Chereads / Fearless Love / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Nag dadrive ako papunta sa office ng biglang tumunog ang cellphone ko tinignan ko sa aking dashboard kung sino ang tumatawag at nakita kong si Fraser ito. Agad ko itong sinagot at inunahan itong mag salita.

"Hey it's too early to call what do you need?" it's only 8:00 am in the morning.

"It's Quin Fen." Agad na pinark ko sa gilid ng kalsada ang aking kotse dahil sa gulat at pag tataka. Napahampas ako ng kamay sa aking manibela ng dahil sa inis. "I'm here at St.Luke's Hospital." Napalitan ng pag ka gulat ang aking mga mukha dahil sa sinabi ni Quin saakin.

"What's happened? Sino ang nasa ospital?" Tahimik akong nag dadasal na sana mali ang iniisip ko sana hindi si Fraser ang nasa ospital.

"It's Fraser I need you here please." Nang marinig ko ang iyak ni Quin ay agad kong binaba ang tawag at mabilis na nag drive papuntang St. Lukes damn ano na naman ba ang nangyari? Bakit mag kasama si Quin at si Fraser? I told him bago ako umalis sa condo ni Ced na wag niyang pupuntahan si Quin don't tell me hindi siya nakinig. Nang makarating ako sa hospital agad akong nag park at nag mamadali akong nag lakad pa punta sa emergency room nag tanong ako sa Nurse kung nasaan si Fraser agad naman sinabi ng Nurse na nasa Operating room ito. Agad na nag lakad ako papuntang operating room at nakita ko agad si Quin na nakaupo mag isa habang umiiyak.

Agad na nag lakad ako papunta sa kaniya ng nakita ako nito ay agad itong tumuyo hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya mabilis ko itong sinampal.

"ANO NA NAMAN GINAWA MO?!" Ngunit hindi na nito nagawang mag salita pa dahil agad na may tumulak saakin at pag tingin ko it was Sylar na may galit sa kaniyang mga mata.

Q

"WHAT DO YOU THINK YOUR DOING WOMAN?!" Never in my life na nakita kong ganito saakin si Sylar o kahit na sino sa kanilang anim. This is the first time na nakakita ako ng galit sa kaniyang mata dahil saakin. Agad na nag unahan ang aking mga luha sa pag agos dahil sa nangyayari.

"Really Sylar? Magagalit ka sakin dahil lang sa babae na yan?! Napahamak na naman ba si Fraser ng dahil sa inyo?" Kahit masama ang loob ko kay Sylar ay pinilit ko parin tapangan ang aking boses. Agad na tinignan ko ng masama si Quin at muling nag salita. "Hanggan kelan mo ba sasaktan si Fraser ha? Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa kanilang dalawa?! Damn malandi kang babae ka mag kapatid sila pero ginusto mo pareho malandi ka." Lumapit ako sa kanila at hihilahin ko sana ang buhok nito ng hinarang ni Sylar ang katawan niya at pinipigilan na mahablot ko si Quin.

"Stop it Fen! Nakipag kita lang siya kay Fraser para mag sorry hindi matahimik si Quin halos araw araw siyang umiiyak dahil sa pag sisisi sa nagawa niyang kasalanan kay Fraser. She want's to say sorry for everything. Maselan ang pag bubuntis niya at ikakasama ng kalagayan niya kung lagi siyang umiiyak at parating mabigat ang loob niya. Hindi makapit ang bata sa sinapupunan niya kaya kailangan niyang mag doble ingat." Hindi ko maiwasan na hindi sampalin si Sylar dahil sa kaniyang mga sinabi. I didn't know that she was pregnant at hindi rin naman ito sinabi saamin ni Sylar noong mag kakasama kami.

