Tahimik sa loob ng sasakyan, walang may gusto magsalita. Pasulyap sulyap lang si Feira sa lalaki. Ang akward sa loob nang kotse nito…
"Don't look at me like I did something wrong." Masungit na sabi ni Ryder sa kaniya. You did something wrong, gusto niya iyon sabihin sa lalaki pero pinigilan niya ang sarili niya.
She sighed. "Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"
"Eat after that we will go in our house." House?
"What? Anong gagawin ko sa inyo."
Tumingin ito kanya at agad din binalik ang tingin sa harap bago sumagot sa kaniya. "Meet my parents."
Wth!! Hindi nga sila close tapos may pa-meet the parents na agad. Fucking tape. Bakit bigla bigla na lang ito mantatangay tapos sa bahay pa dadalhin.
"Explain mo kaya sakin, hindi yung ang tipid tipid mo magsalita hindi ko tuloy maintindihan yung ibig mong sabihin. Explain mo yung mahabang mahaba." Sabi niya dito habang nakatingin sa lalaki na nagmamaneho at sumenyas pa rito ng mahaba. Umiiwas siya ng tingin ng pumasok sa isip niya na ang pangit pakinggan nang sinabi niya.
"Ano ba gusto mo ipaliwanag ko? Na mahabang mahaba." Pangaasar nito sa kaniya. Ginaya pa nito ang ginawa niya. Buwiset na lalaki 'to.
She rolled her beautiful eyes. "Just explain why would you take me in your house because I don't have any idea why would you do that."
Hindi na kasi niya alam ang sasabihin o sasagot niya dito, I mean ni hindi nga niya alam kung anong plano nito at may ganito pa itong nalalaman.
Sinamaan siya nito ng tingin. "Because you're stupid." Bulong nito pero rinig na rinig naman niya.
Siya na nga itong dadalhin na lang biglaan sa bahay nito siya pa ang sinabihan ng stupid. Aba! Talaga naman.
"Wag kang bulong ng bulong rinig ko naman." Ani sabay irap at bumulong. "Jerk."
Hindi na ito sumagot kaya tumahik nalang siya.
Ilang sandali ay huminto ang sinasakyan nila sa harap ng isang fast food. Nauna itong bumaba kaya sumunod siya. Hindi man lang siya nito pinagbuksan. Paglabas niya ay nagulat siya dahil yung fast food pala na kakainan namin is sa Mcdo.
Isang Ryder kakain sa Mcdo ang labo naman yata pero okay na din kasi favorite ko kumain dito. Sana din ay libre, nagtitipid kasi siya ngayon. Dahil nga pinangbayad niya yung natitirang pera niya na panggastos sa isang lingo kay Aling Susana.
Humarap ako dito. "Sure ka ba na dito tayo kakain?" Pero itong lalaki na'to ay umirap lang. Is he gay? Kanina pa kasi ito irap ng irap sa kaniya.
Nang pinagbuksan kami ng guard ay nagpasalamat lang ako habang ang kasama naman niya ay tuloy tuloy na sa paglakad. Nang mahabol niya ito ay hinitak niya ito sa upuan na bakante na nakita niya sa gilid.
Umupo na sila pero gulat na tumingin siya sa lalaki na bigla na lang nagtaas ng kamay animo nagtatawag ng waiter. May ilan na natatawa dahil sa ginawa nang lalaki.
Nagulat siya sa ginawa nito kaya naman agad niya hinatak pababa ang kamay ng lalaki. Seriously? What he's thinking?
"What??" Takang tanong nito sa kanya habang nakakunot ang mga maganda at makinis na noo nito.
"Anong what ka dyan? Ano sa tingin mo ginagawa mo at tinaas mo kamay mo." Masungit na tanong niya ditto.
"Calling the waiter, stupid." At umirap pa sa kanya.
I rolled my eyes. "Tsk sorry to disappoint you jerk, pero walang waiter sa Mcdo na lalapit, magdadala ng menu at tatanungin kung anong order mo gaya nang inaakala mo." Pagkasabi ko noon ay tinuro ni Feira yung counter. "Kita mo 'yon, dyan ka pipila at yung babae na yon duon mo sa counter sasabihin yung order mo, dun ka din magbabayad, and lastly dyan mo kukunin yung order mo." Mahabang paliwanag niya ditto habang tinuturo ang mga sinasabi niya.
Sasaki tang ulo niya pag-ito ang kasama niya. Paano kaya kung dalhin niya sa karinderya si Ryder edi baka masmalala pa ang gawin nito.
Nakita niya na panaka naka ng tingin si Ryder sa counter bago ito tumayo.
He stand up. "Ako na o-order"
"Sure ka?" Tanong ni Feira dito. Mukang hindi pa naman sanay itong lalaki na'to. Mamaya may gawin na naman ito na kalokohan.
Hindi pinansin nang lalaki ang tanong niya.
"Anong o-orderin ko sayo?" Tanong ni Ryder sa kanya.
