Chereads / Soul Reapers (Main) / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Seula

Nag lalakad kami ng pinsan kong si Hiro papunta sa school, as usual tahimik lang siya at laging nakakunot ang noo. Marami tuloy ang natatakot sa kanya dahil sa pinapakita niyang mukha.

"Pag natapos ang P.E natin samahan mo ako sa grocery store, wala naman tayong trabaho ngayon." Tumango ako sa pinsan ko at sabay kaming pumasok sa classroom.

May part time job kasi kami sa isang coffee shop. Iyon lang ang bumubuhay sa aming dalawa dahil naman kaming ibang pamilya.

"Hiro! Seula! Good morning!" Nilapag ko ang bag ko sa mesa bago humarap kay Raymond, isa sa barkada ng pinsan ko.

"Good morning din. Nasaan si Rhino?" Umupo ako at tinignan ang pinsan kong nakayuko na agad sa mesa niya. Siguro ay matutulog na naman.

"Papunta na siya dito, alam mo naman na lagi siyang nahuhuli sa klase." Hindi na nasundan pa ang paguusap namin dahil dumating na ang first subject at sakto naman na dumating din si Rhino, isa pang barkada ng pinsan ko.

Sila Raymond at Rhino lang ang may lakas ng loob na kausapin ako dahil barkada sila ng pinsan ko, iyong iba kasi natatakot dahil malayo pa lang iba na ang tingin ng pinsan ko. Ganyan siya ka-over protective.

"Malapit na ang first grading examination natin at meron kayong tatlong araw na walang pasok dahil dito gaganapin ang Boy Scout sa school natin. Inaasahan ko na mag aaral kayo sa mga araw na iyan. Okay class tapos na tayo, ayusin ang upuan para sa susunod na subject." Sumandal ako sa upoan ko at pinikit ang mga mata dahil malapit na pala ang exams.

Grabing pag susunog ng kilay na naman ang gagawin namin ng pinsan ko nito tapos may trabaho pa kami. Ang hirap talaga pag wala ng mga magulang. Kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa kahit sa murang edad pa lang.

"Group Study tayo Hiro, sa bahay niyo!" Binuka ko ang mga mata ko, nandito na naman ang dalawa sa harap namin.

"Sige, mag dala kayo ng bigas dahil walang libre sa panahon ngayon." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi ng pinsan ko. Kahit mukhang masunget ay maloko din minsan.

Bigla na lang akong natigilan dahil may nakita akong kaluluwa sa pinto ng classroom namin. Batang babae na naka-unifrom ng Elementary at may dugo sa ulo nito. Ibig sabihin ay bago lang siya namatay, pero bakit nandito siya sa high school?

"Huwag mo na pansinin." Binalingan ko ang pinsan ko dahil sa sinabi niya pero agad ko namang binalik ang tingin sa pinto. Nakita kong paalis na ang batang babae kaya nag iwas na din ako ng tingin.

Soul Reaper's World

- District 2 : Soul Reporters

1st seat (Capitaneus): AKAGI MARU

Habang nakaupo ay nakatingin ako sa malayo at iniisip ang mga nangyari anim na taon na ang nakalipas.

Tambak ang reports na may nag papatawid ng mga kaluluwa na hindi namin alam kung sino ang may gawa. Bilang Pinuno ng District two ay trabaho kong magsulat ng report tungkol sa mga taong pumanaw na. Nahihirapan ako dahil hinihingi ng Head Capitaneus ang report namin pero wala akong maibigay dahil wala ni-isa sa amin ang napatawid ng kaluluwa.

"Capitaneus may dalawang kaluluwa ang kailangan patawirin." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa isang kasamahan ko.

"Ipadala ang isang tauhan ng District 1, naramdaman ko na hindi lang dalawa ang tatawid sa mundo ng mga buhay. May isang dapat linisin kaya ipaubaya na sa kanila." Nag lakad ako palabas sa office ko.

"Opo Capitaneus!" Habang nag lalakad ako sa corridor ay nakasalubong ko ang Capitaneus at first Lieutenant ng District Three: Soul Guards o mga taga bantay sa mga kaluluwang tatawid na.

"Capitaneus Akagi, bakit nakakunot pa rin ang noo mo? Anim na taon ka ng hindi stress dahil wala ng mga tumatawid ng hindi mo alam kaya dapat relax ka na." Tumigil ako para magkaharap kami. One hundred eighteen na ako samantalang si Capitaneus Neo at Lieutenant Munji ay parehong one hundred Eigthy-three kaya dapat mag bigay galang pa rin ako.

"Pupuntahan ko kasi ang Capitaneus ng District five, itatanong ko kung nakompleto naba ang ginagawa nilang katawan ng kapareha ko para makapunta na ako sa mundo ng mga buhay. Kailangan ng mahuli kung sino man ang nag papatawid sa mga kaluluwa nang hindi ko alam." Tumango-tango naman si Capitaneus Neo at tahimik lang si Lieutenant Munji.

"Isama mo ang second seat at third seat ng district mo para hindi na kayo mahirapan, humingi ka na rin ng detector sa Capitaneus ng District five para mas mapadali ang gagawin mo." Suhestyon naman ni Capitaneus Neo at ngayon ko lang naisip na tama nga siya. Kailangan kong pag handaan ng maayos ang paghuli sa may sala.

Seula

"Ako na ang bahala sa pag luluto ng ulam! Ikaw naman Raymond mag saing ka." Pagod akong umupo sa sofa at napatitig sa kisame ng sala namin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang batang babae kanina, siguro ay nasagasaan siya at naligaw noong kaluluwa nalang siya. Pero bakit nga nandoon siya sa pinto ng classroom namin? Wala naman akong maalala na may ganoong mukha ang kapatid ng mga kaklase namin at kung meron man, dapat lumapit na siya sa kuya o ate niya.

"Iniisip mo pa rin iyong kanina?" Nabaling ang tingin ko sa pinsan ko na nag lalabas ng mga notes sa maliit na mesa dito sa sala. Huminga ako ng malalim kaya umupo sa tabi ko si Hiro at niyakap ako.

"Huwag mo na isipin iyon. Sinabihan na kita na huwag kana makialam dahil may magpapatawid naman sa kanila." Tumango nalang ako sa kanya at humiwalay sa yakap para kuhanin ang mga notes ko sa bag.

"Ikaw, kailan ka babalik sa pagiging Soul Reaper mo?" Natigilan ako sa sarili kong tanong at humarap sa pinsan ko para sana mag sorry dahil alam kong magagalit siya sa tanong ko.

"Sinabi ko na sayo, hindi na ako babalik sa pagiging Soul Reaper. Hindi ako babalik hanggat hindi kinakailangan." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kagagahan ko.

Naitanong ko pa tuloy sa kanya, nakalimotan kong ayaw na niyang maging Soul Reaper dahil sa nangyari sa mga magulang namin. Hindi ko kasi mapigilan ang bibig ko.

"Tapos na kami sa kusina! Kakain muna tayo? o mag aaral muna bago kumain?" Tanong ni Rhino sakto naman na tapos na akong mag labas ng notes.

"Kakain muna tayo para hindi na tayo maistorbo mamaya habang nag aaral." Sabi ni Hiro kaya tumayo na kami para kumain muna sa kusina.

Iisipin ko nalang sa ngayon ang babayaran namin sa kuryente at tubig dito sa bahay, tapos kunsumo pa namin sa araw araw kesa naman isipin ko pa iyong mga kaluluwang naliligaw.