Chereads / Hell's Card / Chapter 2 - Chapter 2 : Disaster

Chapter 2 - Chapter 2 : Disaster

"Maawa kayo! Please wag niyo nang ipahamak si tito!"

"MANAHIMIK KA! WALA KANG KARAPATAN UTOSAN AKO!!!"

Anong nangyayari? Bakit puro apoy at kidlat ang nakikita? Bakit? Ang mga bahay na nasusunog na, walang tigil na pag sigaw ng langit. Bakit? Anong nangyayari?

"Sir, meron pang tao sa loob ng bahay!"

"KUHANIN NIYO SIYA NGAYON DIN!"

Maya maya kinuha ako ng tatlong naka armadong mga pulis. Panay ang sigaw ko na wag nila akong hawakan, ngunit wala akong magawa. Sabay dinapa ako at pinaluhod sa harapan.

"Ha! Ito ba ang anak mo? William Astueras? Baka gusto mo naman ipakilala sakin!" tanong ng isang pulis na siguro isang pulis heneral

"WAG NA WAG MONG HAHAWAKAN ANG ANAK KO!" sigaw ni papa na halos bumubuhos na sa luha.

Bakit? Hindi ko maintindihan ang nangyayari...

Bakit halos madaming nasusunog na bahay, bakit malakas ang tunog ng kidlat na halos parang tatamaan ka, bakit parang sobrang dami ang nangyari dito sa mundo. Wala akong maintindihan! Bakit?!

Maya maya biglang dumating ang mga iba pang kapulisan at mga sundalo at tinapat ito kay papa.

"WAG! WAG NIYONG PATAYIN SI PAPA! WAG!!!" sigaw ko sa kanila na halos tumutulo na ang luha kosa emosyon.

"Paalisin mo nga itong dalawang mga hampas lupa na ito!" utos ng heneral.

Agad nila kaming pinaalis at piniwesto sa likuran.

Bakit si papa? Bakit? May ginawa ba siyang mali? Bakit? Ayoko... ayoko na mawalan ng kapamilya. Si mama, ayokong matulad ang nangyari kay mama kay papa. AYOKO!

Madaming tao ang nakatingin samin na halos parang nagtatanim ng galit sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Wala naman kaming ginawa.

"MGA TRAYDOR!"

"SINIRA MO LAHAT NG MERON KAMI!"

"MADAMI NA KAYONG NASAWI NA BUHAY!"

"DAPAT SA INYO AY MAMATAY!"

Bakit? Bakit kami lang? Wala akong maintindihan...

"Mga anak! Baka gustong niyong malaman kung bakit itong kupal na ito ay isang mala-demonyong tao" tanong ng heneral sa harapan namin habang tinatapat niya ang baril sa ulo niya.

"WAG!!!" sigaw ni Ed.

"Sir, hindi ko po alam pero bakit ganito ang nangyayari samin? Maawa kayo, wag niyong patayin si papa!" pagmamakaawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Itong taong ito? Hindi ko papatayin? IMPOSIBLE!" sigaw ng heneral.

"Alam niyo ba kung bakit nangyayari itong mga sakuna na ito? Ang tuluyang pagsunog ng wala namang rason? Mahirap na kalamidad at taghirap ng mga tao?!" pasigaw na tanong niya.

"KASI DAHIL DITO SA KUPAL NA ITO!" sabay tingin niya kay papa.

"AT ANO NAMAN ANG KINALAMAN NI TITO SA MGA PUNYETANG NANGYAYARI DITO?! DAHIL NANAMAN BA SA INYONG WALANG KWENTANG ISYU NIYO SA MGA BAHARA?! ANO BA ANG KONEKSYON NIYO DIYA?!" sigaw ni Ed.

Pagtapos ay biglang itinutok ng isang sundalo ang kanyang baril sa kanya.

Ano? Bahara? Anong baraha? Bakit baraha ang may pakana nito?

Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!! Tila hindi ka nga talaga nanonood ng balita. Sige ipapaliwanag ko sayo" sabi ng heneral sa kanya.

