Ang hirap palang kalimutan
Ang mga bagay na matagal mo ng nasanayan
Lalot pat ang tagal na ng ating samahan
Sakiy ikay ritual ng kailangang pagsilbihan.
Sa umagay, ikaw ang tanging nasa isip
Sa tanghaliy ikay sakiy tila isang panaghinip
At sa gabiy ikay kayakap ng mahigpit
Ngunit sa ngayoy ikay alaala nalang sa pagpikit.
Ang hirap palang sinanay mo no?
Na sayo ko lang pinaikot ang mundo.
Na tanging ikaw lang ang hinahanap hanap ko
At ikaw lang ang taong labis na minahal ko.
Inaamin ko. Hindi ko talaga kaya!
Na sayoy akoy tuluyan ng lumaya
Paglayang ang sakit na sobra!
Na sa huliy heto sa akiy, ikay sa akiy isa nang alaala.
Lumbay ng pusong tila nagdurugo
Luhang anong pigil ayaw ng matuyo
Kalungkutang labis ang aking nadarama
Pasakit sa pusoy iniwan at patuloy na umaasa.
Na baka sakaling balang araw babalik ka
Akoy babalikan at tayoy muling magsasama
Kasi sanay na akong akoy iyong sinasaktan
Pero hinding hindi ako masasanay na ikay wala na saking tabi at di na kayang malapitan.