--- (Joseph's POV)
"Ang tamang paggamit ng barahang ito ay dapat magfocus ka at hindi ka dapat mawala sa sarili!"
Kasama ko ngayon si Ate Lilith dahil nagtetraining na kami ngayon para malaman ko na ang paggamit ng baraha.
Hindi ko inaasahan na magiging mahirap ito dahil kailangan mo talagang magfocus at magisip ng mabuti upang magawa mo ang isang trick ng baraha.
Andito kami ngayon sa likod ng bahay ni Ate Lilith, o kaya garden at dito kami nageensayo-
"Ang Hell's Card ay may tatlong trick lamang!"
"Ang unang trick ay ang wizard - sa trick na ito ay kaya mong magpalabas ng mga apoy, tubig at lupa nang hindi ka nauubusan ng mana. Ang mana naman ang siya naman parang suporta para sa trick na iyon. Pag kaunti lang ang mana mo ay kaunti lang din ang magagawa mong trick!"
Sasabihin ko ito sa inyo... wala akong interes sa mga mala-pantasyang mahika. Ang interes ko ay mahika... Pero siguro wala na akong magagaw-
"NAKIKINIG KA BA?!"
"Ay opo!"
Di ko inaasahan na mabilis pala magalit si Ate Lilith...
"Ang wizard trick ay para lang Fire, Hydro at Nature card pero pinagsama lang ito"
"Ngayon gawin mo ang wizard trick! Para magawa mo ay isipin mo lang ang apoy o kaya tubig o kaya lupa... kahit ano! Basta isipin mo ng mabuti." utos ni Ate Lilith sa akin
Nagiisip na ako ng apoy ngunit wala pa din nangyayari. Nagisip ulit ako pero wala pa din. Mukhang kailangan talaga magfocus ng maayos.
"BILISAN MO!"
Habang nagiisip ako ng apoy, instead na apoy ang naiisip ko... mismong naiisip ko ay ang nangyari sa papa ko...
"WAG... WAG MO PATAYIN SI PAPA!"
"PAPA!!!"
Hindi...
Ayoko na balikan ang nangyari...
Hindi...
Ayoko...
"AYOKOOOOOOOO!!!!"
Hanggang sa bigla sumiklab ang isang malakin apoy sa katawan ko at mukhang natamaan ko ang isang puno sa garden ni Ate Lilith-
"Di ko inaakalang magiging malakas ang aura mo sa wizard trick na ito..."
"Okay ka lang?" tanong ni Ate Lilith sa akin habang nakatitig ito sa mukha ko.
Unti unti akong namumula dahil sa itsura ni Ate Lilith. Bakit kasi napaka-ganda niyang babae. Kaso nga lang masungit...
"O-okay lang po... A-ate L-lith"
Nahalata ni Ate Lilith na parang nagluluha ako. Naisip ko nanaman kasi ang nangyari kay papa noong araw na iyon. Ayoko na balikan ang nangyari at gusto ko na kalimuta iyon.
"Wag mong isipin ang mga nakaraan mo, Joseph... Magfocus ka lang..."
"Gusto mo bang makaganti sa nangyari sa papa mo?" bigla niyang tanong sa akin.
Ako? Gaganti sa nangyari kay papa. Mukhang wala na akong magagawa... isa pa ayoko din na mahuli at mamatay tulad ni papa... Ayoko...
"Joseph. Alam kong nandiyan pa din ang lungkot at galit sa puso mo. Mahinahon ka lang dahil sa huli... Mahahanap mo ang hustisya" dagdag pa niya.
"Pero... a-ayokong gumanti. Natatakot ako... ayokong mamatay..."
"Joseph. Kung ayaw mong mamatay, uminahon ka lang at magpalakas ka. Ito na nga ang ginagawa natin eh. Magpalakas. Tandaan mo. Nandito ako para tulungan ka"
Mukhang tama si Ate Lilith. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong uminahon at magpalakas. Pero meron lang akong isang kahilingan para sa akin-
"Ate Lilith. Ayaw ko gamatin ang kapangyarihan ito para gumanti sa papa ko."