Dahil ayaw nitong magpaawat ay hindi na niya ito pinigilan. Titingnan na lang niya ito at pag may mali itong ginawa ay saka na lang niya susundan ang binata."Ala king tapos pa upgrade mo yung fries." simpleng sabi niya dito.
"Yun lang?"
"Oo."Pagkatapos niyon ay pumunta na ito sa counter. Hindi naman ganon kahaba ang pila pero nagtaka si Feira kung bakit halos lahat ng babae na nasaunahan ng pila ni Ryder ay pinapauna ito.
Ano na naman kayang pakulo nito at bakit ito pinapauna sa pila? Naku… Naku…
Ilang sandali lang ay natanaw niya na pabalik na ito, kaya naman inayos niya ang pagkakaupo.
Pagbaba nito ng inorder niya ay tinulungan niya itong magayos. Kung ano ang inordeer niya ay ganoon din ang kay Ryder. Walang labis walang kulang.
"Eat first saka ko sayo papaliwanag lahat pagtapos natin kumain." Sabi nito kaya naman nagumpisa na siyang kumian. Aba masarap kumain paglibre sa isip ni Feira. Pero bago 'yon ay sinigurado muna niya kung libre ba iyon. Masama na baka mamaya pagkatapos niya kumain ay hingian na lang siya ng bayad.
"Libre naman ito, di'ba?" She asked.
Ryder looked at me. I can see amusement in his face. "Yes."
"Thanks sa libre." Pasalamat niya dito pero tumango lang ito kaya naman tinuloy na niya ang pagkain niya.
Nauna itong matapos kumain kaya naman binilisan na niya. Baka singhalan pa siya nito dahil sa kakupadan niya kumain.
"Are you done?"
"Yup."
Umayos ito ng upo kaya naman ginagaya niya ito. Inayos muna niya ang pinagkainan atinilagay sa kabilang lamesa na walang tao.
"Be my girlfriend" Simpleng sabi nito na nagpagulat sa kanya. "Fake girlfriend actually." Habol pa nito.
Her eyes widened. What the fuck! Seryoso ba ito sa sinasabi nito?
"Why?" Iyan lang ang nasabi niya.
"Masyado nang makulit ang parents ko. Lagi nilang tinatanong sakin kung may girlfriend na ba ako? Gusto ko lang matigil na pagtatanong sakin at matapos na ang mga blind date na sine-set up ni Mom."
"Why me? Ang daming nagkakandarapa sayo and still you choose me?" Feira murmured.
"Because Bella know you. Nasabi sakin nito na you can do it." Wait.. What? Seriously Bell, ako talaga. Malamang pagnalaman ito ng magaling niyang nanay sakit sa katawan na naman aabutin niya nito.
"1 month ka lang naman magpapanggap na girlfriend ko after that wala na tayong koneksyon sa isa't isa. And I'll give you money after our pretending."
"Just 1 month okay." Hirit niya dito. I need money kaya papatulan na niya ang sinabi nito. Hindi naman dahil sa mukha siyang pera, I need the money na ibibigay nito para ipadala sa Lola niya.
"Sure. But don't fall in love with me." Nakangising sabi nito sa kaniya.
She rolled her eyes. "Sa tingin mo ba mahuhulog ako sayo? Pwede ba wag ka nang magpatawa."
"Sinasabi ko lang. I know that nobody can resist my charm." Proud na sabi nito sa kanya sabay tayo.
Padabog na sinundan ito ni Feira. Ang yabang talaga ng lalaki na'to. Wag na wag niya akong isama sa mga babae niya na humaling na humaling sa kaniya. Kasi hindi iyon mangyayari. Gaya nga nang sabi niya noon ay marami siyang bagay na kailangan gawin kaysa ang mahulog dito. Isa pa ay tiyak niyang masasaktan lang siya at sawang sawa na siya sa sakit kaya ayaw na niyang masaktan pa nang dahil sap ag-ibig. Baka hindi na niya kayanin pa ang sakit na mararamdaman.
"Faster." Sabi nito sabay sakay sa sasakyan. Tingnan mo talaga hindi man lang siya pinabuksan ng pinto.
Binilasan niya ang lakad at agad din sumakay ng sasakyan nito.
"Jerk" sabi niya rito sabay irap. Hindi siya nito pinansin kaya naman tumingin nalang siya sa gilid kung nasaan ang bintana para pagmasdan yung mga puno na nadadaanan nila.
Hindi nagtagal ay huminto ang kanilang sinasakyan sa harap ng isang magarang gate- kulay ginto ito na may kakaibang disenyo. Hindi kita ang nasa loob nito.
Bumusina ito at kaagad naman itong nakilala nung guard kaya agad sila nitong pinapasok. Ngumiti at binati kami ni Kuyang guard kaya ngumiti lang din siya dito pero itong katabi niya ay hindi man lang ito pinansin kaya wala nang bago doon. Sungit sungit buti na lang talaga gwapo ito.