"Para sa ikakatahimik ng girlfriend mo okay lang mapahamak si Fraser? Do you ever know kung ano ang pinag daanan ni Fraser sa loob ng dalawang taon? Do you even know kung gano niyo siya sinaktan?! FUCK inagawan mo ng Fiance ang kapatid mo Sylar! Kapatid mo sarili mong kadugo pero nagawa mo to. He  has a Depression alam niyo ba kung ilang beses ng nag suicide si Fraser ha? Alam mo ba!? Two years ago sinugod namin siya sa ospital nina Quest at Fischer we thought that we would lose him. Critical ang condition niya nag aagaw buhay siya Sylar nang lumabas siya ng ospital ay hindi niya kami kinakausap hindi siya tumawatawa halos salit salitan na kaming tatlo sa pag babantay sa kaniya dahil natatakot kaming may gawin na naman siya. Pag tapos ito ulit ang gagawin niyo." Tumingin ako kay Quin at hindi ko na naiwasan na lumapit dito at hablutin ang kaniyang buhok. Dahil sa gulat ay hindi na nagawang iiwas ni Sylar saakin si Quin ngunit ng natauhan ito ay agad ako nitong tinulak at napaupo ako sa sahig sa lakas ng pag kakatulak nito saakin.

"Sy my legs." Yun lang ang sinabi ni Quin ngunit agad kaming napatingin sa kaniyang binti at nakita namin ang dugong umaagos dito. Hindi ako makaramdam ng guilt dahil sa nangyayari galit ako kay Quin at higit sa lahat galit ako kay Sylar.

"Shit yung baby natin love" nakita ko sa mga mukha ni Sylar ang pag aalala at dali dali nitong binuhat si Quin at tumakbo papunta sa baba kung nasaan ang emergency area. Tumayo ako sa pag kakasalmpak ko sa sahig at pinunasan ang aking mga luha sa pisngi gamit ang aking mga kamay sakto naman na lumabas ang Doctor at lumapit saakin.

"Are you the Guardian of Mr. Dela Fuente?" Pag tatanong saakin ng Doctor tanging tango lang ang aking naisagot. "Ililipat na siya sa recovery area mabuti nalang at nadala siya agad dito sa ospital kung hindi ay baka hindi na niyo ito abutan ng buhay."

"Thank you Doc." Tumango lang ito at umalis na laking pasalamat ko na walang nangyaring malala kay Fraser kung hindi ay baka tuluyan ko ng isumpa si Sylar at si Quin.

Agad na nag lakad ako papuntang Room 310 kung saan naroon si Fraser. Pag pasok ko ng pinto ay nakita kong tulog ito agad akong lumapit dito at umupo sa upuan nakita ko ang benda sa kaniyang left wrist laceration. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan si Quest at Fischer para malaman nila ang nangyari pero ayaw ko na silang guluhin dahil masyadong busy ang dalawang yon ang alam ko may trial sila ngayon. Makalipas ang isang oras ay unti unting dumilat si Fraser.

"Fraser." Tanging yun lang ang sinabi ko bakas sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Ngunit tipid lang itong ngumiti. Nagulat ako ng biglang nag bukas ang pinto agad akong napatingin kay Sylar na galit na galit ngayon. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya hinawakan ko ang kaniyang braso upang hilain ito palabas ngunit tinanggal nito ang pag kakakapit ko sa kaniya at simpal ako ng malakas.

"YOU! DAHIL SAYO NA LAGLAG YUNG NASA SINAPUPUNAN NI QUIN! KUNG GALIT KA SAMIN HINDI MO KAILANGAN IDAMAY ANG ANAK NAMIN!" Hindi ko magawang tignan si Sylar dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari.

"I'm sorry Sylar I didn't mean to sobrang galit lang ako. You know me hindi ako masamang tao nag aalala lang ako kay Fraser." Umagos na ang luha sa aking mga mata dahil sa nangyayari hindi ko gustong idamay yung bata. Dahil alam ko naman na kahit anong kasalanan ng magulang hindi yon kasalanan ng bata.

"GET OF MY ROOM BEFORE I KILL YOU!" Malakas na pag kakasabi ni Fraser I know his mad. Tumingin saakin si Sylar isang tingin na kahit kelan hindi ko nakita sa kaniya.

