Chereads / Alpha Beast's / Chapter 2 - Adventure is waiting for us

Chapter 2 - Adventure is waiting for us

BUONG lakas na binubuhat ni Allyssa ang dalawang balde ng tubig na kakakuha lang sa balon. Mabigat man, nakakaya niya kasi 'yon na ang nakasanayan niya. Maliban nalang nung unang araw na ipinagawa sa kaniya ito. Halos ilang beses nahulog ang baldeng natatapon niya.

Kahit pa nga ang pagod lumulukob sa sistema niya, nagagawa niya paring balansihin at buhatin ng buong lakas ang balde. May pagkakataon namang malapit na siyang matumba, pero nakakaya niya.

Gustuhin mang magpahinga, hindi niya magawa dahil sa kadahilanang mapapagalitan at paparusahan siya ng Tita niya. Mas pipiliin pa niya ang mahirapan kaysa ang mapaglitan.

Simula kasi nang mamatay ang mga magulang niya, dito na siya nakitira.  Pero, ang inaasahan niyang saya sa piling ng Tita ay napalitan ng paghihirap ng ipagtrabaho siya sa murang edad palang niya. Kaya nga palagi niyang hinihiling na sana hindi nalang namatay ang magulang niya para hindi niya maranasan 'tong hirap niya ngayon.

Pero, may magagawa ba siya? Nangyari na ang nangyari kaya dapat kung anong meron ngayon yun ang isipin niya. Past is all in the past. Hindi na mababago 'yon. Kaya mahirap man ang dinadanas ngayon, ang importante buhay pa siya.

Ang bawat pagtapak ng nanginginig niyang mga paa ay kasabay ng panghihina ng katawan niya. Sino ba naman kasi ang manghihina sa sunod-sunod na pagbuhat ng mabigat na balde?

Pero mas naniniig ang lakas niya. Kaunti nalang naman ang distansiya at makakarating na siya sa bahay ng Tita niya. Unti nalang ang lalakarin niya. . Unti nalang at makakapagpahinga na siya sa—

Hindi niya tuluyang narating ang kabahayan dahil natalisod siya sa batong nalakaran niya dahilan para lumutang sa ere ang balde at tumapon ang tubig na nandoon.

"Ano ba 'yan. Ayusin mo nga 'yang trabaho mo Allys. La-lampa-lampa ka na naman, eh. Tignan mo, natapon tuloy ang tubig sa balde. Ano nang pang-gagamit ko para maligo, ha?!" Sigaw ng Tita niya.

"S-sorry, po," aniya sa nanginginig na boses. "P-palitan ko nalang p-po," Aniya saka kinuha ang baldeng nahulog kani-kanina lang.

"Allys, magpahinga ka kaya muna? Mamaya mo nalang gawin 'yan. May sapat pa namang tubig sa loob." Anang baritonong boses ng Tito niya.

"Jose! Hindi sapat sa akin 'yon—"

"Sapat na 'yon sa'yo. Kaysa naman pahirapan mo pa si Allys? Kita mo namang pagod na pagod na yung bata, oh. Pinag-ta-trabaho mo pa."

"H-hindi pa po ako p-pagod, Tito. Kaya ko pa."

"Kita mo? Hindi pa daw siya pagod—"

"Pumunta ka na sa loob ngayon, Teresa. Baka hindi pa ako makapag-timpi at di ko mapigilan ang sarili sayong saktan ka." Tila takot na sumunod ito sa sinabi saka hunarap kay Allyssa. "Ikaw naman, magpahinga ka na. Pagod ka na, oh."

"Marami pa po akong gagawin—"

"Hayaan mo na 'yon. May marami pa namang oras, eh. Magpahinga ka nalang muna ngayon. Your body badly needs it."

"P-pero—"

"Makinig ka nalang, Allys. You need to rest. Isang buong hapon kang nag-trabaho, tiyak pagod ka na. Kaya pumunta ka ngayon sa kwarto mo at matulog. May pagkain narin don kung sakaling gutom ka. Rest well, okay?"

Napangiti nalang siya sa turan nito saka pumasok sa loob ng kabahayan. Kung may isa man siyang ipapasalamat na nakilala niya, yun ay ang Tito Jose niya. Hindi naman kasi ito kasing istrikto tulad ng Tita niya. Buti nalang may Tito Jose siyang mapagkakampihan.

Pasalampak na nahiga si Allyssa sa higaan niya na may ngiti sa mga labi. Sa wakas, nakamtin na niya ang pahingang ina-asam-asam niya.

Papikit na sana siya ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Naiinis na kinuha niya 'yon at tinignan ang mensahe galing sa kaibigan.

From: Azthrea

Wanna go out for an adventure?

Agad nangunot ang noo ni Allyssa ng makita ang mensahe ng kaibigan.

