Chereads / Fearless Love / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Pag pasok ko sa loob ng pintuan ay agad kong sinara at ni lock ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Fraser sa gilid ng kama at naka tulala ngunit makikita mo parin sa kaniyang mga mukha ang mga luha na patuloy na umaagos sa kaniyang mga pisngi. Laking pasalamat ko na wala itong ginawang masama sa kaniyang sarili. Nag lakad ako papalapit sa kaniya at umupo sa kaniyang right side para kausapin ito.

"Are you okay?" Alam kong hindi yon ang tamang tanong na dapat kong itanong sa kaniya o sabihin man lang kasi alam kong hindi siya okay.

"I'm sorry Fen hindi ko kayang makita si Sylar hanggan ngayon. Sa tuwing nakikita ko siya nanunumbalik lahat ng sakit na binibigay nila saakin."  Naramdaman ko ang pag bigat ng aking kanang balikat at pag lingon ko ay ang ulo ni Fraser ang nakapatanong dito at tahimik na umiiyak.

"I know na hindi mo siya kayang makita it's been two years Fraser at wala kayong ibang ginawa kundi ang mag iwasan. Kahit na anong galit mo sa kaniya sana wag mong kalimutan na nag iisa mo parin siyang kapatid. Kung andito lang si Tito at Tita I'm sure hindi siya matutuwa na ganito ang nangyayari sa inyo ngayon." Kung hindi pa umuwi si Cedar ay malamang hindi namin makikitang nasa iisang lugar si Fraser at Sylar. But I understand Fraser kasi nasaktan siya sa ginawa nila kaya ayaw niya itong makita o makausap man lang.

"Kaya nga mas masakit Fen kasi he is my brother but damn look at what my brother did." Naramdaman kong wala ng mabigat sa aking kanang balikat kaya nilingon ko ito at hindi ito nakatingin saakin kundi sa dingding habang umiiyak.

"Are you sure it was Sylar's fault?" Naka kunot noong tanong ko dito hindi ko kayang magalit kay Sylar because he is my friend too. At hindi maalis sa aking isipan na maaring si Quin ang may kasalanan noon palang ramdam kong may gusto si Sylar kay Quin pero kilala ko si Sylar hindi ito gagawa ng bagay na makakasakit kay Fraser.

"What are you trying to say that it is Quin's fault?" Tumingin ito saakin at bakas sa boses nito ang pag kainis. He is still trying to defend her kahit sinaktan na siya nito.

"Fraser Sylar won't do something that will hurt you big time you know him hindi siya gagawa ng isang bagay if someone didn't provoke him." Hindi na ito umiiyak pero makikita mo parin ang kaniy ang basang pinsgi dahil sa kaniyang mga luha kanina.

"She's a decent girl Fen you know that I'm sure Sylar is the one who did the move." Kung siya ay galit kay Sylar because of what he did ako naman ay galit kay Quin dahil siya ang may kasalanan kung bakit nag kalayo ang loob ng mag kapatid.

"Look can you see yourself Fraser? nagagalit ka sakin ngayon dahil kay Quin bago mo siya makilala may I remind you that I am the only girl it the group and nag promise kayo kay Mama na aalagaan niyo ko at po-protektahan bago siya mawala and now it's seem you want me gone too." Seven years old ako at nine years old naman sina Fraser, Cedar, at Quest. Sina Fischer, Sylar, at Deum naman ay eight years old noong namatay ang aking ina at bago ito mamatay ay ibinilin ako ni mama sa kanilang anim at nangako sila kahit anong mangyari ay hindi nila ako sasaktan.

"Oh shit! I'm sorry baby girl I'm sorry kung nadamay ka pa sa galit ko." Nawala ang pag kakakunot ng kaniyang mga noo at nanlambot ang kaniyang facial expression ng makita nitong paiyak na ako. Tumingin ako sa ceiling para iwasan ang pag tulo ng aking mga luha makalipas ang ilang minuto ay muli kong tinignan ito.

"I'm sorry too Fraser pero kahit sino sa inyo ni Sylar ayokong makatuluyan niyo si Quin I really hate her." I really hate her malandi siya bago niya magustuhan si Fraser ay nakikita ko na siya noon sa campus na kasama ng iba't ibang lalaki.

"Simula naman nung pinakilala ko sa inyo si Quin ay ayaw mo na talaga sa kaniya. Wala ng bago na ayaw mo sa kaniya." I didn't tell him na lagi kong nakikita noon si Quin na may kasama na iba't ibang lalaki dahil ayoko isipin niya na sinisiraan ko girlfriend niya nakita ko kung gano siya kasaya kay Quin but that bitch hurt him.

