"Before the trial, All rise RTC is now in session Honorable Stefan Quest Mercadejas is the one who will precedes you may now be seated." Pag tapos mag salita ng Court Reporter ay agad kaming nag si upo. Nang makita ng Court Reporter na lahat kami ay nakaupo na ay muli itong nag salita. "Court Number 23 is now in session Case Number 2020MU45727 people of the Philippines versus Gabriela Toralba Murder."
"Is the Prosecution here?" Pag tatanong ni Quest saakin na agad naman akong sumagot ng yes tumingin ito sa kabilang panig at muling nag salita "Is the Defense ready?" Maging ito ay sumagot ng yes kaya muling na balik ang tingin saakin ni Quest at nag salita "Prosecution may now start with your opening statement." Agad akong tumayo at nag punta sa gitna ng court humarap ako kay Quest at nag salita.
"The accused stab the victim in her stomach which is the caused of death. I will prove that the accused was guilty beyond reasonable doubt the prosecution will charge her guilty of murder." Humarap ako sa kabilang panig at nakita ko si Sylar siya ang Lawyer ng kabilang kampo kaya alam ko na magiging mahirap ang kasong ito bumalik ako sa aking upuan at muling umupo.
"Would the Defense like to give an opening statement?" Pag tatanong ni Quest kay Sylar tumayo ito at humarap kay Quest.
"The accused Gabriela Toralba does not accept the verdict of the Prosecution Your Honor she is not guiltuy she doesn't have any reason to kill her bestfriend." Matapos nitong mag salita ay umupo ito. Hindi ko maiwasan na hindi tignan si Sylar dahil ngayon ko nalang ulit ito nakalaban sa isang kaso naputol ang tingin ko kay Sylar ng magsalita si Quest.
"Prosecution you may now start your argument." Tumayo ako sa aking upuan at muling nag lakad papunta sa harap.
"Your honor I would like to call on my witness Ms. Nica Santilan." Agad na tumayo ang witness number 1 at pumunta sa witness stand. Nanumpa ito na ang tanging sasabihin lang nito ay katotohan sa loob ng korte at hindi siya mag sisinungaling. Matapos nitong manumpa ay umupo na ito nag lakad ako papalapit sa kaniya tumigil ako sa harapan niya isang metro ang layo mula sa kaniya.
"Ms. Santilan maaari mo bang sabihin kung ano ang koneskyon mo sa biktima at sa inaakusahan." Magiging mahirap ang laban na ito dahil Murder ang kaso knowing Quest alam kong hindi ito basta basta mag dedesisyon kailangan niya ng maraming katibayan na ang inaakusahan ang pumatay.
"Bestfriend kaming tatlo simula college." Saglit na tumingin ang Witness sa inaakusahan at muling ibinalik saakin ang tingin.
"Maaari mo bang isalaysay saamin ang samahan niyong tatlo?" Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag tayo ni Sylar kaya agad kong itinuon ang aking tingin sa kaniya.
"Objection your honor, relevance to the case." Agad akong humarap kay Quest upang mag explain.
"Your honor gusto kailangan malaman natin kung ano ang relationship nilang dalawa I just want to clarify kung totoo bang close sila at kung gano sila ka close." Saglit na nag palipat lipat ang tingin ni Quest saamin dalawa ni Sylar at muling nag salita.
"Sustained." Agad naman akong humarap kay Sylar at nakita ko ang pag iling iling nito na nakapag pangisi naman saakin. Muli akong humarap sa Witness at inulit ang aking tanong.
"Maaari mo bang isalaysay saamin ang samahan niyong tatlo?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ng witness bago ito mag salita.
"Ever since college close na talaga kaming tatlo lagi kaming mag kakasama. Pero mas close si Gab at si Ella dumating sa point na nainlove sila sa iisang lalaki. Parehas kasi sila ng tipo minsan iniisip ng mga tao sa paligid namin na kambal sila dahil pareho sila ng mga gusto." Pag papaliwanag nito.
"So you're saying that they both fall in love with a guy?" Pag tatanong ko muli rito.
"Yes" simpleng sagot nito saakin
"If they both fall in love with the same guy what happened next?" Agad na tumayo si Sylar at muling nag salita.
"Objection your honor, The question is relevance in the case." I mentally laugh because of Sylar's reaction. He is really serious right now he doesn't want me to win and I know it.
"Your honor, I am just trying to connect everything kung ano ang possible na dahil ng inaakusahan para patayin ang biktima." Kung kay Sylar lahat ng kaso ay isang laro lang saakin hindi.
