Chereads / Teach Me, Teacher / Chapter 2 - LESSON ONE

Chapter 2 - LESSON ONE

~FIRST~

Abby's POV|

"AHHHHHH!" ungol ko.

"Ang bagal!" sabi naman ng lalaki na nasa ibabaw ko pero hindi naman actually na nasa ibabaw ha.

"M-masakit na!" pangongosensya ko.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa kahit masakit na ito sa aking kaloob-looban ay di pala physically na akong nasasaktan. Kahit nagmumukha akong masokista ay di ko inalintana ang sakit at hapdi na dulot nito.

"Bilis...Faster!" utos niya.

Naramdaman kong parang bibigay na ang katawan ko. Ang hirap hirap at masakit sa katawan. Siya kaya dito sa pwesto ko.

"Sh*t!" bulong ko.

Porket lalaki siya at kaya niya. Ako nga lang itong babaeng mahina pinasubok niya sa gawain ito pero I've been wanting to try this. Kailangan kasi siya ng katawaan at ramdam na ramdam ko na mas kakailangan ko pang gawin ito.

"Okay na!" sabi naman niya. Hudyat ito na tapos na ako. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala kahirap gawin ito. Hinayaan ko muna ang sarili ko na humiga. Umalis agad ang lalaki at di man lang ako kinamusta kung maayos ba ang lagay. I'm not overacting but it's freaking painful. Nararamdaman ko pa din na may joints were throbbing.

"Ahhh *hingal* Ooohhh! *hingal* Kapagod!" I said while I'm still catching my breath. Pero, sinadya ko yun para asarin ang kumag na 'yun. Di ko inaasahan na ganito ang ibibigay niya sa akin.

"Akala muna naman kinantot ka kung maka-react. Nagbuhat lang ng dumbbell na nakahiga. Ganyan ka na... *tsk* *tsk*", sabay iling niya sa harapan ko. Di ako OA, sobrang hirap lang ng routine ko ngayong araw.

"Sabi ko sayo itra-try ko lang! Eh, ikaw naman sineryoso mo. Ayan tuloy nabugbog ang katawan ko," I said confidently. I asked him if I he can allow me to lift dumbbell and then, he said yes. I requested if he can be gentle with me, then he didn't answer. He replied me with a smirk.

"Osha. Umalis ka na. Libre na yun wag munang bayaran!" sabi niya. Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip?

Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yun. At agad ko siyang nayakap kahit pawisan pa ako. At ibig sabihin makakapunta pa ako ulit dito para mag-gym.

Saglit! Nakalimutan kong magpakilala sa inyo.

Ako nga pala si Abigail Constantine or you can call me as Abb but my friends call me Abby.

Dito na ang bisyo ko, ang mag-gym. Ewan ko ba kung bakit ko to nahiligan, basta one time I really wanted to try it. 'Yung tipong mageexert ka ng effort just for yourself. Mas lalo pa akong ginanahan na mag-gym since my friends are rooting for me. Napansin ko din na tumataba na ako at di na nagkakasya ang ibang mga damit ko. Tsaka, tinulungan din ako ng kumag na 'yun na si Eric na iadjust yung body ko sa pagwowork-out at exercise. Hindi na nawawala sa routine ko ang pagexercise every Monday, Wednesday and Friday. Hindi naman magwowork kung puro exercise lang kaya sinasamahan ko na rin ng diet.

I don't see any problem sa pagpunta ko dito sa gym. May naka indicate ba na only for men lang ang pagigym? Wala naman diba? Ah, baka kasi natatakot sila na mapunta ang boyfriend nila sa akin? Oh, sorry I'm not into piece of sh*t! I heard some rumors in school na kaya daw ako nagpupunta dito kasi, I need to look for my destiny. WHAT THE FUCK? Ginagamit pa ba nila ang utak nila para magisip kasi it's not a valid reason at all. At kung gagawa na lang din sila ng rumor, kahit gandahan man lang nila yung presentation. 'Yung tipong may pa story telling para naman kahit papaano may grade ang delivery of message.