"Hindi pa tayo tapos pag babayaran mo yung ginawa mo samin." At lumabas na ito ng pintuan pag labas nito ay napaupo ako sa sahig at umiyak dahil sa nangyari. Masama ang loob ko sa ginawa ni Sylar pero masakit din ang pisngi ko sa pag kakasampal niya. Naramdaman ko ang isang mainit na yakap kaya niyakap ko rin ito at umiyak sa kaniyang bisig.

"Don't cry andito ako Fen hindi ka niya magagalaw hanggat andito ako. But please explain to me kung anong nangyari bakit sinasabi ni Sylar na pinatay mo ang anak nila ni Quin?" Malambing ang boses nito at alam mong handa siyang makinig kung anong sasabihin ko. Natatakot akong sabihin sa kaniya masyado niyang mahal si Quin para hindi siya magalit saakin pag nalaman niya ang ginawa ko. Nawala na sakin ni Sylar pano kung pati si Fraser ay mawala rin. Kumalas ako sa pag kakayakap namin at nag simulang ikuwento kung anong nangyari.

"Nag dadrive ako kanina papunta sa office when suddenly you call I thought it was you but the one who called me is Quin. And sinabi nga niya na nandito ka sa Ospital then when I arrive I saw her and I slap here on her face kasi galit na galit ako at natatakot na baka hindi na kita abutan nang buhay. But Sylar saw me when I slap her I didn't know na mag kasama sila bigla nalang siyang sumulpot kung saan tinulak niya ako at sinabi niya sakin na kailangan daw ni Quin ng peace of mind kaya nakipag kita sayo dahil maselan ang pag bubuntis I got mad and tell them what happened to you two years ago. And then sinugod ko si Quin sinabunutan ko siya sa and then ayun pag tapos ako awatin ni Sylar ay bigla nalang dinugo si Quin." He put some strands of my hair behind my ear and wipe my tears using his hands. Tinignan ko ito at wala akong makitang galit sa kaniyang mga mata.

"If you're thinking na galit ako dahil sa nangyari no I wouldn't get mad at you and I understand kung bakit ganon ang ginawa mo. I promise I will protect you no matter what. Come let's stand." Tumayo kami at bumalik sa kama umupo ito sa kama at ako naman ay umupo sa upuan.

"You should rest Fraser please don't do this again." Mahinang pag kakasabi ko ngunit hindi ako nito pinansin. "Pag na discharge ka na ay lilipat muna ako sa bahay mo alam mo naman siguro kung bakit hindi ba?"

"Fen hindi mo na naman ako kailangan bantayan okay na ako. I promise hindi ko na gagawin ulit yon please." Gusto ko man paniwalaan ang kaniyang sinasabi pero hindi ko kayang ilagay sa panganib muli ang kaniyang buhay.

"I promise ako lang ang mag babantay sayo hindi ko sasabihin kay Fischer at kay Quest ang nangyari." Tumango tango nalang ito at muling humiga sa kaniyang kama. Wala naman itong magagawa dahil alam niyang pag sinabi ko ay gagawin ko. Hinawakan nito ang aking pisngi kung saan ako sinampal ni Sylar.

"Does it hurt? Hingi kaya tayo ng ice para sa pisngi mo namumula." Bakas sa boses nito ang pag aalala maging sa mga mata nito.

"I'm fine Fraser just take a rest. I will be back kakausapin ko lang ang Doctor mo babalik din ako. Please don't do anything stupid kapag may ginawa ka na naman sa sarili mo the next time na magising ka I will resent you remember that." Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni Fraser at pumunta sa opisina ng kaniyang Doctor. Ang sabi ng Doctor ay makakalabas na ito bukas at kailangan lang nito alagaan ng kaniyang sarili hanggat maari ay wag muna gamitin ang left hand nito. Nag pasalamat naman ako sa Doctor at at lumabas na sa kaniyang opisina para puntahan si Fraser. Nang papasok na ako sa kwarto ni Fraser ay tumunog ang aking cellphone kinuha ko ito sa aking bulsa upang tignan kung sino ang tumatawag at nakita kong si Cedar iyon agad ko naman itong sinagot.

