Chereads / His Prisoner / Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 13 - Chapter 11

Mische POV

May lalaking pumasok at tinignan ang sugat ko. Kung di ako nagkakamali. Sya si Drei? Pinsan ni Dayle.

Umalis si Dayle kaya naiwan kaming dalawa.

Ginamot nya ang sugat ko at nakatingin lang ako sa kanya.

Itinupi nya ang shorts ko at nagsimula ng gamutin ang sugat ko.

Hinawakan ko ito para di bumaba.

Tahimik lang kami parehas.

Nag-iisip ako. Matulungan nya kaya ako? Pero pinsan sya ni Dayle? Baka isumbong nya ko dito.

"t..tulungan mo ko" tinignan ako nito. "nahihirapan na ko dito.."

"bakit? Sumama ka kay Dayle pero di mo alam na ganyan sya?" sagot nya.

"hindi ako sumama sa kanya. Kinulong nya ko dito" sabi ko. Tumigil sya sa ginagawa nya.

"Maganda ka.. Hindi ko masisi bakit nababaliw sya sayo. Mahal ka lang nya" si Drei.

"p..pero mali ang ginagawa nya"

"mali? Hmmm Puro kami lalaki sa pamilya. At nakalakihan na namin na ang lalaki ang makapangyarihan at ang babae ay ginawa para lang samin. Para pagsilbihan kami at para ibigay ang gusto namin" sabi nya.

"mali ang paniniwala nyo. Hindi nyo kami pagmamay-ari"

"tss. Anong mali? Totoo yun.. " tinignan nya ko pero umiwas ako ng tingin.

Sige pag tinulungan kita.. Anong kapalit?" sabi nya. Napakalagkit ng tingin nya sakin.

Napansin ko na lang na hawak pa din nito ang hita ko kahit tapos nya na gamutin.

Agad kong binaba yung tupi ng shorts ko pero pinigilan nya.

"tinatanong ko kung ano ang kapalit?" nakangising sabi nya.

"a..ano bang ginagawa mo!" inis na sabi ko. Lumapit sya kaya nagulat ako!

"tutulungan kita pero alam mo kung ano ang kapalit" napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya.

Itutulak ko sana sya pero tumayo na din agad sya sakto pagdating ni Dayle.

"anong nangyayari dyan?" si Dayle.

"hmm.. Magaling na ang sugat nya. Pero mukhang hindi na makakalakad ang kaliwang paa nya." inayos na nito ang gamit nya. "pano ba yan? Mauna na ko" sabi nya. Tumingin sya sakin bago umalis. May ibig sabihin ang bawat pagtingin nya.

Naglakad na sya palabas kasabay sya ni Dayle. Naiwan ako mag-isa. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang paniniwalang kinalakhan nila. Mali, sobrang mali.  At anong kapalit ang sinasabi nya. Mukhang parehas pa silang masama ang ugali.

~~~~~~~❤~~~~~~~~

Pumasok si Dayle at may dala dalang pagkain.

Dito na ko sa kwarto nya tumutuloy at sinara nya na ang basement. Ilang araw na ding hindi nya ko ginagalaw.

"simula ngayon hindi na kita itatali. Malaya ka nang makakalakad sa loob ng bahay ko. Pero hindi ka pwedeng lumabas"

Napatingin ako sa sugat ko.

Hindi pa din ako nakakalakad gawa nya.

"s..sorry" napansin nya na hindi nga pala ako makakalakad.

Inayos nya ang mga kakainin ko.

Pinilit ko naman tumayo para pumunta ng CR pero hindi ko talaga kayang ihakbang. Tinamaan kasi ang buto ko sa pagsaksak nya. Matagal tagal na pero di pa din to lubusang gumagaling dahil nainfection.

Napaupo ako pero Sinapo nya ko at inalalayan papuntang Cr.

"w..wag na.. kaya ko na" sabi ko pero di nya ko binibitawan.

"tara aalalayan kita" sabi nya. Hanggang sa cr sya ang tumulong sakin.

Lumabas sya at inantay ako sa pintuan. Bumabalik na si Dayle na bestfriend ko. Yan ang totoong Dayle. Hindi ang demonyong lalaki nitong nakaraan.

Pagkatapos ko, inalalayan nya ulit ako pabalik.

Muli nyang inayos ang pagkain. Puro favorite ko. Napangiti ako. Ganunman, hindi pa din ako tiwala sa kanya.

"magpalakas ka ha.. Kumain ka ng madami. Sunod ay tatawag ako ng phys therapist para ipatheraphy ang paa mo" sabi nya. Bumili sya ng saklay para yun muna ang gamitin ko.

Kumain na sya. Pero ako ay nanatiling nakatingin lang.

"kumain ka na" nakangiting sabi nya.

Sabay kaming kumain. Naalala ko nun lagi kaming ganito ni Dayle. Madalas sya mag overnight samin at ako din sa bahay nya. At kahit kelan hindi ko naramdaman ng may pagnanasa sya sakin. Yung kahit magkatabi kami matulog. Panatag akong walang mangyayari. Para ko syang kuya.

Pagkatapos kumain. Agad nya yung niligpit.

"gusto mo bang magmovie marathon? Or mag ps4? Sabihin mo sakin anong gusto mong gawin? Maaliwalas ang mukha nya. Napakalayo nya sa nakaraan.

"g..gusto ko ng umuwi" sabi ko. Natatakot ako na baka magalit sya pero sinabi ko pa din.

Biglang sumeryoso ang mukha nya. Di nya yun sinagot.

Tinapos nya ang ginagawa nya at umalis din agad.

Mukhang hindi nya ko papayagang umalis. Wala nang pag-asa.