'Nainlove na ba ako?' Another rumor has been circulating this past few days. Hindi naman sa pagmamalaki but I have quite looks na pati boyfriend mo baka hiwalayan ka. No, I'm kidding but to be honest, I'm quite pretty. I have fair to light skin and the definition of my face is quite impressive too. In terms of my physique body, thanks to my gym instructor, I think I could be the cover model of FHM. I laughed hard in my imagination. I will never do that! I swear.

Back to love life, di pa yan sumagi sa isipan ko kahit kailan. I just want to brag to my family that I can live independently. Oo, k-kaya? OO? Fuck it! I can't! Well, I need to work on it. And right now, sanay na akong magisa. Nevermind, I hate thinking how I've become like this.

Agad naman akong pumunta sa locker room ng mga babae. I need to take a quick bath just to remove the sweat in my body. When I go here, di ako masyado nagdadala ng madami just my necessities since iniiwan ko na rin ang mga hygiene products ko sa locker. Agad din naman ako nakapag palit ng cycling short in color white, an oversized shirt with color green smoke with text web program print design and my shoes in color white.

Hindi na naman mapakali ang phone ko sa mga notifications. Sinilip ko kung bakit na naman nagkakagulo ang GC namin.

BSU HS4-1

From: Aaron

Late na ba ako?

From: Win

Bro, di pa! Arat dito sa cafeteria

From: Bright

Sunod ako bro. Miss na kita :<

From: Elaine

@Marissa What coffee do you want?

From: Marissa

@Elaine Argh, Americano

From: Elaine

@Marissa Sorry, I forgot (TT)

From: Aryh

Where's Abby?

From: Marco

Nakita kong lumabas ng quadrangle. Baka uuwi na ata?

From: Aryh

Owemji! Don't say na nagcutting na naman siya

Sige na! Sasagutin ko na din ang tanong niyo kung bakit gusto ko magpunta ng gym? Gusto ko lang talaga na magpunta dito at mag-work out para mag-cutting. I just had enough sa mga tinuturo sa BSU (British Standard University). Although, I'd studied in America and also this school is an international university, I can say na may difference pa rin sila in terms sa education abroad. Moreover, I hate lectures. Puro kasi sila lecture lang doon sa school eh naturo na yan sa elementary at bawat ituturo nila, I know. But, you know I'm just a student with a bright mind. So, if I think that the lecture or discussion is too boring. I just go outside either canteen or go home. It depends on my mood.

One of the reasons that's why I love advance studying is that I dream to be a teacher in the future. I see myself, standing in front of children who are eager to learn something new. I want them to realize that learning is something that couldn't take away from them. It's something they could say, "This is my property", and that's right because your opinion, idea, plan, outline and etcetera are all you're own 'Intellectual Property'.

Imagining myself wearing a teacher's uniform. Looking like professional makes me so excited. That's why I didn't bother myself to always read my books in advance. Gather my research and reading books in college to see how the lessons in high school are aligned in my chosen profession. Additionally, I'd like to hear my student asking me questions, shouting like I'm their mom, which is not because it spell like this, "Ma'am." Based on my standpoint, giving like that honorific symbolizes that you have the position. So, it means there is a heirachy of status within the class. And I'd like to get that one benefit but it is enough for me that my students learned all of the lesson I taught to them. It's a fulfillment!

"Hmmmmmm..."

Also, I almost forgot. I always aced my exams. Yes, you read that right. Palagi kong napeperfect ang mga tests ko. Sa sobrang obssessed ko when it comes to studying, there is no such word 'failed' in my vocabulary. Well, based on how I tell my story. It looks like I'm introvert but I'm not. Hmm, well kind of ambivert. So, just to tell you that I have a bestfriend. She's with me when I got to meet her in elementary. I let her copy all of my answers in Math exam since she begged me to do it. I got no choice but to do it and after that, the rest is history. She's always with me. Most importantly, when the examination week comes. The only thing she got for me is motivation, motivation, and moral support. I always review in advance then she's the one who cleans my house, prepares my breakfast, treat my lunch and recess time and she send me messages with motivation content. She's always consistent in times of examination. That's why you can't spell consistency without her.

Pero siya naman ang gumagawa ng activities at projects kaya siguro ito na rin ang kabayaran sa mga ginagawa niya para sa akin. She's a creative person, looking like a model, you get the vibes of having a wealth status in life, and never lose the aesthetic vibes in her works and activities.

From: Aryh

Hey

Sis?

