"ARAY! Ah! Ansakit naman nitong kumakagat-kagat sa akin!" Reklamo ni Eva habang tinatapik-tapik ang tuhod niya.
"Wag ka ngang malikot, Eva! Kasalanan mo rin naman. Hindi ka nagdala ng insect sprayer. Madaming pagkain pero insect sprayer, walang dala?"
"Kasalanan ko pa. Hindi mo naman sinabi na kailangan no'n. Saka bakit kasi ayaw mo akong pahiramin ng ganon? E di sana walang kumakagat sa akin—aw! Ah! Sakit!"
"Tumigil nga kayong dalawa sa pagbabangayan! Hindi naman nakakatulong ang pag-aaway niyo sa pupuntahan natin. At ikaw naman Azthrea, bakit ayaw mong pahiramin si Eva ng sprayer mo? Para naman tumigil yung mga insektong kumakagat sa kanya."
"Siya nagsimula! Ayaw akong bigyan ng pagkain. E di, di ko rin siya pahihiramin ng sprayer ko!"
"Hindi kita binigyan kasi di mo ako pinahiram 'yon!"
"Tama na! Tumigik na kayo, please lang!" Saway ni Ysa sa kanila. Natahimik naman agad ang dalawa pero nagbubulungan naman. "Okay, why don't we get some bath? Para naman 'yang init ng ulo niyo, lumamig? Nandito rin naman tayo sa lake, eh.
As if on cue, bigla nalang binitawan ng dalawa ang bag saka nagtampisaw sa lawa na nakita. Sumabay namab agad suya sa dalawa habang umiiling-iling.
Mga isip bata talaga kahit kailan.
"AHH! Ang sarap talaga maligo sa sapa." Ani Azthrea na naka float ang buong katawan na nakatingin sa langit.
"Sinabi mo pa, Rhea. Sinabi mo pa." Ani naman ni Ysa na naka angat lang ang ulo at nakalubog ang katawan sa tubig.
"Ysa?" Pukaw sa kanya ni Azthrea kapagkuwan.
"Hmm?"
"After all this, ano nang gagawin mo kung sakaling mahanap natin ang kayamanan? Ako kasi, pupunta agad ako ng Hong kong saka doon bubuo ng pamilya."
Napabaling siya sa gawi ni Rhea at nangunoot ang noo. "Paano ang mga magulang mo? Iiwan mo na sila? Hindi ka ba mababahala kapag namiss ka nila ng sobra?"
She shrugged her shoulders. "Para sa kanila, di nila ako anak. So, what's the big deal? Mas magandang lumayo sa kanila kaysa makarinig ng masasakit na salita galing sa kanila."
"Bakit di ka nila tinuturing na anak? Tsaka, bakit ka pa nila binuo kung hindi ka rin naman pala nila ituturing na anghel sa buhay nila?"
"Mom was raped by dad when she's just 16 years old. Pinanindigan naman niya si Mama pero ako ang lagi niyang sinisisi sa buhay niya ngayon." Pakla itong tumawa. "Kung sana lang daw ay pinalaglag niya ako noon, ma-aabot niya ang pangarap niyang maging isang negosyante. E di sana raw ay mayaman siya ngayon at hindi naghihirap." Nakita niya ang hilam na luhang bumaba sa pisngi nito. "Ako ang sinisisi niya sa pangarap niya, Ysa. Ang sakit lang kasi mismong magulang mo pa ang sisisi sayo sa existence mo ngayon sa mundo. Na sana, hindi ka nalang daw ipinanganak at mabuhay para maabot ang pangarap niyang walang ka kwenta-kwenta. Ang sakit no'n alam mo ba 'yon? Halos araw-araw niyang sinasabi ang masasakit na salitang 'yon sa akin. Na pati sa sarili ko, napapatanong nadin kung bakit pa ako nag exist sa mundo para lang marinig sa araw-araw ang mga salitang 'yon." Pinunas nito ang mga luha niya saka pilit na ngumiting tumingin sa kanya. "Pero, ngayon okay na. Mahahanap naman natin yung kayamanan dito para maka-alis na ako sa bansang 'to saka magsisimula ng bagong buhay."