"Sustained." Muling umupo si Sylar kaya nag patuloy naman ako sa pag tatanong sa Witness.
"Please answer the question." Tipid na pag sasalita ko.
"At first nililigawan ni Luke si Gab pero yun pala ay ginagawa lang ni Luke yon dahil sa inutos sa kaniya ni Ella. Luke loves Ella so much that he is willing to do everything. Mahal ni Ella si Luke pero hindi niya ito magawang piliin dahil mahal na mahal ni Gab si Luke. Kaya pinilit ni Ella si Luke na subukan mahalin si Ga---." Hindi na natapos ng Witness ang kaniyang sinasabi ng isang sigaw ang narinig namin.
"Hindi totoo yan sinungaling ka mahal ako ni Luke mahal na mahal niya ako inagaw lang siya saakin ni Ella." Pag tingin ko sa inaakusahan ay nakatayo na ito at sinusubukan lumapit sa witness ngunit hindi nito magawa dahil pinipigilan siya ng mga Police sa tabi niya.
"Defense calm your client maaaring gamitin ang pangyayaring ito para maimpluwensyahan ang verdict. " Umiiyak na ang inaakusahan ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag subok na lumapit sa Witness. "Defense and Prosecution come here." Agad na nag lakad kami ni Sylar palapit kay Quest. Nang nasa harap na kami nito ay pinatay nito ang kaniyang mic at nag salita.
"Let's just end this session pag tapos niyong mag cross examination sa Witness one. Defense you need to calm your client this might affect the case. Will call for another session one week from now." Matapos mag salita ni Quest ay agad tumalikod si Sylar at nag lakad ito papunta sa kaniyang kliyente at may ibinulong dito kaya natahimik naman ito at umupo." Nag lakad ako papunta sa Witness at muling nag tanong.
"Sinong nag katuluyan sa huli?" Tumingin ang witness sa inaakusahan ng may lungkot sa kaniyang mga mata at muling tumingin saakin.
"Si Ella at si Luke ang nag katuluyan."
"Pag tapos ng mga nangyari ay bumalik ba kayong tatlo sa dati?" This is my final question for this day tatapusin ko ito sa ganitong tanong.
"No, simula ng maging si Ella at si Luke palaging nag aaway si Ella at si Gab madalas ay nag kakasakitan na silang dalawa. Palaging sinasabi ni Gab na gaganti si kay Ella sa ginawa nitong pang aagaw ng taong mahal na mahal niya." Humarap ako kay Quest upang ibigay ang last statement ko.
"Clearly your honor the accused has the reason to kill the victim. Sa witness ito nag mula na gustong gumanti ng inaakusahan sa biktima dahil sa hindi siya ang pinili ng isang lalaki. I have no more questions your honor I rest my case." Bumalik ako sa aking upuan at muling umupo.
"Defense you may now ask the witness." Agad tumayo si Sylar palapit sa witness tumigil ito sa harap nito at nag simulang mag tanong.
"Witness ilang taon na simula ng mag karoon ng boyfriend ang biktima." I really know what he is trying to do. Gusto niyang basagin ang ginawa ko. Gusto niya mawala lahat ng bisa ang kaninang mga napatunayan ko.
"Five years." Saglit na tumingin saakin si Sylar at muling tumingin sa witness.
"Sa loob ng limang taon may na kita ka bang ginawa ng inaakusahan sa Biktima?" Isang sulyap ang ginawa ko kay Quest at nakita ko itong tahimik lang na nanonood sa mga nangyayari.
"Madalas naririnig ko silang mag away at minsan ay nakikita kong nag sasabunutan silang dalawa. But once I saw Gab slap Ella sa kaliwang pisngi niya."
"Narinig mo ba ang inaakusahan na gusto niyang mawala ang biktima o gusto niyang patayin ang biktima?" Now he is going straight to the point.
"No." Mahinang pag kakasabi ng Witness.
"Your Honor nag kakasakitan ang biktima at ang aking kliyente dahil sa nasasaktan ang aking kliyente dahil sa ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan. Ngunit walang matibay na ebidensya na siyang nag papatunay na ang aking kliyente ang pumatay sa biktima. Sa witness na rin ng galing na matalik na mag kaibigan ang dalawa. I have no more question I rest my case your honor." Nag lakad ito pabalik sa kaniyang upuan at umupo.
"The session will end here. Will have another session one week from now." Tumayo si Quest at nag lakad palabas ng court room. Maging ang mga taong nanonood ay isa isa na ring nag lakad palabas ng korte.