Cyst?

Bessy?!!

From: Aryh

Ganyanan na ah (+_+)

To: pretty, cute Aryh

=_=

Speaking of Aryh, she texted me. I just read it and I didn't reply, I know what would happen next. So, I decided pumunta sa bahay para kumain dahil nagutom rin ako sa ginawa ko kanina. I stopped at nearest grocery store to look for the ingredients I need.

Sakto naman na nagcra-crave ako sa seafood at may nakita akong tilapia sa may seafood section kaya naman agaran akong kumuha ng isang piraso. Kumuha din ako ng breading at isang bote ng mantika. Pagkatapos kong kunin ang mga iyon ay dumiretso na ako sa counter.

"98.75 PHP po, maam.", nag-abot naman ako ng isang 100 peso bill. "I received one-hundred pesos," sabi ng kahera at inabot na niya sa akin ang sukli. Hinulog ko naman ang sukli sa may lata para sa Bantay-Bata 163. Pagkatapos maimprinta ang resibo, ay inabot na niya sa akin ang mga pinamili ko na nakalagay sa color brown na paper bag.

Pagkauwi ko sa bahay, nagluto lang ako ng piniritong tilapia at fried rice dahil may natira akong kanin kagabi. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at pumunta sa kama para humiga at magpahinga dahil ang sakit ng mga buto ko dahil sa pag-gigym ko.

Humiga ako at natulog nang mahimbing.

Nakarinig ako ng balabag sa pinto hudyat para magising ako. Agad akong napabangon at nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Sino bang demonyo ang nangugulo sa pagtulog ko? Kaya naman agad akong bumaba mula sa second floor hanggang marating ko ang first floor ng unit ko. Di ko na rin alintana if may muta ba ako or panis na laway sa mukha. Gusto kong makita at bigyan ng leksyon ang kulang sa aruga ng magulang na nanggising sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuksan ko na ang pinto.

"Bes," tapos tinignan ko siya. Agad ko siyang binatukan. Nanggigil ako sa kanya dahil pagod na pagod ako tapos gigisingin niya ako.

"OUUCH!" sigaw niya pero di ko siya pinansin. "Bakit ka nandito?!" na may tunog na galit ang pagtanong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon. Nagtatampo ako at may inis pa din sa kanya. Hindi man lang siya makaramdam na kailangan niyang mag-sorry sa akin.

"Ok, fine! I'm sorry. I'm sorry if nagising na naman kita sa pagtulog mo," tinignan ko siya. I want to see her sincerity since nakailan na siya sa akin. Hindi na siya natuto at palagi na lang ganito ang ganap namin.

"Oh! bakit ka napunta dito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ito oh!" sabay abot niya sa akin ng mga notebooks ko. Nakalagay ang mga ito sa paper bag. Tapos, may nakita akong nakalagay sa loob. Two bars of Goya's Dark Chocolate. Napangiti ako pero saglit lang baka mahalata niya agad na nakita ko na yung mga chocolates.

"Luh?! Bakit mo to binigay?" galit-galitan pa din ako sa kanya. Kailangan ko pa din maging consistent sa pagtatampo ko at galit kahit na napatawad ko na siya dahil sa Goya. Oo na, mababaw na kung mababaw pero di ko pa din ipagpapalit ang chocolates.

"Bes, ito lang naman ay piece of advice ko. I think you need to be present to class at tapusin mo 'yung class discussion. Never settle for the perfect exams, bes! Meron ding recitations, practical and reporting. And all of them we're graded individually. At sa continous mong pag-cutting, palaging 65 ang grade mo. Di ka ba talaga papasok ha?," she sounded like an Asian mother. Well, she's Asian so di na rin questionnable.

"Recitation lang yun bes!" palusot ko sa kanya. But, napaisip din ako sa mga sinabi niya. I'm not grade concious pero baka ma-call out din ako ng school since napapadalas ang pagcutting ko.

"Moreover, I want to be with you everyday. Namimiss ko yung mga kulitan natin noon," she said. Napatingin ako sa kanya. At nakita kong nakayuko siya at pinapaikot niya ang left index finger at right index finger niya. So, it means nagpapaawa lang siya.