~~~~~~❤~~~~~~

Lumipas ang mga araw. Nawawala na ang takot ko kay Dayle. Nagiging malapit na naman sya sakin. Hindi ako ganung panatag sa kanya pero umaasa ako na bumalik na sya sa dati. Sobrang bait nya at binibigay lahat ng gusto ko.

Araw ng checkup ko kay Drei. Pero wala pa din ito.

Kinuha ko yung crutch pala makapaglakad. Nahihirapan ako sa totoo lang, ayoko maging lumpo habambuhay.

Sumilip ako sa terrace at andun si Dayle. Umiinom sya ng kape at nagbabasa ng libro.

Napatayo sya ng makita ako.

"m..may kailangan ka ba?" tanong nya. Nagmamadali syang inoffer sakin ang upuan "halika dito kumain ka. May binili akong mga chocolates sa ref. Gusto mo ba?"

"h..hindi na.. Ayos lang ako. Maupo ka na" sabi ko.

Naupo sya pero sumilip lang ako sa terrace. Nilanghap ko ang sariwang hangin.

"masaya ako at nagiging ok ka na" biglang sabi nya. Napatingin ako sa kanya at nakangiti sya sakin. Napakaaliwalas ng mukha nya. Sana lagi na syang ganyan kasi natatakot talaga ako sa kanya e.

Ngumiti ako bilang sagot sa kanya. Gusto kong banggitin kelan ako makakadalaw sa parents ko pero laging di nya yun sinasagot.

Bumaba sya at kinuha ang ilang pagkain sa ref.

Nananatili akong nakatayo at nakatingin sa kapaligiran.

Maggagabi na kaya ang lamig..

Napatingin ako sa mesa. A..t naiwan ni Dayle ang phone nya.

K..kinakabahan ako. May naiisip akong gawin.

Tumingin tingin ako sa paligid. Baka dumating agad sya. Nagmadali akong kunin ang phone nya.

Tinawagan ko ang mga naalala kong numero. Pero walang nasagot.

Tumungin muli ako sa paligid. Wala pa si Dayle. Sobra yung kaba ko.

*dialing..*

Plssss sumagot ka na.

Maya maya'y biglang may sumagot. Si Stefan.

Stef: hello

Mische: hello Stef???

Naluha akong marinig ang boses nya.

Stef: Mische? B..Bakit ka napatawag? A..asan ka pala? Hindi na kita nakikita.

Mische: Stefan, makinig ka plsss.. Tulungan mo ko. Puntahan mo k---------

Natigil ang sasabihin ko ng biglang may umagaw ng phone sakin!

S... Si Dayle

~~~~~~~❤~~~~~~~