"Ako na po ang mag dadala ng mga papel mo." Napatingin ako sa aking secretary at tumango na lamang dito. Pag ka kuha niya ng mga papel ko ay nauna na itong lumabas saakin. Tumayo ako mula sa aking pag kakaupo at nakita ko si Sylar na tahimik na nag aayos ng papel nag lakad naman ako papalapit dito I need to talk to him.
"Sylar." Napatigil ito sa pag aayos ng papel at tumingin sabakin. Isang malamig na tingin ang sumalubong sa akin na labis na nakapag palungkot saakin. Ilang segundo ang lumipas ay inalis nito ang tingin sa akin at nag simula na muling ligpitin ang kaniyang mga papel
"Can we talk?" Oo madalas ko man kalaban si Sylar , Deum, at Fischer pero tanging kapag may session lang kami cold sa isa't isa dahil kailangan namin maging Professional.
"No, stay away from me ayaw kitang makausap." Saktong tapos na itong mag ayos ng kaniyang mga gamit kaya nag lakad na ito papalayo saakin.
"Sy sorry hindi ko sinasadya sobrang pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Pero sana Sy maintindihan mo rin ako kung saan nang gagaling yung galit ko. Kapag may nangyari kay Fraser sa tingin mo ba magugustuhan ni Tita Vernice yon? Do you ever think na kapag isa sa inyo ang nawala kakayanin niya?" Napatigil naman ito sa pag lalakad at muling humarap saakin.
"Fenella alam kong hindi magugustuhan ni Mama ang mga nangyayari once na makarating sa kaniya ang balitang ito ay sigurado akong uuwi sita dito para ayusin ang gulo namin. Pero sana maintindihan mo rin ako na isa akong Ama na nawalan ng Anak." I should be the one to understand him hindi niya pa kayang mag patawad dahil ilang linggo pa nga lang ba ang nakalipas mula ng mawalan ito ng anak. Anak na kahit masilayan man lang ay hindi niya nagawa dahil ipinag kait ko ito sa kaniya.
"Bakit hindi ko ako sampahan ng kaso. You're mad at me right then put me behind the bars. Para naman mapag bayaran ko ang mga kasalanan ko sa inyo." Wala akong emosyon na mabasa sa kaniyang mga mata. Hindi ito ang Sylar na matalik kong kaibigan. Parang isa itong bagong tao na kahit kelan ay hindi ko nakilala.
"Kung pwede lang ay ginawa ko na. Pero once na gawin ko yon lahat ng taong nakapaligid sa atin saakin magagalit at hindi sayo. It's unfair right ikaw itong may kasalanan pero saakin sila magagalit. Why? Kasi ikaw lang ang nag iisang babae once na umabot kay Mama ang ginawa kong pag papakulong sayo she would resent me." Lahat ng parents nilang anim ay mahal na mahal ako. Lalo na si Tita Vernice sabi nga nito noon ay gusto niyang ma kasal ako isa sa mga anak niya. She wants to have a daughter pero dalawang lalaki ang kaniyang naisilang. But she's happy because she have Fraser and Sylar.
"Pano ka nakaka siguro na ikaw ang ama ng bata?" Dahil sa aking sinabi ang kaninang malalamig na tingin nito ngayon ay napalitan na ng galit.
"I am the Father, Fenella alam kong ayaw mo kay Quin but you should respect kung sino man ang taong mamahalin namin anim. You want us to be happy pero anong ginagawa mo? Hindi ko makita sayo ang pag suporta sa amin. Masyado ka namin na spoiled. You're being too selfish wag mo hayaan na pati si Fischer ay magalit sayo dahil sa pag handlang mo sa kanila ng taong mahal na mahal niya." Tumalikod na ito saakin at nag lakad palabas ng court room naiwan na lamang akong mag isa.
Hindi maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Sylar. Masyado na nga ba ako nagiging selfish? Ako na ba talaga ang humahadlang sa kanila para maging masaya? Ang gusto ko lang naman ay masiguro na magiging masaya sila. Ayoko dumating sa punto na mag sisi sila sa mga desisyon na ginawa nila.
"Kanina pa kita hinahanap kung hindi ko pa naka salubong ang Secretary mo ay hindi ko pa malalaman na may trial ka ngayon." Naputol ang aking pag iisip dahil sa taong biglang nag salita kaya agad akong napatingin sa taong yon at nakita ko si Cedar na naka ngiti saakin. Isang tipid na ngiti lamang ang aking binigay sa kaniya.