"Si William Astueras ay itinuring nang isang may ari na tinatawag nilang Djinn's Deck. Isa itong mga bahara na nagpatunay naging sanhi ng ating pagdudusa sa buong mundo sa loob ng isang taon. Isang taon tayo nagdusa, at isang taon din namin hinanap ang may ari nito, at mukhang nakita na namin." dagdag pa niya sabay tumingin kay papa.

Ang Djinn's Deck, ayun ba ang pinakita sakin ni papa na may siyam na baraha sa loob?

Bakit? Ano ang koneksyon nito sa nangyayari sa Pilipinas sa loob ng isang taon? Madaming tanong ang bumabagabag sa isipan ko ngayon...

Biglang lumapit sakin ang heneral dahan dahan at hinawakan niya ako sa mukha.

"Oh mahal kong anak, mukhang ang papa mo ang may sanhi nito. Di ka ba naniniwala sa nangyayari? Wala ka nang magagawa, ang papa mo ay isang KRIMINAL!" sigaw niya sa harapan ko.

"HINDI KRIMINAL ANG PAPA KO!" sigaw ko sabay dura sa kanyang mukha.

Nainis bigla siya sa akin at bigla niyang itinutok ang baril niya sa akin.

"WAG! WA-"

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Biglang lumakas ang hangin at biglang nag apoy ang bahay namin at ang kapaligiran namin.

"Itong kupal na ito, masyado nang sumusobra!" sigaw ng heneral kay papa.

At nakita ko si papa na kulay pula ang mata niya at parang masyadong maliwanag ang nasa likuran niya.

Totoo nga ba na...

Gawa ito ng isang mahika?

"Mukhang wala na akong magagawa sa hinayupak na ito." at bigla niyang binaril si papa.

"WAG!!!"

*BOOM*

Pero hindi ito natamaan dahil may pumader sa kanya na para bang bato na galing sa lupa.

Nagulat ang ibang sundalo at pulis dahil sa nangyari. Hindi din nila maintindihan ang nangyari bigla.

"ALL, FIRE!" utos ng heneral.

Bigla itong pinagbabaril si papa ngunit tila parang hindi siya tinatamaan. Nakikita kong parang pinoprotektahan siya ng isang bato. Hindi ko maintindihan.

Puro putok ng baril ang naririnig ko, at mga sigaw ng tao.

Naluluha na ako dahil mukhang kami pa ang may kasalanan na nangyari ito sa ibang tao. Sunog, pagkawala ng isang kapamilya, sakuna, hirap. Mukhang sa amin, at dahil lang sa baraha.

Hindi ko maintindihan. Hinding hindi...

"MATIGAS KANG KUPAL KA!!!" sigaw ng heneral at biglang ipinutok ang baril niya.

...

...

"Hindi..."

"PAPA!"

"TITO!"

"PA!!!"

Hindi, hindi... HINDI! Bakit? Kung dati si mama, bakit ngayon si papa. Bakit? Walang wala na ako.

Bakit ganito.

Bakit lagi nalang kami.

Bakit nabuhay pa ako.

Wala na...

Wala...

Wala na siya...

Wala na si...

Papa...

"Papa..."

"Tandaan mo anak, lagi kami nandito ni mama para sa iyo. Mahal na mahal ka namin."

"I love you anak!"

"Hindi ka namin iiwan"

"Balang araw-"

"Magiging-"

"Magician ka din-"

"Sa tamang... -"

"Panah-"...

--- (July 26, 2010 | 9:24 am)

Namulat ang mata ko galing sa lubhang nangyari kay papa. Sabi ng nurse na nagbabantay sa akin ay halos isang araw akong hindi nagising. Nahimatay daw ako noong nasa trahedya ako.

"Si papa! Nasaan si papa?!" bigla kong tanong sa nurse.

"Nak, hayaan mo na ang papa mo." sagot niya sa akin.

"ANONG HAYAAN! PAPA KO SIYA! NASAAN SIYA!" sigaw ko sa kanya.