"Gagamitin ko ito para makatulong sa mga tao"
"Oo, andito pa din ang ang sakit at lungkot na nadarama ko sa nangyari kina papa. Pero ayaw kong gumanti Ate Lilith..."
"Kung ayun ang gusto mo. Okay lang. Suportado ako sa desisyon mo... Kung ayon ang gusto mo, hayaan mong tulungan kita" sagot ni Ate Lilith.
"Wag ka magaalala. Lalakasi din tayo" dagdag niya sabay ngumiti.
Tama ang sinabi ni Ate Lilith. Lalakas din ako. Kaunting tiyaga lang at makakapunta din kami sa itaas!
Dali dali kaming nagpractice ulit. Una ulit naming prinactice ay ang apoy muna. Masyado kasing mahirap kontrolin ang apoy dahil una ay madali itong kumalat at makakasira pa ito ng buhay o bagay. Kaya ayun muna ang una naming prinactice.
Nakailang ulit akong i-attempt ang apoy para mas lalo kong ma-master ang trick. Ganito pala kahirap gumamit nang Hell's Card. Siguro ganito din kahirap tulad ng mga mahikang nakikita natin sa mga show. Tama rin ang sabi ni papa na walang bagay na hindi nahahanapan ng solusyon.
Matapos ang mahigit isang oras na pageensayo ay nagawa kong ikontrol ang apoy gamit lang kamay ko lamang. Namangha si Ate Lilith at ibang mga guwardiyang nanonood akong magensayo. Hindi ko din alam kung paano ko nagawa iyon-
"Kamangha mangha! Mukhang makakaya mo nang kontrolin ang ganitong trick!" sabi ni Ate Lilith
Mas lalo akong na motivate na matuto pa gamitin ang Hell's Card. Gusto ko pa malaman ang iba pang trick upang mas lalo kong ma perfect at magamit din ng maayos.
"Ate Lilith! Gusto ko pang mag practice! Gusto ko pang matuto ng ibang tricks!" sabi ko sa kanya.
"S-sigurado ka ba? Baka mapagod ka at baka mawalan ka din ng mana. Napakabata mo pa kaya asahan mong unti pa lang ang mana mo" sagot ni Ate Lilith
"Okay lang po! Edi turuan niyo po ako kung ano ang tamang paggamit ng mana!"
"Kung gayon... sige"
Bigla kong niyakap si Ate Lilith. Buti nalang merong isang tao na kahit anong mangyari ay hindi ako iiwanan. Andiyan para tulungan ako. Para ko na rin siyang nanay para sa akin.
Pero nahalata ko lang na para siyang hindi ganoon katanda...
Para lang siyang estudyante sa college...
Maya maya ay nagensayo na kami at nagsabi nang ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa mana at sa mga tricks-
"Ang mana talaga ay wala at hindi mo makikita sa loob ng katawan mo. Ang mana ay nakalagay yan sa spirit mo at sa spirit ng barahang nais mong gamitin. Kung malakas ang nais look mong pwersa sa barahang iyon, malakas din ang kukuhanin mana sayo. Pag naubusan ka ng mana, posibleng mahilo ka o kaya mahimatay. At pwede din mamatay ka"
"Kaya dapat marunong kang magbalanse ng mana sa tuwing gagamit ka ng isang trick!"
"Ngayon. Tuturuan kita ng Voodoo Trick. Isa din sa mga trick ng Hell's Card. Ang Voodoo trick ay nagcoconsume ng mana sayo kaya ito ang kailangan mong e-ensayo"
"Sa Voodoo trick, kaya mo naman kontrolin ang mga tao ngunit may limitasyon. Sa pagkontrol, maari mo lang siyang saktan ng hindi mo siya nagagalaw, tulad ng biglang paginit ng kanyang katawan, pagginaw o kaya pagsakit ng ibang parte ng katawan. Isa pa ay kaya mo siyang paggalawin tulad nang palakadin mo siya papunta sayo o kaya paggalawin ang kanyang mga braso. Ngunit ang trick na ito ay malakas magconsume ng mana."
