Chereads / Come Back To Me / Chapter 23 - Mental Breakdown

Chapter 23 - Mental Breakdown

"Oh bakit maga mata mo?" kunot noong tanong ni Mishy sa kaniya. Ang aga-aga yun agad ang bubungad.

"What happened?" sunod naman na tanong ni Joana. Itinigil pa nito ang pagbabasa at tinitigan siya sa mata.

"It's nothing, napuyat lang kakareview saka hindi ako makatulog, uminom kasi ako ng coffee eh" umupo siya sa tabi ni Joana at binuklat na din ang libro. Sinusubukang itutok ang atensyon doon.

"Ganyan aman talaga ang ginagawa mo kapag nagrereview eh, pero hindi namaga mata mo" pinanliitan siya ng mata ng kaniyang mga kasama, kaya pinagpatuloy ulit niya ang kaniyang pagbabasa.

Alam niya sa sarili na kilalang kilala na siya ng mga ito. Kaya hindi ka pwedeng magsinungaling kapag kaharap mo sila.

"Fine, mental breakdown dahil sa kakareview, hindi na sanay yung utak ko sa ganitong kahabang memorization and readings, so that's why hmm" She lied.

Sa totoo lang hindi siya magaling at sanay sa pagsisinungaling pero kung kailangan naman talaga ginagawa niya, pero kung hindi. Hangga't sa maaari iniiwasan niya.

"Are you sure?" niyakap pa siya ni Mishy at saka siya tumango.

Hindi niya alam kung talaga bang nadamihan niya ang concealer o talagang sobrang halata na ng mata niyang maga. She's hoping na mamaya wala na ito. Good thing nakapagstudy pa siya ng ayos kagabi kahit medyo naiiyak siya. Gumising kasi ulit siya ng 3 am to study. And she tried to handle her tears para makapagreview siya ng ayos, but after that nagbreakdown na naman siya. Kaya siguro ganon kamaga ang mata niya. Plus konti lang ang tulog niya.

Medyo sumasakit din ang ulo niya habang nag-aaral dahil sa kakaiyak. So most of her reasons are true.

"Goodmorning class! get one whole sheet of yellow paper, we have quiz today" unang bungad ni Mr. Scoval habang naglalakad papunta sa desk at nilapag ang kaniyang mga gamit.

Sobrang pogi talaga nito, mukhang student pa pero matanda na talaga. Kaso ubod ng sungit kaya no thanks.

Napangiti siya sa kaniyang isipan.

Lahat naman ng questions and enumeration ay nasagutan niya, at sinigurado niyang tama lahat ito. Malaking tulong talaga ang pag-aaral, kahit puyat siya ay nasagutan niya pa din ito ng ayos.

Pagkatapos ng quiz ay agad na nagreklamo ang kaniyang mga kaklase.

"Lagi na lang ganon si Sir!"

"Surprise quiz na lang lagi, umay!"

"Ayoko na dun uncrush na"

"Hindi kasi kayo nag-aral! kilala niyo naman yon" singit ng kaniyang kaibigan sa mga ito.

Mukhang iilan lang sa kanila ang makakapasa. Mismong professor na kasi nila ang nagchecheck ng quizzes nila.

Mabilis natapos ang ilang klase nila. At proud siya sa sarili na hindi napunta sa ibang bagay ang atensyon niya.

Naisip niya kasi na kung gusto niyang iwasan ang taong yon dapat iwasan mo din isipin ito. It can break your heart too. At ayaw niyang itorture ang sarili, mas gusto niyang magbabad sa pag-aaral kaysa isipin at intindihan ang mga bagay na nakakapanakit lang sa kaniya.

Sa isang araw lang madami na siya ng natutunan. At isang tao lang ang naging dahilan. Ngayon niya lang narealize na ngayon pa lang siya naggogrow pagdating sa love. At isa pa hindi porket mahal mo yung tao at sinaktan ka nito, kailangan mo na ding saktan at kalimutang mahalin ang sarili mo.

_____________________________