"WAG MO KONG INISIN BATA KA! TANDAAN MO NA KAYO ANG SANHI NG NANGYAYARI DITO SA MUNDO!" sigaw na sagot niya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa damit ko.

Bigla nalang siya umalis at iniwan ang isang pagkain. Lumabas siya ng sinara niya ang pinto ng padabog.

Mukhang wala na nga siya... Mukhang hindi ko na talaga makikita ang mga magulang ko. Wala na silang lahat. Iniwan na nila ako.

Bakit napakalaking problema ba ng isang baraha sa isang tao. Bakit ba?

---

"Kamusta na ang nangyari doon kay William?" tanong ng Punong heneral ng mga sundalo.

"Na examine po namin siya na patay na." sagot ng isang sundalo sa kaniya.

"Haha. Mabuti naman" patuwa niyang sinabi.

Umiinom siya ng kape at nakaupo siya kaharap niya ang limang sundalo.

"Punong heneral, hindi po ba masyadong malalim ang ginawa natin sa kaniya?" tanong ng isa pang sundalo.

Biglang tinignan ng heneral ang sundalo ng seryosong tingin-

"Karapat-dapat lang na mamatay siya! Alam natin ang epekto ng pagka-walang hiya niya sa harap pa ng anak niya." sagot niya.

"Bakit po ba tayo naniniwala dito? Porket may nangyayari lang na hindi maganda sa Pilipinas ay sanhi na ito ng mga bar-"

"WALA AKONG PAKI ELAM! Basta totoo na gawa ito sa tinatawag na Djinn's Deck. Isa pa utos ng pinaka mataas na ranggo si Pilipinas. Kaya kailangan natin itong sundin." hindi na natapos ang sinabi ng sundali dahil biglaw itong sinigawan ng heneral.

"Bumalik na kayo doon" utos ng heneral sa mga sundalo.

---

Nasa ospital lang ako, walang ginagawa kung hindi naka upo at nakaharap sa patay na telebisyon. Wala akong ginagawa sa lahat ng oras.

Dumating kanina ang isa pang nurse na tila nakatingin sakin ng masama at sinabi sa akin na wala na ang akin ama at bigla itong umalis at sinara ang pinto padabog. Halos bumuhos ako ng luha dahil wala nang mag aalaga sa akin. Bakit parang madaming galit sa akin? Dahil ba ang tatay ko ay isang kriminal? Ako nalang ata ang bumubuhay sa sarili ko. Paano na ako? Nasaan na si Ed? Paano na ako mabubuhay? Ako nalang. Ako nalang ang magisa.

Ilang oras ako nakatulala at iniisip ko ang bawat turo, tuwa, at mga alaalang nakatatak sa isip ko habang buhay pa si papa.

"Anak, pag ikaw ay naging isang magician, magsisisi ka talaga!"

"Anak, wag mo nalang silang patulan. Hindi ikaw ang may problema, sila na yun."

"Anak tandaan mo na lagi akong nandito sa tabi mo kahit anong mangyari. Poprotektahan kita ng sobra. Wag ka mag alala, andito lang ako"

Madaming alaala ang nakatatak sa isip ko habang kapiling ko si papa. Ngayon alaala nalang iyon. Wala na, wala na siya. Madami na ang may galit sakin dahil sa ginawa naming masama. Mas okay pa siguro na mamatay ako...

Maya maya biglang dumating ang isang doctor na babae. Umupo siya sa harapan ko. Lumayo ako masyado dahil unti nalang ang tiwala ko sa tao dahil sa isyu ngayon-

"Wag ka matakot anak. Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" mahinhin na tanong niya sa akin.

Bakit ganito ang ugali niya sa akin? Diba dapat may galit siya sakin dahil nangyayari sakin ito.

"A-ako po s-s-si... Joseph"

"Anak, wag ka matakot sa akin." sabi niya sa akin.

"Hindi ako katulad ng ibang tao... Alam kong madami na ang galit sa pamilya Astueras dahil sa ginawa ng papa mo, pero hindi ako tumitingin sa kasamaan ng tao." sabay ngumiti siya sa akin.