Pumapasok naman ako but after the attendance call, umaalis na ako or tumatambay minsan sa cafeteria. The only class that got my attention was Politics in 21st Century, our teacher, was also a professor of Political Science and Faculty in Law. He was graduate of Harvard University kaya naman di ko sasayangin ang oras ko pag may klase sa kanya.

Another reason is that it's boring. Some teachers are boring and didn't get my attention to listen to them. I'm expecting a lot from them since they're teaching in a prestigous school. May scenario na they're saying 'Hindi ba naituro na ito sa inyo? So, this is basic discussion for us.' Gusto ko na lang tumawa ng malakas. Para silang clown at gusto kaming patawanin but trying hard sila. That's why I decided magcutting class kasi di rin naman ako natuto eh. Kaya kapag nagre-research ako kasama na ang mga pangibang-year na lessons at binabasa ko rin ang mga 'yun  at naiistock ko sila sa utak ko kaya pag-sinabi sa akin ni Aryh kung ganito ang lesson ako pa mismo ang nagtuturo sa kanya pero wala eh puro social media ang inaatupag at ako pa ang pinapagawa ng assignments niya.

I don't know how to answer her proposal. Gusto ko na lang sa kanya sabihin na I want to drop out my subjects and to drop this academic year but hindi pwede. Magiiyak na naman siya dito at magpupumilit. And I think, ginagawa na niya ngayon.

"Ano?" pagpupumilit niya sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang nagpapaawa. Hindi ko alam kung gusto kong maawa or tumawa sa kanya.

"oo na," binanggit ko ng mahina.

"Ano? Paki-ulit?," sabi niya. At mukhang gusto niya akong pagmukhaing tanga pero di ako magpapauto sa kanya. Kaya naman agad akong inispread ang mga arms ko at inaanyaya ko siya na yakapin ako. Agad naman siyang sumugod sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Papasok na po ako," bulong ko sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.

Pumunta kami sa kwarto ko. Medyo magulo ang mga gamit ko sa loob. "Sorry if di ko na naman nalinisan 'tong kwarto. Bukas na bukas din maglilinis ako," sabi ko sa kanya. "Ano ka ba? Sanay na ako pero ugaliin mo ng maglinis. Palala ka ng palala bessy," pagrereklamo niya.

Si Aryh Choi o Aryh ang aking bestfriend. We're elementary friends pero I need to leave the country after I graduated pero di yun naging dahilan para di kami mawalan ng communication sa isa't-isa. We Skype everyday after her classes. At sobrang naging madikit pa kami sa isa't-isa dahil doon. And, bumalik ako at nagenroll sa BSU kasama siya. Pero, di ako pumapasok kasi nga I easily get bored sa mga lessons. Makulit si Aryh, kailangan niyang makuha ang gusto niya. Kapag hindi, di siya magsasawang kulitan ka. Kilala si Aryh sa buong campus. Bias wrecker daw ng ibang university at fashion enthusiast sa Instagram. Kapag may bago siyang damit lalo na pag-sponspored magse-selfie siya ng whole body at ipo-post sa Instagram.

Nagiging hyper yan kapag binigyan niyo siya ng choko-choko since we're both chocolate lovers. Most especially, kapag niyaya mo siyang pupunta kayo ng bar. Party goer kasi itong si Aryh. Naimpluwensiyahan din kasi ng mga pacool kid niyang mga kaklase noong 1st year at 2nd year highschool.

"Bes, gala tayo!" pag-anyaya niya. Nangangati ang katawan nito at gustong makipag-landian sa mga boys sa bar. "Yoko!" galit kong sabi sa kanya sabay talikod sa kanya.

"Mag-cecelebrate lang naman tayo ehh,kasi papasok ka na!" sabi niya. Bakit kailangan pang mag-celebrate? Andaming kaik-ikan nalalaman itong ni Aryh, may pacele-celebrate pa bakit ngayon na lang ba ako ulit papasok? Naghahanap lang ng excuse 'to para samahan ko siya sa bisyo. Siguro sumama 'tong kumag na 'to sa mga hypocrites na babae na nagpapabigwas ng mga hotdog but when you saw them they're looking like virgins. Sorry not sorry pero di ako bulag. At kahit kailangan di rin ako nawalan ng kakayahan umamoy kasi napakalansa nila.

