Chapter 4 - Batayang kaalaman

"Zhang Gong Wei, tingin mo anong oras na ngayon?" Saad ni Teacher Xiu na ang mga mata ay puno ng galit.

"Ah, Teacher bakit kayo narito?

Ah, paumanhin, napahaba po ang tulog ngayong umaga."

Ang totoo ay lubhang natatakot akong harapin itong subrang nakakatakot na Teacher ngayon, kaya  ang nangyari ay naglakad ako palibot sa harap ng paaralan at hindi naglakas-loob na pumasok. Hindi ko naman akalain lalabas siya. Tiyak na ang aking kapahamakan.

Gaya ng inaasahan, "nakatulog ka ng labis? Kung gayon ang iyong paghahangad ay hindi maganda. Ang mahalaga bilang isang mage ay ang sanayin ang iyong paghahangad. Kaya kinakaingan mong maging masigla muna. Paroon at tumakbo ng 5 laps paikot ng paaralan hanggang sa maging vigilant ka."

Nang walang ibang pagpipilian, nagsimula akong tumakbo ng mabagal at banayad.

"Ako si Xi Yu Xiu, dinggin ang aking pagtawag, halika aking taga-lingkod, Light Tiger."

Ito ay isang level five magical beast. (Bawat indibiduwal na nag-aaral ng magic ay mayroon kanya-kanyang magical beast. Kaya nilang magkaroon ng mahigit isa, subalit ang pagtawag ng mahigit isa ay nakakaubos ng lalong malaking willpower.)

"Zhang Gong, kailangan mong tumakbo ng mabilis. Kapag mahuli ka n'ya alam mo na ang mangyayari sayo."

Nang makita ko ang Light Tiger na apat hanggang limang beses ang laki kesa sa 'kin, nagbigay sa' kin ng motivation. Ang takot na maaaring makain ang humatak ng aking lakas upang tumakbo ng mabilis nang deretso. Ang light tiger ni Teacher ay sumusunod sa 'kin nang hindi kabagalan at hindi masyadong malapit. Nang medyo bumagal ako, isang light arrow ang lumipad sa 'kin na ikinatakot ko, kaya mas binilisan ko pa. (Ang elementary at intermediate light spells ay mayroong lamang isang attack na nasa pangalawang ranggo.)

Ah, tunay nga ang pagiging paghihirap ko.

Sa wakas, natapos rin ang pagtakbo na tila ba parang mahabang paglalakbay.

Hindi ko inaasahan papayagan ako ni Teacher Xiu na makapagpahinga ng labinlimang minuto.

Ah, paanong ang aking buhay ay nagkaroon ng maraming pagdurusa.

"Tapos na ang oras ng pamamahinga. Titignan natin ngayon kung ano ang mga natutonan mo. Anong spells ang alam mo Zhang Gong?"

"May alam ako sa illumination spell."

"Mayroon pa bang iba?"

"Wala na po."

"Sa loob ng dalawang taon ang natutonan mo lamang ay isang illumination spell."

Sa pagpapatuloy, tinanong ako ni Teacher Xiu ng maraming tanong tungkol sa mga nalalaman ko ukol sa teorya ng basic magic at ilang suliraning tanong. Ang aking kaalaman tungkol sa teorya ng basic magic ay nakakakilabot dahil sa madalas ay natutulog lang ako sa klase.

Gayunpaman, ang para sa suliraning tanong, ang aking mga   sagot ay talagang maganda, sapagka't sa huli matalino pa rin ako.

Tinitigan ako ni Teacher Xiu bago nagpalabas ng mabigat na buntong-hininga.

"Paanong nakakilala ako ng isang tamad na mag-aaral? Ah, kaya hindi na kataka-takang hiniling ni Teacher Lin na turuan kita. Kahit alam kong mababa ang markang nakuha mo. Hindi ko pa rin inaasahan ganito kalala. Mainam, hanggang dito lang muna. Huwag kang ma-late bukas." Nakatagpo ako ng mahinang mag-aaral at siya kaawa-awa rin.

Ano? Pinapayagan niyang tapusin agad ang klase, ngunit masyadong maaga pa. Isa s'yang dakila!

"Tama, may bibigyan kita ng ilang takdang aralin na dapat mong gawin." Magkawika ay agad n'yang ipinasa sa 'kin ang dalawang makakapal na libro.

Pagkatangap sa kanila ay agad kung sinuri ko ito. Isa sa kanila ay "Teorya ng Basic Magic" habang ang isa naman ay "Major Light Element Spells at ang Pagpapaliwanag". Sa pagbibigay sa 'kin, ano kaya ang inaasahan n'yang mangyari? Hindi ko mapigilan ang magtaka sa kanyang layunin.