Nakatitig lang si Ysa sa lumuluhang Rhea habang nagkukuwento. Kung siya nga ay namatayan ng magulang nakakadurog na ng puso. Paano pa kaya na mismong magulang mo na walang pake sayo at kinukwestyon ang pagkabuhay mo sa mundo? Tiyak mas nakakadurog 'yon ng puso.
Iniyakap niya si Rhea ng mahigpit saka bumulong. "Everything will be fine, Rhea. Isipin mo nalang ang mangyayari pag nahanap na natin yung kayamanan na narito sa gitna ng kagubatan. Makakalayo ka na sa magulang mong walang ibang ginawa kung hindi ang saktan ka."
"That's what I'm doing now, Ysa." Suminghot ito. "And thank you for being there for me. You're really are a good friend. Thanks."
"Wala 'yon saka what are friends for?"
Matagal silang nasa ganoon ang posisyon hanggang sa tawagin na sila ni Eva na nakahain na raw ang pananghalian nila. Mabilis silang umahon sa lawa saka agad kumuha ng tuwalya sa bag.
Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. Nagtatawanan at nagkukulitan. Mas narealize ni Ysa ngayon ang halaga ng magkaro'n ng kaibigan ay napakasuwerte.
Natapos silang kumain ng alas tres na. Masyado silang nagkwentuhan ng matagal kaya natagalan bago maubos ang nakain. Namahinga muna sila bago simulan uli ang paghahanap.
Ilang oras na ang lumipas at nagsisimula nang magdilim ang langit kasabay nang pagkaramdam niya ng pagod.
"Can we rest for a while? Pagod na ako eh."
"Hindi pwedeng magpahinga, Ysa. Malapit na tayo sa may X dito, oh. Sulitin na natin habang may konting liwanag pa ang langit."
"But my knees are tired. Hindi ko na kayang maglakad pa."
Napabunting hininga ito. "Okay, dito tayo magpapalipas ng gabi pero gigisingin ko kayo ng maaga bukas, ah?"
"Dito tayo matutulog?! Ayoko nga!" Rekalamo ni Eva saka parang batang pinapadyak ang mga paa.
"Ang arte mo, Eva. Saan mo sa tingin mo tayo ngayon matutulog?"
"Basta, kahit saan wag lang dito! Masyadong mabuhangin dito, eh!"
"Kung ayaw mong matulog dito, maghanap ka ng matutulugan mo. Basta kami ni Rhea mananatili rito. Tara, Rhea. Ligpitin na natin yung magiging hihigaan natin. Hayaan natin si Eva na maghanap ng kanya."
"Fine! Matutulog na ako rito. Mas nakakatakot namang mag-isa." Ani Eva na nakasimagot.
Sinimulan na nilang ayusin ang magiging higaan nila. Pagkatapos nilang ayusin ang mahihigaan nila, agad silang natulog.
HINDI MAKATULOG si Allyssa dahil hindi niya mahanap ang komportableng posisyon para makatulog. Nakatitig tuloy siya ngayon sa mga bituin sa langit. Ilang minuto lang ang lumipas ng unti-unti na niyang maramdamang inaantok na siya. Papikit na sana siya ng makarinig ng kaluskos ng dahon sa di kalayuan sa pwesto niya.
Napamulat siya ng mata saka ginising ang katabing si Azthrea.
"Rhea, Rhea! Gising!" Pabulong na sigaw niya habang niyuyugyog ito.
Azthrea just groaned in annoyance. "Aga-aga pa, eh! Wag ka ngang mang-gising."
"Rhea! Gumising ka nga. May kung anong kumakaluskos na dahon sa tabi. Hindi ko alam kung ano 'yon. Alamin natin!"
"Baka hangin lang 'yon. 'Wag mo na pansinin."
Naiinis na naglakad si Ysa papunta sa bag niya saka kumuha ng flashlight. Agad niya iyong binuksan saka naglakad sa kumakaluskos na dahon.
If no ones gonna help me, I'll be the one should get going.