Next reason kung bakit ayaw kong pumasok kasi Makikita ko na naman ang mga malalanding estudyante doon. Yes, you read that right. Private university at international school, mawawalan ng hypocrites at malalandi? No way. Naka-emphasize ang malandi kasi naman kahit sa public nagkikiss sila at they do that anytime, anywhere at pati sa restroom. I had experience when I heard someone who's moaning ang groaning in another cubicle and usually they do it. Mga walang takot sila dahil they can pay everyone in school just to shut their mouth.

Pero ang bottom question...

Is it worth coming to school now?

Is it the right formula to make me happy and will not make me feel bored inside the class? Or maybe, that would be the reason not staying with the institution and change my sorroundings.

Napailing na lang ako.

I want something new. Yung bagong makakapag-pabago ng paniniwala ko at ng pagkatao ko.

Di lang na yung sasama ako sa mga gig ng mga lalaki kong kaibigan na para bang mukhang one of the boys ako. Actually, mas exciting pang maging tropa ang mga boys since ang dami nilang naiisip na kalokohan at kung minsan nag-eexplore ng iba't-ibang mapagtri-tripan. Yung gusto ko yung magiging masaya ako.

Napabuntong-hininga ako. "May problema ba bessy?" pangangumusta ni Aryh. Agad naman akong umiling bilang sagot ko. Gumugulo lang sa isip ko ang naging desisyon ko. Baka wrong choice ang napili ko. Nagpakain na naman ako sa sariling interest at emosyon ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang babaw ng kaligayahan ko at soft-hearted pa. Hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko kay Aryh. Buti kung lasing siyang pumunta dito sa bahay. Ngayon wala na akong kawala kay Aryh.

"Abby, BILIS!" pagmamadali sa akin ni Aryh. Sabay hagis siya ng damit sa akin. "Suotin mo, pupunta tayong bar." then she smiled. "Saan na naman ba tayo pupunta? Don't act like you're cute. You didn't even passed any single criteria to be one of them."

Nagsmirk lang siya at bumaba na. "BILISAN MONG KUMILOS!" sigaw niya habang padabog na bumababa ng hagdan.

Ayaw kong umalis ng bahay ngayon. Wala sa kondisyon ang katawan ko oara magliwaliw at gumala. Mas gusto ko pang matulog. I don't like parties and bar hopping.

Minsan, nagtatagumpay ang kumag na 'to na mabingwit ako at pumunta ng bar. Kapag may mga nagagawa akong atraso sa kanya, isa lang ibig sabihin nun — bar party. Sometimes naman pag-wala kaming pera ni Aryh naga-gate crash na lang kami. Oo, gate crasher si Aryh. Malawak ang network ni Aryh at marami siyang kilala na nag-mamay-ari ng mga bar na kilala dito sa siyudad. Sumakay kami ni Aryh sa kotse niya ayokong gamitin namin ang akin. Kakalinis ko pa lang nun kahapon baka kutos sa ulo ang gusto niya kung magpupumilit siyang gamitin 'yun.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Please shut your mouth nagdri-drive ako." galit niyang sagot sa akin. Hindi na lang nagsalita. Napaka-bossy talaga!

Nandito ako sa tabi ng driver seat. Kanina kasi umupo ako sa likod at sabi niya sa akin baka mag-mukha daw siyang driver. Hindi ba halata na yun ang gusto kong iparating sa kanya. Tsaka driver naman talaga siya kahit sa anong anggulo mo tignan.

Mga 1 hour at 30minutes din kaming nag-drive mula QC hanggang Manila. Huwag mo ng tanungin kung bakit ganyan katagal ang byahe namin. Itanong mo sa gobyerno na di binibigyan solusyon ang problema sa trapik ng bansa. Marami namang kilalang bar sa QC bakit gusto pang lumayo.

Tumigil kami sa parking lot ng isang imprastratura na kung saan akala mo aakalain mo lang na isang bahay pero nakikita ko sa loob ng bahay na mukhang masaya ang lahat ng nasa loob. May mga makukulay din na ilaw na lumalapat sa mga bahagi ng katawan ng mga nagsasayaw sa loob. Napaisip ko na ordinaryong party ito o isang celebration.

"Nag-abala ka pa!" sabi ko kay Aryh.