"I will never like her remember that humanap ka ng matinong babae yung hindi ka ipagpapalit at ikaw lang ang mamahalin. Let's go baka hinahanap na nila tayo." Tumayo na ako at tinignan ito pero hindi ito kumikilos at tila malalim ang iniisip.

"I can't Fen alam mong malaki ang galit ko kay Sylar at Deum kaya hindi ko alam kung kakayanin kong harapin sila ngayon." Ginulo nito ang kaniyang buhok tanda na naiinis siya.

"Andon ako you don't need to worry about anything just stay by my side. Let's do this for Cedar alam kong kahit di ko sabihin ay alam kong nararamdaman mong may problema si Cedar ngayon. Just stay with me everything will be alright." Hindi ito nag salita pero naka tingin lang ito saakin na tila nag iisip kung papayag ba ito. Ilang minuto ang nakalipas ay bumuntong hininga ito at nag salita.

"Okay, I trust you Fen." Tumayo na ito sa lapag at nag lakad na kami palabas ng kwarto na parang walang nangyari pag labas namin ay naabutan namin na tila nag kakasiyahan na sila sa pag iinuman maging si Fischer na kanina ay malungkot ngayon ay nakangiti na at tumatawa. Natigil sila sa pag uusap usap ng makita nila kaming nag lalakad papunta sa kinaroonan nila.

"Tapos na sa pag dadrama si Fraser?" Tila nangaasar na sabi ni Cedar kaya wala akong nagawa kundi ang tumawa nalang.

"Sorry dude okay na ako." Tila nahihiyang sabi ni Fraser. Umupo kami sa left side kung nasaan ang two seater na upuan at katapat namin sina Sylar at Deum. Ngunit hindi nalang namin sila pinansin kinuha ko ang dalawang San Mig sa lamesa at inabot ko ang isa kay Fraser.

"Now kumpleto na tayo sa wakas kulang ang barkada pag may isang kulang." At tumawa ng malakas si Cedar sa tingin ko ay may tama na ang isang ito dahil sobrang ingay na nito.

"It's been three years simula ng mag kasama sama tayo ng ganito. Mas dalasan pa natin ang pag sasama sama lalo na ngayon na hindi na aalis si Cedar." Napatingin ako kay Sylar ng sabihin niya iyon. Alam kong masaya siya na kumpleto kami ulit pag tapos ng lahat ng nangyari. Napatingin ako kay Fraser na ngayon ay tahimik lang na umiinom pero mababakas ang galit sa kaniyang mga mata dahil nag salita si Sylar.

"Next week mag outing naman tayo you know bonding ang tagal ko kasing nawala feeling ko ang daming nag bago. But I'm pretty sure ang grupo natin walang pinag bago bukod lang sa pagiging broken hearted nitong si Fraser." Natahimik kami dahil sa sinabi ni Cedar at nag papakiramdaman nalang ng basagin ni Quest and katahimikan.

"Sorry dude pass ako next week marami akong case na iniintindi ngayon you know mahirap ang maging Judge sumasakit na nga minsan ang ulo ko." Masasabi kong sa amin lahat si Quest ang pinaka busy dahil sa dami ng case na hawak nito although Quest and Fraser are both judge mas busy pa rin si Quest. Dahil he always double no triple check kung tama ba ang desisyon niya sa isang case sobrang ingat nito sa kaniyang desisyon na ginagawa. Dahil ang sabi niya ay ayaw niya ilagay sa kulungan ang taong inosente.

"Loosen up Quest it's been three years. Malapit ko ng isipin na wala ka na talagang balak mag pakasal dahil sa sobrang busy mo sa mga kasong hinahawakan mo."

"You know Quest, Fischer is right you should loosen up sometime and makipag date ka naman dude hindi na tayo bumabata oras na para makapag lovelife ka malapit ka na mag 33 but you're still single malapit ko ng isipin na isa samin ang type mo bakla ka ba?" Hindi namin maiwasan na hindi matawa sa sinabi ni Deum maging si Fraser ay natawa narin dahil sa sinabi ni Deum. Nakita namin na namula ang mukha ni Quest dahil sa pagkainis.

"Excuse me I am not gay I just don't have time to date someone I need to do my job properly. Atleast hindi ako katulad ni Deum na womanizer." Tila na tigil ang tawanan dahil sa sinabi ni Quest damn alam naman niya na kailangan mag ingat siya sa bawat sasabihin niya lalo na at nandito si Cedar.

"Deum is a womanizer? How come the last time I check ikakasal na sila ni Fenella what happened? Fen?" Napatingin ako kay Cedar at nakita ko ang pag tataka sa kaniyang mga mukha.

"Ced hindi ko nasabi kanina hindi natuloy yung kasal namin. You know feelings fade ang dami namin naging problema noon at hindi na nag work ang relationship namin kaya nag decide na kaming itigil ang kasal at mag hiwalay. But no worries we're in a good terms right Deum?" At napatingin ako kay Deum nakita ko rin ang mga tingin nito at napilitan nalang tumango. Mag sasalita pa sana si Ced nag mag salita si Fraser.

