Chereads / The Luck of the Dreamer / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

Naglalakad ako sa isang parke dito sa Busan, South Korea. Sa Seoul ako nagiistay kaso na bored ako kaya pumunta ako sa Busan. Gusto ko din muna mag maggala gala dahil baka hindi ko na magawa to pag nagumpisa na ang trabaho ko.

Malaki laki din kasi ang pocket money ko kaya malakas ang loob kong gumala. Fifty thousand pesos dala ko dapat nga iiwan ko na to kila Mama pero ayaw naman nila tanggapin. Iyon na ang pinakamalaking perang nahawakan ko sa boung buhay ko.

Nagmamadali ang mga tao sa pag lalakad. Lahat din ng tao ay balot na balot dahil sa sobrang lamig ng klima dito. Hindi na ako magugulat sa lamig pag labas ko sa apartment dahil kahapon pag dating ko nilagnat ako ng bonggang bongga. Ganda ng welcome sakin ng Korea.

Dumaan muna ako sa isang Coffee Shop, siyempre Coffee ang bibilhin ko para mabawasan ang lamig.

Nakasout ako ng black jacket na sobrang laki sa akin. Tapos ang pang baba ko naman ay black jogging pants. At siyempre nag coat din ako na black. Siguro pag ito ang sout ko sa Pilipinas patay na agad dahil sa sobrang init. Hindi 50 - 50 patay agad agad ganern. Bakit OA akong tao eh!

Nung natapos na ako bumili nag patuloy ako pag lakad. Hindi ko alam pero hindi ako napapagod mag lakad. Sobrang relaxing kasi ng boung paligid dito.

Nung medyo dumilim na ang paligid napag desisyonan ko na umuwi na sa apartment na tinitirhan ko pansamantala.

Bigla akong kinabahan dahil nakalimutan ko pauwi. Masyado akong nag enjoy kaya nawala na sa isip ko ang dereksyon na tinahak ko kanina. Sobrang hina ko pa naman sa dereksyon. Tanga tanga ko talaga.

Umupo muna ako sa upoan na malapit sakin dahil nararamdaman ko na ang ginaw at pagod sa aking paa. Nag tanong tanong na ako sa mga tao sa paligid kaso hindi sila nakakaintindi ng English at hindi din naman ako nakakaintindi ng Korean. So it's a tie.

May biglang lalaki dumaan sa aking harap naka all black din siya. Black jacket at black jeans. Pero naka mask siya at naka cap. Mabilis siya mag lakad pero dahil desperada na ko bigla kong hinila ung braso niya.

At dahil doon bigla siyang humarap sa akin. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Shet mali ata ung ginawa ko bakit siya ganyan maka tingin. Wala namang mali sa ginawa ko kailangan ko lang talaga makauwi na. Dahil baka mamatay ako sa sobrang ginaw kahit pa makapal na ung sout ko.

"Hmm. Excuse me Can I ask you a question? Where is the train station back to Seoul?" Hindi ko alam pero parang natatae na ako sa sobrang lalim ng titig niya sakin.

"Are you lost?" Maamong boses ang narinig ng aking tenga. Bigla niyang binaba ang mask na sout niya.

At dahil doon napanganga ako sa nakita ko.

"OMG? You ar---" Bigla niyang akong hinila habang hawak hawak ang bibig ko papunta sa malaking puno na nasa likod namin. Dahil madaming tao sa paligid namin. Sinandal niya ako ng madiin sa puno.

Alam ko na ganun din ung magiging reksyon mo pag nakaharap mo ang bias mo.

He is my bias in BTS and the maknae of the group. Yes the one and only Jungkook is in front of me. Hawak ang bibig ko. OMG!

'Nasa langit na ba ako? Sana dito na lang ako forever.' Malakas na sigaw ko sa isip ko.