Pakiramdam natapos na, umuwi na ako sa aming tahanan at nakitang napaghanda na si ina ng aming hapunan.
"Nakauwi ka na pala! Naging mabuti ka ba sa klase n'yo ngayon?"
"Opo! Tama, pumili po ako ng major at minor na gusto kong pag-aralan ina."
"Ah! Lumapit ka rito bilis, ang ating unico hijo ay nakapili na ng major at minor element!"
"Talaga? Anak pinili mo ba ang wind element?"
Pagkarinig ng kanyang ama ay agad itong tumakbo palapit sa kinaroroonan nila.
"Tiyak hindi, nang walang alinlangan ay pinili ng ating anak pag-aralan ang water element, tama anak?"
Tumingin si ina sa akin nang kanyang mga matang puno ng pag-asa.
Si ina ay isang intermediate water element mage at si ama ay isang intermediate wind element mage. Buhat no'ng sandaling ipinanganak ako, lagi nilang pinagtatalunan kong alin magic element ang dapat kong piliin para sa aking major.
Pinagmasdan ko ang kanilang mga matang puno ng pag-asa, ah, ano ang dapat kong gawin? Nakalimutan ko ang tungkol sa kanila. Mabilis na nag-isip ang aking maliit na utak kung papaano ko tutugunin sila.
"Hindi, hindi, wala po sa dalawa. Ang napili ko pong major element ay hindi po water element o wind element."
"Ano?!" Gulat silang dalawa napatitig sa akin.
"Kung gano'n, ano ang napili mo? Pinili mo ba ang Earth element o Fire element? Maski sa dalawa ay walang bagay para sa anak ko. Hindi nagawang kumonsulta sa akin o sa iyong ina bago mamili ng magic element. Ngayon buwan ay wala kang makukuhang allowance!"
"Nangangati ba ang iyong puwit sa pamalo!?" Nagbabalang saad ni ama.
"Hindi, hindi. Hindi naman gano'n. Ina, ama 'wag naman kayo magalit sa'kin. Hindi ko po pinili kahit alin sa earth element o fire element, ang pinili ko po ay light element. Pinili ko po 'yon para sa inyong kapakanan!"
"Ano!? Dahil sa amin?"
"Opo. Syempre po dahil sa inyong dalawa, at saka para Po magkaroon ng pagkakaisa sa pamilya natin. Kung pinili ko po ang water element, ikakagalit po iyon ni ama, kung pinili ko 'yong wind element, tiyak na papatayin Po ako ni ina, kaya wala akong pinili sa dalawa. Ang fire magic at kay ina water magic kapwa susugpuin ang isa't isa, para sa aking magiliw, maganda at maawain ina, hindi ko maaring piliin iyon. Earth magic at ang wind magic ni ama ay parehong susugpuin ang isa't isa, para sa aking guwapo, kaakit-akit, at malakas na ama, wala din akong pwedeng piliin sa dalawa. Kaya pinipili ko po ang light magic kung saan walang kakontrang magic element sa ating pamilya. Dahil iniisip ko ang kapakanan at kaligayahan ng boung pamilya, Ito ang napili ko."
Habang sinasabi ko ito, tinignan ko sila gamit ang aking nanunubig ng luha na mga mata.
Dahil sa naluluha kong mata, hindi mapigilan ni ina ang aliwin ako.
"Ang aming Zhang Gong ay tunay na napakabuting anak, lahat gagawin para sa kapakanan ng magulang."
Lumapit din sa ama upang yakapin kami. Gustong gusto ko talaga itong mapagmahal at nagkakasundong atmospera subali't hindi din inaasahan ang mga bagay na walang kapararakan ay maloloko sila upang magkaisa. Ha ha.
"Zhang Gong, sa hinaharap kinakailangan mag-aral ka ng wasto. Kahit nap papaano dapat kang maging advanced rank mage."
"Opo, ama. Hindi ko po kayo bibiguin."
Biglang may naalala si ina.
"Zhang Gong, ang light spells sa elementary rank at intermediate rank ay walang kahit anong atack magic dahil bihira lang pag-aralan ang light magic."
" 'Wag po kayong mag-alala, siguradong tiyak na magiging advanced mage po ako."
Ang talino ko talaga. Kung nais paghirapan, hindi ko pipiliin ang light magic. Ha ha.
