ANG tagal naman dumating ni Bella. Kanina pa niya ito inaantay, malapit na rin magsimula ang klase pero wala pa ito. Speaking of Bella, nandito na din sa wakas ang bestfriend niya na nagmamadaling umupo sa tabi niya. Ngumiti ito sa kanya ng makaayos ito ng upo.
Her brows rise up. "Bat ngayon ka lang?"
"Sorry sumabay kasi ko kay kambal." Sabi nito habang inaayos ang gamit nito. Kaya naman pala. "Btw… Fei dito na mag-"
Hindi na natapos pa ni Bella ang sasabihin nito ng biglang may sumigaw na mga estudyante mula sa labas.
"YAAHHH ang gwapo naman nila"
"ANAKAN NYOKO "
"CLAY ANG GWAPO MO!! AKIN KA NALANG"
"OMYGOSH!! CLAY SMILED!!"
"RYDER ASAWA KO RAPE-IN MOKO"
"RYDER ANG HOT MO"
Seriously rape-in. Tanga ba yung babae na 'yon? Kababaing tao nito sasabihin niya yon. Bitch.
Natahimik ang mga kaklase niya ng biglang nagsi-pasok ang tatlong lalaki. Pinag-masdan niya ang mga ito, may mga itsura naman silang lahat, halatang mayayaman dahil sa mga kilos nila at porma, mukha din na mayayabang lalo na yung nahuhuling maglakad. Naka earphone ito at dirediretso lang ang lakad nito sa dulo malapit sa upuan namin. Wait namumukhaan niya yung nahuhuli. Saan nga ba niya nakita ahhh... tama sya yung walang hiya na lalaki na bumangga sa balikat niya kanina.
Naman… kakasabi lang niya na sana wag na pagtagpuin landas nilang dalawa. Kaso mukhang may galit din sa kanya ang tadhana. Kaya pinagtagpo ulit ang landas nila.
Lumapit yung isa samin o mas tamang sabihin na kay Bella ito lumapit. "Bella sumabay ka na samin mamayang lunch." Ani ng lalaki. Salitan niyang tiningnan si Bella at yung lalaki, magkamukha ang dalawa. Who is he? Bakit nito kamukha ang kaibigan niya?
"Okay Kuya. Btw this is Feira my bestfriend, siya yung kwinekwento ko sayo dati pa and Fei this is my twin, Kuya Clay." Eto pala yung kakambal ni Bella, kaya naman pala mag-kamukha sila. Ang pinagkaiba lang ay yung hugis nang mukha nila at korte ng labi.
"Hello Feira. So ikaw pala yung bestfreind ni kambal na laging bukang bibig niya." Nakangiti na sabi nito.
Ginantihan din niya ito ng ngiti. "Hello Clay."
"Come with Bella. Sumabay na kayo samin mamayang lunch." Aya nito sa kanya.
"Okay" Wala namang masama di'ba. Kambal naman ito ni Bella, kaya okay lang.
Napatingin siya sa gawi nila Clay. Napansin niya na ang sama makatingin nung kasama nito- yung lalaki na bumanga sa balikat niya.
"Good morning class." Hindi na niya napansin na nakapasok na pala si Ma'am Diaz, dahil sa kakatingin niya sa lalaki nayon. "Ohh may transferee pala. Boys come here in front and kindly introduce yourselves."
Naunang tumayo si Clay at pumunta sa harap para magpakilala. Habang ang dalawa naman nitong kasama ay nanatili lang nan aka-upo.
"Clay Alister Chu nice to meet you all." Nakangiting pakilala nito. Kaya naman ang mga kaklase niyang babae ay daig pa ang nasilihan ang mga puwit… I means parang mga kiti kiti. Mga hindi mapakali. Nakakita lang nang gwapo kung magartihan ay ganon na lang.
Nagtaas ng kamay yung isang alipores ni Jessica, I don't know her name kahit na kaklase niya ito. And ang dalang din naman kasi pumasok ng grupo ni Jessica kaya talaga hindi niya makikilala ang mga alipores nito na dinaig pa ang clown sa perya sa kakapal ng make up sa mukha.
"Yes Ms. Ramos?" The Prof asked.
This Ms. Ramos stood up. "Clay your last name is Chu right?" Tumango lang ang lalaki, kaya pinagpatuloy nito ang tanong. "So ka-ano ano mo si Bella." Napansin din pala nito.
