Chereads / Soul Solstice (Omnibus) / Chapter 4 - III

Chapter 4 - III

Napakabilis ng panahon, hindi niya akalain na apat na taon na pala. Apat na taong malayo sa reyalidad ng buhay niya. Maging sa mapanghusgang mga mata.

Minsan na rin niyang tinatanong ang sarili niya. Kung gugustuhin niya bang bumalik sa kulungan na iyon. Oo, kulungan iyan ang maitatawag niya.

Isang reyalidad na walang ginawa kundi pangunahan siya. Hindi dahil nagrerebelde siya, kundi pakiramdam niya lumiliit ang mundo sa kanya. Maging ang lahat ng gagawin niya ay mali sa kanila.

Hindi na niya kaya ang ganoong klase ng buhay. Tinatanong din niya ang kanyang sarili, kung sino ba siya. Nakakatawang isipin na hindi niya kilala ang sarili niya. Isa lang siyang walang silbi sa kanila - isang kahihiyan.

Sa mga taong lumipas na nakawala siya sa hawla. Naramdaman niya ang kasiyahan kahit na ba nag-iisa siya sa buhay. Walang kasintahan at malayo sa sosyaling komunidad. Isang simpleng tao na may maayos na trabaho, hindi niya ramdam ang pagkukulang na dapat niyang naramdaman.

Lunes iyon ng binalak niyang kausapin ang kanyang amo. Ngunit hindi natuloy dahil pinatawag siya nito upang pakiusapan na ilipat siya sa isang branch. Dalawang buwan lang at pansamantala lang iyon habang di pa nakakahanap ng kapalit, nagresign kasi ang dating manager. Walang sabi-sabing tinanggap niya ito. Upang makalayo sa taong naghahanap sa kanya.

Malayo ang munisipalidad ng Dalaguete, dalawang oras ang byahe ng bus mula ng Cebu. Nakapunta na siya sa lugar, maganda at hindi katulad sa Cebu na malaking syudad.

"Sigurado ka ba dito sa gagawin mo Hailey?" Pag-uusisa ni Amethyst, nang nalaman kasi nito na pumayag siya pakiusap ng tiyahin nito ay dali-daling pinuntahan siya.

"Sigurado ako. Huwag ka ng maalala, malayo ang Dalaguete. Sigurado ako na hindi siya pupunta sa lugar na iyon."

Alam kasi nito ang pinaka-rason niya kung bakit siya pumayag ng ganoon na lang.

Sino bang mag-aakala na ang isang kagaya niya, na lumaki sa Maynila mas pipiliin ang probinsyang katulad ng Cebu. Well, Cebu isn't bad. Hindi naman siya nagsisi na tanggapin ang alok ng kaibigan. Oo, si Amethyst. Dito sa Cebu lumaki ang kaibigan, napunta lang sa Maynila dahil nga nakatanggap ng magandang opportunidad sa pag-aaral. Nang natapos sila ng kolehiyo, nagdesisyon itong bumalik na kasama siya.

"Nag-aalala lang naman ako sa iyo."

Napabuntong hininga siya sa inasal nito. "Ganito nalang, tatawag ako sa'yo kapag naka-aberya." Suhestiyon niya.

Hindi din naman niya ito masisi. Sa mga taon ba naman na kasama niya ito ay tanging pang-unawa ang binigay nito sa kanya. Noong mga panahon na kailangan niya ng karamay, si Amethyst ang nandiyan.

"Sabi mo iyan ah."

Napailing nalang siya, para talaga itong bata o mas tamang sabihin madalas ay may pagka-isip bata ang kaibigan. Nasanay na nga lang siya. Isa pa ito lang naman ang naging kaibigan niya - matalik na kaibigan.

"Oo."

Hindi rin naman niya gugustuhin na mag-alala pa ito sa kanya.

...

Katulad nga ng napag-usapan ay lumuwas siya ng Dalaguete kinabukasan. Pansamantala muna siyang tutuloy sa apartment, kilala ng kanyang amo ang may-ari ng paupahan. Buong binayaran ang dalawang buwan na upa para naman wala na siyang isipin.

Naka-tiles ang sahig at naka-furnish rin ang dingding. May isang silid-tulugan na may built-in closet, sala na hindi naman ganoon kalakihan, kusina at ang hapag-kainan maging ang banyo ay magkasama na. Pang-isahang tao lang ang apartment.

Sinamahan siya ni Amethyst upang makita kung saan siya pansamantalang tutuloy. Tinulungan siya nitong linisin ang apartment.

"Kailan ka babalik sa syudad?" Tanong niya habang naghahanda ng meryenda.

"Sa makalawa, kailangan pa kitang ipakilala sa mga nagtatrabaho sa restaurant."

Ang kaibigan ang magpapakilala sa kanya sa branch dahil nga abala ang tiyahin nito. Nasa ibang bansa din kasi ang pinsan nitong si Sally na isang freelance Video Blogger. Madalas ay mga travel destination ang nasa Vlog niya. Masyado kasing lagalag ang isang iyon dati pa.

"Pano ang trabaho mo?"

"Nakapag-paalam naman ako sa boss ko."

Napaingos naman siya sa sinabi nito. "Masyado ka naman atang close diyan sa boss mo? To think na pinayagan ka without filing a days leave."

Napasimangot naman ito sa sinabi niya. Alam naman kasi niya kung ano ang ugali ng kaibigan. Paniguradong ginalit na naman niya ang pobreng lalaking iyon na sumakatuwid ay boss nito.

"Nga pala, bukas kita ipakilala sa restaurant ni tita." pag-iiba nito ng usapan, halatang iniiwasan nito ang tanong niya. She didn't insist. Alam naman niyang hindi pa ito handang magkwento sa kanya. May sariling buhay ang kaibigan, hahayaan lang niya ito.

"Sige."

Pagbalik niya, haharapin na niya ang taong 'yon. Hindi habang buhay ay makapagtago siya. Magpapahinga muna siya ng dalawang buwan at aayusin na din niya ang problemang tinakasan niya, ilang taon ng lumipas. Dalawang buwan, tama na iyon upang ihanda ang sarili niya.