"Nag yayaya si Sylar mamaya sa Bar daw tayo hindi ko ma contact si Fraser. Mukhang may problema si Sylar ngayon wag kang mawawala." Paniguradong mag tatampo si Cedar pag hindi ako nag punta mamaya pero alam kong magiging magulo lang ang sitwasyon kapag nag punta ako roon. Mas mabuti ng wala ako at isa pa walang mag babantay kay Fraser.

"I'm sorry Ced maybe next time busy ako ngayon. Bawi nalang ako next time sorry talaga."

"Come on Fen Sylar needs us uunahin mo pa ba yan. Nung tumawag siya saakin ay umiiyak ito at halatang problemado. Please be there hindi kumpleto pag kulang ng isa and alam mo naman na mas mabuti kung nandon ka mapipigilan mo si Fischer mambabae." As much as I want to pero hindi pwede masyadong magulo na ang lahat at walang kaalam alam si Cedar sa mga nangyayari.

"I'm sorry I can't ingat kayo babawi ako next time. Tatawagan ko or itetext ko nalang si Fischer just tell me kapag nang babae yung loko na yon ako na ang bahala." Hindi ko na ito hinayaan na mag salita at binaba ko na agad yung phone call.

Matapos ang tawag ay pumasok na ako sa loob ng kwarto at nakita kong tahimik na natutulog si Fraser umupo lang ako sa upuan at tahimik na pinag mamasdan ito. Tumunog muli ang aking cellphone at nakita ko ang tumatawag lumabas ako ng kwarto at sinagot ang tawag.

"I'm going back one month from now." I didn't know what to say hindi ko inaasahan na babalik na ito ang sabi nito saakin two years ang contract niya sa ibang bansa. "When I comeback let's make our relationship work." Hindi na ako nito hinintay na mag salita binaba na nito agad ang kaniyang tawag. 

Nag lakad ako papunta sa Canteen ng Ospital ng makita ko si Sylar sa isang upuan at naka tulala lang. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Hindi lang sa kaniya maging kay Quin. Nag lakad ako papunta sa mga pag kain at bumili ako ng pag kain na pwedeng kainin ni Fraser pag ka gising nito. Nang makabili ako ng pag kain namin ay nag lakad muli ako pabalik sa kwarto ni Fraser. Pag tingin ko sa pwesto muli ni Sylar ay nakita kong andun na si Deum. Naka talikod sila saakin kaya hindi nila ako nakikita lumabas ako sa isang pintuan kung saan hindi nila ako makikita. At nag lakad na muli papunta sa kwarto ni Fraser. Pag pasok ko ng kwarto ay nakita ko si Fraser na naka upo at tahimik lang.

"Gising ka na pala gusto mong kumain?" Napatingin naman ito saakin at at tipid na ngumiti inilagay ko ang binili kong mag kain sa tabing lamesa ng kama nito at nakita kong andito na ang cellphone niya. "pano napunta ang cellphone mo dito?"

"Deum gave it to me awhile ago galing siya dito tumawag saakin si Cedar kani kanina. Nag aayang mag Bar tumawag daw sa kaniya si Sylar at umiiyak. Sabi ko hindi ako makaksama naasar dahil hindi ka na nga raw pupunta pati ba naman ako sariling kapatid ko na ang may problema. Hindi na niya ako hinayaan mag salita dahil binabaan na agad ako nito ng tawag." I'm sure malaki ang tampo ni Cedar at hindi kami kakausapin ni Fraser ayaw na ayaw pa naman non kapag may isang absent lalo na kapag may problema ang isa.

"Hayaan mo na hindi naman niya alam yung nangyayari. Magiging okay din ang lahat kumain ka na muna I'm sure gutom ka na." Inabot ko rito ang pag kain at nag simula naman itong kumain nang binili ko sa kaniyang pag kain. "Pag tapos mong kumain ay mag pahinga ka na bukas madidischarge ka na." tumango tango lang ito at panay ang kain. Nang matapos kaming kumain ay agad na niligpit ko ang aming mga pinag kainan.

