"You're so lovely." she said while smiling at her. Hinawakan nito ang pisngi niya na para bang pinapatingin siya nito sa mga mata. Kinakabisado ang mukha niya.
Feira was so confused. Kanina lang ay kung tingnan siya nito ay nakakatakot tapos ngayon ay mukha na itong mabait. Tama nga sila, don't judge the book by it's cover.
"Don't be shy hindi naman ako nangangagat." pagpapagaan nito sa kanya. "Please look at me."
Nahihiya man siya ay dahan dahan siya tumingin dito.
"Ang ganda mo po Madame para ka po na dyosa." Mabilis na sabi ni Feira na may ngiti sa mga labi. Hindi na niya pa napigilan ang sabihin ang salita na iyon. It's true this lady infront of me is like a goddesses.
Ryder's Mom mouth curved into a smile.
"Ano pangalan mo my future daughter in-law?" Kapagkuwan na tanong sa kanya nito at hinawakan pa ang kabilang kamay niya.
Grabe! Future daughter-in-law agad? Nagpapanggap lang naman sila pero mukhang iba ang iniisip ng Mom ni Ryder sa klase ng relasyon na meron sila.
She smiled. "Feira Tolentino Sy, Madame."
Natawa ito. "Wag mo na akong tawaging Madame mas gusto kong itawag sakin Mom or Tita Selene" sabi nito sa kanya.
"T-Tita Selene." Nahihiyaman siya ay tinawag niya itong Tita. Okay na siya sa Tita Selene kaysa sa Mom.
Niyakap siya nito, isang mahigpit na yakap. Yakap na alam niyang totoo.
Feira was fighting back her tears. Sana ay kaya din siyang yakapin ng magulang niya nang ganitong kahigpit at walang pagaalinlangan. At pagnangyari iyon ay tiyak niya na siya na ang pinakaswerte sa mundo. Mababaw man sa paningin ng iba ay mahalaga parin iyon sa kanya.
Gosh.. ayaw niyang umiyak lalo na at nandito si Ryder wala pa naman alam ito sa buhay niya. Nakakahiya na din kay Tita Selene.
"Mom tama na yan… Where's Dad?" Tanong ni Ryder sa ina habang hinihitak siya nito palayo kay Tita Selene.
"Anak naman ngayon mo na ngalang dinala dito girlfriend mo pipigilan mo pa ako, at yung magaling mo'ng ama naman ayon sa office niya sa taas… hay nako ewan ko ba dyan sa Ama mo nasa bahay na nga dinadala pa ditto sa bahay ang trabaho at iyon parin ang inaatupag." Mahabang sabi nito na tila naaasar base na din sa tono ng boses nito.
"Okay puntahan ko muna si Dad may kailangan pa daw kami pagusapan." At humarap ito sa kay Feira. "Babalik ako love dito ka muna kay Mom."
Ko-kontra pa sana si Feira pero tuloy-tuloy na sa pagakyat ang lalaki sa pangalawang palapag ng mansyon.
Habang inintay nila si Ryder at ang ama nito ay nagkwentuhan muna kami ni Tita Selene.
Marami si Feira nalaman tungkol kay Ryder. Isa na duon yung daddy's boy ito. Sabi pa nga ni Tita, noon daw iyak ng iyak si Ryder pag bigla raw nawawala si Tito.
Sobrang close daw ng dalawa kaya ang ginagawa ni Tita ay pinapasama niya si Ryder sa daddy nito. Sya rin pala yung panganay. May isa syang kapatid na babae pero wala daw ngayon ditto nasa ibang bansa daw iyon nagaaral kaya madalang umuwi dito sa Pilipinas.
Napagusapan din naming yung mga pasa niya sa katawan niya. Nung una wala talaga balak si Feira na ikwento iyon pero kinulit siya nito at sabi naman ni Tita ay mapagkakatiwalaan niya ito. Kaya kwinento niya rito ang lahat at sinabi rin niya na sana ay sa amin nalang dalawa yung pinagusapan namin. Pumayag naman ito.
"Kung sinaktan ka ulit ng parents mo at kailangan mo nang tulong puntahan mo lang ako. Wag kang mahiya na puntahan ako, Feira handa ako na tulungan ka." Anito. A single tear drop on his eyes. Pinunasan nito ang tumulong luha sa kaniyang mata at niyakap siya nang mahigpit.
"Maraming salamat Tita. Pero kaya ko pa naman po ang pananakit nila Mama. Magbabagoo din po sila." She says. I believe na magbabago din ang parents ko.
NASA HARAP na si Ryder ng office ng kanyang Ama. Kumatok siya ng tatlo beses at inantay ang Go signal ng Dad niya.
"Come in." Sagot nang nasa loob.
He opened the door. Nakita niya ang Ama na naka upo habang nakatutok parin ang paningin sa ginagawa nito.
"Dad." I called him. Nagtaas ito nang tingin.
"Son.. maupo ka." Ngayon ay nakatutok na sa kaniya ang tingin nito, hininto na rin nito ang binabasa kanina.
Umupo si Ryder sa sofa na nasa gitna nang opisina nito. Habang ito naman ay umupo sa bakanteng sofa sa harap niya. Nasa gitna nila ang coffee table maliit lang iyon.
"Nagawa mo na ba?" tanong ng Ama sa kaniya.
"Yes.. Actually I'm with her." Mabilis na sabi ni Ryder habang may malaking ngiti sa kaniyang mukha.
"Good… Ngayon pwede na nating gantihan ang mga magulang niya sa panloloko at pagnanakaw sa kumpanya." Tama kayo plano na namin ito sa umpisa pa lang, pero siya at ang Ama lang ang niya ang nakakaalam ng plano nila, kahit ang Ina ay hindi nila sinabihan, kasi siguradong magagalit ito sa kanila.