"Come on dude don't ruin the night just let it be it's in the past almost two years na nangyari yon at naka move on na sila sa nangyari." Lumapit ako kay Fraser at nag pasalamat dahil sa kaniyang ginawa tumango lang ito saakin.

"Ced saan ang Prosecution office mo? Dito pa rin ba sa manila?" Pag iiba ng topic ni Fischer para hindi maging awkward matapos ng nangyari kaniya.

"Yup kaya asahan niyo na mas mapapadalas na ang kita niyo saakin. Looking forward to work with my partner again." Sabay kindat saakin ni Cedar. He is my partner for two years bago siya nag decide na maging isang Ghost Agent ng NCI.

"No wag naman ganon iba nalang ang piliin mo maging partner. Sakit na nga ng ulo itong si Fenella dadagdag ka pa baka hindi na talaga ako manalo sa mga kaso kapag ikaw ang partner niya" Hindi ko alam kung bakit pero madalas kasi kaming mag harap sa mga kasong nahahawakan ko at natataon na siya ang Lawyer ng mga inaakusahan.

"Sorry dude but we're partners remember you can't do anything about that. We have the best team kaya humanda ka ng umiyak dahil sa palagi kang matatalo." Pag tapos sabihin iyon ni Cedar ay tumawa ito ng malakas kaya hindi na maiwasan ng iba ang tumawa except ofcourse Fischer. Ayaw na ayaw niya pa naman ng natatalo sa mga kaso kaya sa tuwing ako ang Prosecutor ng mga kaso na hawak niya ay inis na inis ito.

"Quest, Fraser baka pwede niyo naman akong pag bigyan you know ako naman manalo sometimes pampataas lang ng ratings." Kinuha ni Fraser ang maliit na unan sa kaniyang likod at binato ito sa mukha ni Fischer sakto naman na tumama ito kaya natawa kami.

"Can't let that happen dude sorry tinitignan ko lang naman yung mga ebidensya na hawak niyo di ko kasalanan na laging natatalo nila Fen ang mga ebidensya na hawak niyo why don't you just team up with Deum or Sylar para naman makatikim ka ng panalo." Nang aasar na sabi ni Quest kay Fischer.

"Dude can't let that happened ano ba naman kayo kapag nakipag team up ako sa kanila yung ibabayad sakin mahahati pa. I do have a lot of woman you know." Kahit kelan ay hindi nag bago si Fischer certified womanizer.

"Sa sobrang hilig mo sa babae buti nalang hindi mo naiisip na isama sa listahan ng mga babae mo si Fen." Agad akong tumingin kay Sylar at sinamaan ito ng tingin dahil sa kaniyang sinabi ngunit tinawanan lang ako nito.

"Never kong maiisip yon dude ano ka ba kahit ang pinaka panget na babae nalang sa mundo wag lang si Fen. Nag iisang babae lang satin mag kakaibigan yan at ayaw kong saktan si Fen she deserve someone na hindi kagaya ko na manloloko right Fen?" Sabay kindat nito sa aking ng mag ka tinginan kami pero tumawa lang ako at hindi sumagot.

"Atleast you respect the only girl in our group uupakan kita kapag sinama mo tong si Fen sa listahan ng mga babae mo." Seryosong sabi ni Quest kay Fischer ito yata ang isa sa mga hindi nag bago kung pano nila ako protektahan. Itinaas naman nito ang kaniyang dalawang kamay at sumuko nalang dahil baka sapakin siya ni Quest kapag nag salita pa siya.

"Alam niyo mag si asawa na kasi kayo para naman mag karoon na ng ibang babae sa grupo na to sawang sawa na ako sa inyo simula pag kabata tayo tayo lang hanggan ngayon ba naman sa pag tanda tayo parin ang mag kakaksama. Come on boys have some fun learn how to love." I want them to be happy I want to see them with the girls that they truly love. Umakto naman na parang nasasaktan si Fischer sa aking sinabi kaya tumayo ako at binatukan ito.

"Aray! Naman Fen napaka amazona mo talaga no!" At nag pout na parang bata bumalik ako sa kinauupan ko kanina kung saan katabi ko si Fraser na umiinom ngayon ng San Mig.

"Ikaw kasi napaka corny mo! Kung ako sayo tatahimik nalang ako wala naman sense ang sinasabi mo." At napailing iling nalang si Quest dahil sa walang sense na sinasabi ni Fischer.

"I am getting married." Napatingin kami kay Cedar ng mag salita ito at bakas sa mga mukha namin ang gulat.