Adventure?

To: Azthrea

Anong ibig mong sabihin?

From: Azthrea

Let's have a vacation. An adventure to be exact. I know, you/us, are legitimately tired from what we're doing these past few days.

To: Azthrea

Paano mo nalaman?

From: Azthrea

Naramdaman ko lang.

To: Azthrea

Well, it's a big yes for me. Paano pala si Eve? Kasama ba siya?

From: Azthrea

Kailan pa ba hindi sumama si Eve sa atin? Yun pa ba, e active na active 'yon pagdating sa mga adventure.

To: Azthrea

Yeah, tama ka. Anyways, sa'n ang punta natin sa adventure na tinatawag mo?

From: Azthrea

I know a place pero sasabihin ko nalang pag nagkita tayo.

To: Azthrea

Okay! See yah!

From: Azthrea

Yeah, see you.

Nakangiting inilapag ni Allys ang cellphone sa night stand. Excited na siya sa pupuntahan nilang tatlo. Ano kayang klaseng adventure ang gagawin nila?

Hindi na siya mapakali sa hinihigaan niya. Gusto na niyang dumating ang araw na 'yon para malaman kung anong meron.

Adventure, here we come!

"WALA PA si Allys?" Agad na tanong ni Eve kay Azthrea ng makarating siya sa inuupuan nito.

Umiling siya. "Oo, eh. Wala pa. Anlakas mag-ayang magkita-kita tayo rito sa Café tapos siya pa 'tong may ganang ma late?!"

"Easy ka lang, Azthrea. Sure naman akong parating na 'yon. Baka na traffic lang."

"Na traffic? Geez, Eve. Limang oras siyang na traffic sa kalsada, ganon ba 'yon?!"

"Shh. Tumahimik ka nga. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh. Mahiya ka. Parating na 'yon sure na ako." Suway sa kanya ni Eva.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na si Allysa saka umupo sa kaharap na upuan ni Azthrea.

"Sa wakas! Dumating na rin ang late!"

She gave Azthrea an apologetic smile. "Sorry, nahirapan ako tumakas kay Tita, eh. Alam niyo naman 'yon, gusto akong pagtrabahuin lang ng pagtrabahuin."

Tila natigilan si Azthrea sa narinig saka kumunot ang noo. "Bakit tumakas ka? Nag-paalam ka nalang sana."

She just shrugged her shoulders. "Hindi pumayag si Tita so, takas nalang ang tanging alam ko. Anyways, 'di ba pag-uusapan natin yung sa pupuntahan nating adventure?"

"Yeah, I have this book na nahalungkat ko nung tin-ry kong linisin ang bodega namin. And all of a sudden, nakita ko 'tong mapa na nakapaloob rito sa libro." Tinuro nito ang papel na nasa mesa saka ibinuklat iyon. Nang tuluyan na itong nabukas, itininuro nito ang naka-X sa mapa. "It really bother's me, what's on that X, you know. So, sin-earch ko kung anong meron sa lugar na 'yan. Sabi sa article na nabasa ko, yung pangalang Forêt Noire ay nanggaling sa French meaning, dark forest. Ang sabi rin do'n, may kayamanang nakabaon sa lupa na ilang libong taon nang hindi nahahanap sa gitna ng kagubatan na 'yon."

Napaawang ang labi ni dalawang nakikinig saka sabay nagsabi ng, "kayamanan?!"

Tumango ito. "Oo. Nabasa ko rin na maraming sumubok na hanapin 'yon do'n ang kayamaman pero ni isa, walang nagtagumpay na makabalik."

Nakaawang parin ang labi ng dalawa sa nalaman nila. "A-ano daw nangyari sa mga taong sumubok hanapin yung kayamanan at hindi na nagawang," lumunok siya, "makabalik?"

Azthrea shrugged her shoulders. "Some say, naligaw lang daw kasi nga ganoon kalawak yung gubat at dahil sa sobrang tagal na naligaw, kawalan narin siguro ng pagkain, ayun, namatay na. At may iba ring nagsasabi na may mga werewolves na kumain sa mga sumubok magha—"

"Okay, I'm out. Ayoko nang sumama sa inyo." Ani Allyssa saka tumayo. "Hindi ko kayang maligaw sa kagubatan at makain ng mga werewolves na 'yon para lang hanapin ang—"

"Isipin mo nalang yung laki ng yaman kunv sakaling mahanap natin 'yon, Alys. 'Di ba gusto mong makalayo sa Tita mong lagi kang pinapahirapan sa pagtatatrabaho?" Ani Eva.