"Ngayon, ang utos ko sayo ay paggalawin mo yang guard na nasa likod mo!"
Biglang nagulat ang guard at bigla itong nanginig sa kaba-
"B-bakit po ako M-miss Lilith?!"
"Sumunod ka!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAH" biglang napasigaw ang guard nang wala naman atang nangyari.
"Nakita mo ang ginawa ko, Joseph? Meron din akong mahika na kaya kong kontrolin ang mga tao ngunit kaya ko lamang silang saktan"
Nagtaka ako kung paano niya nagawa iyon. Wala naman siyang baraha o kaya mahika-
"Ngayon, paggalawin mo siya. Palapitin mo siya sa iyo" utos niya sa akin.
Nagfocus ako ng maayos at tinignan ko ang guard ng mabuti. Nagfocus lang ako na Nagfocus hanggang sa biglang parang lumiwanag ang katawan niya at unti-unting lumalapit sa akin ng deretso.
Ngunit maya maya para bang ako nahihilo at bigla akong nadapa at nawalan ng kontrol sa guard. Dali dali naman tumakbo si Ate Lilith sa akin at-
"Okay ka lang?!"
"O-opo Ate Lilith..."
"Ayan ang sanhi ng pagkakunti ng mana. Di ko inaakala na ganoon ka kabilis mawalan ng mana."
"Tara muna at magpahinga tayo. Magtatanghali na din. Maghanda tayo para sa tanghalian"
Agad naman akong binuhat ni Ate Lilith papasok sa mansion niya. Bakit napaka-kind niya sa akin. Siguro nga para ko na talaga siyang nanay.
Para din siyang si mama. Lagi niya akong binubuhat tuwing nadadapa ako o kaya natutulog ako sa sofa at hindi sa higaan.
Maya maya kumain na kami nina Ate Lilith at katabi ko siya sa table. Ang ulam namin ay adobong manok. Napakasarap pala magluto ni Ate Lilith!
Habang kumakain kami ay biglang bumabag sa isip ko doon sa nangyari kay papa. Kung si Ate Lilith ang tagapagtanggol ng mga magiging hari ng impyerno, bakit naging ganoon si papa-
"Ate Lilith... pwede ba magtanong?... tungkol kasi ito kay papa"
"Sige. Ano ba ang tanong mo?"
"Diba po ikaw po ang tagapagtanggol sa mga magiging hari o hari ng impyerno? Naging tagapagtanggol din po ba kayo ni papa?"
Napatigil si Ate Lilith sa pag kain niya at napasandal sa upuan.
"Ahh... Okay lang po Ate Lilith! Pasensya na po..." bigla kong sabi.
"Ano ka ba Joseph. Okay lang, AHAHAHAHAHA" sabay tumawa ito.
"Pinagtanggol ko ang papa mo. Ngunit sa kasamaang palad ay ayaw niyang gamitin at matuto ang barahang Hell's Card. Dahil daw siguro dahil baka hindi niya kayang kontrolin at baka mapahamak ka. Mas gugustuhin niyang matuto nalang ng ibang baraha sa Djinn's Deck kaysa sa Hell's Card."
"Una kaming nagkita ng papa mo sa isang magic show sa isang bar. Nang magkita kami ay una ay sinabi ko na siya na ang hari ng impyerno, tulad din nang sinabi ko sayo noong una. Sinabi ko ang patakaran sa pagiging hari at ang mga bawal gawin. Ngunit nang malaman ko na bigla niya itong nabawi, wala akong nagawa... "
"Tinatawag akong the Server of the King o mas tinatawag natin ngayong tagapagtanggol. Ang gawain ko lamang ay turuan, gabayan at protektahan ang Hell's King. Wala nang iba. Hindi ako pwedeng tumutol sa mga patakaran ng hari. Kung hindi niya nasunod ang patakaran, hindi ako pwedeng makielam... "
Bigla napaluha ng unti unti si Ate Lilith...
