Chereads / Come Back To Me / Chapter 25 - Dudeparechongbro

Chapter 25 - Dudeparechongbro

Tulad ng nakasanayan ay maaga siyang nagising pero mas maaga ngayon, balak niya kasi mag-aral ulit. Inupdate kasi sila ng isa nilang prof na may quiz sila. Hindi na siya nakapag-aral pa ng isang subject dahil dinalaw na siya ng antok. Kaya 3 o'clock pa lang ay gising na siya, ang isang oras na pag-aaral ay okay na sa kaniya dahil paniguradong short quiz lang ang ibibigay sa kanila.

Nagluto lang siya ng pancake at nagtimpla ng kape habang nag-aaral. Madali lang ito dahil puro memorizations lang pero ang kadalasan niyang ginagawa ay binabasa niya muna ito at magha-highlight ng palantandaan.

Pagkatapos niya maligo ay naglagay siya ng lotion at pinatuyo ang buhok. She's wearing a yellow top, denim skirt, and light blue rubber shoes. Nagdala lang siya ng maliit na bag at isang paper bag para sa lalagayan ng librong dinala niya kahapon.

Ilang araw niya na din hindi nakikita si Ethan, aaminin niyang namimiss niya ang presensya at pagiging makulit nito. Hindi niya alam kung dapat ba siya maging malungkot o maging masaya dahil hindi niya na nakikita si Ethan. Siguro parehas, baka malungkot siya dahil walang nangungulit sa kaniya at baka masaya din naman siya dahil para sa ikabubuti niya.

Alam niya sa sarili na normal lang masaktan lalo na kung nagmamahal ka dahil hindi ka naman nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

Pero mas pinili niya munang ayusin at mahalin ang sarili, because that's her first priority sa ngayon. And she's not ready to know who is the lucky girl. She's not ready to be hurt again.

And for sure ito ang dahilan kung bakit sa condo niya matutulog si Kat mamaya. She's a little bit nervious dahil hindi siya titigilan nito hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo. Lalo na ngayon na alam ng kaniyang mga kaibigan ang nararamdaman niya para kay Ethan.

"Hey goodmorning" bati sa kaniya ni Joana. She's wearing a white shirt and and black skirt. "Same outfit huh" she kissed her cheeks.

"Goodmorning! oo nga eh we're twinny today" I hugged her and asked if she's done reviewing our quizzes for today and she said yes. Nagkukwentuhan lang kami dahil hinihintay pa namin si Mishy.

Seven o'clock na wala pa ang kaibigan nila, lagi kasi itong maaga napasok kaya nakakapagtaka pero naisip nila na baka late lang ito. Hindi ugali ni Miguel na mag-absent kaya imposible naman dahil magsasabi naman ito sa kanila. Maya maya ay sabay na nag-vibrate ang phone nila and she saw his name.

From: Miguel

'Hindi ako makakapasok ngayon may family reunion, I forgot to tell you and I'm sorry. Don't worry I already send my excuse letter sa mga professor natin baka sa monday ako makapasok at makakapag-quiz. Pakopya na lang ako ng mga notes niyo. Thanks! ingat kayo ha? I love you girls mwa:)))'

binalik na ang kaniyang phone sa bag at ganon din naman si Joana. Nagkatinginan naman sila at tumawa, they decided to review ulit dahil first subject ang quiz nila.

Nasagutan niya naman lahat at siniguradong tama ang mga sagot. Medyo tahimik ngayon dahil walang maingay at nagbabangayan sa tabi niya, kaya nagkukwentuhan na lang sila. Sinabi niya kay Joana na matutulog si Kat sa condo niya at pati ito ay gusto na din makitulog. Syempre pinayagan niya ito para masaya.

Pero narealize niya na mas kakabahan siya mamaya dahil isa pa si Joana na maraming tanong at mabilis makahalata. Wala siyang choice kundi sabihin sa kanila ang lahat at ang totoo. Hindi siya sanay na nagtatago siya sa kaniyang mga kaibigan, dahil nakikinig talaga ang mga ito at laging open for her. Hindi siya nagkamali sa pagpili sa mga ito.

"Hey dudeparechongbro! Kamusta?" nakipag-apir sa kaniya si William at natawa siya sa tinawag nito sa kaniya. Ito ang biruang tawagan sa lasalle kaya natatawa talaga siya. It's cute kasi.

"Hey dudeparechongbro! okay lang ako! ikaw?" ginaya niya pa ang paturo turo nito dahilan para matawa ang mga kasama nila.

"Nakakahiya ka Nats" natatawang bulong sa kaniya ni Joana, tinawanan niya lamang ito.

"Okay lang din, pauwi na kayo?"

"Uhm yup, kayo ba?"

"Oo din eh. Sige una na kami ha! ingat kayo Nats" kumaway pa ito at umakbay sa dalawa nitong kaibigan. They're really handsome at mababait naman sila kahit papano.

Dumeretso na siya sa kaniyang condo after class para mag-ayos at nagluto ng kakainin nila mamaya. Mas gusto kasi nila ng home made foods kaysa sa puro order lalo na kapag over night. Samantalang si Joana naman ay dumaan sa mismong bahay nito para maghanda at magdala ng damit.

Nagluto siya ng beef steak and buttered shrimp. She's craving again sa shrimp kaya yun ang niluto niya. Hindi niya napigilang isipin ang pagdala sa kaniya ni Ethan sa resto ng tita nito na sobrang kulit. Yon ang pangalawang beses na niyaya siya nitong kumain sa labas at ilang beses na nag-order ng buttered shrimp. Malungkot siyang napangiti. She really missed him, but she need to be strong.

Napatingin siya sa orasan at alas otso na pala ng gabi, sakto naman ay narinig niya ang pagkatok sa pintuan. Agad agad naman siyang pumunta dito at binuksan.

—————————————