"Kamusta ang kalagayan mo ngayon? May masakit ba? Meron bang kumikirot?" tanong niya pa.

"Okay naman p-po ako." sagot ko.

Magiging totoo ako pero napakaganda niyang doctor. Pero hindi ako ganoon nahuhulog sa mga babae dahil ang turo sakin ni papa ay wag muna tumingin o magmahal ng babae sa ganito kong edad.

"Anak, pagkalabas mo dito ay ika'y dadalhin sa Pasay Children's Home. Doon kasi nakatira ang mga ibang bata na nawalan ng magulan. Ikinakalungkot ko din na pumanaw ang iyong magulang. Pero sinisigurado ko na ligtas ka doon" sabi niya pa sa akin.

Ano? Sa walo kong edad ay kailangan pang pumuntan doon?

"Bakit po doon? H-hindi po ba baka awayin nila po ako dun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko masasagot yan anak dahil hindi ko ganon kakilala ang mga bata doon. Ngunit naninigurado ako na ligtas at hindi nila aawayin doon para sakin." sabay ngiti.

Mukhang masyado nang gumagaan ang kalooban ko dito sa doctor na ito. Akala ko noong una ay parang yung dalawang nurse lang din na napakasungit, ngunit napaka bait din pala niya.

"M-Maari ko po bang malaman ang pangalan niyo?" tanong ko na halos nahihiya pa ako.

"HAHAHAHA, wag ka na mahiya. Ako si Lilith." sagot niya sa akin.

Maya maya ay tumayo na siya at nagpaalam na sakin. Ngunit nagbitaw pa siya ng ibang salita-

"Oo nga pala. Tandaan mo ito anak."

"Ikaw na ang susunod... Paalam"

At bigla nalang ito umalis.

Ano? Ako ang susunod? Susunod na ano?

Dito talaga sa mundong ito. Wala ka talagang maintindihan...

---

"Maam, hinanap na namin ang buong kabahayan ng mga Astueras at naghukay na kami ngunit mukhang wala na ang Djinn's Deck" sagot ng isang investigator.

"Tsk! Imposible! Kitang kita natin sa mata natin ang nangyari noong gabing iyon na may halos meron siyang kapangyarihan na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao. Sanhi nga ito ng baraha ng Djinn's Deck. Hanapin niyo pa at hindi pa yun nakakalayo. NGAYON DIN!" utos niya sa kanyang investigator

"O-opo maam!" sabay ito umalis.

Maya maya dumating ang ilang mga tauhan niya-

"Maam Hanela, Isa lang ang nakita kong baraha sa Djinn's Deck, ngunit hindi naman ito ganoon kahalaga."

"Anong baraha iyan?" tanong niya.

"Mukhang ito ang light card. Nagsisimbolo ng ilaw." sagot ng isang lalaki.

Nakalagay ang baraha sa isang box na gawa sa metal at may tila parang unan na doon nakapatong ang baraha. Naka salamin pa ang harapan nito para hindi mahawakan ng iba.

"Sa tingin mo ba magagamit natin iyan? Eh wala ngang nakakaalam kung ano at para saan ang ilaw na iyan!" pagalit na sabi niya sa kaniya.

Maya maya biglang sumulpot ang isang babae na na maskara. Bigla itong hinarangan ng tauhan ni Halena at itinutok ang baril sa kaniya.

"Magpaliwanag ka! Sino ka?!" tanong ni Halena sa kaniya.

"Ako ito..."

"Si Asura na galing France..."

"Alam ko ang kahalagahan ng bawat baraha ng Djinn's Deck..." dagdag pa niya.

Nagtataka si Halena kung sino ito at naka maskara pa siya. Kaya ini-utos niya na ibaba ang baril.

"Anong ang kailangan mo at bakit layunin mo dito ang barahang ito?" pataray na tanong ni Halena.

"Maari ba kitang tulungan kung paano gamitin iyan..."

"Binibining Halena."