"Pasensya Joseph kung hindi ko nagawa ang tungkulin ko... kung pwede ko lang tulungan ang papa mo..."
Sabay ko siyang niyakap ng mahigpit at pinatahan ko. Pinanusan ko ang luha niya gamit ang towel na dala ko-
"Ate Lilith, okay lang po iyon. Wala naman po kayong kasalanan eh. Sa totoo nga po ay dapat ako ang nagsosorry sa inyo. Kasi kahit mahina ako, makulit at bata na walang magulang, andiyan pa rin po kayo sa tabi ko." sabi ko sa kanya.
Sabay niyakap na rin niya ako at sinabing-
"Joseph... gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita. Pangako ko yan"
--- (Halena's POV)
Andito ako ngayon sa Pasay Children's Center para kuhanin at ma-adopt ko na yung pinareserve ni Prof. Dean sa akin.
Muli akong nagpapasalamat kay Prof. Dean dahil siguro ginawa niya ang best niya para hanapan ako nang maituturing kong kapatid.
Maya maya nakita ko na si Fiona. Siya daw ang nagbabantay sa bata sabi ni Prof. Dean.
"Maligayang pagdating! Ano po ang kailangan niyo?" tanong ni Fiona sa akin.
"Ako po pala si Halena Madrigal. Andito po ako para kuhanin ang pina-reserve ni Prof. Dean Buenafuerte" sabay kong ibinigay ang papel na ibinigay sa akin ni Prof. Dean.
"Ay kayo po ang kukuha? Sige po wait lang ah"
Pagdating ng ilang minuto ay dumating ulit si Fiona kasama niya ang batang babae. Siya siguro ang babaeng nakapangalan sa papeles.
Bigla ko naman nilapitan yung bata at itinanong ko ang ngalan niya.
"Hello pooo! Ano po ang pangalan mo?"
"S-seraph p-po..."
"S-seraph Viola"
"Pagpasensyahan mo na po siya. Masyado po siyang maemosyon ngayon... nawawala kasi yung kaibigan niya kahapon."
"Ahh kaya pala... Sige po"
Sabay kong inalayan ang bata papunta sa kotche at ihatid na sa bahay. Pinayagan naman akong umuwi ni Prof. Dean kaya makakasama ko na yung bata.
Napansin ko na mukha siyang foreigner. Kulay dilaw ang buhok niya at napakacute niya. Nakaka sad lang dahil sabi nga ay nawala ang kaibigan niya dito sa center na ito.
Pagtapos ay sumakay na kami at bumiyahe na kami papunta sa bahay namin. Katabi ko siya ngayon sa front seat at mukhang natatakot pa din siya sakin.
"Seraph? Hindi ba?" tanong ko sa kanya habang nagda-drive ako.
"O-opo"
"Ayos ka lang ba? Mukhang takot na takot ka ah. Wag ka magalala. Hindi naman ako magnanakaw o maya mamamatay tao." sabi ko naman sa kanya.
"Sino pala yung nawala mong kaibigan? Baka pwede mo naman sabihin?"
"B-baka tawagin niyo p-po siyang... kriminal..." bigla nitong sabi.
Kriminal? Ano ang ibig niyang sabihin? Siguro-
"K-kung hindi ako nagkakamali... si Joseph Astueras?"
"Opo..."
"Hays. Di ko nga din alam ang nangyayari sa mga tao dito. Pati bata nadamay din sa nangyari..." sabi ko-
Totoo naman na bakit nadamay ang bata sa nangyari? Naririnig ko sa ibang tao na tinatawag siyang kriminal dahil ang magulang niya na naging sanhi ng sakuna ay kriminal. Ewan ko kung bakit ganoon...
"Hayaan mo... Hahanapin natin siya!" cheer up ko sa kanya para naman matanggal ang lungkot niya.
Sa totoo lang...
Gusto ko din makilala ang lalaking iyon.