Chereads / M2M SERIES / Chapter 242 - Jin (Chapter 87)

Chapter 242 - Jin (Chapter 87)

MAGULO pa rin ang isipan ni Jin sa mga nangyayari. Hindi na niya alintana ang kirot sa katawan dulot ng pananakit ng mga pulis na humuli sa kanya.

Nagpalinga-linga siya sa buong paligid. Hinahanap ng kanyang mga mata ang mga magulang. Ngunit mga taong hindi niya kakilala ang mga naroon. Iisa lamang ang nababasa niya sa mata ng mga tao; poot at galit.

Hindi pa rin niya mapatahan ang sarili. Mahigpit ang hawak ng dalawang pulis sa kanyang mga braso. Medyo nangangalay na rin ang mga kamay niya sa pagkakaposas ng mga iyon.

Nang sabihin sa kanya ng mga pulis ang rason kung bakit siya hinuhuli, iisang tao lamang ang naglaro sa kanyang isipan; si Din.

Hindi siya ang pumaslang kay Glen. Hindi siya mamamatay-tao at kailanman ay hindi niya magagawang pumatay.

Naka-record sa CCTV camera ang krimeng naganap. Hindi pa niya napanood pero gaya nga ng sabi ng mga pulis, kitang-kita sa video kung paano niya raw pinaslang si Glen.

Sa kabila ng lahat, tikom pa rin ang kanyang bibig para isiwalat ang buong katotohanan. Nahihirapan siyang ilaglag ang kambal niya.

Bago pa man siya maisakay sa patrol car ay may tumigil na pamilyar na sasakyan malapit doon.

Sumikip ang kanyang dibdib nang makita si Marian na lumabas.

"Hayop ka, Jin! Bakit mo pinatay ang kuya ko?" umiiyak na sigaw ni Marian kapagkuwa'y pinagsasampal nito ang mukha niya.

Hindi siya makaimik. Parang kailan lang ang dami pa nilang pangarap ng babaeng kaharap nang mga sandaling iyon.

"Mabulok ka sa kulungan!" patuloy ni Marian. "Pinagsisihan ko ang mga araw na naging bahagi ka ng buhay ko. Kung alam ko lang na isa kang krimenal, sana nakinig ako kina kuya Glen noon pa!"

Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang dibdib ni Jin sa pinagsasabi ni Marian. Mas masakit pa ang mga iyon kung ikukompara sa pananampal nito sa kanyang mukha.

"Tama na, Ma'am..." awat ng mga pulis.

Nagbaba na lamang ng tingin si Jin. Hindi niya kayang makita ang babaeng pinakamamahal na demonyo na rin ang turing sa kanya nang mga sandaling iyon.

*****

"ANAK, bakit mo nagawa 'to?" umiiyak na tanong ni Adela kay Jin.

Dinalaw siya ng kanyang mga magulang nang hapong 'yon. Hindi siya masyadong makatingin sa mga ito. Kung naaawa siya sa kanyang sarili, mas naaawa siya kina Ryan at Adela. Lihim siyang nagpasalamat na hindi sumama si Din dahil hindi pa niya kayang harapin ito.

"Jin, matibay ang ebidensiya laban sa 'yo. Napanood na namin ang video, 'nak. Hindi puwedeng self-defense lang ang ginawa mo kasi malinaw sa video na pinatay mo si Sir Glen ng walang kalaban-laban," sabi naman ni Ryan.

Napatingin siya sa kanyang ama. Pagkuwa'y sa kanyang ina. Napatanong siya sa kanyang isipan kung hindi ba talaga napansin ng mga ito na si Din ang nasa video at hindi siya.

"Jin, tapatin mo kami. Bakit mo nagawa ang karumal-dumal na krimeng 'yon? Hubo't-hubad ka pa sa video. Anak, ang dami naming hindi alam tungkol sa 'yo..." humihikbing turan ni Adela.

Tumulo ang mga luha ni Jin. Kahit sa sariling mga magulang ay hindi niya masabing si Din ang may kagagawan ng lahat. Walang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig basta napaiyak na lamang siya. Niyakap siya nina Adela at Ryan.

"Anak, kahit ano'ng mangyari nandito lang kami para sa 'yo. Mahal na mahal ka namin," sabi ni Ryan na hinihimas ang kanyang likuran.

