Chereads / The Luck of the Dreamer / Chapter 1 - Chapter One

The Luck of the Dreamer

Loowveee
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

Nasa bahay ako ng kaibigan kong si Angela.

Hindi para bisitahin siya kundi para maki-wifi at manood sa YouTube. May bago kasing labas na kanta ang BTS na kinaadikan kong boy group sa South Korea.

Wala eh, ang gwapo nilang lahat! Ang galing pa nilang sumayaw, ang lalambot ng katawan nila! Pero mas nagustohan ko sa kanila ung kanta nila mismo na sobrang ganda!

Oo exclamition point talaga para damang dama!

Wala kasi kaming wifi sa bahay at wala din akong pangload. Kaya nakiki-wifi lang ako sa kaibigan ko na nakatira lang nalapit samin.

Habang pinapanood ko ung video nila nakahawak lang ako sa bibig ko dahil sobrang angas ng dance moves at sobrang ganda ng kanta nila.

"Joan ano pinapanood mo bakit ganyan ung mukha mo? Wag mong sasabihin nanonood ka n---" Tinakpan ko agad ang bibig niya baka kasi kung ano pang lumabas sa bibig niya.

"Napaka OA mo talaga. BTS pinapanood ko kung ano ano na naman nasa isip mo." Sabay tanggal sa bibig at punas ng kamay dahil naramdaman kong may dumikit na laway dito. "Ang dugyot mo." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ikaw mas dugyot kasi kung ano anong iniisip mo! Alam kong BTS yang pinapanood mo." Sabay tawa nito sa aking harap.

Hindi ko na siya pinansin dahil uulitin ko ulit ang panonood ng MV ng BTS.

"Akala ko pinuntahan mo ako para nakapagkwentohan tayo dahil bukas na ang alis mo papunta South Korea." Bigla akong napatingin sa sinabi niya. "Yun pala pumunta ka lang dito kasi manonood ka ng video ng BTS. BTS na hindi ka naman kilala." Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa huling sinabi niya.

"Mapanakit ka ah!" Pinatay ko ang aking cellphone at pinanlakihan ko pa siya lalo ng mata.

"Hindi din naman ako kilala ng EXO kaya it's a tie." Ngiting ngiti niyang sabi sakin. May kaya sila pero katulad ko hindi pa din siya nakakapunta sa concert ng idol niya kasi hindi din kaya sa budget nila.

"Kailangan mo ba talagang pumunta doon? Isama mo na ako baka sakaling makasalubong ko lang doon ang mga members ng EXO. Tapos papakasalan ko si Kyung soo" Natawa na lang ako sa inisip niya. Kaya tinapik ko ang braso niya ng mahina. Para magising siya sa imahenason niya.

"Taas ng pangarap gurl? Hayaan mo pag nakauwi ako dadalhan kita ng Koreano. Pero hindi si Kyung soo." Tawang tawa kong sabi sa kanya. Pero inarapan lang niya ako.

"OMG! Paano pag nakita mo doon ang bias mo? Silang lahat ng BTS?" Hinawakan niya ang balikat ko at inalog alog ako. Bigla kong inalis ang kamay niya.

"Malabong mangyari yun. Tsaka alam mo naman trabaho lang ang punta ko doon." Ang labo talagang mangyari ng iniisip niya baka nakapagasawa na sila pero hindi ko pa din sila nakikita.

"Istalk mo sila doon!" May sapak ata tong babaeng to eh.

"Hoy babae magtigil ka nga. Hinding hindi ko yun gagawin dahil alam ko na gusto nila ng privacy. Tsaka they deserve privacy, everyone deserves it. Kahit patay na patay ako kay Jungkook hindi ko gagawin yun. Pumuti man ako." Seryoso kong sabi sa kanya. Sabay taas ng kamay na parang nangangako sa nanay na hindi magpapasaway.

Dalawang oras din kaming nagkwentohan pero pinutol ko na kasi kailangan ko nang umuwi dahil maaga pa ang flight ko papuntang Korea.

"Anak magiingat ka ah? Wag kang mapapagutom doon. Tsaka palagi kang tatawag samin." Sabi ni Mama sabay yakap nito sakin. Nginitian ko lang siya dahil ayaw ko maging malungkot sa pagaalis ko.

Hindi ko tunay na magulang ang Mama at Papa na itinuturing ko ngayon. Dahil ang tunay kong magulang ay patay na. Pinasok ang bahay namin ng mga armadong lalaki at pinatay nila ang magulang ko sa harap ko mismo.

Wala na akong balita sa mga pumatay. Matagal tagal na din na nangyari yun. Dati gusto kong maghiganti pero naisip ko na hindi magandang gawin yun. Pababayaan ko na lang ang karma ang lumapit sa kanila.

Hanggang Senior High School lang itinapos ko. Dapat sana magtatake ako ng psychology kaso hindi kaya ng budget kaya naghanap na lang ako ng trabaho para kahit papaano makatulong sa pagpapagamot ni Papa.

Hindi ko man sila kadugo tinuturung ko naman silang tunay na magulang.

Si Mama labandera samantala ako naman ay isang sales lady sa kilalang Mall at sa gabi naman ay waiter sa isang restaurant. Si Papa naman dating taxi driver pero naaksidente siya kaya hindi na siya pwede pang bumalik lalo pa may sakit ito sa puso at highblood pa.

19 years old ako nagumpisa mag trabaho. Madami nagsasabi na maganda daw ako at maganda daw ang kutis kong morena. At matangkad din ako kaya pinagkakamalan akong modelo. Minsan nga may nag alok sakin pero ayaw ko kasi hindi ko tipo ang mga ganunng bagay.

Nasa loob na ako ngayon ng eroplano. Sa tabi ako ng bintana nakaupo. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kabang nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na malayo ako kila Mama at Papa.

'Kakayanin mo to Joan, para sa pamilya! Laban lang!' sigaw ko sa sarili ko.