Chereads / No More Promises / Chapter 16 - Chapter 15: Torn

Chapter 16 - Chapter 15: Torn

"Bakit ko naman gagawin ang gusto mo Denise?.." unti unti nang tumutubo ang galit na pilit kong binabalewala.

Tumayo sya't namaywang sa harapan ko. Tumingala ako. Sinamaan sya ng tingin. Bakit kailangang ako pa ang gumawa ng gusto nya?. Bakit hindi nalang sya?. Tutal sya naman ang may gusto kay Jaden diba. Oo. Gusto nya si Jaden na gustong gusto rin ni Bamby. Ngayon, ang gusto nyang gawin ko ay sirain ang pangalan ni Bamby kay Jaden para mabaling sa kanya ang buo nitong atensyon.

"Dahil sinabi ko.. " maldita nyang sambit. Nagpakawala ako ng sama ng loob. Kahit kailan, hindi ko talaga maintindihan ang ugali nya. "Dahil gusto.. o sige, mamili ka.." anya. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Ngayon, nakangisi na sya. Nakikita na nyang malapit na akong pumayag. "Sasabihin ko na may relasyon kayo ni Lance o gagawin ang gusto ko?. it's up to you couz.."

Pumikit ako sa kawalan ng pagpipilian. Anong gagawin ko ngayon?. Nasa pagitan ako ng sasabihin na ang totoo tungkol kay Lance. Wala namang namamagitan samin. Pero may bumubulong sakin na wag. Natatakot sa multo kahit hindi ko naman nakikita.

"Joyce, I'm waiting. what's your decision?. is it a deal or a no deal?.." ngiwi nya.

Malalagot ako. Kapag pumayag ako. Masisira kami ni Bamby. At si Lance. Ano nalang sasabihin nya sakin kapag pinahamak ko kapatid nya?. Damn! Nalilito na ako sa desisyon na susundin ko.

"Think. Kapag nalaman ito ng bff mo. ano sa tingin mo ang iisipin nya?.. hmm?.."

"Okay.. okay.." agap kong sagot kahit di nag-isip. Damn! Bitch!.

Mahina syang humalakhak. "Good gurl.. aasahan kita.." iyon lamang at tinalikuran na nya ako. Bumaba sya ng hagdan saka maarteng bumalik ng kanilang room.

Hawak ko ang aking sentido ng maupo muli. Ano ba itong pinasok ko?. Bakit ako ngayon ang nahihirapan?. Hindi dapat ako pumayag. Shit!. Ano bang nasa isip mo Joyce?. Bat di mo nalang kasi sabihin kay Bamby?. Ano namang sasabihin ko sa kanya?. Na gusto ako ng kuya nya?. DAMN IT! Paano ko naman sasabihin iyon kung hindi pa naman kinukumpirma ito ng kuya nya sakin. Baka isipin nyang assuming lang ako. Pagtawanan pa ako o di kaya'y kamuhiaan at layuan ng tuluyan.

Nakakabaliw naman!

Tama ba ang ginawa ko o mali?.

Hasyt! Ewan! Hindi ko alam!

Malalaman ko nalang nitong darating na mga araw. Kung anong ipapagawa ng hindi ko maintindihan na ugali ng pinsan ko sakin.

Now I'm torn again between two people. To Denise and Bamby. Between Lance and me. My feelings and the truths.

Pumapanig ako sa tama. Pero hindi pala iyon kadali. Kapag naipit ka o inipit ng iba, wala ka talagang ibang choice kundi gumawa ng ikalalabag ng konsensya mo. Ikasasakit ng ulo mo. O di kaya'y ikakahiya mo, buong buhay mo.