Ryder knew that walang kasalanan si Feira.
Gagantihan lang naman nila yung magulang ni Feira pero sa pamamagitan iyon ng dalaga. Sino ba naman ang magulang na hindi masasaktan pag nalaman na ginamit ang anak nito, di'ba?
Ang daming pwedeng nakawan na kumpanya ng magulang ni Feira pero sa kanila pa yung napili ng mga ito, mali ang mga ito nang nakalaban.
"Good job son." Puri pa nito saka siya inaya na bumababa na baka raw kanina pa nag iintay ang Ina niya sa baba.
Nasa hagdan palang sina Ryder ay rinig na ang masayang tawa ng kanyang Ina at ni Feira.
Lumapit si Ryder kay Feira, hiwakan niya sa baywang ang girlfriend, habang ang ama naman ay hahalik sana sa ina pero umiwas lang ito.
"Don't you dare?" Anito at masamang tumingin kay Dad "Diba busy ka sa office mo? Bakit ka bumaba, bumalik ka doon ?! Hmp.." Tila nagtatampong sabi ng ina.
"Stop it Hon…. Inantay ko lang talaga si Ryder dahil may kailangan kaming pagusapan." Palusot naman nito. Pero totoo naman kahit na alam niya na may tinatapos pa roon ang ama.
Her Mom looked at me. "Is that true, Ry?" Mom asked me.
"Son?" Ani nang Ama niya animo nang hihingi nang tulong sa kaniya.
Tinanguan ni Ryder ang Ina. Mukha naman naniwala ito, totoo naman may pinagusapan sila ng ama. Pero wala siyang balak na sabihin ditto kung ano ang pinagusapan nila.
"Siguraduhin niyo lang na dalawa na wala kayong gagawing kalokohan na ikakapahamak ninyo. Lalo ka na Ryder magiingat ka sa mga ginagawa mo, baka hindi mo mapansin nasasaktan mo na si Feira" Mom explain. I know that.
Alam niya baling araw masasaktan niya si Feira pero wala siyang pakialam kasalanan iyon ng magulang nito. Hindi naman nila iyon gagawin ng Dad niya kung walang ginawa ang magulang ng dalaga sa kanila.
"So son, siya na ba yung girlfriend mo…. Hija nice to meet you." Lumapit ang Ama niya kay Feira balak nitong makipag kamay.
"Nice to meet you Sir." Aabutin na sana ni Feira ang kamay ng kaniyang Ama ng pigilan niya ito.
"Just call me Tito Alexander" Sabi ni dad habang natatawa. "So possessive, son." Pangaasar ng kanyang Ama, pero inismiran lang niya ito.
Alam ni Ryder na may plano ang Ama niya, pero sa ngayon hindi na muna niya iyon iisipin. Mag hihintay na lang siya kung ano ang iutos nito sa kaniya.
NAKAKATUWA ANG pamilya nila Ryder para sa akin. Napakabait nila Tita at Tito. Madali niyang nakagaanan ng loob ang mga ito lalo na ang si Tita Selene ang Ina ni Ryder.
Ngayon nandito na sila sa loob ng sasakyan ni Ryder, pauwi na kasi sila. Medyo nag tagal na nga sila doon dahil pinakain muna sila bago siya ihatid.
Walang nagsasalita sa kanila. Binuksan ni Ryder yung radio.
OMG sakto na favorite niya yung pinapatugtog.
Napangiti siya habang pinapakinggan yung kanta. Hindi niya na pinansin pa si Ryder, nagfocus lang siya sa pakikinig.
Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved
Pagsabay ni Feira sa kanta. Feel na feel niya ang pagkanta.
I'm going under and this time I fear there's no one to turn to
This all or nothing way of loving got me sleeping without you
Now, I need somebody to know
Somebody to heal
Somebody to have
Just to know how it feels
It's easy to say but it's never the same
I guess I kinda liked the way you helped me escape
Hindi nito napansin na kanina pa pala siya pinapanood nung katabi niya. Kita ang paghanga sa mukha ng lalaki.
"What?" tanong niya ditto. His eyes darted to me.
"Your voice..." Sabi nito habang pinagmamasdan parin siya. "Ang pangit ng boses mo." Pangaasar nito sa kaniya.
"Mas pangit ka." Sagot niya dito sabay irap. Bwiset na lalaki to siya na nga lang nakikinig ito pa may ganang magsabi na pangit boses niya, pero nahuli naman niya na kanina na nakatunganga habang kumakanta siya. Kunwari pa.
Ilang minuto lang ay tanaw na niya ang kanilang bahay.
Hininto nito ang sasakyan sa tapat ng gate. Hindi ito nagsasalita kaya bumaba na siya, bago niya isara ang pinto ng sasakyan ay sinilip niya ito.
"Salamat sa paghatid. Magiingat ka sa pagda-drive." Pa-alalang sabi niya rito sabay sarado ng pinto ng kotse.
Lumayo si Feira ng kaunti para maibaling nito ang sasakyan. Nagtaka siya ng hindi pa ito umaalis.
Problema nito?
Ilang sandali lang ay dahang dahan bumaba ang bintana ng sasakyan nang lalaki at saka lumapit sa kaniya.
Hindi inaasahan ni Feira ang sinabi nito sa kniya. Nakakabigla ang mga lumabas na salita sa bibig nito. Hindi niya akalain na sa isang Ryder Gibson manggagaling ang salita na iyon lalo na at nakilala niya ang lalaki na hindi ganoon.