"Why are you looking for me Ced?" Nag lakad ako papalapit sa kaniya at niyakap ko ito.
"Hey woman you can't hug me suot mo yung robe mo baka nakakalimutan mo." Napatawa naman ako at lumayo sa kaniya.
"I'm sorry I forgot namiss lang kita masyado kasi tayong naging busy sa mga case." Two weeks na ang nakakalipas simula ng ma ospital si Fraser. Pag ka labas ng ospital ni Fraser ay naging busy ako sa pag aalaga sa kaniya at sa mga sunod sunod na kasong natatanggap ko.
"It's been two weeks at hindi ko yata nakikita sa mga trial ngayon si Fraser." Naka kunot noong pag tatanong saakin ni Cedar.
"Naka leave si Fraser ngayon pero babalik na rin siya bukas sa pag kakaalam ko. Let's go sa office na tayo mag usap " Nag lakad kami palabas ng court room para pumunta sa kabilang building kung saan ang mga office ng mga Prosecutor.
"Mamaya sa clubhouse tayong lahat." Agad naman ako napatigil sa pag lalakad at tinignan si Cedar.
"Bakit anong meron?" Sa pag kakaalan ko wala naman may birthday saamin ngayon. At wala rin akong matandaan na special ang araw na ito.
"Wala lang Fen mag bobonding lang tayo. At isa pa pag paplanuhan natin ang birthday ni Tita Danica tayong pito ang nautusan na mag ayos ng surprise Birthday party niya." Agad na nanlaki ang aking mga mata ng malaman na uuwi na si Tita Danica.
"Really uuwi na siya I can't wait paniguradong maiinis na naman si Fischer dahil pipilitin na naman siyang mag pakasal." Two years ago ng huling umuwi ang parents ni Fischer dito sa Pilipinas at ng umuwi si Tita Danica ay wala itong ibang sinabi sa kaniyang anak na tumatanda na ito at kailangan na nitong mag pakasal. Sinubukan na rin ni Tita na ipakilala sa mga anak ng kaibigan niya ngunit nauuwi lang sa umiiyak ang mga babae dahil pinaglalaruan lamang ni Fischer ang mga ito.
"Wala sa mood si Fischer ng malaman na uuwi na si Tita kaya kung ako sayo ay hindi ko na ito kukulitin mamaya." Ipinagpatuloy namin ang aming pag lalakad papunta sa office ko habang nag lalakad ay nag uusap kami kung ano ang mga nangyari nung mga nakaraan araw. Mostly, ang pinag usapan namin about lang sa mga case na nahawakan namin. I am really happy na nandito na si Cedar hindi ko alam kung anong nag push sa kaniya para bumalik sa pagiging Prosecutor soon malalaman ko rin kapag handa na siyang mag open saakin. Pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko si Fischer na naka simangot at nakaupo sa aking couch katabi nito si Quest.
"Bakit kayo nandito sa office ko?" Nang makita ako ni Fischer ay mas lalo itong napasimangot.
"Bakit ngayon ka lang?" Pag tatanong ni Quest nag lakad ako papasok sa office ko at nasa likod ko naman si Cedar.
"Nag usap pa kasi kami ni Cedar kanina ng pinuntahan niya ako sa Court room bakit andito ka agad?" Nag lakad ako papunta sa dressing room ko at tinanggal ko ang aking robe at sinabit ko ito sa isang hanger. Lumabas ako sa dressing room at nakita ko silang tatlo na mag kakatabi sa three seater couch ko.
"Pag dating ko sa office na kita ko si Fischer na naka simangot at sinabi na uuwi na si Tita Danica. Niyaya ko nalang siya dito sa office mo para sabay sabay na tayo pumunta ng clubhouse since ung iba mamaya pa." Napatingin ako sa wall clock at nakita kong three pm pa lang at mamaya pang seven ang usapan.
"Pwede na kayong mauna susunod na lang ako marami pa akong gagawin." Umupo ako sa swivel chair ko at nag umpisa ng buklatin ang isang papel at muling binasa ang kaso.
"Come on Fen kakatapos lang ng trial gusto mo na agad mag trabaho. You should take a rest." Napabuntong hininga ako at tinignan ko si Cedar.
"Ced I need to finish this one marami pa akong kailangan ayusin. One week from now itutuloy ang trial namin kanina murder case to kailangan kong pag tuunan ng pansin ito." Na patingin ako kay Quest na tahimik lamang na nakatingin saakin. Alam kong hindi dapat namin ito pinag uusapan ngayon lalo na at nandito si Quest siya ang Judge ng kasong hawak ko.