Humanga si Feira sa ganda ng bahay o mas tama pang sabihin na mansyon. Napakalaki ng mansyon na ito. Ang lawak ng lupain nila Ryder at halata na naalagaan nang maayos dahil kita mula ditto ang mga naggagandahan na halaman at nagtataasan na puno.
Iba't-ibang klase ng nag-gagandahang halaman ang pumukaw sa kanyang paningin. Tila ba na inaakit siya ng mga ito. Well she love flowers, especially sunflower.
May nagbukas ng pinto kaya nagawi ang tingin niya dito, hindi niya napansin na nakababa na pala ang kasama niya hindi man lang kasi siya sinabihan.
"Let's go nagiintay na sila Mom." Simpleng sabi nito. Bumaba na siya sa sasakyan nito. Ibig sabihin ay alam at inaasahan na ng parents nito ang pagdating nila. Napatingin siya sa kamay niya ng may humawak rito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Feira tila galing siya sa mahabang pagtakbo. Hindi niya maintindihan ang sarili hindi naman ganito dati ang tibok ng puso niya pag may humahawak na lalaki sa kamay niya.
Hahatakin na dapat niya ang kamay pabalik ng higpitan nito ang paghawak sa kamay niya na animo ayaw siya nito pakawalan.
"Don't." Pagpigil nito sa kaniya.
Nagtataka siyang tumingin dito. "Kailangan ba talagang hawakan ang kamay ko?" tanong ni Feira.
Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Haharap tayo sa parents ko di'ba?" Tanong rin nito sa kaniya at isang tango ang ginawa niya bilang sagot dito. "Then we need to pretend that we love each other." He added.
Love talaga? Pero tama naman ito. Kailangan nila iapakita at kumbinsihin ang mga magulang nito na nasa isang relasyon silang dalawa.
"Okay. Kaninong mansyon 'to?" Hindi na ni Feira na tiis kaya nagtanong na siya. Gusto lang niya masigurado kung kanino nga ito. Ang ganda ganda kasi nito.
"Sa parents ko." Sabi nito sabay tinggin sa kanya. Wow, edi sila na mayaman, sa isip ni Feira. Sana ay magkaroon din siya nang ganitong kalaki na mansyon pagnakapag trabaho siya. Kailangan muna niyang maging isang bilyonaryo para magawa iyon, pero syempre malabo iyon na mangyari.
Nasa harap na sila ng malaking pinto. Bigla siyang kinabahan. Paano paghindi siya nagustuhan ng parents ni Ryder? Sabihin man natin na nagpapanggap lang sila pero haharap parin siya sa parents nito.
"Don't worry mabait ang parents ko especially my Mom." Pagpapagaan nito sa loob niya. Bumuntong hininga siya at tumingin dito, nginitian niya ito.
Tinulak nito ang pinto na may kakaibang ukit na disenyo. Kung maganda ang labas ng mansion, mas maganda ang loob nito.
I can't describe how jaw dropping the mansion is. From the interior design of it. Halata na pinagisipan at pinagplanuhan nang mabuti ang interior design ng mansyon.
May sumalubong sa amin na matanda. Naka suot ito ng maid uniform.
"Anak nandito ka na pala." Sabi nito saka humalik sa pisngi ni Ryder. "Siya na ba yung kasintahan mo? Kay gandang babae naman pala anak bagay na bagay kayo."
Lumapit ito sakin at niyakap siya. Nang bitawan siya nito ay pinakilala siya ni Ryder sa matanda.
"Manang this is Feira my girlfriend, love this is Manang Rosa ang mayordoma dito." he stated.
"At ako rin ang nagalaga dyan sa bata nayang nung maliit pa yan." Dagdag pa ni Manang Rosa.
"Manang tama na'yan, asan pala sila?" Tanong ni Ryder sa matanda.
Napatingin si Feira sa babae na bumababa sa engrandeng hagdan. Rinig na rinig niya ang ginagawang tunog ng mataas na heels nito sa marmol na sahig.
"Ayan na pala eh… maiwan ko na kayo diyan ihahanda ko na yung hapunan." Paalam nito sa kanila saka sila iniwan at pumunta na sa kusina.
When I glanced at the lady, she look stunning. Sa pananamit palang nito ay masasabi na niyang engrande at mayaman ito. Her angelic face- napakaganda para ba na wala itong problemang dinadala.
"Mom." Wait nanay ni Ryder itong babae na dyosa. Nilapitan ito ni Ryder para gabayan sa pagbaba ng hagdan. Wow, gentleman, but for her, he still a jerk.
"Son." She smiled at nagbeso sila ni Ryder. "You're with?" at tumingin ito sa kanya.
Nagbaba si Feira ng tingin, nahihiya siya dito. She examined me. Nakaka intimidated ang mga tingin na binibigay nito sa kaniya. Hindi tuloy niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Natatakot siya na baka may masabi siya o magawa na hindi nito magustuhan.
Lumapit ito sa kaniya kaya naman bigla siyang kinabahan. Rinig niya ang malakas na pagtibok nang puso niya. Nang mismong nasa harap na niya ito ay nagulat siya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan iyon mula sa Ina nang binata.