Kahit papaano'y nabawasan ang bigat sa kanyang kalooban no'n. Talikuran man siya ng lahat, alam niyang kakampi pa rin niya ang kanyang mga magulang. Hinding-hindi siya iiwan ng mga ito.

"Hindi ka namin pipiliting sabihin ang lahat sa ngayon, Jin. Basta naniniwala kaming may rason kung bakit mo nagawa 'yon. Hindi ka krimenal, 'nak," sabi ni Adela.

"Gagawin namin ang lahat para kahit papaano mapagaan ang sentensiya mo rito sa kulungan, Jin. Maghahanap kami ng abogado," sabi ni Ryan.

"Huwag na, tay. Mahal ang serbisyo ng mga abogado. Ihingi mo na lang ako ng tawad kina Sir at Mam. Baka 'pag kinalaban pa natin sila, pati ang pamumuhay niyo madamay. Wala na tayong magagawa," sabi niya na tila nawalan na ng pag-asa.

Nang ibalik siya sa selda, muling bumigat ang kanyang kalooban.

Naisip niyang masyado na siyang nagpapakatanga dahil kay Din. Hindi niya lubos-maisip na gano'n ang kahihinatnan ng lahat. Pati si Marian ay tuluyan nang nawala sa kanya.

"Don't be such a crybaby..."

Napatingin siya sa nagsalita. Si Alwyna iyon. Isang bakla na nahuli dahil sa pamumugaw ng mga kabataan. Hindi naman halata sa hitsura nito na isa pa lang bakla. Mahigit dalawang taon na raw ito sa kulungang iyon gaya ng sabi nito nang magpakilala sa kanya.

Sa totoo lang ay naiinis siya kung bakit pati sa kulungan ay may makakasalamuha na naman siyang bakla.

Natutulog ang dalawa pa nilang kasama roon na nahuli naman sa pagtutulak ng droga.

Nagpahid siya ng mga luha at nahiga sa higaan. Ayaw niyang pansinin si Alwyna.

"Masasanay ka rin dito, Jin. Ganyan din kami nang makulong dito. Huwag kang mag-alala, kapag kailangan mo ng magpapaligaya sa 'yo, nandito lang ako. If you know what I mean."

Naiintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin. Mga bakla nga naman, kahit saang lugar, burat pa rin ang nasa isipan.

"Alam mo bang ako ang tagabigay aliw sa dalawang 'yan at iba pang priso rito na naghahanap ng mapaglabasan ng init ng katawan? Mahirap ang matigang. Masakit sa puson." Tumawa si Alwyna.

Napabuntong-hininga si Jin. "Huwag mo nga akong igaya sa kanila. Hindi ako pumapatol sa mga bakla. Kung malilibogan man ako, may mga kamay akong puwedeng gamitin!" medyo malakas ang boses na sabi niya.

"Grabe ka naman, Jin. Masyado kang hot. Let's see kung makakaya mo ba. Iba pa rin ang sarap na dulot ng bibig kaysa kamay. Magaling pa naman akong mang-deepthroat. Base sa bukol mo sa harap ng pantalon, alam kong mapapalaban ang lalamunan ko sa 'yo..."

Bumangon siya at hinarap si Alwyna. "Hindi mo ba talaga ako titigilan? Alam mo ba kung bakit ako nakulong, ha?" pagalit na niyang turan.

Subalit tila wala namang epekto ang sinabi niya sa kaharap na bakla. Pangiti-ngiti lamang ito at hinahagod pa ng tingin ang kanyang kabuuan.

"Nakapatay ka. So?" sabi nito.

"Kaya huwag kang magtatangkang bastusin ako dahil baka mapatay rin kita!" matigas niyang sabi.

Muling tumawa si Alwyna at humiga sa higaan nito.

"You know what? Mga ganyang tipo ang gusto ko sa mga lalaki. I love bad boys..." malandi nitong sabi.

Napabuga siya ng hangin at muling humiga. Noon niya naramdaman ang panglalagkit ng buong katawan. Hindi pa siya nakaligo at nandoon pa rin ang laway ni Glen.

Ipinikit niya ang mga mata. Sa totoo lang ay wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay ngayong nakakulong na siya.

"Diyos ko! Bakit kailangang ako ang magdurusa nang dahil kay Din?" sa isip niya.