Dayle POV
Dinala ko si Mische sa kwarto ko at dun ko sya pinatingnan kay Drei.
Pinsan ko si Drei na kasing edad ko lang din. Pero matanda ang dugo ko sa kanya dahil panganay ang mommy ko sa mommy nya.
"k..kamusta sya?" nag-aalalang sabi ko.
"ok na.. Kailangan nya lang magpahinga para makabawi ng lakas. Ginamot ko na din ang sugat nya. Teka.. Bakit puno ng sugat at pasa ang katawan nya? Anong ginawa mo sa kanya?" pag-uusisa nya.
"wala ka na dun. Walang makakaalam nito.. Naiintindihan mo" sabi ko.
Ngumisi sya.
"maganda sya? Sya si Mische diba?"
Tinignan nya ito. Kumunot ang noo ko dahil may kakaiba sa pagtingin nya dito.
"bakit kailangan mong alamin?" sagot ko.
"tss. Basta kahit anong mangyari. Hindi ako sabit dyan.." pagkasabi nun ay inayos nya ang gamit at agad din syang umalis.
Natutulog si Mische kung kaya't nilapitan ko ito. Tinitigan ko ang napakaganda nyang mukha. Sobrang ganda nya. Hindi naman sya ganyan kaganda noon pero nung natuto sya mag-ayos mas lalo ko sya nagustuhan.
Unti unti sya nagising. Napaatras sya ng makitang andito ako.
D..Dayle..
"w..wag mo ko sasaktan plss" natatakot na sabi nya. Yun agad ang bungad nya sakin.
Sinisiksik nya ang sarili nya sa sulok at nagmamakaawang wag ko syang saktan o galawin.
Agad nyang tinakpan ng kumot ang sarili nya. Nangangatog sya sa takot sakin.
Umupo ako sa kama kaya lalo syang umatras. Napipikon ako pag ganyan sya. Pero hindi ko sya masisi. Napakasama ko naman talaga sa kanya.
"wag kang matakot.. Hindi kita sasaktan" sabi ko. Kinuha ko ang kamay nya pero inalis nya ang hawak ko at niyakap ang sarili. Hinawakan ko ang braso nya!
"bakit ganyan ka?" galit na sabi ko. "bakit lagi mo kong sinasaktan ng ganito? Napakahirap ko bang mahalin?!" humigpit ang hawak ko sa braso nya.
"nasasaktan ako Dayle.."
"kahit minsan ba minahal mo ko?!"
"tama na.. Tumigil ka na"
Tinatanggal nya ito pero hindi nya kaya.
"ptangina!! Tinatanong kita!!"
"hindi!!" galit na sabi nya. "kaibigan lang kita at kahit kailan hindi mangyayari ang gusto mo!!"
Kinuwelyuhan ko sya! Napipikon ako pag sinasabi nya ayaw nya sakin! Pero lumuwag ang hawak ko sa kanya ng makita ko syang umiiyak.
"akala ko iingatan mo ko Nangako ka sakin nun na walang ibang pwedeng manakit sakin. Pero Dayle paulit ulit mo ko sinasaktan. Paulit ulit mo kong binababoy. Masaya kang nasasaktan ako. Yun ba ang pagmamahal sayo? Ang makita akong magdusa"
"dahil mahal kita!! Pta mahal na mahal kita!! Hindi ko kayang mawala ka!! Mababaliw ako!! Gustong gusto kita Mische.." dumiin muli ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya at sapilitan ko syang hinalikan pero tinutulak nya ko. *kiss* "akin ka lang *kiss* ako lang ang may karapatan sayo!
Tama naaa
Bigyan mo ko ng anak plsss.. Magiging mabuti akong asawa sayo
Ibibigay ko lahat ng kailangan nyo.lahat ng gusto mo kahit ano.."
~~~~~❤~~~~~
Mische POV
Nagsisimula na naman sya pudpudan ako ng halik.
"Dayle masakit pa ang katawan ko plss makinig ka naman sakin.."
Hinatak nya ko papalapit sa kanya!
"ang sabi ko gusto ko ng anak!!" mariing sabi nya.
Ayokooo.. Iba na lang..
May babae ka pang makilala.. May nakalaan para sayo pero di ako yun..
Huminto sya sa ginagawa nya sakin.
"pero ikaw ang gusto ko.." malungkot na sabi nya. "nararamdaman ko mahal mo din ako. Galit ka lang sakin.."
"patawarin mo ko.. Dala lang ng pagmamahal ko sayo. Sa sobrang kagustuhan kong angkinin ka. Nasasaktan na pala kita." lumuhod pa sya at pinaghahalikan ang kamay ko.
Mische dati pa mahal na mahal na kita. Sobrang bait mo sakin kaya nahulog ako sayo. Napakaespesyal mo sakin. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo lang ako. Pinilit ko naman pigilan nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Araw araw palalim ng palalim. Lalo kitang minamahal pag nakakasama kita"
Ikaw lang laman ng isip ko. Hindi kita maalis. Isang beses na nag-away tayo mabaliw baliw ako. Hindi ko kaya.. Pls bigyan mo ko ng chance" umakma syang hahalikan ako pero umiwas ako. Natatakot pa din ako sa kanya.
"alam ko natatakot ka sakin.. magpahinga ka na.. At magpalakas ka.. Simula bukas.. Hindi na kita sasaktan.." hinalikan nya ko sa noo.
Dahan dahan syang tumayo at lumabas ng kwarto.
Hindi nya na ko sasaktan?
Umaasa ako sa sinabi nya. Napakabait ni Dayle. Alam ko hindi sya masama. Hindi sya ganyan. At umaasa ako na palalayain nya na ko.