Chapter 10 - KABANATA 8

INAAYOS na muna ni Kuya Dexter ang salamin na suot bago nito umpisahang isalaysay sa amin ang dahilan kung bakit halos limang taon din siyang hindi nagpakita sa amin. Gusto kong magtampo dahil natiis niyang hindi magpakita sa amin sa loob ng limang taon ngunit pinigilan ko muna ang sarili ko. Nararamdaman kong may sapat na rason si Kuya Dexter.

"Nang gabing iyon sa barko, ang akala ko ay doon na ako mamatay. Nakita ko kung paano madaganan ng nagliliyab na poste sina Lolo at Lola. Mariin akong napapikit, tila ako ang nasa katayuan ni Kuya Dexter. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsasalaysay. Nabigla ako sa mga sumunod na pangyayari, ang puwestong kinatatayuan ko ng mga panahong iyon ay nag-umpisang mabiyak. Gusto kung maiyak sa takot ngunit nilabanan ko ito, walang mangyayari kung paiiralin ko sa mga oras na iyon ang takot. Nag-umpisa nang lamunin ng apoy ang barko, ang mga natitirang pasahero ay nagsitalon na sa dagat. Tag-ulan na noon kaya mas mataas ang lamig ng tubig sa mga panahong iyon. Halos mamatay ako sa ginaw ngunit hindi ito naging hadlang para mawalan ako ng pag-asa. Lumalangoy na ako palayo sa umaapoy na barko na unti-unti nang gumuguho nang sa hindi ko inaasahang pangyayari ay. . . Ibinitin ni Kuya Dexter ang pagsasalaysay. Dumampot muna ito ng juice at lumagok nang kaunti rito. Biglang nagsipagbagsakan ang mga malalaking tabla at poste ng barko kaya mas naging mahirap sa akin ang mga sumunod na pangyayari. Isang malaking haligi ang tumama sa may tabi ko, mabuti at lumubog ako sa tubig kaya hindi masyadong malakas ang naging impact noon. Ngunit dahil sa mabigat ang kahoy ay nagbigay pa rin iyon ng malakas na puwersa sa tubig upang tangayin ako. Dahil sa lakas ng impact ay halos nagpaikot-ikot ako. Hanggang sa tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay na siyang dahilan upang mawalan ako ng malay. Napatingin ito sa amin na tila tinatantya nito ang bawat sasabihin. Dada, Toshiro, at Nakame. . . nakaligtas ako sa trahedyang nangyari sa barko ngunit nawalan naman ako ng memorya. Sabi ng Doktor na tumingin sa akin ay nagkaroon raw ako ng traumatic amnesia. Nakuha ko raw ito dahil sa pagkakapalo ng isang matigas na bagay sa ulo ko. Halos limang araw akong tulog sabi ng nurse na nagbabantay sa akin, maging pangalan ko ay hindi ko matandaan. Gulong-gulo ako nang mga panahong iyon at tila wala na akong pag-asa. Lalo akong nanlumo dahil sa sinabi ng Doctor sa akin na hindi tiyak kung maibabalik pa ang memorya ko. Nang makalabas ako ng hospital ay inampon ako ng isang mag-asawa. Namatay raw sa trahedya sa barko ang nag-iisa nilang anak na si Shin. Shin Montello ang pangalan nito, parang magkasing-edad lang kami sa palagay nila. Mayaman ang mga umampon sa akin, pinag-aral nila ako at binihisan, trinato nila ako bilang tunay na anak. Pero hindi pala magtatagal iyon. Napatingin ito sa amin na tila inaalisa ang mga susunod na sasabihin. Namatay sila nang mag-aapat na taon na akong nakapisan sa kanila. May pumatay sa kanila!

Napasinghap kaming tatlo nina Kuya Nakame sa narinig. Kawawa naman si Kuya Dexter. Ilang beses itong nawalan ng taong minamahal.

"Si-sino ang pumatay sa kanila, Kuya? tanong ni Kuya Nakame.

Marahan nitong pinagsalikop ang dalawang palad. Napatingin ako sa kamay niya, mula pagkabata ay ito na ang manerism ni Kuya Dexter kapag hindi mapakali o di kaya nababagabag ito.

Mga kamag-anak rin nila, nagseselos dahil mas pinapaboran pa raw nila ako na ampon lang nilang mag-asawa. Mabilis na lumipas ang isang taon, nasa hapag-kainan ako ng mga oras na iyon nang biglang nanakit ang aking ulo dahil sa nabasa kong balita tungkol sa nangyaring trahedya sa dating barko." Tumingin sa amin si Kuya Dexter at nag-umpisang magkahugis sa kaniyang labi ang ngiti . . . mas humigpit ang pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao. Nabasa ko ang mga pangalan ninyo sa naturang pahayagan kaya muli akong nakaalala."

"So, Dex okay ka na?" tanong ni Kuya Tosh nang matapos magsalaysay si Kuya Dexter.

Napasandal muna ito sa inuupuan, bago sinagot ang naghihintay na tanong ni Kuya Toshiro. "Yes, Im perfectly fine. In physical and mental aspect. And Im glad to be back, mga kapatid ko,"masaya nitong wika at mahigpit kaming niyakap.

For five years . . . nagkasama na rin kami uli. Sobrang na-miss ko ito. Sobra-sobra.