"Mabuti, kumain na tayo at ipagdiwang ang napili ng ating Zhang Gong."
Naging tahimik ang kanilang gabi.
Sa sumunod na araw, agad akong nagising sa parehong sinag ng araw at ang pagtawag sa 'kin ng ina ko. Kumain ng ilang piraso ng almusal sapagkat si Ao De ay naghihintay na.
"Zhang Gong oras na para pumasok sa paaralan. Ngayon araw ay hahatiin na ang ating klase."
"Padating na. Halina!"
Tulad kahapon, pumasok kami sa loob ng silid-arala.
Ang matandang bruha ay humakbang papasok.
"Husto na, magsitahimik na kayo. Ngayon ay sisimulan na natin ang paghahati ng classes. Dito sa limang grupo, ang lahat ay nakapili na ng major at minor upang pag-aralan. Ang limang grupo ay babaguhin ang ayos ayon sa napiling element na napili. Tatlong classes para sa fire, dalawang classes para sa water, dalawang classes para sa wind, at isang class para sa earth.
Ngayon ay ihahayag ko na kung saan classes kayo mabibilang. Habang binabasa ko ang mga classes, pumunta agad kung saan kayo itinalagang classes." Hindi na kailangan suriin ang atack power ng fire element.
Imposible, paanong walang class para sa light element? Malaking katanungan ang nabuo sa aking isipan.
"Tang De, ikaw ay sa fire element class one. Li Cha, ikaw ay sa fire element class one. . . . . .Ao De, ikaw ay sa water element class two. . . . ."
Maliban sa'kin, ang lahat ng aking kamag-aral ay itinalaga na sa kanilang class at isa-isa ay nagsimulang umalis. Pagkatapos umalis ng kahulihulihan kaklase na naitalaga.
"Zhang Gong, sumunod ka sa 'kin upang makita mo ang 'yong guro. Dahil sa mayroon lamang sampung light element mages sa mundo ang academy ay nag-areglo upang magkaroon ng guro para espesyal na tuturyal."
Oh hindi, specialized tutoring ay dapat maging temperamental na guro. Ang aking kamatayan ay tiyak na. (Hindi maaring magdusa ako sa kamay ng bruha)
Habang nag-iisip ay naglakad ako kasama ang guro palabas ng silid-aralan. Pagdating sa opisina ng guro sa pangatlong palapag, hindi ba ito ang principal's office?
"Tuloy ka Zhang Gong, halika samahan mo ko." Pagkakita sa 'kin nag aalinlangan, ang matandang bruha hinatak ako.
"Oh, mabuti, guro."
Pagkapasok sa principal's office, nakita ko ang principal sa likod ng malaking office desk nakangiti sa 'kin.
"Teacher Lin, ito na ba si Zhang Gong na piniling mag-aral ng light element sa iyong class? Hayaan mong ipakilala ang aking sarili, ako ay isang Great Mage mayroon major element na spatial element at minor sa light element. Ang pangalan ko ay Xi Yu Xiu, pero maari mo akong tawaging Teacher Xiu.
Sinundan ng aking mga mata ang kamay ng principal. Ah, ito na ba ang magiging guro ko? Isang limapung gulang na matandang lalaki? Tinitigan mula ulo hanggang paa, mukha siyang spotless purple robed mage na nanginginig sa enerhiya. Sa kanyang dibdib ay isang mage badge na mayroon apat na star. (Ang mage's rank ay maaring makita sa bilang ng star sa kanyang mage badge.) Sout ang seryusong mukha, mukha siyang nagbabanta.
"Kamusta Teacher Xiu, kayo na Po ang bahala kay Zhang Gong."
"Teacher Lin, di mo na kailangan maging magalang."
"S'ya nga, ikaw si Zhang Gong. Uy, kailangan mong pagbutihan mag-aral ng magic sa ilalim ko.
Umaasa akong magsisikap kang mag-aral habang susubukan ko ang aking makakaya ipagkaloob lahat na nalalaman ko sa'yo."
Ano pang masasabi ko? Tila na nawalan na ako ng pag-asa. Paanong hindi ko ito napuna?
Tiyak na ang pagiging cannon foddler ko. Sobrang nakakalungkot! Bathalang lumikha, ang 'yong pagtrato ay hindi tapat!
Tila simula ngayon ay magiging mahirap na para sa akin.