"Anong abala? Tsaka bar to. Wait, did you expect that I would give you a real celebration?" sabi ni Aryh.

"ANO?!" sigaw ko sa kanya. Iniwan niya ako habang siya'y patuloy na tumatawa. Hindi ko alam at tsaka masama bang magexpect? Napaka-effort niya sa akin kaya I thought she would prepare something special for me.

Anong gagawin ko dito sa bar? Flirting with boys. Given na 'yung magpapakalasing ka hanggang sumikat ang araw pero places like this, it's covered by lust and sexual desires of people. Sinong nakakita ng bar na parang mga anghel ang mga tao? Walang ganun, mars! Parang gusto kong takasan 'tong si Aryh at uuwi ako sa bahay para matulog ulit.

Pumasok kami nang hindi man lang kami hinaharang mga bouncer o tinanong kung ano ang pakay namin. Sila pa ang nag-give way at tumabi sa gilid para makadaan kami. At doon ko narealize na, walang silbi yung mga taba nila.

'Help me!' 

Ayokong pumasok sa bar kapag hindi ako pumasok at piliin na tumakas kay Aryh. Uutusan niya ang mga kaibigan niya at ang mga bouncer na habulin ako at hihilain nila ako papasok sa loob. Nangyari na 'yun noon, pagkalapag na pagkalapag ko pa lang ng airport, niyaya niya ako na kakain kami sa labas. The place was incredibly like restaurant in outside pero once you go inside, doon mo makikita ang tunay na kulay ng lugar na iyon.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Nagisip na lang ako ng mga possibilities like maybe sasaya rin naman ako at hindi na rin mabobored. Matagal na rin ang huli kong inom ng alak kaya maybe it's a great timing na uminom ngayon. I sounded like fool. Naawa na ako sa sarili ko.

May lumapit na two boys kay Aryh na may-ari nitong bar at siguro kaibigan nila si Aryh kaya pinapasok kami agad nung mga bouncer nila.

Umupo lang ako sa may bar stool habang ang bartender ay naghahalo ng inumin. Nagisip naman ako ng pwedeng inumin at agad kong binigay ang order ko pero pinauntian ko ang alcohol at baka di na ako makauwi sa sobrang kalasingan kung madami ang alcohol.

Habang iniintay ko ang order ko. May umupo sa tabi ko na lalaki.

Tinignan ko ang buo niyang katawan simula baba hanggang taas. Ang haba ng mga legs niya dahilan para tumangkad siya. Ang puti ng kutis niya. Ang laki ng mga biceps niya at nagdulot ito para maging matipuno siya yung mukha niya ang gwapo mas gwapo pa kay Christian Grey at kay Brad Pitt. Yung mata niyang mapang-akit,yung jawline niya, yung mga mapupulang labi niya na sobrang sarap halikan.

Hindi pa naman ako lasing pero ganito na agad akong magisip. Nasobrahan ata ako sa paglanghap ng hangin sa lugar na 'to. Ngunit, hindi naman makakaila na sobrang gwapo niya baka nga magaling pa ya sa kama eh.

"Hi beautiful!" sabi nang lalaki na tinititigan ko ngayon. Nabalik naman ako sa ulirat ng sabihin niya yun. Bigla kong naramdaman ang hiya. Ngayon lang ako nakaexperience ng ganito na mapatulala dahil sa itsura ng isang tao. Nakaramdaman ako bigla ng init na umaakyat hanggang mukha ko.

'Balik mga dugo, BALIK!'

"Ahuh! You're blushing," sabay tawa niya. Ngayon siya naman ang nakatitig sa akin.

Naiinis na ako sa kanya pati sa sarili ko. Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya para mas maging komportable ang gabi ko dito kasi simula pa lang, ayaw ko na talaga magpunta dito eh.

"Ito na po maam ang order niyo!" sabay bigay sa akin nung bartender ang inorder ko.

"Ganun din yun sa akin!" sabi naman ng lalaking katabi ko sa bartender.

Aba nanggaya pa siya ng order. Papansin lang ba siya o gusto lang niya guluhin ang tahimik kong gimik dito. Tinikom ko ang bibig ko. Tutal kaya ko naman ng magisa kaya pipilitin ko. Ininom ko ng isang tungaan ang binigay ng bartender. Nakakapagtaka lang bakit umiinit ang lalamunan ko. Sinabihan ko siyang kaunti ang ilagay na alcohol. Damn it, bahala na!