"Twins." Simpleng sagot nito at hindi na muli nagsalita pa.
Walang nang nagsalita kaya sumunod na nagpakilala ay yung isa pa nakasama ni Clay. He looked like a german or something.
"Clark Ford" Yun na yon. Ang tipid naman nang sinabi nito. Sabagay nakakatamad naman magpakilala parang elementary lang. After nito sabihin ang pangalan ay bumalik na ito sa upuan nito kanina at ang tumayo naman ay yung lalaki na nakabungguan niya sa café.
"Ryder." Sabi naman nung lalaking mayabang. Ang sama naman makatingin ahh. Paikli ng paikli ang pakilala nang mga ito. Kung si Clay ay buo tapos may pa Q&A pa, habang si Clark naman ay pangalan lang at apelyido, itong si Ryder naman first name lang ang binanggit. Aba malupet!
Natigil siya ng mapansin niya ang tingin na binibigay nito sa kanya. Shemay mukhang namukha-an pa siya. Bakit baa ng malas niya, wala naman siyang balat sa pwet.
Agad pina-upo ni Ma'am Diaz ang ito pagkatapos magpakilala. At yung Ryder mayabang naman nayon talagang dumaan pa sa harap ko. Halata na sinasadya nito na makita siya.
"We meet again, stupid.." He whispered. Sinamaan niya ito ng tingin. Maka stupid kala mo kung sinong matalino. Ang yabang talaga pasalamat ka mabait ako ngayon kaya sa salita muna kita papatulan.
"Jerk" aniya. Pero tuloy-tuloy lamang ito hanggang sa makaupo na at dumukmo. Kita mo na bastos talaga. Hindi man lang makinig sa Prof na daldal ng daldal sa harap.
After three hours, lunch na din saw akas at papunta na kaming Cafeteria ngayon. Nauunang naglalakad yung mga lalaki na sina Clay, Clark at yung mayabang na si Ryder habang sila naman ni Bella ay nasa likod ng mga ito.
Kanina pa kami napakilala ni Clay sa mga kaibigan nya. Kaya medyo hindi na siya ilang sa mga ito.
Ngayon niya lang naalala. So yung sinasabi ni Bella na bisita nila na kaibigan ng kambal nito ay yung jerk na nakabangga sa balikat niya at si Clark.
Tadhana nga naman masyado atang malupit sa kanya at masyado siyang love.
"Feira anyare pala at puro ka na naman sugat?" Bella asked me.
Shems.. napansin na ni Bella. Alam naman niya na kukulitin siya nito kapag hindi pa niya sinabi dito kung anong nangyari kaya sa huli ay kwinento nalang niya.
Galit na tinitigan siya nito. Okay??? "Iyang Mama mo talaga. Wala na ngang nagagawa sayo ng maayos sinasaktan ka pa." ani Bella, angerly. "Isa pa yang Tatay mo kinukunsiti pa Nanay mo. Magasawa talaga yang Mama at Papa mo."
���Wala naman ako magawa eh." I just smiled.
"Meron Fei, may magagawa ka umalis ka dun sa bahay ninyo. Yun lang puwede ka naman samin tumira." Iyon ang ayaw niyang mangyari. Ilang beses na nito akong pinapaalis sa bahay namin pero hindi niya ito sinunod.
Ayoko. Pag umalis siya paano ang Lola, pagbumalik ito. Tiyak na hahanapin siya nito.
"Kaya ko pa naman Bella. Isa pa paano na si Lola, nagbakasyon lang yun kaya babalik 'yon sa bahay." She forced a smile.
Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin.
"Sigurado kaba na nagbakasyon si Lola Nita" Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi nito.
Slowly my smile faded.
Hindi sigurado si Feira pero iyon sa sabi ng Mama niya at iyon ang panghahawakan niya. At kung talaga nga na hindi naman talaga nagbakasyon si Lola, saan nila ito pinadala o dinala. Saka bakit papaya si Papa na ganon ang gawin sa Nanay nito, alam ng Ama niya na matanda na ito at kailangan na may kasama.
"Hindi ko alam, pero iyon ang sabi ni Mama." She whispered while playing her fingers.
"Hayst. Tara na nga na-una na sila Kuya." Anito sabay hila nito sa kanya. Nagpatangay naman siya sa kaibigan.
Pagpasok namin ay pinagtitinginan sila. Lalo na nung umupo sila sa table kung nasaan sina Clay.
