Tahimik siyang nakamasid sa mga batang gumuguhit sa isang silid sa bahay-ampunan. Kakatapos lang ng kanilang sesyon, magkwento na may leksyong moral.
Kung titingnan ang mga ito ay aakalain mo bang napakasaya nila. Pero sa kabilang banda ay may maliit na parte sa kanilang mga puso ang naghahanap ng kalinga. Kalingang ibinibigay ng magulang, ang mga bata sa Madrid Orphanage ay mga ulilang lubos.
Kapag ang pag-aampon naman ang pag-usapan ay hindi ganoon kadali. May mga prosesong kailangang sundin ang namamahala at ang mag-aampon. Upang masigurado na compatible ang batang aampunin at ang mag-aampon.
Sensitibo ang bawat bata, kaya kailangan masigurado ng namamahala na ang mag-aampon ay napapahalagahan ang emosyonal, pisikal, intelektuwal at ispirituwal na aspeto. Dapat rin maisaalang-alang ang seguridad maging ang aspeto ng pagiging ligtas ng bata. Ligtas mula sa mapang-abusong komunidad at sa loob ng pamilya kung saan sila mapapabilang.
Minsan na din niyang naisip na mag-ampon, pero hindi pa ngayon. Marami siyang dapat isaalang-alang.
"Hija."
Napatingin siya sa may-ari ng boses na tumawag sa kanya - si Manang Lourdes. Nasa bandang pintuan ng silid nakapuwesto ang mesa kung saan siya nakaupo. "Manang."
Pumasok ito at inilapag ang dalang meryenda para sa kanya. "Dinalhan kita ng pagkain, hindi ka kumain kanina."
"Nag-abala pa po kayo. Kakain naman po ako mamaya kapag natapos na ang bata." Paliwanag niya, nakalimutan niyang kumain ng tanghalian dahil naging abala siya sa paghahanda."
"Masamang magpalipas ng gutom, dapat kumain ka parin sa tamang oras." ika nito.
Tumatayong ikalawang ina niya si Manang Lourdes. Kung tutuusin ay ilang taon palang naman siyang boluntaryo sa bahay-ampunan. Mahigit dalawa at kalahating taon pa lamang. Sumakatuwid naging tahanan na niya ito, malayo sa buhay na meron sa siya. Hindi niya rin naman ramdam na nasa siyudad siya, kung saan abala ang mga tao sa kanya-kanyang buhay. Ni ang pagkakaibigan ay napakaimposible para sa isang komunidad na mayroong ugaling pakikipagkompetensiya at panglalamang sa kapwa. Ni maging ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay kulang sa aspetong moral.
"Opo."
"O, siya iiwan na muna kita dito at marami pa akong gagawin. Ihahanda ko pa din ang pagkain ng mga bata."
Nakangiting tumango siya sa matanda. Nang makaalis na si Manang Lourdes ay nagsimula narin siyang kumakain. Kanin at sinabawang gulay. Pagdating sa pagkain na hinahanda, simple lang at masustansya. Hindi dahil tinitipid ng mga namamahala ang mga bata, upang mabawasan ang gastos sa pang-araw-araw. Ang inaalala ng mga ito ay ang kalusugan. Ang pagkain ng gulay at prutas ay hindi lang nagbibigay ng sustansya sa katawan. Maging ang pagkain ng mga ito ay may malaking naiiambag sa pag-uugali ng mga bata. Katulad nalang ng mansanas, ang pagkain ng mansanas ay pampakalma. Sa madaling sabi nakakatulong ang mga pagkain ng mga natural na pagkain sa paglinang ng karakter.
Mahalaga para sa bahay-ampunan ang pagtuturo ng mabuting pag-uugali sa mga batang nasa kanilang pag-aalaga. Ang mga batang ito ay walang mga magulang na gumagabay sa kanila. Kaya naman bata pa lamang ay nililinang na ang mga ito. Mahalagang matutunan ng mga ito ang maprinsipyong pamumuhay upang maging handa sila sa reyalidad. Lalo na at ang tamang pag-uugali ay isang kakulangan sa kasalukuyan.
Kaya nga at bilib na bilib siya sa persepsiyon ng may-ari ng bahay-ampunan. Hindi naman maipagkaila na maganda ang pagtrato ng mga manggagawa sa mga bata. Oo nga't, nakakagawa ang mga bata ng pagkakamali pero alam nila ang kanilang gumawa. Marunong silang humingi ng tawad at tanggapin ang pangaral ng mga nakakatanda.
Kaya naman hindi niya maipagkaila na kapag nandito siya sa bahay ampunan. Nararamdaman niya ang kasiyahan.