"YOU WHAT?!" Hindi ko na maiwasan na hindi mapasigaw dahil sa sobrang gulat. "To whom? Nakabalik na ba si Kalisha?"

"No Fen hindi kay Kalisha you know na matagal na kaming wala it's been ten years ng mag hiwalay kami." Yes, I know matagal na silang wala but I know kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Kung hindi lang sana kailangan pumunta ni Kalisha ng US para unahin ang pangarap niya hindi sana sila mag hihiwalay.

"Who's the lucky girl?" Pag tatanong ni Sylar kay Cedar sana lang kung sino ang taong papakasalan ni Cedar ay matino ito dahil kapag sinaktan niya si Cedar ay hindi ko na talaga alam kung ano ang magagawa ko.

"Quin's sister Alextia." Kung kanina ay nagulat ako dahil sa mag papakasal na siya ngayon naman ay mas lalo akong nagulat na ang kapatid ni Quin ang kaniyang papakasalan.

"For real Cedar? What's wrong with you boys at ganiyan kayo pumili ng babae." Hindi ko maiwasan na hindi mainis dahil ito na ang pangatlong beses. Hindi pa ba nadadala ang mga ito sa nangyari noon at sa nangyari kay Quin at Fraser?

"Anong mali kung mahalin ni Cedar ang kapatid ni Quin?" Agad na napatingin ako kay Sylar at tinignan ito na hindi ako makapaniwala na siya itong nag sasabi ng ganyan ngunit kinunutan lamang ako nito ng noo.

"Anong mali? Hindi pa ba kayo nadadala ha." Tumingin ako kay Fischer at nag salita " itong si Fischer hindi naman ito magiging man whore kung hindi dahil sa pinsan ni Quin hindi ba? Kahit hindi niya sabihin alam kong hinihintay parin niya." Agad na nag iwas ng tingin saakin si Fischer dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko. Isang tingin ang binigay ko kay Sylar bago tignan si Fraser na alam niyang siya ang susunod. "At itong si Fraser pumatol kay Quin pero anong nangyari hindi ba niloko siya ng babaeng yon. Ano sino pa ba? Quest at Deum baka pati kayo gusto niyo rin pumili ng babae sa pamilya nila."

"It's not my fault to fall inlove with her Fen." At muling bumalik ang tingin ko kay Fischer dahil nag salita ito.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na manloloko ang babae na yun? Ilang beses ko pa ba dapat ulit ulitin sayo na tama na. At pati na rin sayo Fraser ano bang gusto niyong mangyari ha gusto niyo pa bang umabot ako sa puntong mapapatay ko na ang angkan nila dahil sa mga ginawa nila sa inyo? Kaya niyo ba akong makita sa korte hindi bilang Prosecutor kundi bilang inaakusahan?" I can't help it sobra ang galit ko ngayon dahil sa mga maling desisyon nila sa buhay. Hindi pa ba nila nakukuha na sinisira ng pamilyang iyon kung anong meron kami?

"I don't love her Fen so calm down na buntis ko siya." Agad na napahawak ako sa sentido ng aking ulo at hinilot ito.

"YOU WHAT?!" Hindi ko na maiwasan na hindi mapatayo dahil sa gulat. "You won't marry the person you didn't love." Silang anim ay napatingin saakin na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Pero Fen dapat niyang panagutan iyon kawawa ang bata." I know kawawa ang bata pero hindi ako na niniwala na si Cedar ang ama. Kilala ko siya hindi siya kagaya ni Deum at ni Fischer she won't touch other girl unless it is Kalisha.

"May nangyari na ba sa inyo? Three years kang nawala paanong pag balik mo naka buntis ka na?" May point si Fraser three years siyang nawala dahil nasa misyon siya.

"I don't know sobrang lasing ako nung time na iyon nasa Canada ako. That's my last day sa Canada and naisip kong uminom alam niyo naman na pag umiinom ako naiisip ko si Kalisha I miss her so much. And then nakita ko si Alextia nag party kami and then when I woke up nasa kama kami."  At ngayon ko lang nakita sa mukha nito na sobrang problemado ito.

"You won't marry her will investigate this one I won't let you marry a slut para kay Kalisha ka lang I want Kalisha for you she will be back next month" Nanlaki ang mga mata ni Cedar dahil sa narinig niya alam kong matagal na niyang hinihintay si Kalisha.

"Leave it to me I will do everything to stop this wedding Cedar." Tumango tango lang ito at muling uminom ng San Mig. Matapos ang usapan ay iniba na nila ang topic dahil alam naman namin na hindi yon ang oras na pag usapan iyon. At hindi ko rin magawang buksan ang mga plano ko sa kanila dahil nandoon si Sylar I know how much he loves Quin and he will do anything for her. Ayoko lang masira ang mga plano ko dahil sa kanila. I don't trust him that much ever since na pinili niya si Quin.