Chereads / Anak ng Liwanag (A Tagalog Version of Child of Light) / Chapter 5 - Nakahigang Meditasyon kfg

Chapter 5 - Nakahigang Meditasyon kfg

Dahil sa matiyagang pagtuturo ni ama ay agad kong natutonan ang lahat ng basics sa teorya ng majika.

"Tama ba? Mukhang matiyaga mong natotohan kahapon ang iyong takdang aralin. Dahil diyan, halika, sumama ka sa 'kin."

Sa umaga, pagkarating ko, ay agad na in-assessed ni Teacher Xiu ang aking mga nalalaman ukol sa takdang-aralin binigay niya sa 'kin. Kahit na hindi ko agad nasasagot, sa binibigay na sapat na oras upang makapag-isip, ay nakakaya kong masagot ang mga tanong. Sa huli ay napagtagumpayan ko ding maipasa ang ang pagsusulit ng matandang Xiu kaya hindi ko na kinakailangan pang tumakbo ngayon araw.

Sinundan ko si Teacher Xiu papuntang maliit na bahay sa likod ng court. 'Ito ba'y may kinalaman sa pagtuturo niya ng majika sa 'kin?'.

"Zhang Gong, mayro'n ka nang pang unawa sa teorya ng majika ngayon, subalit kailangan mo pang ipagpatuloy pagyamanin ang iyong sarili. Alam mo ba kung saan nakadepende ang magic power?"

"Magic Level."

"Kung gano'n, paano natin magagamit ang advanced magic?"

"Sa pamamagitan ng incantation."

"Kalokohan!" Ikinasindak ko ng bigla ang pagsigaw ni Teacher Xiu.

"Upang magamit ang advanced magic, kinakailangan mong magkaroon ng sapat na spiritual power. Ang iyong pangunahing kaalaman ay napaka-simple lamang. Ang pinaka-epektibong pamamaraan upang mapataas ang iyong spiritual power ay sa pamamagitan ng meditasyon. Simula bukas at sa sususnod na tatlong buwan, ikaw ay sasailalim ng meditasyon araw-araw. Bukas ay kailang kong lumakad patungong kapital at baka abutin pa ng tatlong buwan ang pagbabalik ko.

Nagkaroon ng kagalakan ang aking puso, sa wakas ay magiging malaya na ako. Subali't, ibinagsak agad ako sa lupa sa mga sumunod na pangungusap ni Teacher Xiu. Kapag bigla akong bumalik at mag-imbestiga at malaman ko na ikaw ay nagpapabaya, ikaw ay magiging pambansang long running champion."

"Zhang Gong, ang aking major magic ay spatial magic. Kahit na na ako'y isa lamang Great Mage, ang pag-teleport pabalik rito ay posible pa rin.

Pinagbantaan ako ni Teacher Xiu ng kanyang istriktong mukha.

"Habang nag-me-meditasyon kailangan mong magkaroon ng konsentrasyon sa iyong spiritual upang maramdaman mo ang light element. Subukan mong magtipon at mag-imbak ng maraming element hangang sa makakaya mo, sa pamamagitan nito ay mapapataas mo ang iyong spiritual power. Habang wala ako, kailangan mong mag-meditate araw-araw sa loob ng walong oras. Nakikinig ka ba? Kapag bumalik ako at hindi nasiyahan sa iyong spiritual power. . . ."

Sa pakikinig sa mga salita ng diyablo, nakakadismayado sa kalooban. Ang pag-meditate sa loob ng walong oras ay sobrang nakakainip.

"Ang basic ng meditasyon, sigurado akong alam mo na kung papaano gawin. Mayroon ding techniques ang meditasyon, kaya maaari kang pumunta ng library upang magbasa ng ilang libro. Mamili ka ng meditation technique na gusto mo, sa ganitong paraan ang pagiging epiktibo ay mataas. Hintayin mo ang pagbabalik ko upang turuan ka ng tiyak sa pagamit ng majika".

"Maaari mo nang simulan ang meditasyon ngayon din mismo".