Habang papalapit siya, mas lumalakas ang tibok ng puso niya. Natatakot siya sa kung anong meron sa kumakaluskos na mga dahon do'n. At nang makalapit na siya, mabilis niyang hinawi ang dahon at ganoon nalang ang gulat niya ng makakita ng isang hayop—
No, it's not an animal! It's a monster! Big and scary monster!
Nabitawan niya bigla ang flashlight na dala, dahilan para mapaharap sa kanya ang halimaw na kumakain sa hayop. His red scary eyes made her scare even more. The claws, the ears, the color of the fur. . All of it made her think that it's. . .
A werewolf!
Kaagad niyang ginising ang mga kaibigan na natutulog parin hanggang ngayon. Niyugyog niya ito ng niyugyog hanggang sa bumangon na ito.
"Ano ba, Ysa?! Natutulog ako, eh!"
"You just disturbed my lovely sweet dream, Ysa."
"I don't care about what you think about me kasi nagising ko ngayon. Ang mahalaga, makatakbo tayo sa werewolf na parating!"
"Werewolf?!" Sabay na sigaw ng dalawa kasabay ng pagsulpot nito sa harap nila. Mabilis ang naging kilos ng mga paa nila saka tumakbo ng mabilis. Not minding the things they left. Mas iintindihin nilang mabuhay kaysa ang mawala ang gamit nila.
Sobrang bilis ng pagktakbo ni Ysa wag lang sila mahabol nito. Pwede na nga siyang tangkaing 1st place sa larong speed running sa bilis ng pagtakbo niya.
Nilingon niya ang nasa likod at laking gulat na nakakasunod ito sa kanila. Kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo hanggang sa mauntog siya sa isang bulto.
"Aray!"
"Miss, ayos ka lang?"
Hindi sa kanya pamilyar ang boses niyon kaya mabilis na iniangat niya ang ulo. Di niya masyadong makita ang imahe nito sa dilim at tanging ilaw sa buwan lang ang nagsisilbing liwanag para maaninag ang mukha nito. Tantiya niyang nasa edad 60 pataas na ito dahil sa kulubot nito sa mukha.
"Bakit ka nagmamadali and why are you running, Miss?" Tanong nito sa kanya pero hindi niya magawang makasagot dahil sa pagtataka.
"Hay, salamat nakalayo rin. Muntik na 'yon, ah. Ysa, pwedeng—sino 'yang kausap mo?" Tanong sa kaniya ni Eva.
Agad niya itong nilingon at sinagot. "I don't know. Nabunggo ko lang siya nung tumatakbo ako." Lumingon siya sa harap saka nagbaba ng tingin. "Sorry po kung nabunggo kita. May tinatakbuhan lang po kasi kami."
"It's fine. I don't mind it. Anyways, pwede ko bang malaman kung bakit tumatakbo kayo?"
"We've just seen a werewolf. Kaya sa takot na makain, tumakbo kami ng sobrang bilis."
"A werewolf, huh?" He said and smirked.
The smirk on his lips are a little bit of mysterious pero ipinagsawalang bahala niya 'yon.
"Gusto niyo bang manatili muna sa bahay ko? Mas safe do'n. Ilang minutong lakad lang naman papunta sa bahay ko. So, are you in?"
Hindi nila nagawang makasagot dahil sa kaguluhan.
A house? In this forest?
Papanong nagkaro'n ng ganon?
Tumawa ang matanda dahilan para mapakurap-kurap sila. "Don't worry, ladies. Hindi ako nangangain. Sure naman akong safe sa bahay na mapag- i-i-stay-an niyo. Kaysa naman dito kayo mag-stay, baka bulabugin na naman kayo ng humahabol sa inyo. So, I insist. Follow me."
Sumunod nalang sila rito ma walang hesitasyon.
Umuwang ang labi nila sa gulat ng makita kung anong bahay ang tinutukoy nito.
It's not a house! It's a huge mansion!
Mas lalong umuwang ang labi nila ng buksan nito ang pinto ng mansyon at bumulaga sa kanila ang napakalawak na pamamahay.
"Okay, ladies. Welcome to my mansion."