"Sabi ko naman kasi sayo Fen na dalawa na tayo Murder yang kaso mo pero ayaw mong mag patulong saakin. Two is better than one mas magiging madali ang lahat kung dalawa tayong kikilos. " Last week ng mag kita kami ni Cedar ng pinuntahan niya ako dito sa office ay nakita niya na binabasa ko ang murder case na hawak ko at sinabi nito na tutulungan niya ako ngunit agad akong tumanggi dito.
"Ced I already told you na kaya ko na ito one month ko ng pinag hahandaan ang kaso na ito. Nagulat lang ako ng makita ko na si Sylar na ang lawyer nito. And you know him laging sigurado si Sylar sa mga kasong hawak niya. He knows how to play his game I can't lose without putting a good fight at hindi ko hahayaan na hindi managot ang taong yon." Kahapon ko lang nalaman na nag palit ng Lawyer ang inaakusahan at laking gulat ko ng makita kong si Sylar ang pinalit nito. I know Sylar magaling itong mag paikot laking tulong na rin na si Quest ang Judge dahil kabisado na nito ang mga galawan ni Sylar sa loob ng court.
"Ayoko lang makita na sobrang stress ka look at you. Kailan ka ba huling natulog ng eight hours?" Inayos ko ang mga papel na hawak ko at inayos itong nilagay sa left side ng table ko. Tumayo ako at nag lakad palapit sa kanila.
"I'm fine don't worry about me. Bakit hindi nalang kaya tayo mag punta na sa clubhouse. Since alam ko na hindi na rin naman ako makakapag trabaho dahil nandito kayong tatlo sa office ko." Agad nakita ko naman ang pag ngisi ni Fischer na parang may naisip itong magandang idea.
"Bakit hindi na lang muna tayo mag punta sa isang bar. Maaga pa naman at mamayang gabi pa ang usapan natin. Come on I need to release my stress naiisip ko palang na uuwi na si Mama hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng stress." At muling napa simangot ito.
"Bakit kasi hindi ka nalang mag pakasal your not getting any younger tumatanda na tayo. Nasa right age ka na para mag pakasal. I'm sure gusto ni tita makita niyang ikasal ka." At talagang nang galing pa ito kay Quest na hanggan ngayon ay hindi parin kasal ni fling nga ay wala ito.
"Don't mind my lovelife Quest ang problemahin mo ay ang iyo ever since high school ni wala ka man lang sinubukan ligawan."
"Mukhang walang balak mag pamilya ang isang ito. Hayaan mo nalang siya Fischer alam mo naman ang mahalaga sa isang ito ay ang mga kaso niya at ang barkada. Sa sobrang sungit ng isang to tingin mo ba may mag kakagusto sa kaniya?" At nakuha pang tumawa ni Cedar kahit na masama na ang tingin na ibinibigay sa kaniya ni Quest.
"Hayaan niyo na lang si Quest I'm sure mag kakaroon rin yan ng babae sa buhay niya hindi naman niya kailangan mag madali. And you Fischer bilis bilisan mo na ang pag hahanap ng ipapakilala mo kay Tita Danica tandaan mo at malapit na siyang umuwi. Baka gusto mo pumunta na naman sa mga blind dates."
"Mabuti sana kung blind date lang ang gagawin ni Mama kagaya noon but not this time sabi niya saakin kapag hindi pa rin ako kinasal ngayon taon wala akong magagawa dahil aayusin niya ang kasal ko at siya ang mamimili." Kaya naman pala naka simangot ang isang ito dahil arrange marriage ang mangyayari. Kung blind date lang ay papayag ito at matutuwa pa to dahil womanizer siya. Ngayon na may balak na siyang ipakasal sa babaeng hindi niya mahal at hindi niya kilala. Kaya ngayon para siya isang bata na nag mamaktol dahil pinipilit gawin ang isang bagay na ayaw niya.
"Come on, malay mo matutunan mo rin mahalin ang taong iyon. Just give yourself a chance to love someone again. Hindi lang siya ang nag iisang babae sa mundo Fischer. Let's go mauna na tayo sa clubhouse tayo na rin ang mag handa ng hapunan dahil mukhang late dadating ang iba." Hindi na ako nagawang sagutin ni Fischer dahil nag simula na akong mag lakad palabas ng aking opisina kaya wala silang nagawa kundi sumunod na lamang.