"Bukas, dapat mong isaulo ang teorya ng basic magic nang mapunan ang iyong kakulangan sa teorya ng majika. Hindi ko gusto na ang aking mag-aaral ay kapos kumpara sa iba. 'Yong isang libro ay saka na pero maaro din s'yang tignan. Makakauwi ka na."

"Teacher, ang boung teorya ng basic magic ay dapat isaulo?" Kumakapit parin ako sa maliit na pag-asa.

"Syempre, bukas rerepasohin ang iyong kaalaman. Kung ipagpapatuloy mo ang pakikipaglaro sa light tiger, kung gano'n libre kang 'wag isaulo iyon.

Sa mga salitang ito, si Teacher Xiu ay bumalik na sa patungong principal's office, iniwan akong natutuliro.

Anong klasing guro siya?

Ah, tunay nga s'yang dyablo, para bigyan ako ng isang araw na isaulo ang tatlong daan (300) hanggang apat na raan (400) pahina ng libro.

Ang panahong ngayong araw ay medyo maganda, maaraw at hindi mahangin, na nagpapabago ng aking kalooban.

Pagkauwi sa aming tahanan, wala si ama't ina, silang pareho ay nagtratrabaho. (Si ama ay tagapagmolde ng bakal habang si ina ay mangagamot ng nayon.)

Inilabas ko ang "Teorya ng Basic Magic" at nagsimulang magbasa.

Kahit na tamad ako, ang isipin ang naging parusa kahapon ng dyablo. . . .ang aking kalamnan sa binti ay nanginginig pa rin.

Unti-unti ang paglubog ng araw. Dahil sa hindi napapagod na pagsisikap, nagawa ko ding isaulo ang sampung pahina. Sampung pahina lamang. Ah tiyak na ang katapusan ng buhay ko.

"Uy, napakaaga mo yata ngayon?" Karaniwan, mas nauuna si inang umuwi araw-araw.

"Ako Po"

Nang marinig ang aking munting tinig, agad na lumapit si ina.

"Ang aming anak, paanong ang aga mo yata ngayon? Bakit para kang walang sigla, may nagawa ka bang mali o pinagalitan ka ba?"

"Hindi po ina." Habang nasa isip ang tungkail sa gawain, sumugod ako papunta sa bisig ng aking ina at nagsimulang umiyak. Sa huli, pitong gulang lamang ako. Habang yakap-yakap nagsimulang magtanong si ina.

"Anong nangyar? Dali sabihin mo. Mayroon bang nang-api sayo?"

"Opo, opo. Sobrang nakakatakot po iyong bagong teacher ko po. 'Yong mga pinapagawa Po n'ya sobrang ang hihirap at nagpaparusa din po s'ya."

"Ah! Anong mga gawain? Paanong pagpaparusa?"

May pag-aatubiling inilahad ko lahat ng mga pangyayari sa paaralan ngayong araw.

"Zhang Gong, ikaw itong mayro'n pagkakamali. Sa nakalipas, alam ng ina na Hindi maganda ang naging pag-aaral mo, subali't hindi akalain ng ina na ganito pala kalala. Hindi akalain, pagkatapos ng dalawang taon ay hindi mo pa rin natutonan ang basic magic. Ang naging asal ng iyong guro ay wasto lamang. Sa isang makupad na tulad mo, ang isang mabangis na guro ay mainam na magtuturo sa 'yo. Ang ina at ama ay pinabayaan kang maging palayaw."

"Ang sinasabi ng iyong ina ay tama. Halika't ipakita sa iyong ama ang mga imposibling gawain na binigay sayo."

Nakauwi na din si ama.

Pagkatapos tignan ang takdang aralin, ngumiti si ama.

"Diba't karaniwan matalino naman ang anak ko? Kahit makapal ang librong ito, hindi mo naman kailangan isaulo ang lahat. Hayaan mo munang makapagluto ng hapunan ang iyong ina habang tinuturoan kita." Pagkatapos ay sinimulang turuan ako ng aking ama.

"Masdan mo Zhang Gong, ang unang bahagi ay naglalarawan kong paano ang pag-gamit ng teorya ng majika. Sa mundong ito, mayro'n maraming elemento, ang anim na pangunahing elemento na alam mo ay tama.

Kung paano magagamit ang majika, kailangan mong maipabatid sa elemento ng maayos. Pagkatapos, sa pamamagitan ng iyong pagtawag binabago mo ang esensya ng majika sa pag-iipon upang makamit mo ang nais mo mangyari. Tingnan mo, ito ang majika."

"Ako si Lie Ao Wie, wind essence dinggin ang aking pagtawag, halika, proteksyunan ang 'yong kaibigan - wind shield!"

Hinati-hati ni ama nang ilang bahagi ang libro, na mayroon pangunahing ideya ang bawat isa. Ipinaliwanag din niya ang bawat bahagi.