pupunta sila sa bar sa saturday, para yun ang pinaka rest day nila dahil kailangan pa nilang mag-aral sa sunday. Pero dahil pupunta din siya sa bahay ng kaniyang childhood friend, na si Drake, baka mag-advance reading na lang siya. Gusto niya din kasi makilala ang girlfriend nito, kaya hindi din siya makatanggi.
Hindi kumpleto ang week nila kapag hindi sila nagkakasamang magkakaibigan. Nagtampo din kasi si Mishy dahil kung kailan daw wala ito ay dun sila nagsama ng tatlong araw. Kaya naisipan nilang bumawi dito.
Pagdating sa kaniyang room, ay agad siyang niyakap ni Mishy. Napansin niya na naging moreno ang kulay nito, sa beach kasi nagfamily reunion. Pero hindi pa din nagbabago ang itsura mas gumada at pumogi pa nga ito.
"Grabe makititig sakin ha! ganda ko ba?" biro nito sa kaniya, napa-aray naman ito ng batukan siya ni Joana.
"Magandang pogi! I missed you" niyakap ko ulit siya at nagpout.
"I missed you too"
"Ikaw Miguel Ace ha! nakakapagtaka ka na! bakit ang bait bait mo kay Nats tapos sakin hindi?" nagkunyari pa itong nagtatampo at tinarayan sila.
"Gaga ka! bakit mabait ka ba sakin ha? pagkakaalam ko lagi mo kong inaaway eh! binatukan mo pa nga ako! hindi naman kita inaano"
"Ahh so ganon na pala ngayon? porket inaaway kita, aawayin mo na din ako?"
"Oo para quits" nagtaas pa ito ng kilay na ikinatawa niya.
"Dami mong alam vaklang sunog" hinila naman ni Mishy ang buhok nito at bumelat pa.
Umupo na lang siya at nagbasa, hindi niya talaga kayang tagalan ang kakulitan ng dalawang yun. At least hindi na siya ang kinukulit ni Joana, she's peacefully reading books.
Nag-highlight siya habang nagbabasa sa mga important meanings na nasa books niya. Para mabilis siyang makapag-aral kung sakaling magbigay ng quiz ang prof niya. First sem pa lang naman at kaka-start pa lang ng class kaya madali at konti pa lang ang pinapagawa. Hindi niya kasi ugali ang mag-crams dahil nahihirapan siya at mas lalong hindi makapagfocus, kaya mas minabuti niyang mag-aral ng mas maaga. Bata pa lang siya yun na ang kinaugalian niya.
It can affect your mental health, dahil malaki ang possibility na magbreak down ka at sumakit ang ulo mo sa kakamadali. Unlike reading books and study in advance, sa mismong araw ng exam or quizzes ay chill ka lang because alam mong masasagutan mo yun ng ayos, dahil mas nakapag-aral ka.
Kinuwentuhan naman sila ng kanilang kaibigan sa kung anong nangyari sa family reunion nito. As usual may kasamang landi at harot ito, hindi na mawawala. Meron daw siyang mga pinsan at tito na pogi, sayang daw dahil kamag-anak niya pa.
"Nakakaiyak lang kasi yung naging crush ko na taga UST, pinsan ko pa! nilandi ko pa naman yun online! good thing iba yung name and profile ko dun hehe" natawa naman kami sa kaniya. Yun ata yung lalaking nakita niya sa UAAP na nakalaban ng DLSU kaya niya naging crush.
Well, hindi naman maipagkakailang magaganda ang lahi ng pamilya nila Miguel. Puro successful pa ang mga ito, at responsible. Kung hindi lang talaga bakla ito ay jojowain niya na agad. Choz!
Ang bilis talaga ng araw, friday na ngayon at bukas wala na namang pasok. And she's excited to have some fun tomorrow. Nakapag-reserved na pala si Kat last week dahil laging punuan sa bar na pupuntahan nila.
Pauwi na sila nang may mahagip ang mga mata niya. It's him, Ethan. Pero hindi lang ito mag-isa, may kasama itong babae at nakaakbay pa ito kay Sofia Adair. Sofia is her schoolmate engineering ang course nito at nakakapagtaka na magkakilala pala ang dalawa. At isa lang ang sumasagi sa isip niya, baka yun ang babaeng tinutukoy ni Ethan noong nasa sasakyan sila.
Ramdam na ramdam niya ang pagsikip ng dibdib niya, parang hindi siya makahinga. Pinipigilan niya na lang ang pagbagsak ng mga luha niya dahil baka mahalata ng mga kasama niya. Nakatitig lang siya, nakatayo sa gilid ng puno malapit sa sasakyan niya, habang nakatingin sa taong mahal niya na masayang nakikipag-usap sa iba.
Napangiti siya ng mapait ng pagbuksan pa nito ng pintuan si Sofia. Sobrang sakit palang makita yung taong tinitiis mo, masaya na pala sa iba.
"Huy! tara na! kanina pa kami dito sa loob ng kotse mo. Gusto mo ako magdrive tas iwanan ka namin?" singhal sa kaniya ni Joana.
Tumingin lang siya dito at tahimik na pumasok sa loob. Hinatid niya ang mga ito sa kaniya kaniyang bahay bago siya umuwi. Tinatanong pa ng mga ito kung anong nangyari bakit tahimik siya sa buong biyahe. Hindi na lamang siya sumagot at sinabing okay lang siya. Pero hindi talaga. Ayaw niya lang mag-alala ang mga ito.
Pinilit niya na lamang matulog kaysa isipin ang nakita kanina, masyadong masakit para alalahanin pa. Siguro hindi na kailangang aminin ang nararamdaman niya, baka makasira siya ng relasyon, hindi man siya sigurado pero hindi niya masasabi kung ano ba talaga ang dalawa.
Masakit para sa kaniya ang lahat ng nangyayari, madaming tanong sa isip niya, madaming paraang pumapasok sa isip niya pero hindi niya kayang harapin lahat. Sapat na sa kaniya ang makita itong masaya kahit hindi siya ang dahilan. Pinangako niya na sa sariling hindi siya iiyak at wala siyang balak baliin ito.
____________________________