Chereads / No More Promises / Chapter 20 - Chapter 19: Tears are heavy

Chapter 20 - Chapter 19: Tears are heavy

Linggo ang dumaan. Lagi nalang akong malungkot. Si Bamby, hindi nya ako iniiwasan. Ako ang umiiwas. Di ko kaya eh. Pasensya na, best friend ko! Nag-init ang gilid ng mata ko ng maisip ang masasayang araw na kasama ko sya. Mga araw na wala pang problema. Mga araw na wala pang gulo o kumoplikadong sitwasyon. Si Lance naman. Ewan ko kung bakit bigla syang nanlamig sakin. Ni hindi nya ako matapunan ng tingin o mabigyan ng isang sulyap man lang. Nasanay nga yata ako sa presensya nya tuwing ako'y mag-isa dito sa kubo. May alam na ba sya?. Bakit bigla syang umiwas?. Mga katanungan na di ko kayang sagutin ngayon. May parte sa puso ko ang nanghihinayang sa mga panahong andito sya sa tabi ko na binalewala ko lang. Ngayon, hinahanap ko na ang pabango nya. Ang marahan nyang haplos sa likod at buhok ko, maging ang bansag nyang baby.

Baby. Malungkot kong bigkas sa mainit na hangin na humaplos saking pisngi. Pakiramdam ko. Sya iyon. Nasaktan na naman ako sa katotohanang, wala sya ngayon sa tabi ko. Hindi ako nagdedemand. Sadyang, nasanay na nga talaga ako sa kanya.

Nanlabo ang paningin ko kaya't sumandal ako at tumingala sa bubong ng kubo. Pinisil ang ilong upang wag matuloy ang luhang gustong bumagsak.

Dumagdag pa sina mommy. Naghiwalay na pala sila ni Daddy ng di ko man lang nalalaman. Kaya pala laging late na kung umuwi so Daddy. Kaya pala kahit tawagin ko sya para umuwi na para sa dinner ay laging next time nalang ang sagot nya. Kaya pala laging umiiyak si mommy sa silid nila. Kaya pala di na sinasagot ni daddy ang tawag ko. Kaya pala wala nang buhay kung gumalaw si mommy. Kaya pala, tahimik na ang dating masaya naming bahay..Anong nangyari?. Masyado ba akong nagpakasaya sa tanawin ng iba na hindi ko na namamalayan na nasisira na pala ang pamilya ko? Masyado ba akong nagpokus lang sa isang tao kahit na dapat ay sa dalawa o tatlo?. Tsk! Lalong nag-unahan ang mainit na luha saking pisngi. Dumagdag pa si Denise na pinipilit guluhin ang dating maayos na. Sumasakit talaga ang ulo ko!

"Uy gurl!. Andito ka lang pala?.." matinis na himig ni Winly ang umalingawngaw saking pandinig. Mabilis kong pinalis ang luha saka umayos ng upo. Kinuha ang panyo sa bulsa at nagpanggap na nag-iipit ng buhok. Sinuklay ko iyon gamit ang mga daliri. Eksaktong pag-akyat nya. Mapanuring mata ang agad na dumapo sakin. Sinuyod nya ng mariin ang mukha ko bago umupo sa harapang upuan. Nagdekwatro sya ng pang-babae bago binuksan ang pamaypay nya na gumawa ng ingay.

"Okay ka lang?. namumula yang mukha mo?.." heto na. Nagtataka na sa nakikita. Iniwasan ko ang mata nya kahit halata na nya yata ako.

"Umiiyak ka ba?.." tanong nya. Nilapitan na ako. Hinawakan ang kaliwang balikat ko saka niyugyog. Di ko na kasi napigilan pa ang sariling umiyak muli.

Wala eh. Wala akong makausap. At iyon ang kailangan ko ngayon. Nataon naman na di ko malapitan si Bamby. Ganun din ang kuya nya. Siguro luha na ang nagsasabing, kailangan kong sabihin sa iba para hindi ako mahirapan. "Win, ang hirap.." bigla ay bumigay na talaga ako.

Pinaharap nya ako sa kanya saka niyakap na. Doon ako humagulgol sa balikat nya. Mabuti nalang rin at walang tao sa kubo ngayon.

Kumalma ako. Sinabi sa kanya ang lahat ng bumabagabag sakin. Simula kay Lance. Sa mga paramdam nya. Kay Bamby na hindi ko naman talaga sadya husgahan sya. Kay Denise, na alam kong una palang, mali na ang sundin sya. At huli ay sa mga magulang kong, di ko alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko. Ang hirap!