Seula
"Kailan daw ba mag sisimula ang tatlong araw na walang pasok?" Tumigil muna ako sa pag babasa ng libro at tinignan si Rhino na nasa tabi ko.
Maaga pa kasi at hilig na talaga nila ni Raymond na mag hila ng upoan para tumabi sa amin ni Hiro.
"Bukas yata, bakit? Excited ka?" Umiling naman agad siya at biglang pumasok ang teacher namin kaya nag ayos na ng upoan.
"Okay class, since wala pa namang first grading examination ay may hahabol na mga transferee dito sa atin. Tahimik lang kayo pag mag papakilala sila okay?" Binuksan ni ma'am ang pinto ng classroom at bigla nalang akong nanghina.
Nakaramdam ako na parang hinihila palabas sa katawan ko ang kaluluwa ko at sobra akong namamawis.
"Seula, okay ka lang? Anong nangyayari sayo?" Umiling ako sa pinsan ko para sabihin na ayos lang ako. Pinilit kong labanan ang kakaibang nararamdaman ko at mas lalo pa itong lumakas noong may pumasok na tatlong tao. Dalawang lalaki at isang babae.
"Akagi Maru." Sabi noong lalaking matangkad na may itim buhok, seryoso ang tingin at nakakatakot.
Maya-maya pa ay nawala na ang nararamdaman kong kakaiba kaya nag pasalamat ako sa isip ko at umayos na ng upo.
"Blues Valdez." Sabi naman ng lalaking kasing tangkad noong Akagi na may kulay brown na buhok. Buti naman at mukhang maayos ang mga transferee.
"Claude Seonberg! Sana maging magkaibigan tayong lahat!" Nag hiyawan naman agad ang mga lalaki namin at seyempre mas malakas ang hiyaw nila Rhino at Raymond. Ang laki kasi ng hinaharap at mukhang nasa 20 na ang pangangatawan niya. Mga lalaki talaga.
"Salamat sa pagpa-pakilala, pwede na kayong umupo sa mga bakanting upoan." Nakatitig lang ako sa kanila habang nag lalakad sila at nagulat nalang ako dahil sa bakanting upoan na sa kanan ko umupo iyong babaeng pinagpala ng hinaharap, Claude ang pangalan niya diba? Limot ko na agad.
"Hi ang ganda mo naman!" Bigla akong namula sa sinabi niya, buti nalang inakbayan ako ni Hiro para humarap na sa black board at makinig sa klase.
"Huwag kang lalapit sa tatlong yan, iba ang pakiramdam ko sa kanila." Pasimpling bulong ng pinsan ko habang pareho kaming nakatingin sa unahan.
"Bakit naman? Ano ba ang naraaramdaman mo?" Nagulat nalang ako dahil hinawakan ni Claude ang braso ko at bahagya akong hinila kaya napabitaw si Hiro sa pagkakaakbay sa akin.
"Ano yun?" Mahinang tanong ko pero ngumiti lang siya. Ang weird niya. Nakakatakot naman ang babaeng ito.
Akagi
Pag upo ko pa lang ay nakatitig na ako sa babaeng katabi ni Claude, noong papasok pa lang kasi kami ay naramdaman kong gumalaw ang detector sa bulsa ko at siya agad ang nakita ko kaya siya agad ang suspect pero gagamitan ko ulit siya ng detector para makasiguro ako.
Habang nag sasalita ang guro sa harap ay bigla nalang siyang inakbayan ng lalaking katabi niya at hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa nakikita ko.
Ganito ba ang mga kabataan ngayon? Masyadong nagmamadali sa pakikipagrelasyon. Hindi magandang tignan para sa mga kabataang nag-aaral pa.
"Capitaneus, parang pinapatay mo na sa isip mo ang lalaking iyon ah." Sinamaan ko ng tingin ang second Lieutenant ko na si Claude na nasa harapan ko nakaupo.