"Sa tingin mo ba ay mapapatawad pa ako ni Sylar?" Hindi ko maiwasan na hindi maitanong kay Fraser. Hanggan ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan na galit saakin si Sylar.

"That was the first time na nakita ko siyang sobrang galit at alam kong maski ikaw but I know someday he will forgive you Fen. Ikaw ang nag iisang babae sa barkada at alam mo kung gaano ka kahalaga saamin Sylar treats you as a younger sister you know kung gaano ka gusto ni Sylar mag karoon ng kapatid na babae. Gusto niya yung pakiramdam na may pinoprotektahan."

Bumukas ang pintuan ng kwarto niya kaya agad kaming napatingin sa taong dumating at nakita kong si Fischer ito.

"Ano wala ka ng balak sabihin saakin na nadito ka sa ospital dude?" Bakas sa boses nito ang inis.

"Andito na naman si Fenella kaya hindi na kita kailangan dito paano mo nalaman na nandito ako?"

"Deum called me at sinabi niya na nadito ka anong nangyari? I saw Sylar nandito rin siya ayos na ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Fischer.

"Hindi kami okay Quin called me kaninang umaga sabi niya ay mag kita kami because she has something to say at ng mag kita kami sa condo niya ay sinabi niya na buntis siya at si Sylar ang ama. She wanted to say sorry for all the pain that she caused me. Sobrang nasaktan ako pag uwi ko ng bahay na hindi ko matanggap and then I try to commit suicide I don't know kung paano napunta kay Quin yung phone ko para sabihin kay Fen na nandito ako sa ospital. And to answer your question kung bakit nandito si Sylar sa ospital it's because nakunan si Quin. Nang dumating dito sa ospital si Fen ay galit na galit ito at sinugod niya si Quin kaya nakunan ito. Sylar slap her also at galit na galit ito kay Fenella."

"Fen bakit mo naman ginawa yon? kung alam mong buntis siya." Napatingin ako kay Fischer at kita ko ang disappointment sa mga mata niya.

"I'm sorry sobrang galit lang talaga ako I didn't know what to do takot na takot ako dahil baka hindi ko na abutan si Fraser kanina dito sa ospital alam mo naman na muntik na siyang mawala satin. Hindi ko lang matanggap ang paliwanag niya na gusto niya ng peace of mind dahil buntis siya." I want to say sorry to her pero hindi ko kaya nalulungkot ako sa dahil nalaglag yung bata pero hindi maiwasan maisip ko na ito na ang karma niya sa lahat ng ginawa niya.

"Don't worry I'm not mad at you but you should say sorry Fen you're not a bad person at alam mo kung kelan ka dapat mag sorry. She lost her baby and I know masakit ito sa kaniya I know your sorry wouldn't be enough but atleast say sorry sa kanila. Hindi ako natutuwa sa pag sampal sayo ni Sylar but I also understand him. Anak niya ang namatay at alam kong hindi biro ang sakit na nararamdaman niya." At tinapik nito ang balikat ko. "And you alam mo na siguro ang mangyayari dahil sa ginawa mo."

"Nag usap na kami ni Fen siya ang mag babantay saakin no need na bantayan ako."

"Are you sure Fen kaya mo na mag isa itong si Fraser?" Alam kong nag aalala ito saakin dahil kung ano man ang gagawin ni Fraser sa sarili niya alam ni Fischer na sisisihin ko ang sarili ko.

"Don't worry too much kaya ko na siya ako na ang bahala kay Fraser." Tumango tango lang ito tanda ng pag sang ayon nito.

"I need to go dude mag kikita pa kami sa bar hindi ako pwedeng mawala magagalit na ng tuluyan si Cedar. Ihahatid ko na rin itong si Fen sa kanila mag pahinga ka na." Tumayo na kami at nag paalam binilinan namin ito na wag gumawa ng kahit ng anong kalokohan at binilin namin sa nurse na bantayan ito. Lumabas kami ng ospital at nag lakad papunta sa kaniyang sasakyan.