Chereads / No More Promises / Chapter 18 - Chapter 17: Bitch

Chapter 18 - Chapter 17: Bitch

Hindi ako agad nakatulog. Naglalayag ang isip ko. Nakailang tawag pa sya pero di ko na sinagot pa. Para saan pa?. Para lalo lamang akong kainin ng konsensya ko?. Para ipamukha sakin na mali nga talaga ang gawin ang plano ng pinsan ko.

Damn!

Paano ba iwasan ang dalawang tao na yun?.

Binubulong ng isip kong dapat kong iwasan si Lance subalit pinipilit naman ng puso ko na, wag. Dahil sya ang sagot sa mga problema ko. What?. Paanong sya ang naging sagot kung Isa nga sya sa dahilan ng sakit ng ulo ko ngayon?.

Si Denise naman. Di ko alam kung bakit lumipat pa sya ng school. Pribado naman iyon at maganda. Ano kayang dahilan nya?. Matagal na kasi akong di nakakapasyal sa kanila kaya di ko natatanong si tita. Tagilid kasi ang ugnayan namin ni Denise. Oo pinsan ko sya pero hindi ko madalas makuha ang dahilan nya kung bakit sya nagpapakasama sa paningin ng iba. Lalo na sa school. Hindi naman sya ganun kapag nasa bahay na. Nawiwirduhan talaga ako.

Pagkapasok ko ng room. "Nalingat lang ako saglit.. lumandi ka na?.." bigla ay paratang ko kay Bamby na

Nagulat sya. Natigilan. Hinayaan ang kamay na nasa loob ng kanyang bag. Inaayos nya ito kanina bago ako pumasok o may hinahanap. Bahagyang umawang ang labi sa nakakagulat kong bintang.

Nakokonsensya ako!!!

E bat mo pa kasi ginawa? Abnormal ka din Joyce!

"What did you just say?.." halata ang gulat at pagkabigla sa kanyang tinig. Sino naman ang di mabibigla?. Ang aga Joyce!

Lumunok ako ng mariin. Ang hirap namang magpanggap. Ang hirap namang manakit ng kaibigan. Sana mas pinili ko nalang na saktan ang sarili misno kaysa ang iba. Kaysa ang taong walang alam o inosente.

"Psh.. Don't english me, Bamby! wag kang umasta na parang inosente.." ang galing!. Pwede ka ng mag-audition bilang freelance artist Joyce! Napakahusay!. Nasisiguro kong, pumapalakpak na sa gilid gilid ang psychopath mong pinsan.

Nagkasagutan kami. Tingin ko na sarili ko ay mababang tao. Hindi ko maatim na nagawa ko iyon. Hindi ko matanggap na niloloko ko ang pinakainosente kong kaibigan. Na nagkataon pang kapatid ng lalaking kinababaliwan ko.

Wala kang kwentang kaibigan!

Lumipas ang oras na di ko sya tinapunan ng tingin. Gustuhin ko man, wala akong mukha na Ihaharap. Para saan pa diba?. Sinira ko na ang tiwala nya sakin. Sinira ko na ang pagkakaibigan naming dalawa. Ano pang saysay kung ngingitian ko sya?. Hindi ko yata kaya. Baka humagulgol lang ako sa harapan nya't, kamuhiaan ako bigla ng wala ng paliwanag. But I believe na di sya ganun. Sadyang, wala lang sa tamang huwisyo ang pag-iisip ko.

Lumipas ang araw ng di ko na sya nilapitan. Hindi ko kaya. Mas mabuti na rin iyon kaysa magpanggap na naman.

Nadadamdam ang puso ko sa tuwing nginingitian nya ako ng maganda. Damn Joyce! Ano ka ngayon?. Yung ginawan mo ng masama, ginagawan ka ng mabuti ngayon. Ano ha?.

"Good job couz.." palabas ako ng gym ng may magsalita. Nakahalukipkip sya habang nilalapitan ako. Uwian na kaya maingay ang buong gym.

Wala akong imik. Anong sasabihin ko?. Good job din sa'yo?. Oh fucking bitch!.

"Sure akong bukas.. iiyak na yan. kakahabol kay Jaden.." halakhak pa nya. Tinatanaw ang maingay nilang tawanan nila Winly at Karen.

Tahimik pa rin ako. Tamad magsalita. Bagsak ang balikat na tinalikuran sya.

"Yah!. Wait for me.. sabay na tayo.." hinabol nya ako hanggang gate.

Kung anuman man ang mangyari. Bahala na.