Laganap na kahirapan
Problema ng ating bayan
Kulang na pangailangan
Sakit na ng ating lipunan.
Walang màkain sa agahan
Ang gabiy lilipas ng walang hapunan
Nagtitiis sa Giba gibang tirahan
May matawag lang na sariling tahanan.
Araw't gabiy ganito
Wala man lang kunting asenso
Asensong tanging hangad ko
Ang makaahon sa hirap na kinagisnan ko.
Hindi naman siguro dahilan
Na ang kahirapay bunga ng 'katamaran'
Dahil kung sipag at tiyaga lang naman ang kailangan
Matagal na siguro kaming mayaman.
Yan ang masadlak na katotohanan
Sa aming ngayong hikahos na kalagayan
Na ang kahirapan aming nagisnan
Panghabang buhay na yata naming yaman.
Yan ba ang bagong depinisyon ng mayaman
O ng isang taong walang panustos sa kanilang kailangan?
Yan ba ang pinagmamalaki ng ating pamahalaan?
Ang hikahos naming kinakahantungan?
At ito ba ang sabi ng gobyernong buhay na maalwan?
Ang hindi namin makompletong importanteng agahan?
Ang tiratirang tanghalian?
At isang pagutom na hapunan?
Nakakapagod maging mahirap
Ngunit matagal na naming natanggap
Na nakakulong kami sa selda ng kahirapan
Sa lugar kung saan kami nagsisiksikan.
Kahirapang nasasadlakan
Nais ko man sana itong wakasan
Ngunit hindi ko kayang matakasan
Ang masakit na realidad ng aming kalagayan.
Kami'y pilit kinandado sa selda ng kahirapan
Nakaposas ang kamay sa henerasyon ng kapalaran
Na inuulit-ulit lang ng kasaysayan
Dahil ang kahirapan samiy pilitin may, di namin kayang mawakasan.