"Isa pa nga," sabay lapag ko ng baso. Agad naman niyang nilagyan iyon. Hindi na ako nagdalawang isip pa at muling ininom ng isang lagukan. "Isa pa!" utos ko. At muli, nilagyan niya ng alak ang baso ko. Hindi ko na rin nabilang kung ilang baso ang nainom ko. At nararamdaman ko na nahihilo na ako.

Bigla akong lumingon sa kanya. And I was right, I caught him staring at me. But, as I saw him again. Mas lumapit na siya sa akin, baka siguro lasing na ako kaya ganito na rin ang paningin ko. Mas nararamdaman ko na dapat akong mahiya, di ako sanay na binibigyan ako ng attention ng ibang tao except si Aryh dun.

Siguro kausapin ko na lang siya. Sasabihin ko ng malinaw na naiilang ako sa mga titig niya. I have my valid reason which is I felt uncomfortable whenever people stares at me. I hate the feeling na ikaw ang pinagtutuunan ng pansin.

"Ano bang gusto mo?" sabi ko sa kanya ng may pagyayabang. Putangina! Ano 'yung sinabi ko? Agad ko namang binatukan ang sarili ko. Nawala ako sa wisyo ng masabi ko 'yun. Ngayon, mas naramdaman ko ang epekto ng alak sa katawan ko. Mas umiinit ang feeling ko.

"Ikaw pero sa kama!" sabi niya na siyang dahilan nang pagkagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nakita kong ngumiti pa siya at saka nilapag ang baso niya.

"Ano? Bast--" sasampalin ko na siya pero napigilan niya yun.

At bigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa kapusukan ng binata. Hindi ko alam ang gagawin at feeling ko nanghihina ako. Gusto ko siyang itulak pero ang halik na iyon ang humihigop ng lakas ko. Naramdaman ko ang malamig niyang palad na dumapo sa pisngi ko. Napapikit na ako. Alam ko ang lasa ng alak ngunit mas nakakalasing ang paghalik niya sa akin.

Gosh. He's a damn good kisser.

We're giving back kisses. He's waiting for the entrance of my mouth. And suddenly, I opened my mouth. Parang nasa isang gyera ang aming mga dila, napakainit ng labanan sa gitna namin at patuloy na nagtatama ang mga espadang nagnanais ng kapayapaan. It's addictive. I like the taste of his lips. Pinulupot ko na ang sarili ko sa kanya. Nilagay ko ang mga braso ko sa leeg niya. Mariin ko pang tinutulak ang aking mga labi sa kanya. Nagpatuloy pa ang batuhan ng halin namin. Sa mga halik niya ramdam mo ang daloy ng dugo mo, rumaraga sa buong katawan na siyang dahilan upang ikaw ay patuloy mamuhay at huminga. Ang halik niya ang oxygen na siyang kailangan ng katawan ko. Humawak siya sa beywang ko, at mas naging mapusok ang mga halik. Tila ba'y ayaw kang pakawalan at parang sineselyaduhan niya ang aking bibig.

Finally, we stopped and we're both catching our breath. "You're good kisser, my princess!" papuri niya sa akin. Umalis siya pagkatapos niya akong halikan at may iniwan calling card sa mesa. Hindi ko muna kinuha ang calling card na 'yun. Hinintay kong makalayo siya at nang pumunta na siya sa pwesto kung saan naroon ang mga kaibigan niya ay agad kong hinablot ang calling card.

Ngunit, pagbalik ng aking mata sa kinatatayuan niya. Nahuli niya akong kinuha ang calling card at nagbigay siya  "call me" sign. At tumango lang ako sa ginawa niya. Kahit hiyang-hiya ako sa nangyari. Matapos ang halikan namin, di pa din nawawala ang pamumula ng pisngi ko. Hindi lang 'to sa kalasingan. Kasalanan din ng kupal na 'yun. Kupal siya!

AH, PUTANGINA!

Sumagi sa isip ko na since birth, hindi pa ako nahahalikan ng kahit sino. It means that was my first.

And he is my FIRST KISS.

johniumbi | Kuya J/King J