Sa ilalim ng kanyang pagmamasid, umupo ako sa banig, isinara ang mga mata at nagsimulang mag-meditasyon.

. . . . . .

Kahit wala na ang diyablo, hindi ko pa rin maramdaman ang ganda ng 49 taon.

Sa lokasyon ng hilagang-silangang kanto ay ang library ng academy. Nagbasa-basa ako ng ilang libro tungkol sa meditasyon at nakahanap ng kung ano ang gusto ko. Haha. Sa wakas ay malaya na rin ako. Nahanap ko ang isang dilaw na libro. Mukhang luma na, pero ang may-akda ay isang light mage na s'yang nagsulat ng libro isang daan at limampung taon na ang nakaraan. Ayon sa libro, kinakailangan lamang na pakiramdaman ang light element sa paligid upang makaipon nito. Alin mang posisyon ay maaari, at ang libro ay mayro'n ilang halimbawa. Mayroong pahigang meditasyon, paupong meditasyon, atbp.

Maaari akong humiga habang nag-me-meditate. Para sa tamad na tulad sa 'kin, ang nakahiga at nakaupo ay dalawang bagay na magkaiba ang konsepto. Haha tamang-tama ito!

Balik sa silid-aralan (isang maliit na cottage) mag-isa lamang ako ro'n. Sinunod ko ang instraksyon ng libro, inipon ang sarili at nagsimulang pakiramdaman ang light element sa ere. Unti-unti ay naramdaman ko ang kasaganaan ng light element sa aking paligid. Ang light element ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng kabutihan at pagmamahal, na maihahalintulad sa yakap ni ama't ina. Ah, napakakumportable.

"Ikaw ba ang light element?" tanong ko sa spiritual world.

Naramdaman ko ang pakiramdam ng init sa 'king paligid.

"Uncle at Aunty light elements, kumusta po kayo? Ang pangalan ko ay si Zhang Gong Wei. Simula ngayon ay makikipaglaro po ba kayo sa 'kin?"

At muli ay nakaramdam ako ng init sa 'king paligid.

"Kung gano'n simula ngayon tayo ay magiging magkaibigan!"

Nararamdaman ko na ang light elements ay nagsimulang lumikha ng maliliit na hibla na umaagos patungo sa 'kin upper dantian. Ang daluyong ng mainit na enerhiya ay pumalibot sa 'kin. Kung mayroon makakakita nito, siguradong makikita nila ang layer ng puting liwanag na nakabalot sa aking sarili. Ito'y nagpatuloy sa mahabang oras, kahit hindi ko alam kung gaano katagal, unti-unti kong naramdaman ang light elements sa pamamagitan ng aking communication channel na matatagpuan sa aking upper dantian. Sa aking boung katawan napaka sigla at maginhawa. Hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa malalim na pagkakahimbing.

Ang hindi ko alam ay hindi inaasahang makamit ang pagkakilala ng light element nang aksidente. Dito sa kontinente, lahat ng mages ay nagsasanay ng majika sa pamamagitan maramdaman ang magic element sa kapaligiran, pagkatapos ay unawain ang pag-kontrol sa kanila upang unti-unti mapataas ng kanilang sariling magic power. Kasunod ng kanilang pagpataas ng magic power, tataas rin ang kanilang spiritual power. Upang makamit ito, kailangan nilang mag-cultivate. Para sa akin, hindi ko gustong mag-meditate, para sa tamad kong sarili ay kailangan kong humanap ng ibang paraan upang mapataas ang aking sariling magic power ng hindi naglalaan ng pagsisikap. Nang natural, hindi ko puwersahan tinitipon ang light element sa halip ay nakikipag-ugnayan ako sa light elements. Sa aking pagtataka, kinikilala ako ng light elements. Dahil rito naging mabilis ang aking recovery at pag-iipon higit pa sa karaniwang tao. Tunay na naging kaibigan ko ang light element. Hindi ko namalayang ang mabilis na paglipas ng oras at naramdaman kong may marahan tumabig sa 'kin. Binuksan ko ang aking mga mata at nasilayan ko si ina.

"Ina, bakit po kayo naririto?"