Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Soul Reapers (Main)

🇵🇭Suno_san
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.1k
Views
Synopsis
Ang kwento ng babaeng hindi alam kung ano ba talaga siya...
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Ako si Seula Black. Simula noong nagkaisip ako ay nakakakita na ako ng mga kaluluwa, hindi lang ako dahil pati na rin ang pinsan at pamilya ko.

Ang pamilyang kinabibilangan ko ay kakaiba, alam kong Soul Reaper ang pamilya ng pinsan ko. Sampung taong gulang kami ng pinsan ko noong una akong nakahawak ng kaluluwa. Nalaman ko na nakakapag-patawid ako ng kaluluwa kahit hahawakan ko lang.

Pero noong nalaman ko na may mga masasama din palang kaluluwa ay tumigil na ako sa pag lapit sa kanila. Hanggang sa dumating ang araw na pinakamasalimuot sa amin ng pinsan ko.

Pag uwi namin sa bahay ay nadatnan nalang namin na duguan ang mga magulang namin at wala ng buhay. Isa, dalawa, tatlo... tatlong taon naming hinanap ang kaluluwa nila para makausap pero hindi namin nakita.

Mag mula noon ay hindi na ulit pinangatawanan ng pinsan ko ang pagiging Soul Reaper at hindi na rin ako humahawak ng kaluluwa.