"O-oo, but not this way! Paano nalang kung maligaw rin tayo? Paano kung makain tayo ng werewolves na sinasabi ni Rhea?! Eva, mas pipiliin ko pang hindi sumama kaysa ang—"

"I have this way para hindi maligaw at makain ng werewolves. Still not coming?" Tanong ni Rhea.

"Sure ka bang effective 'yan?"

"100% surely at tried and tested. So, ano? Sasama ka na?"

Napabuntong hininga nalang si Allyssa. "Fine. So, when will we go there?"

"Tomorrow morning at exactly 4 AM. Magkita-kita tayo sa highway. Magdala kayo ng lubid. Mas mahaba, mas maganda. Magdala rin kayo ng pilak na gamit. Pati mga pagkain, magdala kayo ng sangkatutak na ganon, madaling makagutom ang lalakarin natin sa kagubatan papunta sa gitna ng kagubatan. Magsuot nalang kayo ng desenteng damit, pwede ring mag white t-shirt at maong na pants. Also, bring many clothes kasi di nating alam kung gaano tayo katagal do'n. So, maliwanag ba?"

"Mas maliwanag pa sa araw! Kitakits, guys!"

Sabay-sabay silang nagpaalam at pumunta sa kanya-kanya nilang bahay.

ALAS DOS palang ng umaga ay naghahanda na si Allyssa sa mga gamit na kailangan niyang dalhin sa pupuntahan nila.

Mula sa tool box ng Tito niya, kumuha siya ng napakahabang lubid, katabi naman niyon ay ang mga pilak na gamit. Pagkatapos ay pumunta siya sa food storage ng bahay nila saka kinuha lahat ng pagkaing pwede niyang mabaon. Isinama niya narin ang mga delata.

Pagkatapos makakuha ng pagkain, pinunta niya naman ang closet niya saka kinuha ang magagamit niyang damit. Saka lang siya naligo at nagbihis. Tinignan niya muna ang sarili aa salamin bago ligpitin ang mga kinuha niya sa bahay.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng marinig niya ang boses ng kanyang Tito.

"Saan ang punta mo, Allys? Bakit napakarami naman ata niyan?"

Agad siyang nagulat sa presensiya nito saka lumingon rito.

"Tito. . ."

"Allys, can you explain this to me? Maglalayas ka ba? Ayaw mo na bang makasama ang Tita mo kaya nagbabalak kang mag-layas? Tell me, Allys. Pagsasabihan ko ang Tita mong lagi kang pinagtatrabaho, wag ka lang umalis, please." Nagmamakaawang turan nito. Nagsisimula naring manubig ang mata niya dahil sa awa kaya ang ginawa niya ay nilapitan ito saka niyakap ng mahigpit na itinuguon naman agad nito.

"Hindi ho ako lalayas, Tito. I'm just having my vacation, just for a week or month, I guess?"

"B-bakit ganyan kadami?"

Yumapos siya sa pagkakayakap rito saka humarap. "Baka po kasi kulangin kaya niramihan ko."

"Siguradi kang 'di ka lalayas?"

Mabilis siyang tumangi. "Opo. Magbabakasyon lang. Di na rin po kasi ako nakakalayas dahil puro dito lang ang napupuntahan ko. I need some fresh air, Tito. Nakaka-suffocate ang ganitong puro trabaho."

"Ang pamangkin ko." Aniyo saka sinapo ang pisngi niya. "Manang-mana ka talaga sa tatay mo. Mahilig lumayas at mag-explore sa lahat ng bagay. Basta, mag-iingat ka at umuwi ka ng ligtas, ah?"

"Yes po, Tito."

"Masyado ka nang napamahal sa akin na halos ituring kitang tunay na anak simula nang mamatay ang mga magulang mo. Siguro kung buhay pa sila, matutuwa ang mga 'yon na mahilig ka rin lumayas."

"Tito naman, eh. 'Wag mo ako paiyakin."

"Oh, siya. Mag-ayos ka na at baka ma-late ka pa sa lakad mo. Stay, safe okay?"

Tumango lang siya saka niyakap muli ng mahigpit ang Tito sa huling pagkakataon. She'll be gone for maybe a week or month kaya susulitin niya ang bawat sandali.

Ito nalang din ang huling pamilya niya na minahal siya na parang tunay na anak.

"BAKIT DUMATING ka pa? 'Wag nalang sana kung pag-aantayin mo pa kami ng matagal!"

She can't help but to smile on Azthrea's attitude. Ayaw talaga nitong na le-late siya.

"Bakit ngi-ngiti-ngiti ka riyan? Gusto mo ng sapak?"

Napailing-iling nalang siya saka nagtanong. "To the forest?"

"To the forest!" Sigaw nilang tatlo bago sinimulan ang adventure na gagawin nila. Wala mang kasiguraduhan sa magiging panganib, alam nilang makakaya nila pag nagsama-sama sila.