"Makaakbay kasi parang walang nag tuturo sa harap. Mga bata nga naman ngayon." Nasabi ko nalang dahil wala naman akong maidahilan sa kanya kung bakit masama ang tingin ko sa lalaking iyon. Hindi ko rin naman kasi alam. Basta mga bata pa sila.
Bigla nalang niyang hinila ang babae kaya napatingin sa kanya, napapailing nalang ako dahil sa ginagawa ni Claude. Pasaway, mas matanda pa nga pa nga siya ng dalawang taon sa akin.
Seula
Saktong tapos ng klase namin at recess na ay tinawag naman agad si Hiro dahil may meeting daw sila sa Student Council. Officer kasi ang pinsan ko kaya kailangan nandoon talaga siya.
Sila Rhino at Raymond naman ay kailangan sa sila sa practice ng basketball kaya mag isa ako ngayon. Wala kasi akong sinalihan sa school dahil hindi naman ako sporty at hindi rin ako mahilig sumali pag may election sa school.
"Hi! Mag isa ka? Sama ka sa amin? Sa rooftop kami kakain!" Napatingin ako kay Claude at naalala ko naman ang sinabi ng pinsan ko. Huwag daw akong mag lalapit sa kanila, pero mukhang mababait naman sila eh.
"Ah, oo. Wala kasi ang mga kasama ko." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa pinto kung saan nakatayo ang dalawang lalaki na transferee din. Sila Blues at Akagi.
"Tara! Kasama natin si... teka ano nga pala ang pangalan mo?" Napaatras ako ng kaonti dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Uh-ako si Seula, Seula Black." Hinila niya ulit ako at nakisabay na kami sa dalawang lalaki.
"Seula, Old High German ng Soul. Tama ba?" Tumango ako kay Blues. Mabait naman pala sila Blues at Claude, ewan ko lang kay Akagi kung ano ang ugali niya. Hindi pa kasi niya ako kinakausap.
Habang paakyat na kamin sa rooftop ay bigla nalang may lumitaw na multo ng babae sa harap ko at sobrang lapit ng mukha namin kaya napahiyaw ako at tinakpan ko agad ang mukha ko dahil sa pagkabigla.
"Seula, anong nangyari sayo? Ayos ka lang?" Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa mukha ko at napahinga ako ng malalim dahil wala na ang kaluluwa. Aatakihin yata ako sa puso.
"Ayos lang ako" Nag patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa rooftop. Umupo kami sa may lilim at nilabas na agad nila ang pagkain nila.
Tig-iisa sila ng biscuit pero napansin ko na tinititigan lang nila iyon. Hinayaan ko nalang muna at nilabas ang dalawang Dutch Mill ko at dalawang balot ng biscuit din.
Bubuksan ko na sana ang biscuit pero napansin kong nakatingin pa rin sila sa baon nila.
"May problema ba?" Natauhan yata sila dahil sa tanong ko. Nagulat pa nga.
"Paano ba buksan to?" Eh?
"Hindi mo alam buksan yan? Hindi ka pa nakakain niyan?" Umiling naman agad si Claude at ganoon din si Blues. Seryoso? Saan ba sila nanggaling?
"Wala kasing ganito sa amin." Ang weird lang talaga. Taga saan naman kaya sila at bakit walang ganito sa kanila? Imposibling walang biscuit sa kanila.
Huminga ako ng malalim at pinakita ko sa kanila kung paano ko binuksan ang biscuit ko. Napatango-tango naman silang dalawa ni Blues habang si Akagi ay natahimik lang na nakatingin sa amin.
Nilagyan ko na din ng straw ang Dutch Mill at inabot ko kay Claude ang isa. Para naman siyang naweirdohan sa inabot ko.
"Tikman mo, masarap yan. Strawberry flavored." Tinanggap niya naman at sumipsip sa straw.
"Oh! Masarap nga! Tikman mo Blues! Tikman mo din Capitan-este Akagi!" Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang dahil malapit na mag time.
First impression kay Claude, weird. Kay Blues, matalino na weird. Kay Akagi? Tahimik, seryoso at nakakatakot.