Fuck!
I hate attention.
Tumayo si Clay. "Ako na oorder ng pagkain ninyo ni Feira." Sabi nito kay Bella bago umalis at kumuha nang pagkain nila.
Shemay naman... Makatingin wagas. Nakakaasar na…
Isa pa itong lalaki na ito sa harap niya. Ang sama makatingin, para ba na any time manunugod na ito at sasakmalin siya.
Kaya hindi rin siya nagpatalo, sinamaan niya din ito ng tinggin. Walang gustong sumuko at magbaba ng tingin sa amin. Bakit ang ganda ng mata nito, kitang kita niya ang magandang kulay ng bilugan nitong mata. Mata palang nito nakakaakit na.
"What are you doing, stupid?" He hissed.
"What do you think, jerk?" She mimicked.
Lalo sumama itsura nito dahil sa panggagaya na ginawa ni Feira. Bat ang gwapo parin nito kahit mukha na itong pinagsukluban ng langit at lupa? Wait what did she say? Ito gwapo? Heck ang pangit pangit nga nito eh. Gutom na talaga siya kaya kung ano ano nang pumapasok sa isip niya.
"Hi Ryder.. pwede ba kami maki-share ng table? Wala na kasing available." Pa-cute na sabi ni Jessica sa lalaki pero hindi nito pinansin ang babae. Nag hahasik na naman ito ng KALAN.
KALANdian.
Saka puwede ba tigilan nito ang pagpapa-cute kasi hindi bagay. Mukha itong aso ng kapitbahay nila na hindi naalagaan ng maayos. Yung may mga sugat na kasi kulang sa aruga ng amo. Ganon na ganon na si Jessica at ang alipores nito.
"No" Ryder said, flatly.
"Bella…." Humarap ito kay Bella at nag pa-cute na naman.
Nakakawalang gana pagganito ang makikita mo pagkakain ka.
"Stop it, Jessica. Hindi ka cute okay." Naasar na sabi ni Bella.
Nagtawanan naman lahat dahil sa sinabi ni Bell. That's my bestfriend, palavarn.
Umirap at nagdadabog na umalis si Jessica kasama yung mga alipores nito. Bitches.
"You're the best Bell." Halos hindi na siya makahinga kakatawa.
"Stupid stop laughing."
Ano na naman ba problema nito, pati pagtawa niya pinapakialaman nito.
Sasagutin na dapat niya ito nang dumating si Clay na bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain nila ni Bella.
"Thank you." Aniya kay Clay. Nginitian lamang siya nito. Ngayon niya lang napansin sa kanilang magkakaibigan si Clay ang pala tawa, Clark is the quiet type, at si Ryder the jerk ay mainitin ang ulo at snobber. Kala mo naman ikina gwapo nito. Hmp.
Maagang natapos yung klase, may biglaang meeting daw kuno kasi. Si Bell naman ayon kasama ng kambal nito magmo-mall daw. Bonding daw ganon, namiss raw kasi nila ang isa't-isa.
Palabas na sana siya ng gate ng biglang may humintong puti na kotse sa harapan niya. Bumaba yung bintana kaya nakita niya kung sino yung driver.
"Get in."
"Why?" takang tanong ni Feira dito.
"Just get in."
"Ayoko." Saka siya nagumpisang maglakad na.
Hindi pa man din siya nakakalayo ay may humatak na sa kanya. At kinaladkad siya papuntang sasakyan.
"Ayoko nga di'ba? Mamaya kung saan mo lang ako dalhin." Tila hindi siya nito naririnig. Binuksan nito yung pinto at tinulat siya papasok.
Bwiset nayan, wala man lang pagka gentleman itong luko na'to. Muntikan pa siyang mauntog.
Masama niya itong tiningnan ng makapagsok siya ng kotse.
"Hahatid lang kita, utos ni Bella" Simpleng sabi nito.
"Then hindi ito yung daan papunta samin."
"I know samahan mo muna ako kumain nagugutom na ko," Anito sa kanya at saka pinaandar na ang kotse.
"Tsk" Asik niya dito.
Kahit naman tumanggi siya dito ay ito parin ang masusunod dahil ito ang nagda-drive ng sasakyan. Pero ano ang pumasok sa isip ni Bella at uutusan niya ito na ihatid siya sa kanila. Naku, kung ano man ang plinaplano nito, humanda ito sa kaniya.